Inayos ni Lailani ang kaniyang buhok, hindi siya sanay sa ganitong ayos, Manang pa sa Manang kasi ang suot niya ngayon. Nagmukha siyang lola. Para lang makita niya ang kaniyang Ina na nasa hospital, kailangan niya magpapanggap.
May mga bodyguard na nakabantay sa labas ng room ng Mom niya.
Paano ako makakapasok.
Tumikhim siya nang makalapit sa mga ito.
Mabuti na lang at may dala siyang kakanin para sa mga guards na nakabantay sa pintuan ng room na kinaroroonan ng Ina niya.
Nadaanan niya iyong kakanin kaya bumili siya. Mabuti na lang at magagamit niya ito ngayon.
Isa pang tikhim ang ginawa niya.
Sayang at hindi ko magagamit ang ganda ko ngayon.
Sabay-sabay na napalingon sa kaniya ang dalawang guard. Ngumiti siya ng pagkatamis tamis. Naalala niya hindi nga pala siya maganda ngayon kaya waley.
Hindi siya pinansin ng dalawang guards.
"Ahm, excuse me!" Lumapit na siya sa mga ito.
Masamang tingin ang ipinukol ng dalawang guard sa kaniya.
"Anong kailangan mo?" tanong sa kaniya.
Napakamot siya ng ulo, muntikan pa mahulog ang kaniyang suot na wig.
"Eh, kasi...kailangan kong pumasok sa loob. Kamag-anak ako ng pasyente sa loob. Mula pa ako sa probinsya," sana lang ay makalusot.
Tinitigan pa siya ng dalawang guard bago tuluyan na pinayagan siyang pumasok. Sa wakas ay makikita niya na ang kaniyang mom.
Pagpasok niya, tumambad sa kaniya ang nakalatay sa hospital bed ang kaniyang ina, puno ng aparato na nakakabit dito.
Umupo siya para mahawakan ang mga kamay nito.
Namalayan niya na lang ang luha niyang bumagsak na sa kaniyang pisngi.
"I'm sorry, mom. Nang dahil sa akin kaya kayo nariyan." Tinanggal niya muna ang salamin niya dahil sa hirap siyang punasan ang kaniyang luha.
Ilang minuto pa siyang nanatili sa tabi ng kaniyang ina.
Maya maya ay may narinig siyang nag uusap sa labas. Agad na sinuot niya ang kaniyang salamin. Narinig niya ang boses ni Vander. Hindi nga siya nagkakamali, tumambad sa kaniyang harapan ang kakapasok pa lamang na si Vander.
Nag-aalala siya na baka makilala siya nito. Tumungo kaagad siya. Para itago ang kaniyang mukha. Hindi na skya nakapagpaalam sa mom niya, basta na lang siya naglakad patungo sa pinto. Batid niya na nakatingin sa kaniya si Vander.
"Miss," tawag ni Vander sa kaniya. Ganun na lang ang pagtigil niya sa paglakad, hindi niya ito nilingon kundi kumaripas siya ng takbo. Narinig pa niya ang mura ni Vander.
Bahala na si batman! Mukhang nakilala nila ako
Walang lingon lingon na tumakbo siya palayo sa mga ito. Hinihingal na nakalabas siya sa hospital.
Paglingon niya sa kaniyang likuran nakita niya si Vander,
Sinundan niya ako
Nakahanao naman kaagad siya nang matataguan. Napakaswerte niya talaga kapag sa mga ganito. Palaging may bukas na kotse na nakahain sa kaniyang harapan.
Dali-dali siyang pumasok doon.
Nagtago sa back seat. Nakahinga siya nang maluwag dahil sa wakas napagtaguan niya si Vander. Kapag nagkataon makikilala siya nito.
Ilang minuto pa may narinig siyang hagikhik ng isang babae.
Gumalaw ang kotse na kinaroroonan niya. Mas lalo pa siyang sumiksik sa ilalim para hindi siya makita.
Ganun na lang ang paglaki ng kaniyang mga mata ng marinig ang sinabi ng babae.
"Handa ka na ba? Gusto mo dito na natin gagawin sa kotse mo?" malanding sabi nito. Unti unti niyang itinaas ang sarili para makita kung ano ang ginagawa ng mga ito.
