Chapter One
Naikuyom ni Elijah ang kaniyang kamao dahil sa kaniyang nabasang nakasaad sa last will and testaments ng kaniyang ama.
Gusto siya nitong maikasal bago niya makuha ang mana na iniwan sa kaniya. Ang mga ari-arian ng Feister. Nag-iisang anak si Elijah at walang ibang magmamana sa kanilang kayaman kun 'di siya lang. Pero nakasaad sa kasulatan ng kaniyang ama,
Kailangan niya muna magpakasal bago mapunta sa kaniya ang lahat ng ari-arian.
Kung hindi siya magpapakasal sa loob ng isang linggo.
Tuluyan na ibibigay ang lahat ng kayamanan ng kaniyang ama sa charity foundation.
At tuluyan na siyang walang makukuha kahit na peso.
Saan ako kukuha ng babaeng mapapangasawa?
May mga babae ako, pero hindi ako magpapakasal sa kanila. Wala pa sa isip ko ang magpakasal.
Hindi ko itatali ang sarili ko sa babaeng hindi pa naman ako sigurado.
Fvck!
Isang linggo lang ang palugit after mawala ng kaniyang ama. Kailangan maikasal na siya.
Napagdesisyunan niyang simula ngayon kailangan niya na maghanap ng babaeng mapapakasalan.
Hindi mangyayaring magkagusto o madevelop siya sa babaeng pakakasalan niya, kaya napag-isip-isip niyang humanap ng panget para pakasalan ito.
Magbabayad siya kahit pa magkano, makuha niya lang ang kayamanan na para talaga sa kaniya.
"Atty. Meron pa bang ibang pwede gawin para makuha ang kayamanan na para sa 'kin?" tanong niya sa atty.
"Yes"
"What is it?" parang nabuhayan naman siya ng dugo.
"Magpakasal ka." sagot ni Atty. sabay tawa nito.
Napatayo siya sa kinauupuan niya, napasabunot sa kaniyang buhok.
"Fvck! Atty! Ginagago mo ba ako? 'Yun lang din yung sinabi mo eh!"
Mas lalong natawa ang Atty. sa kaniyang reactions.
"Dahil wala kang choice Mr. Feister kun 'di pakasalan ang babaeng mahal mo," natatawang sabi ng Atty. sa kaniya.
Umupo siyang muli at muli ay nag-isip. Sumasakit ang ulo niya kakaisip.
"Wala pa akong babaeng gustong pakasalan." tanging sambit niya. "At ayokong mainlove, ayokong magkaproblema pagdating ng panahon," he said.
Takot siyang magmahal. It's because of his EX. Minsan na siyang naloko dahil gusto lang ng dating girlfriend niya ay ang kayamanan na makukuha niya sa kaniyang ama.
"Bakit hindi ka humanap ng pangit at ibigin mo ng tunay," tumatawang sabi ng Atty.
Bigla siyang natigilan at nag-isip ng ilang segundo.
"Yes, you have a point. Pangit pero hindi ko iibigin ng tunay, for god sake!" Salubong ang kilay niya na hinarap ang Atty. Wala siyang ibang narinig kun 'di ang tawa ni Atty.
Buo na ang kaniyang desisyon. Magpapakasal lang siya kapag nakahanap siya ng pangit na babae, yung hindi papasa sa kaniyang taste. Yung babaeng hinding-hindi niya magugustuhan.
Kapag ganun, mas madali sa kaniya ang lahat, hindi siya mahihirapan na makipag-divorce dahil hindi naman niya ito magugustuhan.
Magbabayad na lang siya ng malaki.
Fvck! Kahit hindi na ako magbayad
Sino ba makakatanggi sa akin? Nasa akin na ang lahat.
Isang sexy, maganda at siyempre mayaman. Iyon ang ideal girl niya, but for now, iisipin muna niya ang kayamanan na kailangan niyang makuha. After that, puwede na niyang e - divorce ang babaeng pangit na pinakasalan niya. Iyon ang kaniyang plano.
"What?" malakas na bulalas ang sumalubong sa kaniya. Mula sa kausap niya sa cellphone. Palabas siya sa kumpanya. Si Kysler ang kaniyang bestfriend.
"Are you crazy man? Naghahanap ka ng panget na babae para pakasalan. I'll think you're crazy! Bakit pangit pa kung puwede naman maganda. I don't get it," naguguluhang sabi ni Kysler.
