WALANG pakialam si Lani kahit basang-basa na siya ng pawis sa sobrang pagsasayaw nito kasama ang ibang nga lalaki na naroon sa bar at mga babaeng ngayon niya lang nakilala. Kahit umiikot ang paningin ay hindi hadlang para magmukmok siya sa tabi at magpahinga. Kahit pagod na pagod na patuloy pa rin siyang sumasayaw habang hinuhubad nito ang longsleeve na suot. Pilit naman pinipigilan ni Emma ang kaibigan pero winakli lang siya nito. Suot ang walang strap na damit habang sumasayaw sa gitna. Winawagayway pa nito ang longsleeve na hinubad. "Ano bang nangyari sa 'yo, bestie? Bakit ang wild mo?" sambit ni Emma habang pinagmamasdan ang kaibigan. Kanina pa kasi niya ito sinasaway at niyayayang umuwi pero ayaw naman sumunod. Kasalanan 'to ng mga lalaking lumapit sa amin eh! Meron yata silang pi