"Anong ginagawa mo?" Habang nakaupo na tanong sa akin ni Elijah. Nasa loob kami ng kwarto, at kaming dalawa lang.
Pinagmamasdan niya ko habang
Dala-dala ko ang bag at mga gamit ko. Lilipat kasi ako ng ibang kwarto. Hindi naman dapat kasi kami nagtatabi eh!
"Naglilipat ng gamit. Sa kabilang kwarto na ako matutulog." sagot ko habang hirap na hirap ako sa mga gamit ko.
"At ikaw pa talaga may gana maglipat, ha?" sabi niya. Oo ako talaga, dahil ayaw kong magbuntis.
Kahit man lang sana tulungan niya ako maglipat ng gamit ko, hindi pa niya magawa. Ngayon lang yata ito nag-stay sa kwarto niya. Noong mga nakaraang araw kasi never siyang nagpahinga o nagtambay dito sa kwarto niya. Palagi siyang wala kaya naman ako nakakagalaw ng maayos dahil natatanggal ko ang disguise ko. Kapag magkasama kami baka manlagkit na ang katawan ko dahil dito sa suot ko. Kahit may aircon, hindi pa rin sapat para malamigan ako dahil dito sa makapal na suot ko.
Kahit nakikita niyang nahihirapan ako sa mga gamit ko, hindi man lang nag-abalang tulungan ako.
Masamang hukluban.
Palabas na ako ng pintuan ng bigla siyang magsalita. "May naiwan ka pa." napalingon ako sa kaniya. Ano pa ba ang naiwan ko?
Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa hawak niya. Ay! P*ste! Yung t-bak ko. Bakit naman nandun sa higaan yun? Ay! P*ste! Suot ko nga pala yun kagabi. P*ste talaga na tbak 'to kung saan-saan lumilipad.
Biglang uminit ang pisngi ko.
Palagi na lang bang kahihiyan ang mga abot mo, Lani? Syete talaga.
Hawak-hawak pa niya na parang ayaw niyang padapuin ang daliri niya sa tbak ko. Parang kurot lang na pagkahawak sa tbak ko ang ginawa ni hukluban.
Syete! Mabango naman siguro 'yon.
Unti-unti akong naglakad palapit sa kaniya. Syete talaga, para na siguro akong hinog na kamatis sa pamumula rito. Yung panty mo ba naman hawakan ng gwapong nilalang na ito.
"Ganiyan ka ba talaga? Pagkatapos mong hubarin kahit saan mo na lang iniiwan at tinatapon?" Pinasadahan niya ako ng tingin. "At tbak pa." dagdag pa niya.
Hindi ako nagsalita. Kutang-kuta na talaga ako sa kahihiyan. Hindi naman kasi sa akin ang t-bak na 'to eh! Pinahiram lang ni Emma sa akin 'to. Hindi naman ako mahilig sa tbak. Pero dahil daw may bago siyang mga tbak, pinahiram niya muna sa akin pero bigay na dahil hindi na maibabalik sa kaniya.
Napahiya pa tuloy ako sa p*ste na tbak na ito.
Hinablot ko iyon mula sa kaniya. "Mabuti nga at may tbak pa, kaysa walang suot na panty." sagot ko sa kaniya. Tinarayan ko siya. As if naman na makikita ang katarayan ng kilay ko. Ang kapal na kaya ng kilay ko dahil sa disguise ko.
Bigla siyang natawa. Labas naman ang kaguwapuhan niya. Ang kasungitan niya ay biglang napalitan.
"Nakakapagtaka lang ah, halos ayaw mo ng papasukan ng hangin 'yang katawan mo dahil diyan sa napakahaba atanang mong suot pero sa ilalim pala niyan kapirasong tela ang laman na nakatakip diyan sa diamante mo." Napatawa pa rin si hukluban.
Anong nakakatawa?
Tumaas lang ang kilay ko. "Ano bang pakialam mo sa diamante ko? Kung naiinggit ka mag t-bak ka rin!" pagtataray ko.
Patuloy pa rin ang pagtawa niya. Bahala ka nga diyan mamatay ka sa katatawa.
Hinayaan ko siyang tumawa ng tumawa. Tumalikod na ulit ako para lumabas na pero ulit siyang nagsalita.
"Akala ko mga magaganda lang ang nagsusuot ng ganiyan. Kahit pala pangit nagsusuot na rin."
Ah, p*ste ka talaga Feister! Itong sinabi mo, palalampasin ko muna pero kapag ako ang napuno sa 'yo, makakatikim ka sa akin ng uppercut.
Siguro napaka-bully nito dati sa school. Lakas mambully.
Padabog kong kinuha ang aking bag sa sahig at padabog ko rin na sinarado ang pinto ng kwarto niya.
