Lailani Pagod na pagod na ako kahihintay rito. Ilang oras na akong nakaupo. Magkakaroon na ng kalyo ang aking pag-upo dahil sa tagal kong pagkakaupo rito. "Sino bang?---" Napatayo ako nang marinig na may nagsalita na sa may pintuan. Bumukas ito at tumambad sa harapan ko ang lalaking naka-suit, gwapo, ang tangos ng ilong at ang nipis ng labi niya. Bigla kong natutop ang aking bibig. At naalala kong kanina pa sumasakit ang aking pwet dahil sa kakahintay sa kaniya. Hindi ko mapapalampas 'to. Nakatitig lang siya sa akin. Ako naman ay sandali lang ang pagtitig sa kaniya Hindi ko alam kung bakit biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero binalewala ko na lang ito. Baka siguro sa pagod at sa dinadala ko. Pansin kong nakatitig pa rin siya sa 'kin Ma