Lailani "Akala mo ba aatrasan ko yung hamon mo?" nang makapasok ay hinila niya ako sa sulok ng hospital. Akala ko nakalimutan niya na ang sinabi ko dahil hindi naman siya nagsalita na at naglakad na papasok sa hospital. Hinintay niya lang pala na kaming dalawa lang at walang ibang tao sa kinaroroonan namin. Nasa corridor kami at madalang lang na may dumadaan. Nakahawak sa bewang ko si Eli habang magkalapit ang mukha naming dalawa. "Nag-jo-joke lang ako." nag-peace sign ako sa kaniya "For me, It's not a joke." seryosong sabi niya habang magkalapit pa rin ang mukha naming dalawa. Tumatama na rin ang hininga niya sa aking mukha. Syete! Ang bango talaga. Sinubukan niya ulit akong halikan ng may dumaan na nurse ay naghiwalay kaagad kami at bumabalik rin naman siya sa akin kapag wala ng