Lailani Ilang araw kong inisip ang sinabi sa akin ng doctor. Mahirap akong magbuntis. Paano kapag nabuntis naman ako ni Elijah at kukunin niya sa akin ang bata, paano kung isang beses lang pala akong pwedeng magbuntis. Paano ako? Paano ang magiging anak namin? Mawawalan siya ng ina at mangungulila ako sa kaniya. Hindi ko kaya. Nasa pool ako nag-iisip at ang layo ng tanaw. Wala si Elijah umalis. Simula ng malaman niya ang kalagayan ko, tila ayaw niya ng umuwi at hindi na rin siya natutulog dito. Bakit ko ba siya iniisip? Dapat hindi ako nalulungkot ng ganito. Nasasayang ang pag-eemot ko, kung wala lang naman ako sa kaniya. Ako lang naman itong tinatamaan sa kaniya. Syete! Burahin mo nararamdaman mo para sa kaniya Lani. Masasaktan ka ng sobra kapag nagpatuloy ka. Napalingon ako nang ma