Chapter Two

1223 Words
"Ano ka ba naman, Lailani! Idadamay mo pa ako sa kalokohan mo," na eestress na sabi ni Emma. Pinagmamasdan ang kaibigang mukhang gutom na gutom dahil sa lakas at bilis ng pagsubo nito ng pagkain. Si Emma ang kaibigan ni Lailani. Dito tumakbo si Lailani pagkatapos niyang tumakas sa kaniyang kasal. Sigurado ngayon ay pinaghahanap na siya ng mga taong iniwan niya. Ang Mom and Dad niya at ang lalaking may gusto sa kaniya. Na naisipan pang gatungan ang magulang niya para lang ipakasal siya dito. Naghihirap na sila Lailani kaya pinagkasundo siya ng Dad niya na ipakasal sa lalaking hindi naman niya gusto. Kapalit ng pagsalba nito sa kanilang kompanya. Pero ngayong tumakas siya at hindi siya tumuloy sa kasal paniguradong naghihirap ang kalooban ngayon ng Dad niya. Mahal na mahal ng kaniyang Dad ang kanilang kompanya. Pero ngayong hindi siya sumipot sa kaniyang kasal para maisalba ang kanilang kompanya. Panigurado na rin na wala na ito. Tuluyan nang mawala ang pinaghirapan na kompanya ng kaniyang Dad. "Anong gagawin ko, Emma?" lugmok na lugmok niyang sabi habang nakaunan sa mesa ang kaniyang ulo. Hanggang ngayon suot-suot pa rin niya ang kaniyang wedding gown. Sa mismong araw ng kasal niya ay tumakas siya. Tumakas lang siya sa mga baklang nag-aayos sa kaniya. Walang suot na sandal or tsinelas na tumakbo palabas ng isang hotel. Mabuti na lang at hindi siya nakita at napansin ng mga taong nakabantay sa kaniya. Ang pinag-aalala niya ay ang kaniyang Mom. May sakit kasi ito sa puso at baka kapag nalaman nito ay bigla na lang itong atakihin "Bakit ako 'yong tinatanong mo? Ikaw itong tumakas kaya panindigan mo!" Nakanguso naman na sabi sa kaniya ni Emma. Gulong-gulo na nga siya. Bigla tuloy siyang kinabahan. Isang makapangyarihan sa pera ang kaniyang tinakasan na lalaki. Hindi niya naman ito gusto kaya ayaw niyang magpakasal dito. Napaka - antipatiko pa nga nito. Noong unang magkita sila. Wala naman siyang masabi dito dahil gwapo naman ito. Pero sadyang hindi niya type ang lalaki. Kaya ganun na lang ang kaniyang disgusto sa lalaki. "Kung sinabi mo, sana ako na lang nagpakasal sa lalaking 'yon," pabirong sabi ni Emma. Ibinigay nito sa kanya ang damit na susuutin niya. Wala siyang dalang kahit na anong gamit. Tanging sarili niya lang. Sino ba naman kasi mag-aakala na tatakas siya sa araw ng kasal. Wala sa isip niya 'yon. Basta ang alam niya, naakit siyang pumasok sa malaking truck at doon nagtago. Dinala siya nito sa malayo. Kaya tinuloy niya na ang pagtakas. May naka encounter pa nga siyang napakayabang na lalaki sa araw na tumakas siya sa kasal Hindi niya namalayang ubos niya na ang inilatag na pagkain ni Emma sa mesa. "Gutom na gutom besh?" asar sa kaniya ni Emma. "Ikaw kaya ang tumakbo ng mabilis para lang makatakas. Dagdag mo pa iyong lalaking napakayabang. Kinaladkad ba naman ako palabas sa kaniyang sasakyan," sumbong niya kay Emma. Nagtila star naman na kumukutitap ang mga mata ni Emma nang makarinig ng lalaki. "Gwapo ba?" Halos lumuwa ang mata ni Emma. Sandali siyang natigilan sa tanong ni Emma. Napanguso pa nga siya. Sa totoo lang kasi hindi lang gwapo kung e describe ang lalaking naka encounter niya kanina. Halos mapatulo pa nga ang kaniyang laway nang masilayan niya ito. Hindi niya lang pinahalata dahil sa pagsusungit ng lalaki sa kanya. Sa kulay brown nitong buhok, may brown na mata at mapupulang labi. Almost perfect. Ang mabango nitong amoy na sumusuot na ata sa kaniyang ilong. "Hoy! Anyare? Natameme lang ganun?" napakurap naman siya sa biglang pagsigaw sa kaniya ni Emma. Nag-daydream na ata siya. Kung hindi pa nag-ingay si Emma hindi matatapos ang pag-iisip niya. "Gwapo pero