Lailani "Kapag ba nagpakasal ako sa 'yo mawawalan na ng utang sa 'yo si Papa? Palalayain mo na ba siya?" tanong ko kaagad kay Vander ng makapasok kami sa kaniyang kotse. Matagal bago siya sumagot. Pinag-iisipan pa niya ang bagay na 'yun. Sana lang ay ganun nga ang kapalit. Tumango siya kalaunan at humarap sa akin. "Palalayain ko ang dad mo at ipapagamot ko sa ibang bansa ang mom mo." sabi niya habang nakatitig sa akin. Yumuko naman ako, ayaw kong tumingin sa kaniyang mukha. Mukha pa lang, manloloko na. Alam kong ganito siya sa lahat ng babae. "Yun ba ang kapalit ng pagpapakasal ko sa 'yo? Papayag ako, pero hayaan mo muna akong bumalik sa mansion para kausapin si Elijah." pakiusap ko sa kaniya. Gusto kong malaman at masiguradong pinapalaya na ba niya talaga ako? Umaasa kasi ako na bak