"Cheers!" Sabay-sabay na nagkampay ang magkakaibigan. Si Elijah, Vander at Kysler sa isang sikat na bar na palagi nilang pinupuntahan.
Sabay-sabay rin silang lumagok ng alak.
"Congrats, Feister, ikinasal ka na pala hindi ka man lang nag-invite." Tinapik pa siya ni Vander sa balikat.
"Kasal-kasalan." tanging sagot niya.
Pagkatapos kasi ng kaniyang kasal ay umalis kaagad siya pagkatapos niyang maligo. Wala siyang balak na mag-stay sa mansion sa gabi na ito.
"Bakit mo iniwan ang asawa mo? Kakakasal niyo lang, dapat nasa honeymoon pa lang kayo ngayon." asar ni Kysler.
"Ikaw makipag-honeymoon sa ganong mukha kung makakaya mo?" agad ma sagot niya.
"Ikaw ang may gusto niyan at ikaw rin ang pumili. E 'di sana kung ang pinili mo, maganda at sexy, nagpapakasasa ka sana ngayon." kaagad na sabi ulit ni Kysler.
"Sawa na rin naman ako." sabi niya sabay lagok ng alak.
"Paano 'yan? Pagtitiisan mo yung ganong mukha?" tumawa naman si Vander.
"Tatlong buwan lang naman. After that, mag-file na ako ng annulment."
"Matagal ang processing ng annulment dito sa Pinas." sabi naman ni Kysler.
Natigilan siya at sandaling nag-isip.
Muli niyang nilagok ang kaniyang alak.
"Anong pangalan ng babaeng pinakasalan mo?" tanong ni Vander na katatapos lang lumagok ng alak.
"Nakalimutan ko, L-lani yata."
"Asawa mo pero hindi mo alam kung anong pangalan. May naaalala ako sa pangalan na 'yan. Ang babaeng gusto kong pakasalan. Pero ngayon, hindi ko pa rin nakikita. Ang galing niyang nagtago." biglang pahayag ni Vander.
"Anong pangalan?" tanong niya naman.
"Lailani." tipid na sagot ni Vander. "Yung babaeng nang iwan sa akin sa araw ng kasal. Yung babaeng kahit anong gawin ko ay hindi ako kayang mahalin. Damn! Naaalala ko na naman." muli ay lumagok ng alak si Vander.
"Mahal na mahal mo talaga ang babaeng 'yon?"
"Sobrang mahal, ibibigay ko na nga sa kaniya ang lahat pero ayaw pa rin niya. Doon ako mas lalong napa-believe sa kaniya. Hindi katulad ng ibang babae, kapag alam nilang marami kang pera at limpak-limpak ang kayamanan mo, kakapit sila sa 'yo na parang mga tuko. Kakaibang babae si Lailani." nalulungkot na kwento ni Vander.
Abala silang dalawa ni Vander sa pag-uusap nang magpaalam si Kysler na lumabas muna sandali para lang sagutin ang tumatawag dito.
Pagbalik nito ay nagpaalam na sa kanila. "I have to go. Nagagalit na si Ivy. Mauuna na 'ko sa inyong dalawa." nagmamadaling paalam ni Kysler. Hababg iiling-iling naman silang dalawa ni Vander dahil halata sa mukha ng kanilang kaibigan na masyadong takusa.
Takot sa asawa.
Naiwan silang dalawa ni Vander. Medyo umiikot na ang kaniyang paningin. Hindi siya pwedeng magpakalasing dahil wala siyang driver na kasama.
Nagpaalam siya para mag-restroom. Paglabas niya ng restroom may babaeng nakangiti at kagat-kagat ang labi habang nakatingin sa kaniya. Suot nito ay maikling shorts at kita ang tiyan dahil sa tube nitong damit.
"Inabangan talaga kita, kamusta ka na? Long time no s*x, Eli." Habang kagat kagat pa rin nito ang labi. Malanding nakatingin sa kaniya at sinasadyang yumuko yuko para mas lalo niyang makita ang cleavage nito na lumuluwa na.
Hindi niya na naman makilala kung sino itong nasa harapan niya. Sa dami niyang babae, halos wala na siyang natandaang pangalan sa mga ito.
"Hindi mo 'ko matandaan noh? Ikaw ha? Nagpakasal ka na pala, bakit hindi pa sa akin? Pwede naman akong maging taong bahay para sa 'yo. Kaya ko ang all around, honey. Asikasuhin ka sa umaga at sa 'yo naman sa gabi." mas lalo pa itong lumapit sa kaniya at pumulupot ang mga braso nito sa kaniyang leeg.
Nang isabit nito ang mga braso sa kaniyang leeg kaagad naman niyang sinunggaban ang labi nito. Kahit umiikot ang paningin, nadala pa rin niya ito sa loob ng cubicle. "Oops! Hinay-hinay lang. Para kang hinahabol. Huwag kang magmadali. Available naman ako whole night." pinasadahan nito ng daliri ang kaniyang labi. Namumungay ang mga mata na muli itong hinalikan.
"I know, kailan ba ako nagkaroon ng babaeng hindi binibigay sa akin ang lahat ng oras?" bulong niya dito at muling pinasadahan ng labi niya ang leeg nito pababa sa malusog nitong dibdib. Hinawi niya ang kapirasong suot nitong damit. Lumuwa ang malulusog nitong dibdib. "Ooh...loverboy, ang sarap mo talagang mag romansa." halinghing ng babae at tuluyan niyang hinubad ang tubes nitong suot kasunod ang maikli nitong shorts hanggang tuhod lang niya ito hinubad pati na rin ang panty nito. Hanggang sa pinatalikod niya ito at handa ng pasukin ng tumunog ang kaniyang cellphone. "s**t!" Napamura na lamang siya at binitawan ang babaeng handa na sana sa pagpasok niya.
Humarap sa kaniya ang babae, samantalang siya naman ay kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon para tingnan kung sino ang tumawag.
"Fvck! Atty. hanggang ba naman sa oras na ito, nambubulabog ka pa rin!" Naiinis na pinindot niya ang answer button.
"Ano ba yan? Isturbo naman!" nagdadabog na sinuot ng babae ang saplot nito na nahubad. Habang siya ay pinagmamasdan lamang niya ito habang sinasagot ang tawag ni atty.
"Fvck! Atty. bakit ka napatawag?"
"Meron tayong pag-uusapan bukas."
"About what?"
"About the Last will of your father."
"What about it? May problema pa ba? Natupad ko na ang last will niya, makukuha ko na ba ang mana ko?"
"Not yet, Mr. Feister. May isa ka pang hindi natutupad. Hindi ko pa nasasabi sa 'yo. Dahil kabilin-bilinan ng ama mo 'yun."
"What? Ano ba 'yan? At gagawin ko kaagad." habang kausap si Atty. pinaalis na niya ang babae. Nagdadabog na lumabas naman ito at nakataas ang mga kilay.
"What is it? Tell me, right now."
"Pag-usapan natin 'yan bukas."
"Bakit ka pa napatawag kung hindi mo rin lang naman pala sasabihin sa akin ngayon. Tsk!" He hang up the phone without saying anything.
Lailani's POV
KAKAPAGOD pala buhay ng may asawa. Binasa ko kasi kagabi ang contract. Kailangan ko rin pala magpakaasawa sa lalaking 'yon. Kailangan ko siyang asikasuhin twenty four seven.
Kailangan kong magluto para sa kaniya.
Hindi pa nga ako tapos sa pagbasa ng contract. Napagod ako kagabi kaya nakatulugan ko ang pagbabasa. Dagdag pa ang sakit ng tiyan ko. Ito yata ang nangyayari kapag maraming nakain.
Kagabi hindi umuwi si hukluban kaya malaya akong nagtanggal ng disguise.
Ngayon naman sa takot kong uuwi siya sa umaga, nagmadali akong nag ayos kahit pa hindi ko na magaya ang ayos sa akin ni Emma. Kaya ngayon maputi ako dahil wala akong pampaitim na make-up. Baka mamaya ay magtaka si hukluban dahil sa biglang pagbago ng kulay ko.
"Ma'am, kayo po pala. Bakit kayo nagluluto? Sana pinautos niyo na lang sa akin 'yan." sabi ng medyo may edad na babae.
"Ayos lang po, Manang. Bilang asawa ng senyorito niyo kailangan ko siyang ipagluto para naman maganda ang timpla ng mukha niya sa umaga. Pansin niyo bang laging nakabusangot yun?" bulong ko dito. Biglang napahagikhik ito.
"Pansin niyo rin pala, madam. Simula nga noong bumalik 'yan dito si senyorito. Masyadong mahal yata ang ngiti dahil ayaw ngumiti kahit man lang kaunting smiley." bulong rin ni Manang pabalik sa akin. Napahagikhik kaming dalawa.
Ang tagal namin sa ganoong posisyon. Tawanan lang kaming dalawa habang patuloy namin pinagtitsismisan si Elijah.
"What's going on here? Why are you two laughing?" napalingon kaming pareho ni Manang sa biglang nagsalita sa aming likuran. Hindi nga ako nagkakamali. Maaga nga itong umuwi. Sino pa ba e 'di ang asawa ko sa papel.
Umupo ito sa dining chair. Lumapit ako dito. Nagtataka naman niya akong tiningnan. "Anong ginagawa mo? Bakit ka nagluluto rito?" tanong niya sa akin.
"Bilang asawa mo, ipagluluto kita. Iyon naman ang ginagawa ng perfect wife 'di ba?" pilosopo ko na sagot sa kaniya. Tumaas lang ang kaniyang mga kilay.
Tinitigan niya ako. Nakasuot lang naman ako ng apron, suot ko pa rin naman ang aking wig na buhaghag free. At manang pa rin naman ang suot ko. Hindi naman siguro niya mahahalata na may nagbago sa akin. Yumuko ako. Nakakailang ang mga titig niya.
"Parang may nagbago sa 'yo."
Ito na nga ba sinasabi ko eh! Mapapansin niya.
"Ahm...wala naman nagbago sa akin. Pangit pa rin naman ako 'di ba?" sabi ko dito na nakangiti. Kumunot na naman ang noo niya.
"Kailan ka ba gumanda? Kahit sa panaginip yata hindi ka gumanda." Napanguso ako sa sagot niya.
Akala mo lang 'yon.
Wala talagang modo ang hukluban na ito. Kung pwede nga lang buhusan ito ng kumukulong tubig ginawa ko na eh! Para maglumpasay siya diyan sa sakit habang tatawanan ko.
Akala ko pa naman napansin niyang pumuti ako. Hindi pala, nasabi niya lang pala 'yon para asarin ako.
Umalis ako sa harapan niya at nagsandok ng pagkain para sa kaniya. Habang ginagawa ko 'yon. Kumikibot naman ang aking bibig. Kung ano-ano ang naiisip ko.
"Give me my coffee first." utos ni hukluban. Pasimple ko siyang nilingon at dinambahan ng suntok nang bumalik na ang paningin nito sa hawak na cellphone.
Dapat hindi ka na umuwi eh! sa isip-isip ko. Pero inferness naman kahit umagang umaga ay napakagwapo pa rin niya. Hindi ko tuloy maiwasan na pasimpleng titigan siya habang sumasandok ako.
"Ouch!" Napasigaw ako ng dumikit ang balat ko sa kaserola. Kaagad kong inihipan ang kamay ko.
"Ma'am ayos lang po ba kayo?" pag-aalala ni Manang sa akin. Tiningnan ko si hukluban sa pwesto niya hindi niya man lang ako nilingon or tinanong kung ayos lang ba ako.
Narinig niya naman siguro ang sigaw ko.
"A-ayos lang po ako, Manang." wala naman, maliit na paso lang naman ang meron sa balat ko. Malayo sa bituka. Pero bakit ko inaasam na mag-alala sa akin si hukluban. Kahit siguro makita niyang nasasaktan ako ay hindi iyan tatayo para lang tulungan ako.
"Sabi ko naman po sa inyo, ako na ang gagawa eh! Nagkaroon pa tuloy ng paso yung makinis niyong balat." sabi ni Manang. Napatingin ako kay Manang sa sinabi niya. Napansin niya ang balat ko habang si hukluban hindi niya napansin.
"Ma'am bakit po ba kayo nag-d-disguise" biglang bulong sa akin ni Manang. Nabigla ako sa tanong niya. Paano niya nalaman?
"P-paano niyo nalaman, Manang?" bulong ko rin sa kaniya.
"Halata naman po, Ma'am. Alam po ba ito ni senyorito?" Napalingon ako kay hukluban. Hindi niya naririnig ang usapan namin.
Umiling-iling ako. "H-hindi."
"Where is my coffee?" muli akong napalingon kay Elijah ng sumigaw ito. Hinahanap ang kape niya.
"Malapit na!" sigaw ko pabalik dito. Nagtimpla ako ng kape para sa kaniya. Sa akin naman ay gatas.
"Heto na po boss." Inilapag ko ang kape sa mesa. Tinikman naman niya kaagad iyon. Hindi na rin naman nagreklamo. Mukhang nagustuhan niya ang kape na tinimpla ko.
Bago pa man ako makaupo sa dining chair. Meron ng pumasok na isa pang maid. "Senyorito, nasa sala po si atty." paalam ng medyo bata pa na maid dito sa mansion.
"Tsk! Ano naman kaya itong pahabol niyang sasabihin?" Tumayo si hukluban at nagpunas ng kamay. Pinunasan na rin nito ang bibig gamit ang tissue.
Tumingin siya saglit sa akin pero umalis din kaagad.
Ako naman ay nagpatuloy na lang sa pagkain.
Mamaya maya ay pinatawag naman ako ni hukluban. Bakit naman kaya? Nadatnan ko sila ni atty nakaupo sa couch.
Lumapit ako sa kanila. "Umupo ka." paanyaya ni atty. Umupo naman ako sa tabi ni atty.
"Bakit diyan ka umupo? Hindi ba dapat uupo ka sa tabi ko?"
Para akong barbie doll na may battery. Tumayo rin naman ako para tumabi sa kaniya.
Ang bango talaga ng lalaking 'to.
Ay! Bakit naman may ceiling fan pa? Napahigpit tuloy ako ng hawak sa wig ko. Baka mamaya ay bigla na naman itong lumipad. "Hindi ba pwedeng patayin muna ang ceiling fan? Nilalamig na kasi ako. May aircon na, may ceiling fan pa." reklamo ko.
"Nilalamig ka pa ba sa suot mo na 'yan. Tila wala ng makakapasok na hangin diyan sa haba ng palda mo at sa haba ng sleeve mo." komento naman nitong hukluban na ito.
Kahit kailan panira talaga ang lalaking ito.
Natawa lang si atty.
"Ano ba yung sasabihin mo atty?" tila naiinip na tanong ni Elijah kay atty. "Bakit kailangan pang nandito ang babaeng 'to? About naman sa last will ang sasabihin mo, bakit kailangang nandito rin ang asawa ko? Kasama ba siya sa topic na ito?"
Tila may kung anong tuwa akong naramdaman dahil sa sinabi niyang asawa. Hindi ko dapat ito nararamdaman eh! Kahit papaano pala ay tinuri niya rin naman akong asawa.
"Mahalaga itong sasabihin ko." sagot ni atty.
"After three months kong pagpapakasal hindi ba't ibibigay na sa akin ng tuluyan ang mana ko?"
Nanatili lang akong nakikinig sa usapan nila. Kaya pala siya nagpakasal. Dahil lang talaga sa mana.
"Hindi lang iyon, Mr. Feister. Kailangan mo rin magkaroon ng anak."
"W-what?"
"Kailangan niyo muna magkaroon ng anak ng asawa mo bago mo makuha ng tuluyan ang mana mo."
Napalunok yata ako ng singkatirbang laway sa narinig ko. A-anak? Wala sa usapan 'yon.
"Niloloko mo ba ako, atty?" Tumayo bigla si Elijah.
"Hindi kita niloloko Mr. Feister. Bilin 'to ng ama mo. After ng kasal mo bago ko sasabihin sa iyo. Alam ng ama mo na gagawin mo itong kalokohan na ito kaya niya ginawa ito. Alam ng ama mo ang ugali mo, Mr. Feister. Kilalang-kilala ka niya." paliwanag ni atty.
Hindi na ako nakapagtimpi pa. Kailangan ko ng magsalita.
Tumayo na rin ako pero sa pagtayo ko nahulog ang wig ko. Talagang pahamak 'to. Hinigpitan ko naman 'to eh!
Nahihiyang pinulot ko ang aking wig. Pahamak naman oh! Ano na lang ang iisipin ng mga ito. Parang walng nangyari na sinuot ko ang wig ko sa kanilang harapan sabay ngisi sa mga ito. "Pasensya na, nahulog eh!" sabi ko na lang. Ang sama na naman ng tingin sa akin ni Elijah. Parang kakainin niya ako ng buhay.
"Hindi ka naman kalbo bakit kailangang suot mo pa ang wig na 'yan?"
Ito na nga ba sinasabi ko eh!
"Marami kasi akong kuto baka mahawaan pa kita." pagsisinungaling ko.
"What the fvck! Bakit hindi mo gamitan ng ---ahm---anong tawag sa ano nga ba yun atty?" tila naguguluhan naman na tanong ni hukluban kay atty. Hindi niya mabanggit.
"Lice comb." sagot naman ni atty.
Nasa akin na tuloy napunta ang topic. Syete talaga. Ano na naman na kahihiyan ito Lailani?
"Yes, lice comb. That's it." recomenda sa akin ni hukluban.
Nanahimik na lamang ako. Ayaw ko ng dagdagan pa ang kahihiyan ko. Hindi naman kasi totoong marami akong kuto eh!
"Back to our topic, atty." pagbago ni Elijah. Hay salamat ibinalik na rin nila sa topic ang usapan.
"Pwede ba sa ibang babae magkaroon ng anak?"
Umiling-iling si atty. "Si Lani ang pinakasalan mo, dapat kay Lani ka magkaroon ng anak."
Napatingin silang dalawa sa akin. Si hukluban naman ay tila hindi makapaniwala. Ako rin naman ay nabigla.
Paano namin magagawa ito? Wala naman kasi sa usapan na kailangan ko palang magbuntis. Tapos ano? Ibibigay ko lang sa lalaking ito ang anak namin? Paano naman ako?
"Hindi ako papayag atty." agad na sabi ko. Napatingin sa akin si Elijah.
"Wala kang magagawa Mrs. Feister dahil kasama 'yon sa contract. Handa kang magkaroon ng anak kay Mr. Feister kapag kinakailangan." sabi ni atty. Napatampal ako sa aking noo.
Nasa contract ba 'yon? Talaga ba? Bakit kasi hindi ko binasa? Ito ang napala ko.
"Ikaw naman Mr. Feister. Binalaan na kita na huwag kang umalis sa araw na iyon pero umalis ka pa rin. Hindi ko na kasalanan na hindi mo nabasa o nakita ang nakasulat doon sa contract ng asawa mo." wika ni atty. Pareho kaming nagkatinginan sa isa't isa ni Elijah.