Paglabas ko nakasalubong ko si nene. Ang pinakabatang nagtatrabaho dito sa mansion. Nasa twenty four pa lang kasing edad ko lang. "Ma'am! Bakit hindi niyo po ako tinawag? Naku! Maglalayas na po ba kayo?" Inagaw niya mula sa akin ang isa kong dala na bag.
"Diyan na ako sa kabilang kwarto matututulog." turo ko sa hindi naman kalayuan sa kwarto ni hukluban.
"Bakit po? Nag-away po ba kayo ni senyorito, Eli?"
"Ayaw ko siyang makasama." tanging sagot ko na lang.
"Awit! Ma'am! Bakit naman po? Napaka-guwapo ni senyorito, Eli. Dapat sa stage na ito nag-hohoneymoon pa lang kayo. Bagong kasal pa lang kayo eh!" tila kinikilig na sabi nito. Natigilan na lang ako dahil natigilan rin siya at parang nagsayaw sayaw habang nakatingin sa kisame.
"Hindi uso ang honeymoon sa amin." sabi ko at tuluyang binuksan ang pintuan ng mapatapat kami sa magiging kwarto ko.
Kahapon lang nilinis namin ito ni Manang. Kaya ngayon ready na siya para tulugan ko.
Kulay red ang bedsheets ng kama, ako ang pumili no'n at kulay white naman ang themes ng kwarto. Perfect, nakaka-relaks. Kaysa naman sa kwarto ni hukluban. Parang pinagsukluban ng langit ang kulay, hindi nakaka relaks. Nakaka-stress.
Sa wakas! Walang gulo, walang makakakita sa akin at malaya akong gumalaw dito. Magagawa ko ang lahat ng gusto ko.
Hinubad ko ang lahat ng sagabal sa katawan ko. Itinira ko lang ang aking suot na pang ilalim na walang strap at maikling shorts pagkatapos ay humiga.
Pagkagising ay nagutom ako kaya sinuot kong muli ang disguise ko para lumabas.
Alas tres na ng hapon ako nagising samantalang nakatulog ako ng alas dose.
Ang haba pala ng tulog ko.
Kahit alam na ni Manang na nag-disguise lang ako, alam ko naman na hindi iyon ipagkakalat ni Manang. Hindi niya rin sasabihin kay Elijah ang sekreto ko.
"Umalis po ba si hukluban e-este ang senyorito niyo?" tanong ko kay Manang habang kumakain ako.
"Umalis po, ma'am. May kausap nga sa phone yun kanina. Narinig ko si atty yata ang kausap niya." sagot ni Manang habang nagluluto ito.
Tumango-tango na lamang ako. Ako yung kinakabahan kapag naririnig ko ang atty. Alam kong meron na namang panibagong task iyon si atty. Idinadamay pa nila ako sa kanilang mga kalokohan. Anong gagawin ko? Naka bale na ako, hindi na pwedeng umatras.
Pagkatapos kong kumain bumalik ako sa kwarto ko para magpahinga ulit. Doon nag movie marathon ako at kung ano-ano pa ang ginawa ko. Tinawagan ko rin si Emma pero saglit ko lang ito nakausap dahil may raket pala ang bakla.
Pahiga na ako nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "Sino 'yan?" sigaw ko.
"Si nene po ito, madam. Pakibukas po ng pintuan niyo, madam! Kasama ko po si senyorito!" sigaw rin niya mula sa labas ng pinto.
Nanlaki ang mga mata ko. Si Elijah, nasa labas ng pinto ng kwarto na ito? Anong kailangan niya?
Paano na?
"T-teka lang!" sigaw ko. Halos magkandarapa na ako sa pagtakbo para lang kunin ang wig ko at isuot ito. Maging ang mahaba kong palda at long sleeve ko ay madalian na isinuot ito.
"Pulido! Open this fvcking door!" nagagalit na utos ni Elijah. Syete naman! Bakit ba nandito 'yan?
"Oo andiyan na!" sigaw ko ulit bago tuluyan na puntahan ang pintuan para pagbuksan ang mga ito. Hinihingal na pinagbuksan ko ang mga ito.
Nakakunot ang noo ni Elijah nang mapagbuksan ko ito. Pinasadahan niya ron ako ng tingin mula ulo hanggang paa yata.
"A-anong kailangan niyo?" nauutal pa na tanong ko.
"What took you so long to open the fvcking door? We waited here for almost five minutes!" galit na galit na tanong nito sa akin.
Kailangan ko na naman ba magpalusot?
"Ano kasi...ahm...ano...ahm nakatulog ako." salamat nakahanap rin ng palusot.
"Nakatulog pero nakasagot? Anong klaseng tulog yun? Don't tell me, na nananaginip ka? Dami mong palusot."
Ito na naman si hukluban. Bakit ba nangingialam 'to?
"Instead of standing up. Why don't you just pack your things.!" mahinahon niya na utos sa akin.
P-pero...t-teka, bakit? Bakit ako mag alsa balutan?
"B-bakit? Tapos na ba ang contract ko? Pinapalayas mo na ba ako?" naguguluhan na tanong ko sa kaniya.
"No! You will move to my room."
Napalunok ako. Lilipat ako sa kwarto niya? Pero bakit? Akala ko ba dito na ako sa kwarto na ito? Siya pa nga nagpalayas sa akin sa kwarto niya tapos ngayon pinapabalik niya na ako roon. Wala akong privacy do'n.
"Sorry, pero ayaw ko!" pagmamatigas ko.
Akmang isasarado ko na ang pinto nang mapigilan ng kamay niya ito. Wala akong nagawa kun 'di buksan ulit ito.
"Nene, kunin mo ang mga gamit ng senyorita mo!" utos niya kay nene. Si nene naman ay tumalima papasok. Pero bago ito tuluyang pumasok lumapit pa ito sa akin at bumulong. "Sabi sa inyo, madam eh! Meron pa kayong honeymoon ayiie...kung ako niyaya ni senyorito talagang bubukaka agad ako." sabay kindat nito sa akin at tuluyan ng pumasok para ayusin ang mga gamit ko.
Nagkatitigan kaming dalawa nang makapasok ng tuluyan si nene. Kami na lang kasing dalawa ang magkaharap. "Hihintayin kita sa kwarto. Sumunod ka na, marami tayong pag-uusapan." tinalikuran niya na rin ako pagkatapos niyang sabihin ito. Napatampal ako sa aking noo.
Ano bang kalokohan 'to? Gagawin na ba namin yung sinabi ni atty. Kailangan niya ng anak. So, kailangan namin mag-s*x. No! Hindi pwede!
Tutol na tutol ang isip at katawan ko. Pero anong magagawa ko? Pinasok ko 'to kaya dapat panindigan ko.
Wala akong nagawa kun 'di sumunod sa kwarto niya. Pagpasok ko nakaupo siya sa kaniyang swevil chair at nakaharap sa kaniyang working table. Abala rin siya sa kaniyang laptop.
Napahawak ako sa aking labi. Ngayon ko lang napansin na hindi ko suot ang retainer ko. Nasaan ang retainer ko? Napalingon naman ako sa kapapasok lang na si nene. Baka nakita niya ang retainer ko.
Nilapitan ko si nene para tanungin ito. Hindi naman daw nakita. Nasaaan? Sinulyapan ko si hukluban. Abala pa rin ito sa laptop niya. Maya maya ay may kausap na ito sa phone. Naririnig ko ang kanilang usapan.
"Fvck! Atty. I'm doing everything just so I can learn all the management of that company!" alam kong si atty na naman ang kausap niya.
Galit na naman. Wala yatang kausap ito na hindi niya tinataasan ng boses.
Nang maibaba nito ang kaniyang cellphone tinawag ko naman ito. "Ahm! Feister!" tawag ko.
"What?" tinaasan pa ako ng boses.
"Nakita mo ba ang retainer ko?"
Sinamaan niya 'ko ng tingin, after ng ilang segundo nagsalita rin naman. "Bakit mo sa 'kin hinahanap? Hanapan ba ako ng mga gamit na nawawala?"
"Nagtatanong lang naman ako." Sinimulan kong tumalikod na sa kaniya. Nagtatanong lang tinaasan na kaagad ako ng boses.
"Don't walk out! May pag-uusapan tayong dalawa."
Muli akong bumalik sa pwesto ko. Lumapit naman siya sa akin. "Anong pag-uusapan natin?"
Mas lumapit pa siya sa akin na halos magkalapit na ang aming mga mukha. Tinitigan niya ako. Nailang ako kaya lumayo ako ng kaunti sa kaniya. Pero hinila naman niya ako palapit sa kaniya. Kaagad kong itinukod ang kamay ko sa dibdib niya para hindi kami magkalapit ng tuluyan. "Acting like you're a virgin, ha?" pangmamaliit niya.
Para sabihin ko sa kaniya. I'm still a virgin
Sinamaan ko siya ng tingin. Kasabay ng pagsampal ko sa pisngi niya. Pangalawang sampal ko na ito sa kaniya.
Tumabingi ang kaniyang mukha. "Nakailang sampal ka na sa 'kin." sabi niya habang hawak ang pisngi niya na sinampal ko.
"Tama lang 'yan sa taong tulad mo. Wala ka kasing modo!"
Kinagat niya ang labi niya na parang nagpipigil na magalit.
Hindi ko pinasok ang trabaho na ito para lang insultuhin ng tulad niya.
Lumayo naman siya sa akin pagkatapos at umupo sa kama. Tumingin ulit sa akin. "You heard what atty said, right? Kailangan kong magkaroon ng anak. So, possible ba na mabigyan mo 'ko ng anak? When is your fertile day?" seryosong tanong niya sa akin.
Nakagat ko ang aking lower lip dahil sa tanong niya. Hindi ko inaasahang itatanong niya sa akin 'yon.