CHAPTER 7- NEW LIFE

2548 Words
Lailani's POV TINITITIGAN ko ang sarili ko sa salamin. Magpapaalam na ako sa sarili ko dahil araw-araw ko ng suot ang disguise ko. Hindi pwedeng tanggalin dahil makikilala ako ni Vander. Lalo pa at magkaibigan si Vander at ang lalaking pakakasalan ko ngayon. Hindi nga ako nagpakasal kay Vander, napunta naman ako sa kaibigan niya na mas malala pa yata ang sayad ng ulo. Si Emma na ang nag-ayos sa akin. As usual mas lalo pa yata niya akong pinapangit. Nang malaman niyang ako ang napili ni Elijah Feister na pakasalan. Masayang masaya siya na halos tumalon na at sumigaw sigaw dahil lang magpapakasal ako kay Elijah Feister. Kung alam niya lang isang bangungot ito para sa akin. Gigising ako sa umagang meron ng asawa. Nabayaran ko na rin ang kalahating bills sa hospital ni Mama. Si Papa, mapapalabas ko rin siya kapag natapos na ang pagpapapanggap ko na ito. "Tapos na ba?" sigaw ng isang bakla sa pintuan kung saan inaayusan ako ng bestfriend kong si Emma. "Ay! Ano ba yan! Bakit sa halip na gumanda, mas lalo lang pumangit. Ako nga ang mag-aayos sa kaniya!" presenta ng bakla at pinatabi si Emma. "Hindi pwede!" kaagad na tutol ko. Kapag siya ang nag-ayos sa akin baka mabura pa niya ang ayos ni Emma sa 'kin. Makikita niya ang totoong ako. Sinadya nga namin na papangitin ako. "Ay! Bakit naman? Ayaw mo bang gumanda? Hindi naman marunong 'yang kaibigan mo. Sa tingin ko naman may tinatago kang ganda. Bakit kasi ayaw mong tanggalin 'yang wig mo. 'yang retainer sa ngipin mo. At 'yang makapal mong kilay. Hmm...I smell something fishy huh!" nakapameywang nitong sabi at tinitigan ako. Mukhang mabubuking kami ng baklang 'to. "Nasanay kasi ako at tsaka...may sumpa kapag tinanggal itong wig ko. Makakalbo ang makakakita sa totoong buhok ko." loko ko at pagsisinungaling dito. Biglang napaatras ang bakla. "Weh?" paatras niyang sabi. "Paano kapag nagchurbahan kayo ng asawa mo tapos biglang natanggal 'yang wig mo. Ibig sabihin makakalbo ang asawa mo? Ay! Napakaguwapo pa naman ni Mr. Feister. Sayang naman kung makakalbo lang!" tili pa niya. Gusto kong matawa dahil mukhang napaniwala ko naman ito. "Hay naku! Bilisan niyo na nga diyan! Ayaw kong makalbo noh! Makaalis na nga, pinahaba ko pa naman itong buhok ko tapos makakalbo lang. Hay naku! Bahala na nga kayo diyan! Stress niyo ang bulbol ko." Kekembot-kembot na naglakad ito palapit sa may pinto. Kami naman ni Emma ay hindi na natigil ang pagtawa dahil sa reaksyon ng bakla sa kasinungalingan na sinabi ko. "Basta, sissy, ha! 'Wag mo 'ko kalimutan ha? Tawagan mo 'ko kapag may problema. Ang daya mo naman kasi eh! Ako itong nag-effort at ikaw itong walang ka-effort-effort ikaw pa ang napili na pakasalan ni Mr. Feister. Tse!" Tulak niya sa akin. Nagtawanan na naman kami. "Siyempre mawawala ka ba naman. Ikaw kaya ang mag-aayos sa akin sa araw-araw. Hayaan mo ipagpaalam kita kay hukluban. Baka sakaling pumayag siya na doon ka na rin tumira." sabi ko sa kaniya. Nagliwanag bigla ang kaniyang mukha. "Talaga, sissy?" halos maglundag-lundag sa tuwa si Emma. Tumalon- talon pa. Tumango na lamang ako. "T-teka, hukluban? Sino yun?" hindi pala niya na-gets. "Sino pa ba 'e di si Elijah Feister, hukluban ang tawag ko sa kaniya." at nagtawanan na naman kami. SA JUDGE kami ikakasal ni Elijah at hanggang ngayon wala pa siya. Si Atty lang ang nandito at ang mga alipores ni hukluban pero yung taong ikakasal wala pa rin hanggang ngayon. "Hindi kaya na-realize ni Elijah na ako talaga ang pakakasalan niya at hindi ikaw?" bulong bigla sa akin ni Emma. Tinulak ko naman ang noo nito gamit ang hintuturo ko. "Ipapaubaya ko na siya sa 'yo. Kung hindi ko lang kailangan 'to. Hindi ko 'to gagawin." sabi ko sa kaniya. "Peace sissy, nagbibiro lang ako." Pareho kaming napatingin sa pinto ng bumukas ito. Isang napaka-guwapong nilalang ang pumasok mula dito. Soon to be my husband. Walang iba kun 'di si Elijah. "Am I late?" Lumapit siya sa amin. Tila namumula ang mata at medyo zigzag ang lakad. 'Wag niya sabihing nag-inom muna siya bago pumunta dito? Nang makalapit sa akin. Tinitigan niya ako, mula ulo hanggang paa. "Oh, my bride is already here. Akalain mong malayong malayo sa taste ko. Pero pwede ng pagtiyagaan." sinamaan ko siya ng tingin. Siya ang may gusto nito at siya ang pumili sa akin. Hindi ko siya pinilit na ako ang pakasalan niya. Gago pala 'to. "Why instead of being beautiful, bakit mas lalo ka pang pumangit?" namumungay na mga mata na sabi niya sa akin. Sinadya namin 'to, huwag kang ano, huklubang butiki. "Mr. Feister!" biglang saway sa kaniya ni atty. "Gusto mo bang matuloy ang kasal na ito o ititigil na lang natin? Alalahanin mo, hanggang bukas na lang ay mawawalan ka na ng mamanahin." bulong ni atty kay hukluban. Bulong nga pero narinig ko naman. Kaya siya magpapakasal dahil lang sa kayamanan? "Ofcourse, itutuloy ko 'to." at tuluyan na siyang lumapit sa akin. Nabigla pa ako nang hawakan niya ang kamay ko. Pareho na kaming nakaharap sa magkakasal sa amin. Amoy ko ang alak na ininom niya. Nanunuot sa ilong ko naman ang pabango niya. "Huwag mo muna akong pagnasahan. Ikakasal pa lang tayo." natigilan ako sa binulong niya sa akin. Napalunok ako ng laway at umayos ng tayo. Inayos ko rin ang wig ko. Mukhang bibigay na naman. Inayos ba ni Emma 'to? Baka mamaya ay liparin na naman 'to. Hindi ko na naririnig ang mga sinabi ng judge sa harapan ko dahil sa kakaibang dagundong ng dibdib ko. Bakit ang lakas at ang bilis ng t***k nito? Bumaba ang tingin ko sa kamay namin ni Elijah na magka-entertwined. Napalunok muli ako hanggang sa umakyat sa kaniyang leeg ang mga tingin ko. Dumapo pa sa adams apple nito. Bigla niya akong siniko. "I know you're staring at me. Focus sa harapan. Don't stare at me." pasimpleng bulong niya sa akin. Tumikhim ako. Tapos na pala ang judge sa pagsasalita at ngayon ay isusuot na namin ang singsing. Ibinigay ni atty ang box at binuksan iyon ni Elijah. Parang tinatamad na kinuha iyon at walang kalutay-lutay na isinuot sa akin. Hindi ba dapat may speech pa siya para sa akin? Pero hayaan mo na, hindi naman 'to totoo. Contract lang naman 'to. Hindi naman talaga kami totoong nagmamahalan para may sasabihin pa sa isa't isa. "You may now kiss the bride!" anunsyo ng judge. Nanlaki ang mga mata ko sabay ng paglunok ko. Bakit hindi ko naisip 'to? May halikan palang nagaganap kapag kinakasal. Ilang minuto pa akong tinitigan ni hukluban. Ano kaya ang iniisip nito? "Mr. Feister, kiss your wife." muli ay sabi ng judge. Ano pa tinitingin - tingin mo? Halikan mo na ako para matapos na ito. Sa isip isip ko habang tinitingnan siya ng masama. "Sissy!" biglang sigaw ni Emma. Mag-thumbs up lang pala sa akin, sisigaw-sigaw pa. Gusto pa yata idamay ang mga tao rito sa pagkabingi ko dahil sa kaniya. Dahil naiinip na ako, ako na ang humawak sa kaniyang mukha. Nabigla siya sa ginawa ko. "Hahalikan mo lang naman ako bakit mo pa pinapatagal?" sabi ko sa kaniya at inilapit ko ang aking mukha para halikan siya sa labi. Nabigla siya sa ginawa ko. Hindi niya siguro inaasahan na magagawa ko 'yon. Hindi naman matagal. Smack lang. Parang nandidiri na pasimpleng nagpunas ng labi. Magpasalamat ka at hindi ko pwedeng tanggalin itong disguise ko. Kapag nagkataon baka natulala ka na sa ganda ko. Natapos din ang seremonya. Kasama pa rin namin si atty. Sa mansiyon na raw ako tutuloy kasama ang lalaking pinakasalan ko. Paano kaya ang araw-araw ko kasama ang lalaking