Lailani Pulido POV
MARIIN kong kinagat ang aking labi dahil sa narinig ko mula sa kausap ko sa phone. Si Ante Mildred. Hindi raw mapapalaya si Dad kung hindi matutuloy ang kasal namin ni Vander. Pwera na lang kung mababayaran ang halaga na dapat bayaran para makalaya si dad.
Saan naman ako kukuha ng limang milyon?
Peso nga wala ako eh! Milyon pa kaya.
Habang nakaupo ako sa sahig, sumasakit ang ulo ko kakaisip kung ano ang gagawin ko? Ang dami kong problema, dagdag pa ang bill ni mama sa ospital.
Kailangan kong mailabas ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Kahit man lang makausap ko si mama, kahit pa hindi siya sasagot basta makausap ko lang siya.
"Sissy!" napalingon ako sa kinaroroonan ng sigaw. Si Emma.
Tumayo ako at kaagad na pinuntahan ang bestfriend ko. Anong problema bakit siya sumisigaw?
"Ano bang problema mo? Bakit ka sumisigaw diyan?" tanong ko kaagad nang makitang nagkahaba-haba ang kaniyang leeg sa bintana.
Nagmadaling lumapit siya sa akin at hinila ako palapit sa bintana. "Tingnan mo, 'yan yung crush kong kapitbahay." Kinikilig na sabi niya sa akin.
Isang lalaking nag-eexercise sa bakuran nito. Mula kasi sa kinaroroonan namin ay tanaw na tanaw ang bakod ng kapitbahay nila Emma.
Kaya naman pala kanda-haba-haba yung leeg niya makasilip lang sa bintana. May magandang katawan, at mukhang pogi naman. Moreno at matangkad.
"Alam mo ba ang pangalan niya?" Sumimsim ako ng kape. Sandali kong nakalimutan ang aking problema. Mmalamig na ang kape ko dahil sa pag-iisip ko kanina.
Nalungkot ang mukha ni Emma at napanguso. "Hindi nga eh! Ayaw niya kasing sabihin. Napakailap sa akin. Minsan kapag nakakasalubong ko, binabati ko pero deadma, waley." Napanguso naman ito.
Bigla akong natawa. Kanina lang kasi napakaaliwalas ng kaniyang mukha pero ng mag-kwento na ito, biglang nalungkot.
Muli namin sinulyapan ang lalaki, wala na ito sa kinaroroonan niya. Pumasok na yata.
Naglakad si Emma at binuksan ang TV. "Malalaman ko rin pangalan no'n." sabi pa niya sabay pabagsak na umupo sa sofa. Sumunod naman ako sa kaniya at tumabi. Kinuha ko ang remote at nilipat sa ibang channel. Parang ako yung may-ari. Mabuti na lang kaming dalawa lang ni Emma dito.
"Kailangan ko ng malaking halaga, sissy." malungkot na sabi ko. Habang nasa tv pa rin ang paningin ko. Patuloy na nanunuod ng turkish drama series sa ETC.
"Magkano?"
"Six milyon." malungkot na sagot ko.
Muntikan pang mabitawan ni Emma ang kaniyang hawak na mug na may laman na kape dahil sa sinabi ko.
"Six milyon?" bulalas niya. Halos hindi makapaniwala. "Saan ka kukuha ng six milyon. Oh my god! Kahit ibenta natin kaluluwa natin hindi pa rin siguro aabot ng six milyoneh!" sigaw nito sa tabi ko. Sa totoo lang binging bingi na ako sa kasisigaw niya.
Pagkatapos niyang sumigaw, hinablot niya bigla sa akin ang remote at nilipat naman sa ibang channel.
"According to the only son of the billionaire who passed away, his son Elijah Feister bibigyan niya ng sampung milyon ang babaeng matitipuhan niyang pakasalan. Bukas ng alas dyes ng umaga, gaganapin ang malaking event. Pipili siya ng babaeng pakakasalan! What are you girls waiting for? Pumunta na kayo sa building na pagmamay-ari ng Feister sa Makati." Announcement ng media. Iyon ang bumungad sa amin sa paglipat ni Emma sa channel na iyon.
Isang malakas na tili ang narinig ko mula kay Emma. "Ito na beshie! Ito na ang sagot sa pino-problema mo! Sampung milyon, beshie! Sampung milyon!" halos yugyugin niya ako dahil lang sa sampung milyon.
"Oo alam ko." walang gana na sagot ko.
"Ay! Ayaw mo?"
"Bakit ko naman papatulan 'yan? Hindi nga ako nagpakasal kay Vander, mayaman din 'yon. Sa Elijah pa kaya na 'yan! Baka nga matanda na 'yan." sagot ko.
"Ano ka ba beshie, pangalan pa lang mukhang yummy na. Patusin mo na 'to. Kailangan mo ng six milyon di ba? Kaya ito na 'yon. Ito na ang sagot."
"Ayaw ko!" Tinalikuran ko siya.
"Bakit naman ayaw mo?"
"Ayaw ko. Makikilala ako ni Vander. Baka mabalita pa sa tv. E 'di patay ako." sabi ko sa kaniya. Tuluyan kong tinalikuran ito. Ilang hakbang pa lang ang nagawa ko ay narinig ko ang yapak niya sumusunod sa akin.
"Beshie, may naisip akong paraan."
"Ano na naman?"
"Katulad pa rin ng ginawa natin noong pumunta ka sa hospital. Mag-disguise ka ulit." kakaibang mga ngiti ang ginawad nito sa akin. May pinaplano na naman ito sa buhay.
"Ayoko na, mainit." agad na naman na tanggi ko.
"Ikaw rin. Hindi mo mababayaran ang bills ng mommy mo sa hospital at ang piyansa ng daddy mo. Bahala ka." kaagad akong humarap sa kaniya.
Naisip ko na naman ang problema ko. Kailangan ko bang gawin ang bagay na 'to? Kailangan ko na bang mag-apply bilang asawa ng lalaking hindi ko naman kilala para sa ten million na 'yan?
"Pag-iisipan ko!" tanging sagot ko na lang at tumalikod na ulit.
KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising dahil maaga pa lang ang lakas na ng soundtrip ng bestfriend ko. Parang walang kapitbahay sa lakas ng kaniyang soundtrip.
Nadatnan ko ito sa sala na nakabihis at nakaayos, naka-make up, makapal ang lipstick. Anyare? Naka-mini skirt, nakalugay ang buhok.
"Saan ang punta mo?" tanong ko kaagad dito. Ang aga naman ng lakad mo. Meron ka bang date?" Pinasadahan ko ito ng tingin.
"Mabuti naman gising ka na. Sasama ka ba?"
"Saan?"
Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin bago siya sumagot sa akin. "Dahil ayaw mo naman, ako na lang mag-aapply." abot tainga ang ngiti na sabi niya.
"Naloloka ka na ba? Hindi mo pa naman nakikita ang lalaking 'yon. Ma-e-stress ka lang doon."
"Hindi ako ma-e-stress kung meron naman akong ten million. Tara na, samahan mo na ako." yaya niya sa 'kin.
"Ayaw ko, makita pa 'ko ni Vander. Alam mo naman kahit saan may galamay ang lalaking 'yon." agad na tanggi ko sa kaniya.
"Ano ka ba? Anong ginagawa ng pangit mong disguise kung ayaw mong gamitin."
Ito na naman siya. Ayaw ko na ngang gamitin 'yon dahil mainit sa katawan pero parang ma-gi-guilty pa ako kung hindi ko siya sasamahan. Isang beses lang naman 'to kaya titiisin ko na lang muna.
PAREHO kaming napanganga ni Emma nang matingala ang napakataas na building sa aming harapan. Ito ang pagmamay-ari ni Elijah Feiister ang lalaking naghahanap ng asawa.
Sobrang pangit siguro nito kaya ginawa niya ang ganitong event. Walang nagkakagusto sa kaniya dahil pangit kaya ngayon susuhol na lang siya para may magpakasal sa kaniya. Iba nga naman nagagawa ng pera.
Pagpasok sa loob ng building, may iilan na babaeng nakatayo, nakaupo at napakarami na halos mag-uumpukan na sa loob ng isang espasyo para sa pag-aapply bilang asawa ng lalaking hindi naman nagpapakita ng mukha.
Ganito karami ang gustong maging asawa ng Elijah Feister na iyon. Gaano ba siya katanda?
"Kukurutin na talaga kita sa singit dahil dito sa pinasuot mo sa 'kin. Ang init-init." reklamo ko kay Emma.
Nakasuot lang naman ako ng mahabang palda para na akong madre.
Tinawanan lang niya ako.
Mamaya ka sa akin!
Nakisiksik na rin kami sa mga babaeng nag-uumpukan. Yung iba naririnig ko pa ang bulungan ng mga ito.
"Mag-aapply ba 'yang pangit na 'yan?"
"Dagdag sikip lang siya dito. Tiyak naman na hindi siya mapipili dahil diyan sa ayos ng pananamit at hitsura niya." At nagtawanan sila. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila.