masungit. Ligwat ganurn sa akin 'yon," sagot niya kay Emma habang umiinom ng juice. Siguro dito na muna siya pansamantala. Wala namang ibang kasama si Emma dahil wala naman dito ang mga magulang nito kundi nasa probinsya. Hindi rin alam ng Mom and Dad niya na kaibigan niya si Emma. Never niya pang naipakilala si Emma at dinala sa kanila. Kaya hindi siya makikita at masusundan kung sakali ng mga ito. Tumatakbong humahangos na lumapit si Emma sa kanya habang nanonood siya sa sala ng palabas sa telebisyon. "Ano ba nangyayari sa 'yo?" Umayos siya ng upo. Umupo naman sa tabi niya ang kaniyang bestfriend. Halos malagutan na ng hininga. "Ang Mama mo! Nasa hospital!" nanlaki ang kaniyang mga mata. Isang linggo na rin pala ang nakalipas simula nang tumakas siya sa pagpapakasal sa lalaking itinakdang ipakasal sa kaniya pero hindi niya gusto. Parang nabuhusan siya nang malamig na tubig. Mabilis siyang napatayo at hindi alam ang gagawin. "Saang hospital? Pupuntahan ko siya." Umiling-iling si Emma sa kanya. "Maraming nagbabantay na mga pulis. Ang Dad mo naman nasa kulungan. Ipinakulong na raw ni Vander dahil sa dami nitong utang," malungkot na sabi sa kanya ni Emma. Napanganga siya sa dalang balita ni Emma sa kaniya. Kaawa-awa ang sinapit ng mga magulang niya dahil sa kagagawan niya. Kung hindi sana siya tumakas sa kasal, sana masaya ngayon ang pamilya niya. "Pupuntahan ko si Mama." Kinuha niya ang kaniyang shoulder bag na nakasabit. Palabas na sana siya pero tinawag siyang muli ni Emma. "Okay lang na makita ka? Okay lang sa 'yo? Magpapakasal ka na ba kay Vander?" sandali siyang natigilan at napaisip. Wala sa isip niya ang magpakasal sa lalaking iyon. Kahit sa panaginip hindi niya naisip na magpakasal dito. Usap-usapan kasing napakayabang ng lalaking iyon. Kaya ayaw niyang magpakasal dito. Lalo na ngayon at pinakulong ang kaniyang ama ng lalaking 'yon. "Siyempre hindi! Sisilipin ko lang si Mama, hahanap na rin ako ng paraan para mabayaran ko ang bills sa hospital ni Mama." Tinalikuran niya si Emma pero tinawag ulit siya nito. "Wait lang!" natigilan siyang muli. Lumapit sa kaniya si Emma na nakangiti. "Alam ko na ang sagot diyan sa problema mo." Mabilis na umalis sa kaniyang harapan si Emma. Pumasok ito sa kwarto. Paglabas ay may dala-dala na itong kung anong kagamitan. Hinila siya palapit sa salamin. Kumunot ang kaniyang noo. "Anong gagawin mo sa 'kin?" hindi man lang siya sinagot nito. Inayos ang kaniyang mahabang buhok. Pinuyod ito at may isinuot sa kaniyang wig na kulot. Lalong kumunot ang kaniyang noo. "Ayan! Masyado ka kasing dyosa. Try mo rin maging pangit paminsan-minsan," mukang pinagtripan pa ata siya ng kaniyang best friend. "Kung gusto mo, forever ka na lang panget," natawang sabi nito. Sunod na ginawa nito ay pinasuot sa kaniya ang salamin. "Ano ba ginagawa mo sa 'kin?" salubong ang kilay niyang tanong sa kaniyang best friend. "Manahimik ka na lang kung gusto mong makita ang Mama mo! Huwag ka nang umangal." Ano ba namang kabulastugan ang nilalagay ni Emma sa aking ulo. Dinagdagan pa ng salamin at retainer na panget sa aking ngipin. Hindi ko naman kailangan ng retainer. Kung straight ang buhok niya noon. Ngayon ay buhaghag na. "Oh my god! Hindi na kita kilala beshy!" napatili pa ito sa kaniyang harapan. Ngayon hindi niya na makita si Lailani Pulidu sa kaniyang harapan. Kundi ibang tao na ngayon ang nakikita niya sa salamin. Isa na siya ngayong panget. Nakaawang ang labi niya sa harap ng salamin. Malaking pagbabago ang nagawa ng kaniyang best friend sa kaniya. Hindi na siya magtataka na nabago siya ng kaniyang best friend dahil ito naman ang trabaho ni Emma.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD