"Manang, ilipat niyo sa kwarto ang fridge. Don't throw it away. I've changed my mind." huling bilin ni Elijah bago tumalikod sa amin. Bakit nagbago isip no'n? Bakit kailangan pa ilipat sa kwarto namin? Ako naman, hindi ko alam kung anong gagawin. Nakakahiya, paano kung makakita ng ebidensya ang mga maids ni hukluban. Paano na lang? "Make sure na malinis ang fridge bago niyo ilipat sa kwarto ko!" muli ay napalingon si Elijah at muling nagbilin. Halos hindi nga ako makalakad pero dahil kailangan kong gumising, para malaman kung anong nangyari sa ref. Pagkatapos kasi ng nangyari, kaniya-kaniya kami ng direksyon ni hukluban. Sobrang nakakahiya a g nangyari. Hindi ko naman akalaing, may mangyayari sa aming dalawa. Pinilit kong maglakad ng matuwid. Napapagod at masakit halos ang buo kong k