Baka mapahiya ka kapag tinanggal ko itong aking maskara.
Nagtitimpi lang ako, pero gustong-gusto ko na silang sugurin para kalbuhin. Kung makakagalaw lang ako nang maayos. Kung hindi lang ako takot na mahubad sa akin ang wig na suot ko, kanina ko pa sinabunutan ang mga pest*ng langaw na ito.
Nagtatawanan sila na parang hindi ko alam ang kanilang pinag-uusapan.
"Sisssy, pigilan mo 'ko. Makakalbo ko ang mga bangaw na 'to." naiinis kong sabi. Kinuyom ko ang aking kamao.
"Hayaan mo sila beshie. Inggit lang ang mga 'yan."
"Matagal pa ba? Hindi ba magpapakita ang Elijah na 'yan? Or ayaw niyang magpakita dahil baka pag nakita siya ng mga babae dito ay bigla na lang umatras at maglayasan. Ang ending single pa rin siya habang buhay." naiinip na reklamo ko.
"Malapit na raw sabi nung lalaki. On the way na raw beshie. Makikita ko na rin si Elijah Feister." Tila kinikilig pa na sabi ni Emma.
Napanguso naman ako. Ako'y bagot na bagot kakahintay sa lalaking 'yon. "Magbabago rin 'yang reaksyon mo kapag nakita mo na ang matandang hukluban na 'yon. Tingnan ko lang kung kikiligin ka pa diyan." sabi ko na lang na hindi niya naririnig. Kinakausap ko na lang ang aking sarili dahil sa pagkainip.
"Banyo lang ako!" paalam ko. Tumango naman si Emma. Tinahak ko ang banyo at pagkatapos bumaba muna ako para bumili ng pagkain. Sobrang nakakagutom ang maghintay.
Nasa labas na ako ng building ng liparin ang wig ko dahil sa lakas ng hangin. Tinakbo ko naman ito para habulin dahil ang layo na ng niliparan.
Abot kalsada. Nang pulutin ko, tsaka naman may humintong sasakyan sa tapat ko. Parang familiar ang kotse na ito. Saan ko nga ba nakita 'to?
May isa pang kotse na kasunod nito.
Binalewala ko na lang ito at muling sinuot ang wig ko. Pero natigilan ako nang makita at makilala kung sino ang lumabas sa kotse na pula.
Nanlaki ang mga mata ko nang tanggalin nito ang kaniyang shades at tumingin sa akin. Natutop ko ang aking bibig at natigilan sa aking kinatatayuan.
Ang lalaking nag-propose sa akin ay nasa aking harapan ngayon.
Anong gagawin ko?
T-teka, anong ginagawa niya dito?
Pahamak naman oh?
Yumuko ako para hindi niya mapansin. Pero ang pinaka-pinanlakihan ng nga mata ko ay ang makita si Vander na kasama niya.
V-Vander?
Anong ginagawa niya dito?
Bakit magkasama sila?
Lord ano 'to? Tadhana ba 'to?
Mas lalo akong yumuko dahil napansin kong nakatingin sa akin ang lalaking nag-propose sa akin.
Ang lakas ng kaba sa dibdib ko. Sinubukan kong humakbang pero dahil kailangan kong dumaan sa tabi nila.
Nakayuko lang ako pero feeling ko nakatingin sila sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang malampasan ko sila, pero ganun naman ang kaba ko dahil narinig ko ang boses nito.
"Miss!"
Hindi ako lumingon.
"Miss!" muli ay tawag. Hindi pa rin ako lumingon. Kun 'di binilisan ko ang aking mga hakbang.
Hindi ko na rin naman narinig ang pagtawag ng "Miss" pero natigilan ako nang may humawak sa braso ko. Nanlaki ang mga mata ko at mariin na napapikit.
"You look familiar, huh!" narinig kong sabi nito. Humigpit ang hawak nito sa braso ko. Natutop kong muli ang aking bibig.
Alalahanin mo, Lailani, kasama niya si Vander. Nakayuko pparin ako parang basang sisiw.
Habang nakatalikod ay pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Bitawan mo 'ko!" matapang na sabi ko habang nakatalikod pa rin sa kaniya.
Hindi ko inaasahang higitin niya ako at paharapin sa kaniya.
"Oh! It's you." sabi niya. Napayuko ako at inayos ang wig ko. Mukhang liliparin na naman. Pahamak talaga 'to. Natitigan ko siya, napaka-guwapo niya pala talaga. Ang kinis ng kaniyang balat at may kaunting balbas pero halos hindi na nga ito mapapansin at swabe naman sa kaniya. Nakakadagdag kaguwapuhan. Matangkad hanggang leeg niya lang ako at may mabangong hininga. Sheyte, pogi na, ang bango-bango pa.
Bago pa man ako nakapagsalita ay may nagtilian na sa paligid namin.
"Si Elijah Feister!" sigaw ng mga kababaihan sa paligid.
"s**t! Ang gwapo niya talaga!" sigaw pa ng iba at sunod-sunod na nagtilian.
Sino ba ang tinutukoy ng mga bangaw na ito? Kanina lang nasa loob pa sila, pagkatapos nandito na sila sa labas. Dito naman naghahasik ng lagim ang mga 'to. Nainip na yata sa kakahintay sa matanda na naghahanap ng mapapangasawa.
Nakalimutan ko ng hawak pa rin ng lalaking ito ang braso ko.
"Mr Feister! May nahanap na ba kayong mapapakasalan niyo?"
"Oo nga! May napili na ba kayong maging asawa niyo!" sunod-sunod na sigaw.
"Sana ako ang mapili niyo!"
"Ako!"
Halos mag-away-away pa ang mga ito. At ano daw? Mapapangasawa? E- Elijah Feister? H-huwag mo sabihing siya ang Elijah Feister na magbibigay ng ten milyon para lang sa babaeng mapili niyang pakasalan?
Ang buong akala ko, matandang hukluban na uugod-ugod na.
Napaansin kong mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko.
"Don't tell me that you're here because of ten million?"
Oh god! Nakilala niya na nga ako. Pero anong sabi niya?
"Kung gusto mo pala ng ten milyon para pumayag sa gusto ko e 'di sana sinabi mo. Hindi yung nakikipagsiksikan ka dito dahil lang sa ten milyon na pabuya ko. Nagmumukha ka tuloy pera." Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya.
Ako mukhang pera?
Kung mukhang pera ako, pinakasalan ko na sana si Vander noon pa.
Dahil sa inis ko. Isang malutong na sampal ang binigay ko sa kaniya. Umawang ang labi niya at umigting ang kaniyang panga. Hinimass niya ang kaniyang pisngi na sinampal ko.
Napatingin ako sa paligid. Natigilan ang mga bangaw at iba pang naroon dahil sa ginawa ko.
"Ikaw pa lang ang nakasampal sa akin." himas himas nito ang pisngi niya na sinampal ko. "Pero ayos lang, dahil kapalit naman nito ay ang pakasalan ako. Hindi ka na pwedeng tumanggi dahil ikaw na ang napili ko. Magpapakasal ka sa 'kin. No matter what!" mariin na sabi niya at binitawan ang braso ko.
Natameme ako at natigilan sa kinatatayuan ko. Hindi ako nakagalaw dahil nakatingin pala sa amin si Vander.
Trip talaga nilang pakasalan ako. Magkakilala pa pala silang dalawa. At para sabihin ko sa hukluban na ito na nasa aking harapan. Hindi ako naparito para mag-apply na maging asawa niya.
"Hindi ako kasama sa mag-aapply bilang asawa mo. Sinamahan ko lang ang bestfriend ko. Ang kapal naman ng mukha mo hukluban!" sinamaan ko ito ng tingin. Tingin na palaban. Kung nasampal ko siya magagawa ko rin na taasan siya ng boses.
Hinawakan niya ulit ako. Sa ngayon sa bewang na. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nasa bewang ko na. "Anong sabi mo? H-hukluban?" nauutal na tanong niya. Habang hapit niya ang bewang ko.
Binitawan niya naman ako bigla kaya muntikan na akong makahalik sa sahig.
Kung nagkataon magiging first kiss ko pa ang sahig na ito.
"Nakapagdesisyon na ako, ikaw ang pakakasalan ko. Kahit sukang-suka ako sa 'yo." Tumalikod ito at sumenyas sa mga kasama nitong naka-white polo.
Lumapit ang mga ito sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko.
"T-teka? A-anong ginagawa niyo?"
"Pasensya na, Miss, utos lang ni boss." sagot ng mga ito sa akin. Napatingin ako kay Vander na umiiling-iling lang habang nakatingin sa akin at sumunod na rin kay Elijah.
Hindi niya ako nakilala. Ibig sabihin effective ang ginawa namin ni Emma na pagpapapanggap. Pero ito naman ang problema ko, ang sapilitang pagpapakasal sa hukluban na kaibigan ni Vander.