ito? Niyakap ko si Emma pagkatapos. "I will miss you, sissy," naiiyak na sbai sa akin ni Emma habang magkayakap kaming dalawa. Itinulak ko siya. "Ang o.a mo, nasa kabilang baryo lang ako. Hindi naman ako pupuntang sa ibang bansa para ma miss mo ako." Bigla siyang natawa. "Ipagpapaalam mo na ba ako?" Oo nga pala, nakalimutan kong ipagpapaalam ko siya na kung pwede do'n na rin siya tumira. "Bukas na." sabi ko sa kaniya. "Hinay-hinay sa honeymoon niyo ah!" asar niya. "Sira! Walang honeymoon. Hindi naman kami nagmamahalan dalawa." Makahulugang tingin ang ipinukol sa akin ni Emma. Kasama na ang pang-aasar sa akin. Nagpaalam na rin kami sa isa't-isa. Hanggang sa sasakyan kasama namin si atty. Meron daw siyang hinanda para sa amin. Siya ang nag-ayos ng lahat. Sa judge at maging ang handa sa mansiyon. "Sinabi ko na sa iyo, na wala ng ganito, 'di ba, atty?" Nakataas ang kilay na sabi ni hukluban habang nakatanaw sa labas. Hukluban na nga, ang dami pang sinasabi. Buti nga tinulungan ka pa eh! Samantalang ikaw nagpapakasasa lang sa alak. Sa isip-isip ko na naman. "Hayaan mo na lang Mr. Feister. Para naman maging makakatohanan ang kasal niyong dalawa. Ako yung inatasan ng ama mo sa lahat pero ako rin pala ang kukunsinti sa kalokohan mo. Akalain mong kinunsinti ko ang pagpapakasal mo sa babaeng hindi mo naman mahal." Biglang natawa si atty. Nakikinig lang ako sa kanilang usapan. Ano nga kaya ang dahilan? Bakit kailangang magpakasal ng hukluban na ito? Bakit hindi na lang ang mahal niya ang pinakasalan niya? Sira ulo. Namangha ako pagdating namin sa mala-palasyong bahay na bumungad sa aking harapan nang makalabas sa sasakyan. Isang fountain ang bumungad sa akin bago tuluyang makapasok sa mansion na ito. Balita ko nag-iisang anak lang si Elijah. Ibig sabihin sa kaniya lang ang lahat ng mga ito. "Ano pa ang tinitingin-tingin mo?" dinaanan niya lamang ako at nauna na naglakad papasok sa mansion kasama si atty. Habang ako manghang mangha pa. Royal blood pala ang kanilang barkadahan. Ganito rin naman kayaman si Vander ang pagkakaalam ko. "Hindi ka pa ba susunod rito?" tumigil sa paglalakad si hukluban at humarap sa akin. Pinapasunod niya na ako. Kunit na kunit na ang noo sa inis siguro dahil ang bagal ko maglakad. "O-okay, I'm coming!" sigaw ko. Hinawakan ko ang laylayan ng gown ko. Dahil tumakbo na ako para maabutan ko sila. Ang haba kaya ng gown ko, siya kaya ang maglakad gamit itong suot ko. Sa wakas naabutan ko rin sila at magkasabay na kaming naglalakad papasok sa mansion. Manghang-mangha pa rin ako. Dito na ba talaga ako titira? Kasama ang lalaking ito? Pagpasok naman namin sa loob. Sinalubong kami ng mga iilang maids. Isa-isa silang yumuko. "Welcome, ma'am! Congratulations po sa inyong dalawa!" bati nilang lahat sa amin. Napangiti ako. Hindi man lang ngumiti si Elijah. Napakasungit, dinaig pa yata ang babaeng may kabuwanan sa kasungitan. Habang ang iba naman ay titig na titig sa akin. Siguro nagtataka sila kung bakit ako yung pinakasalan ng kanilang amo. Dahil kahit ako ay nagtataka rin. Pagpasok na rin namin ay may naghihintay na malaking mesa puno ng mga iba't ibang pagkain. "Atty, ano ito?" Nagtatakang tanong ni Elijah. "Inutusan ko silang mag-ayos at magluto ng maraming pagkain at iba't ibang putahe para kahit papaano ay maging makatotohanan naman ang pagpapakasal mo." sagot naman ni atty. Bakit hindi ba makatotohanan ang kasal namin? "Tsk!" parang naiinis pa na komento ni Elijah. Napaka killjoy naman ng hukluban na ito, sa isip isip ko. Hindi man lang natuwa kun 'di dinaanan lang niya ito at umakyat na. Bahala siya kung ayaw niyang kumain basta ako gutom na gutom na at hindi ko mapapalampas 'to. "Atty, pwede na bang umupo?" hindi na nahiya at hindi pa man nakasagot si atty ay umupo na ako. Tawa lang ang sagot ni Atty. at umupo na rin ito. Kaming dalawa lang ang magkaharap at laman ng mesang napakalaki. Sobrang dami kong nakain. Nagpahinga muna ako sa napakalaking sala. Si Atty, ay nakauwi na rin. Ano na lang ang gagawin ko? Saan ako matutulog? "Ma'am!" tawag sa akin ng isang maid. Napalingon ako rito. "Halika na po, ihahatid ko na kayo sa kwarto niyo ni senyorito." sabi nito. Tumayo ako pero ano daw? Kwarto namin ni? "A-anong sabi mo?" muli ay pagtatanong ko baka nabingi lang ako. "Sa kwarto niyo po ni senyorito." hindi nga ako nabibingi. Tama ang narinig ko. Kwarto namin ng kanilang senyorito. Sino pa ba? E 'di si hukluban na masungit. Sumasayad ang nguso sa kisame. Parang butiki. "Nagkakamali po yata kayo. Hindi naman kami magkasama sa iisang kwarto ng senyorito niyo." nakangiwing sabi ko. Siguro sira na ang ayos ko. "Yon po kasi ang bilin ni atty. sa amin. Nakasarado po lahat ng kwarto dito sa mansion at kwarto lang namin na mga maid at kwarto niyo ni senyorito ang nakabukas." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano 'to? Plano ni atty? Alam kaya ito ni hukluban? "Tara na po. Baka hinihintay na kayo ni senyorito." sabi nito at sumama na nga ako sa kaniya patungo sa kwarto ng masungit nilang amo. Nasa pintuan na kami at kakatok na ng maramdaman kong sumakit ang tiyan ko. Napahawak ako sa tiyan ko, napautot na nga ako. Nagkatinginan kaming dalawa ng maid na kasama ko. Napangiwi ako. Biglang nagtakip ng ilong ang maid na kasama ko. P*ste! Nakakahiya 'to. Sobrang dami yata ng nakain ko kanina. Nakangiwi pa rin ako. Ang sarap na ilabas. Sobrang sakit na kasi ng tiyan ko. "Pasensya na kayo, Ma'am ah, mukhang umutot na naman si catcat." sabi ng maid at yumuko ito. Pagtingin ko naroon ang pusa. Binubuhat niya na. Napapikit ako at napangiwi. Mabuti na lang at merong pusa. Save by you, mingming. Nagpipigil na talaga ako. Kailangan ko ng ilabas 'to. Nagsimula ng kumatok ng pinto ang maid. Hinihintay niyang sumagot si Elijah pero walang sumasagot mula sa loob. Tuluyan niya ng binuksan iyon at wala namang tao. Narinig ko ang lagaslas ng shower sa banyo. s**t! Nasa banyo pa nga si hukluban. Paano na? Napapikit na ako. Impit na hinahawakan ko ang aking tiyan. Sobrang sakit na. "W-wala bang ibang banyo rito?" nakangiwi na tanong ko dito. Umiling-iling ang maid. "Nasa ibaba pa po iyon, ma'am bakit po?" "Kailangan ko ng mag-banyo, please!" hindi ko na napigilan pa kahit nakakahiya ay tinungo ko ang banyo at doon ginulo si Elijah na nasa loob. Kinatok ko ng sunod-sunod ang pintuan ng banyo. "M-ma'am, sa ibaba na lang po, ma'am. Meron naman po doon." sabi ng maid. Pero hindi ko na kaya pa maglakad kaya kinatok ko ng kinatok ang pintuan ng banyo na kinaroroonan ni Elijah. "What the fvck! Ano ba?" sigaw ni Elijah sa loob. "Tapos ka na ba?" tanong ko na namimilipit na. "I'm not done!" muli ay sigaw niya. "Please! bilisan mo na!" sigaw ko. "Hindi lang naman ito ang banyo! Meron sa ibaba bakit hindi ka doon mag banyo!" sigaw niya rin. Alam kong nagagalit na ito dahil sa paggagambala ko sa pagliligo niya. "Hindi ko na kaya eh!" sigaw ko. "Damn!" narinig kong sagot niya. Sa wakas, nakahinga ako ng maluwag ng bumukas ang pinto. Iniluwa doon si Elijah na tanging tuwalya lang na nakatakip sa ibabang bahagi nito habang nagpupunas ito sa buhok. Kunot na kunot ang kaniyang noo. Hindi ngayon ang panahon para pagnasahan ko siya, sobrang sakit na talaga ng tiyan ko. "Salamat, ah," nagmamadali akong pasukin ang banyo. "Sobrang dami kasi ng kinain. Napakatakaw na babae, tsk!" Narinig ko pa na sabi niya pero hindi ko na pinansin pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD