CHAPTER 6 THE AGREEMENT

2066 Words
Lailani Pulido POV "Bitawan niyo nga ako!" halos tadyakan ko na ang dalawang lalaking ito na nakahawak sa akin. "Saan niyo ba ako dadalhin? Sinabi ko na nga na hindi ako kasali sa mga babaeng nagkukumpulan para lang pakasalan ang amo niyong hukluban!" sigaw ko sa kanila pero hindi nila ako pinapansin. Hindi nila ako pinapakinggan. "Ano ba?" sigaw ko pa rin kahit wala silang pakialam Pumasok kami sa elevator. Nasa building pa rin naman kami ng pagmamay-ari ng Feister. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Nasaan na ba kasi si Emma? Hila-hila pa rin nila ako palabas ng elevator hanggang sa pasukin namin ang isang room. Nadatnan namin roon si hukluban kausap ang isang lalaking hindi ko kilala. Binitawan naman ako ng dalawang may hawak-hawak sa akin. Naiinis na sinamaan ko ito ng tingin. Salubong ang kilay ko habang nakatingin ito sa akin. "She's here, atty." sabi ni hukluban. Bumaling sa akin ang atty. Hinila naman ako ng dalawang lalaki palapit sa kanila. Nakatitig yata sa akin itong si atty. Ano kaya ang nasa isip nito? Napapangitan sa akin? Sigurado, kaya nakatitig sa akin dahil sa pangit kong mukha. Pero kung makita niyo lang ang totoo kong mukha hindi niyo ako lalaintin ng ganito. "Ano pa ang tinitingin-tingin mo diyan. Umupo ka na, kakausapin ka ni Atty. About the agreement." masungit na sabi sa akin ni hukluban. Mas lalong kumunot ang noo ko. Nakapagdesisyon na pala siya para sa akin. Samantalang ako, hindi pa pumapayag sa gusto niya. Tumayo siya at akmang iiwan niya kami. "Saan ka pupunta Mr. Feister?" tanong ng atty. "Aalis na, kayo lang naman ang magpapaliwanag sa babaeng 'yan. Hindi na ako kasali. May lakad ako ngayon." akmang aalis na ng tuluyan pero pinigilan siya ni atty. "Hindi ka pwede umalis Mr. Feister. Kapag kinausap ko ang babaeng ito. Dapat nandito ka. Kasama ka at makinig ka. Hindi ito laro para gawin mong laro ang pagpapakasal na ito." nasermunan ka pa tuloy ni atty. "What? Hindi naman mahalaga sa akin ang kasal na ito, atty. Alam mo naman 'di ba? She's not my type pero papakasalan ko pa rin siya para lang matupad ko ang gusto ni dad na maikasal ako. Bakit kailangan pang nandito ako?" "Tatanungin kita, sure ka na ba dito? Siya na ba talaga ang pakakasalan mo, Mr Feister?" tanong ng atty. Habang ako nakatingin lang sa kanila. "Kailan ba ako nagdesisyon na hindi ko tinuloy, atty?" Nagsuot ito ng kaniyang suit na nakapatong sa swevil chair. "I have to go!" paalam nito. Ano? Iiwan niya kami dito? "Ako ba hindi niyo tatanungin kung pumapayag ako dito? Kayo na ba ang magdedesisyon para sa sarili ko?" naiinis na tanong ko. Tiningnan lamang ako ni hukluban. "Aayaw ka pa ba? Buti nga pakakasalan kita, sa dami ng gustong magpakasal sa 'kin ikaw ang napili kong pakasalan. Hindi ba dapat matuwa ka? Dahil kahit pangit ka, pagtitiyagaan kitang pakasalan. Pagtitiyagaan kitang makasama sa iisang bubong." Aba naman! Huwag niya akong itulad sa mga bangaw sa labas. Hindi ako katulad ng mga babaeng inaakala niya. Baka pagnakita niya ako isuka niya ang mga sinabi niyang pangit ako. "Hindi ako natutuwa huk---" hindi ko natapos ang gusto kong sabihin sa kaniya dahil naglakad na ito patungo sa pintuan at dinaanan lang niya ako. "Hoy! Hindi pa ako tapos!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin. "Kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo na lang kay atty. Kung gusto mo magpadagdag si atty na bahala. May lakad pa ako and I really need to go." aba! Walang modo na lalaki. "Sigurado ka ba, Mr. Feister? Ayaw mong makinig sa pag-uusapan namin ng magiging asawa mo?" nagsalita naman ang atty. Awtomatikong napalingon si hukluban at tumigil sa pintuan. Humarap ito sa amin. "No need, atty. alam ko na ang pag-uusapan niyo. Nabasa ko na lahat ng nakasaad sa Last will ni dad. Ikaw na ang bahala makipag-usap sa babaeng 'yan, I really have to go!" Tuluyan niya na nga kaming iniwan. Ako naman ay napanganga na lang. Ganito na lang ba talaga? Talaga bang magpapakasal ako sa lalaking 'yon? Napakawalang modo at napakapangit ng ugali. Paano pag nagsama kami? Anong mangyayari? Baka magsaksakan kaming dalawa. Natulala na lang ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko kasi akalaing nandito ako para sa kasal na gusto ng Elijah na yun. Siya na ang nasunod para sa sarili ko, at ang desisyon ko, hindi na mahalaga sa usapan na ito. Para akong papel na nagpapatangay na lang sa agos. Kung ano ang gusto nila, yun na ang mangyayari. Bumalik ang tingin ko kay atty ng tumikhim ito. "Hija, sigurado ka na ba sa desisyon mo?" "Wala pa akong desisyon atty. Kayo ang nagdesisyon nito para sa 'kin. Paladesisyon kayo." sagot ko. Siya man ay nabigla sa sagot ko. Hindi niya siguro alam 'to. Sapilitan akong pinakaladkad dito ng hukluban na 'yon. "Umupo ka at pag-usapan natin ang kasal niyo." paanyaya nito. Ako naman ay tumalima at lumapit sa kaniya para umupo. Nasa pintuan pa rin ang dalawang lalaki na nagdala sa akin dito. Paano ako makakatakas? "Atty, walang kasal na mangyayari. Hindi ako pumapayag, hindi ko pakakasalan ang lalaking 'yon." sabi ko dito. Tinitigan niya ako na parang may mali sa sinabi ko. "Hindi ba dapat masaya ka, sa dami-raming gustong magpakasal kay Mr. Feister, ikaw ang napili niyang pakasalan. Hindi ka naman kagandahan." sinipat niya na nga ang kabuuan ko. Ang hard ng atty na ito. "Ayaw mo pa rin ba kahit doblehin ko ang prize?" Umiling-iling kaagad ako. "Are you sure?" "Bakit ba ayaw niyong maniwala atty?" sa inis ko ay tumaas ang boses ko. Nabigla naman si atty. "Relax." pagpapakalma niya sa akin. "Paano ako mag-re-relax atty. Sapilitan akong dinala dito ng mga alalay ng hukluban na 'yon! Tapos sasabihin niying mag-relax ako?" halos sigaw na sabi ko sa kaniya. Tila naguluhan naman ito sa sinabi ko. Naglandas ang mga kilay. Napasulyap ako sa dalawang lalaki na nagdala sa akin dito. Hindi pa rin sila umaalis. "S-sinong hukluban?" nagtatakang tanong nito. "Sino pa ba? E 'di yung Elijah Feister. Bagay na bagay yung apelyido niya sa pangalan niya. Peste rin siya sa buhay ko!" Inis na inis na sabi ko. "Kung ganun hindi na kita pipilitin. Kung ayaw mo, bakit pa tayo nandito? Kung ayaw mo bakit pa ako magsasayang ng oras para mag-explain sa 'yo. Pwede ka ng umalis." Sa wakas! Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Makakauwi na rin ako. Nagpaalam na ako rito. Hindi na rin ako pinigilan pa ng dalawang malalaki ang mga tiyan. Nasa corridor ako ng biglang tumunog ang aking cellphone. Si ante tumatawag. Ano kaya ang problema? Sinagot ko naman kaagad ito. Baka importante. Ano na kaya nangyari sa hospital. "Hello, Ante?" Narinig ko ang pagsinghot nito. "Ante, umiiyak po ba kayo?" "Ang mama mo kasi, pinapalipat sa ibang hospital. Ayaw na raw nilang tanggapin, kailangan muna raw magbayad kahit kalahati bago ipagpapatuloy ang pagpapagaling ni mama mo dito sa hospital." Umiiyak na sumbong sa akin ni Ante. Bigla naman akong na-alarma. "H-hangang kailan daw ante si mama diyan?" "Hanggang mamaya na lang hapon." umiiyak pa rin ito. "A-ante baka pwede pakiusapan mo muna diyan. Gagawa po ako ng paraan. Pangako, gagawa ako ng paraan." sabi ko dito habang naiiyak. "Napakiusapan ko na ito at hanggang mamayang hapon na lang talaga ang binigay nilang palugit." patuloy na iyak ni ante. Pumikit ako at nag-isip. Unang pumasok sa isip ko ang pagpapakasal sa lalaking walang modo. Sa pagpapakasal ko na ito, tiyak kalbaryo ang abot ko, pero ayos lang kung matutulungan naman ako nito na mapabuti ang kalagayan ni mommy. Ibinaba ko na ang phone pagkatapos. Pinangako ko kay ante na mamaya ay may ibibigay ako sa kaniyang pera. Mabigat kong hinakbang ang aking mga paa pabalik sa office kung saan naroon pa si atty. Sana naroon pa siya. Binilisan ko ang lakad hanggang sa halos patakbo ko na itong puntahan. Nasira na yata ang make-up ko dahil sa pag iyak ko. Wala akong oras para tingnan ang sarili sa salamin. Kaagad kong binuksan ang pinto at nakahinga ako nang maluwag nang madatnan ko si atty. Mukhang paalis na ito dahil hawak na nito ang kaniyang case. Nagulat pa siya nang makita ako. Hinihingal na lumapit ako sa kaniya. "Atty, tinatanggap ko na ang alok ni Mr. Feister. Magpapakasal na ako sa kaniya." sabi ko dito na hinihingal pa. "Anong nagpabago sa desisyon mo? Bakit magpapakasal ka na sa kaniya?" "Atty, kailangan ko ng pera kaya magpapakasal ako sa kaniya. Baka pwedeng bumale kahit kalahating milyon." kaagad na sabi ko, wala ng paligoy ligoy pa. Nakasalalay ang buhay ni mama sa desisyon kong ito. Biglang natawa si atty. Anong nakakatawa? Bumabale lang naman ako. "Kanina, ayaw mo ng doble. Tapos ngayon gusto mo na bumale." sabi pa niya na umiling-iling. "Tatawagan ko muna si Mr. Feister kung papayag sa hinihingi mong pabor. Hindi ko lang alam kung papayag dahil sinabi ko na sa kaniya na umayaw ka na at alam mo ba kung ano ang narinig ko mula sa kaniya. Malutong na mura. Now, gusto mo pa bang tawagan ko siya or magba-back out ka na naman?" Napalunok ako. Hindi na ako magbaback-out. Kailangan ko ng pera. Lulunukin ko na ang pride ko. "H-hindi na atty. A-ako ang kakausap sa kaniya. Please atty. Kailangan na kailangan ko lang talaga." Pagmakaawa ko dito. Tsaka ito tuluyan na kinuha ang phone at may tinawagan. Ilang ring pa lang ay sumagot na kaagad si Mr. Feister. "Yes!" rinig na rinig ko ang striktong boses nito. Tumingin sa akin si atty. Tumango ako para bigyan siya ng senyas na hinding-hindi na ako mag-ba-back out. "Nandito si----" muli ay tumingin sa akin si atty. "Anong pangalan mo?" "Lani. Lani Pulido." sagot ko. "Nandito si Lani Pulido ang babaeng napili mong pakasalan." sabi niya. "And then? Akala ko ba ayaw niya? Bakit pa siya bumalik? Na-realize ba niya na malaking halaga ang sinayang niya?" mula sa kabilang linya ay rinig na rinig kong nagagalit si Mr. Feister. Baka hindi niya na ako tatanggapin. Paano na? "Tinatanggap niya na raw ang offer mo." sabi ni atty. Tumango-tango naman ako. Narinig kong tumawa ang nasa kabilang linya. "A-atty, p-pwede bang ako ang kumausap sa kaniya?" lumapit ako dito. Ibingay naman niya ang kaniyang phone sa akin. Tumikhim ako bago nagsalita. "A-ahm!" "Oh? Akala ko ba ayaw mo? Nagbago ba ang isip mo dahil sa laki ng pera na makukuha mo?" Napapikit ako sa sinabi nito. Tiisin mo lang Lailani para sa mama mo. Tiisin mo ang masangsang na bunganga ng lalaking 'to. "M-Mr. Feister...ahm...k-kailangan ko ng pera. Hindi ko ito ginagawa dahil diyan sa ten million mo. One million ay okay na sa akin. Mapagpatuloy ko lang na mapagamot ang mama ko." napapikit ako. Ito na yata ang pinaka-worst na nangyari sa buhay ko, ang magmakaawa. Tumawa siya sa kabilang linya. "Now, you're asking for my help. Habang kanina nagpapakipot ka, gusto mong sinusuyo ka pa. Magkano ba ang kailangan mo? Dahil nagmamadali ako. Iniisturbo mo 'ko." sabi niya sa kabilang linya. Napakawalang modo. Naririnig ko ang background sounds niya. Mukhang nasa bar ito. May naririnig din akong mga boses ng babae. "K-kailangan ko ng kalahating milyon." Natahimik siya sa kabilang linya. Mamaya maya ay nagsalita na rin naman ito. "Okay, si atty na ang bahala sa hinihingi mo. Tumanggi ka na, nagawa mo pang bumale. Ayos ka rin pala noh." pahabol pa niya. Nagtila hangin na lang iyon sa aking pandinig. Hindi ko na lang iyon pinansin. Ang mahalaga ay pumayag siya at mapagpatuloy ko na mapagamot si mama sa hospital na kinaroroonan niya. Nawala na rin ito sa kabilang linya kaya ibinalik ko kay atty. ang kaniyang phone. "Here is the agreement." Inihagis iyon sa mesa habang pareho kaming nakaupo ni atty. Kinuha ko iyon at sandaling tinitigan. "Read it and signt it." utos niya Wala na akong time para basahin pa iyon. Pumayag na rin naman ako, bakit ko pa papagurin ang mga mata kong basahin kung ano ang nakasulat doon. I took a deep breath before finally signing. Wala ng atrasan dahil buo na ang desisyon ko. Buong buo na. Bago pa man magbago ang isip ko ay pumikit na lamang ako habang pinipirmahan ko iyon. Hindi ko alam kung bakit kailangang magpakasal ni hukluban kahit hindi niya mahal. Anong hinahabol niya? Bukas ay Mrs. Feister na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD