Lailani Nang makalabas sa restroom. Lumapit ako sa table ni Elijah Feister para kumuha ng tissue. Pinunasan ko ang aking labi. Tsaka ko lang na-realize na nakatingin pala siya sa 'kin. Parang kinakabisado ang galaw ko. "What did you eat and why did you vomit?" tsismoso niyang tanong. Kalalaking tao tsismoso. Ano bang pakialam niya? Close ba kami? "Hindi tayo close para sabihin ko sa 'yo, oo nga pala, salamat sa banyo at salamat na rin sa tissue. Aalis na ako!" paalam ko sa kaniya at tumalikod. Natigilan ako ng higitin niya ang braso ko at iniharap sa kaniya. Umigting ang kaniyang panga. Tinitigan niya rin ako na parang meron akong atraso sa kaniya. "Bitawan mo nga ako!" winakli ko ang kamay niya pero hindi niya pa rin binitawan ang braso ko. "Tell me, are you pregnant?" ano bang p