Ang lalandi
Nakaupo sa kandungan ng lalaki ang isang babaeng halos nahubad na ang suot nitong pang itaas. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang maglakbay ang mga kamay ng lalaki sa harapan ng babae.
Nagtakip kaagad siya ng mga mata.
"Oh! Fvck!" Narinig niyang mura ng lalaki.
"Who are you?" nagmulat siya ng mata. Alam niyang siya ang kinakausap na nito.
Nakaalis na rin sa kandungan ng lalaki ang babae pagmulat niya, naisuot na rin nito ang damit na nahubad.
Napalunok siya.
I'm dead
Siya na naman!
"What are you doing here in my car?" Kita ko sa kaniya ang pagtataka.
Naudlot ko pa ang masasayang oras nilang dalawa ng malanding babaeng ito.
"H-huh?! Ah-a-ano nga ba ginagawa ko dito?" taning niya rin sa sarili.
"What?" Inis na inis na ito.
"Hayaan mo na lang ang manang na iyan, babe. Palabasin na lang natin so that we can continue what we are doing." malanding boses na sabi ng babae. Kinabig pa nito ang baba ng lalaki palapit.
"Shut, up! Chin! Ikaw ang lumabas! Now!" Turo ng napakagwapong lalaki na ito sa kasama niyang babae.
Oh noh! Bakit niya pinapalabas ang babae niya? Hindi kaya sa akin niya itutuloy yung ginagawa nila?
"W-what?! Why me?" Turo ng babae sa sarili niya.
Sawa na siya sa 'yo, ganun lang yun.
"Get out!" mas lalong naging seryoso ang boses ng lalaki.
Walang nagawa ang babae kundi ang binuksan ang kotse para lumabas.
Naiwan silang dalawa ng napakasungit na lalaking ito.
Tumikhim siya.
"Lalabas na pala ako. Salamat sa ----" hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin ng magsalita na ito. Humarap pa ito sa kaniya.
Napakaguwapo nito. Nanunuot din sa kaniyang ilong ang mabangong perfume nito.
"Anyway, anong pangalan mo?" seryoso na tanong nito sa kaniya.
Bakit niya tinatanong? Mas gusto niya ba ang pangit kaysa maganda? Noong naligaw ako dito sa kotse niya, sobrang nagalit siya. Maganda pa ako sa araw na iyon ah, naka gown at napakaganda ko pa. Pero bakit ngayong napakapangit ko? Tinatanong niya ang pangalan ko?
"Answer me!" untag niya. Napatalon pa ang puwet niya sa upuan dahil sa boses nitong tila kidlat sa pandinig.
Napakamot siya ng ulo. Pero dahan-dahan lang, sa takot na baka mahulog ang kaniyang suot na wig.
"Bakit gusto mong malaman ang pangalan ko? Type mo ba ako?" hindi niya akalaing masasabi niya yun. Tinakpan niya kaagad ang kaniyang bibig.
"Fvck! Just answer me?!" muli ay umalingawngaw ang boses nito sa loob ng sasakyan.
Napaubo naman siya.
Inayos pa niya ang kaniyang boses para walang sagabal kapag sinabi niya ang pangalan niya dito.
Kailangan niyang baguhin ang kaniyang pangalan. Kasama iyon sa pagpapapanggap niyang pangit.
At isa pa, nasa hospital pa rin siya. Baka bigla na lamang siyang makita ni Vander.
"Ahm..." tikhim niya.
"L-lani ang pangalan ko." nauutal pa niya na pakilala dito.
"You're so ugly. Katulad mo ang hinahanap ko." seryoso nitong sabi sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata niya.
Paanong katulad niya? Anong ibig sabihin nito?
"A-anong ibig niyong sabihin... Mr....a-ano nga pangalan mo?" Napangiwi na tanong niya sa napakaguwapong nilalang na ito.
Sandaling natahimik ito. Ilang segundo nagsalita rin naman.
"Marry me, just be my wife, that's all."
Nanlaki ang kaniyang mga mata. Hindi niya akalaing sasabihin nito ang katagang iyon sa kaniya.
Tila napako siya sa kaniyang kinauupuan sa mga oras na iyon.
Bakit gusto niyang pakasalan ko siya? Nainlove ba kaagad siya sa hitsura ko na ito?