Vander "Her baby is safe. It's good that Ms. Pulido wearing a seatbelt. Her body was not bruised but her head was badly injured. Hintayin na lang natin na magising si Ms. Pulido." report ng doctor. Hindi ko alam pero napatampal ako sa aking noo. Mabuti naman at safe ang baby. Umupo ako sa upuan na katabi ng hospital bed na hinihigaan ni Lailani. Hinawakan ko ang kamay niya. Tinitigan ko siya. Napakaamo ng kaniyang mukha, pero kahit anong gawin ko hindi niya pa rin ako magugustuhan. Bakit ang dalo niyang nagustuhan si Elijah? Habang ako matagal ng nagmamahal sa kaniya pero hindi niya magawang mahalin. "Ayos na sa akin na malaman na safe ka na, kayong dalawa ng baby mo." bulong ko sa kaniya tsaka siya hinalikan sa kaniyang noo. Lumingon ako sa pintuan ng marinig kong bumukas ito. An