Lailani "Congratulations, you are four weeks pregnant." Nagkatinginan kaming dalawa ni Vander dahil sa sinabi ng doctor. Kahit ako ay nabigla dahil ang buong akala ko wala na akong pag-asang magbuntis. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari kanina sa simbahan pagkatapos kong mawalan ng malay. Nagising na lang akong nandito na sa hospital at nakahiga. Suot ko pa ang aking wedding gown. Hinawakan ko ang aking tiyan, napangiti ako at hinimas ito. Hindi ko akalaing buntis pala ako. Anak namin dalawa ni Elijah. Biglang napalis ang mga ngiti ko sa labi, naalala kong isinumpa ko na pala sa simbahan na hindi ko na babanggitin pa ang pangalan niya. Hindi na rin ako magmakaawa sa kaniya. Ilang beses niya akong pinagtabuyan at tinanggihan, kaya tama na ang mga yun, hindi ko dapat ibinababa ang sa