Lailani Sinundan ko si Elijah na lumabas ng kwarto. Nagmamadali kasi kaya gusto kong malaman kung sino ang dumating. Alam kong napaka-special ng taong yun para sa kaniya dahil nakikita ko yun sa reaksyon niya kanina. Sa ngiti pa lang niya, parang may kakaiba. Gano'n na lang ang pagkadismaya niya nang malamang umalis na si Jasmine. Ang babaeng naghahanap sa kaniya. Simula no'n palagi na naman siyang umuuwi ng umaga. Isang linggo na ang nakalipas nang may mangyari sa aming dalawa. Pinapakiramdaman ko naman ang sarili ko kung may nabuo na ba sa aming dalawa? Ano bang mga senyales ng buntis? Nang dahil curious ako, kinuha ko ang cellphone ko at nag-research. Sa tagal ng pagtitig ko sa screen ng phone ko. Naisipan kong hanapin ang pangalan ni Elijah. Napakayaman pala ng kanilang an