"I'm dead serious, you f*****g asshole! Huwag mo akong sigawan! Just for the wealth, I will do that kind of stupidity." He was about to get into his car.
Naisipan niya kasing umuwi muna. Dadaan na rin siya sa bar. Niyaya niya lang si Kysler. Pagkatapos nilang mag-bar ay tutuloy na sila sa kasal ni Vander.
Pero hindi raw makakasama si Kysler dahil may atendahan itong kaso. Kung bakit kasi nakikipag-agawan pa ito sa ina ng anak nito?
Saan naman kaya siya makakahanap ng panget na babae? Iyon ang nasa kaniyang isip ng mga sandaling nagmamaneho siya.
Nakarinig siya nang kung anong ingay sa backseat. Nilingon niya ito. Ganun na lang ang kaniyang gulat nang masilayan ang isang babaeng nakasuot ng wedding gown while yawning.
Nai-park niya bigla ang kaniyang kotse.
Seriously? How did this woman get into his car?
Humihikab itong napatingin sa kaniya. Gulat na gulat nang makita siya.
Pinasada ang paningin nito sa kaniyang kotse.
Bago tuluyang nagtago sa ilalim ng upuan ng kaniyang kotse.
"What the f**k! Who are you?" galit niyang tanong dito.
Unti-unti naman itong lumabas sa pinagtaguan.
Ngumiti ito sa kaniya "Hi!" bati nito sa kaniya with a smile.
Suddenly his eyebrow meet. Hindi niya pinansin ang babaeng nakasuot ng wedding gown. Lumabas siya at nagtungo sa back seat para palabasin ang babaeng nasa loob ng kaniyang kotse.
"Get out!" pagtabuyan niya dito.
"Teka lang naman!" angal nito.
"I said! Get out! You're wearing a wedding gown but you are here in my car! You should be at church now and exchanging I do to your boyfriend!" He opened his car wide.
The girl pouted.
Dahan-dahang inilapag ang mga paang walang suot na kahit na ano sa mga paa. semento ang nakinabang sa makinis na paa ng babae.
"Ang sungit mo! Nakisakay lang naman sa magara mong kotse, wala kasi akong pamasahe, kaya sorry uh!" Hinaplos pa nito ang kaniyang Lamborghini car.
Mas lalong kumunot ang kaniyang noo.
Isang babaeng maganda ang nasa kaniyang harapan. Nakasuot ng wedding gown. Pero walang suot na kahit na ano sa paa.
Pinasadahan niya muna ito ng tingin bago tuluyang pabalang na isinarado ang kaniyang kotse.
"Here." Iniabot niya dito ang cash.
"This is your fare. Take it and go back to church where you came from, before I report you to the police and put you to sleep in jail!" hindi na niya hinintay pa ang sagot nito. Tuluyan na siyang pumasok sa kaniyang kotse.
Hindi niya inaasahang pupukpukin ng babae ang bintana ng kaniyang sasakyan. Ibinaba niya ang kaniyang tinted window.
"Now, what?" pinanlisikan niya ito ng tingin.
"Is that still not enough? You need more?" Umiling-iling niyang tanong dito.
Mas lalong kumunot ang kaniyang noo nang nameywang ito sa kaniyang harapan.
"Alam mo, ikaw?! Mayabang ka eh! Porke't gwapo ka! Ganyan ka na kung umasta! Eh, kung sirain ko kaya itong sasakyan mo at 'yang pagmumukha mo, huh? At ipagawa mo ng magandang ugali itong binigay mong pera sa akin?" pagtataray nito sa kaniya. He finds it sexy and cute.
Napailing-iling siya sa inasta nito sa kaniya. Hindi man lang natakot sa kaniya. Ibang babae, tingin pa lang niya yuyuko na ang mga ito para galangin siya. Pero itong nasa kaniyang harapan. Hindi man lang ata natakot ni katiting sa sinabi niya.
Sa dami-daming sasakyang naka - park bakit sa kotse pa niya pumasok ang babaeng nakasuot ng wedding gown.
That's weird.
Umiling-iling siyang muli. Binuhay ang makina. Hindi na niya pinansin ang babaeng nag aalburuto sa kaniyang harapan.
Agad niyang pinaharurot ang kotse.