Lailani Pulido POV
"Bakit hingal na hingal ka sissy?" salubong sa akin ni Emma. Tinakasan ko lang naman ang isang baliw pero gwapong nilalang. Gusto niyang pakasalan ko siya. Bakit? Nagmamahalan ba kaming dalawa? Bakit ba lahat ng lalaki ngayon parang laro na lang para sa kanila ang kasal?
Una si Vander, pagkatapos ang lalaking 'yon? Seriously, nasaan na yung mga utak ng mga lalaking 'yan? Bakit ba palaging ako yung gustong-gusto nilang pakasalan. Alam ko naman na maganda ako pero ayaw ko pang magpakasal. Tinakasan ko nga si Vander 'di ba? Tapos, heto na naman, may nagpo-propose na naman sa 'kin. Tsk! Pagkatapos niyang makipaglampungan tapos biglang yayain akong magpakasal sa kaniya. Ayos lang ba ang lalaking 'yon? Sayang naman kung nasiraan na siya ng bait.
Infairness naman, napaka-gwapo rin naman ng lalaking 'yon. Pero ayaw ko sa mga lalaking kahit saan na lang yata may mga kalampungan na mga babae.
Umupo ako sa sofa. Hingal na hingal pa kasi ako. Ikaw ba naman ang tumakbo pagkatapos sabihin ng lalaking 'yon na pakasalan ko siya. Tinakbuhan ko na kaagad. Ngayon ko lang napansin na wala na akong suot na jacket, hinubad ko pala iyon pagasok ko sa kotse ng lalaki kanina.
"Sissy?" napakurap ako nang muling mapansin si Emma sa aking harapan. Kanina pa pala nagsasalita ito, pero dahil sa dami kong iniisip hindi ko na ito nasagot.
"Ano? Nakausap mo ba ang mama mo? Or nakita mo man lang ba?" muli ay tanong ni Emma. Hindi pa nga ako nakakabawi sa hingal, ang dami niya ng tanong.
Hindi ko na naman sinagot ang tanong niya. Sobrang init kasi ng pakiramdam ko. Dahil dito sa mga nilagay sa mukha ko. Tinanggal ko ang retainer na nakakabit sa ngipin ko, ang wig na kanina pa nagpapakati sa ulo ko, tinapon ko sa sahig at ang makapal na make-up ay mariin kong kinuskos ito para matanggal. Feeling ko ang kati-kati ng mukha ko. Nilagyan lang naman ako ni Emma ng make-up para umitim. Dapat mas lalo pa akong puputi pero kabaliktaran naman ang make-up na nilagay niya sa 'kin, mas umitim naman ako.
Lahat ng 'yon nakakairita sa katawan ko. Kung hindi lang kailangan hindi ko gagawin 'to.
"Ano na? Kanina pa 'ko salita ng salita dito. Nag-e-exist pa ba ako?" Napatingala ako sa nagrereklamo sa aking harapan. Ang bestfriend ko, si Emma. Kanina pa kasi siya salita ng salita 'di ko sinasagot.
"Hindi kami nagkausap ni Mama. Hindi pa siya nagising, dumating kasi si Vander kaya tumakbo ako hanggang sa napunta ako sa kotse na pula at nakita ko na naman ang lalaking nakita ko noong nakaraang araw. As usual, may babae na naman siyang kinakama, ay mali, tinitira sa kotse." kwento ko kay Emma. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata.
"Kaya ba hingal na hingal ka?" tila kinikilig pa na sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Anong iniisip nito?
"Hingal na hingal ako kasi nga...tumakbo ako. Ikaw ba naman ang yayain na magpakasal sa kaniya, hindi ka ba tatakbo? Mamaya reypin pa niya ako." nakanguso na sabi ko sa kaniya.
Bigla siyang nagka-energy. Lumapit sa akin at halos yugyugin na ang aking balikat. Kinikilig ba 'to o naiihi?
"Bakit hindi ka um-oo?" halos mabingi ako sa pagtili niya sa tainga ko. Loka! Nagtakip ako ng tainga, baka kasi mamaya sisigaw na naman ulit ito.
"Bakit ka tumakbo? Gwapo na eh! Dapat 'di mo tinanggihan." tumili na naman ulit ito. Mabuti na lang at natakpan ko na kaagad ang tainga ko. Kapag ito kasama ko araw-araw baka mabingi ako.
Wala naman akong mapupuntahan kun 'di dito muna makikitira sa bahay niya.
Tinitigan niya ako bigla. Parang hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. "Hindi kaya bulag ang lalaking 'yon?" Pagkatapos ng ilang minuto niya akong tinitigan, bigla na lang nagsalita. "Tinanggal mo ba yung disguise mo?"
"H-hindi. Kaya nga init na init na ako eh! Patungan mo ba naman ng makapal na make-up yung muka ko. B-bakit ba?"
"Eh! Bakit gusto ka niyang pakasalan? Nagustuhan ka ba niya kahit pangit ka?"
"Teka nga, bakit ba ako yung tinatanong mo? Hindi ko nga alam. Umalis nga ako, hindi ko inalam kung bakit gusto niyang pakasalan ko siya. Naiwan pa nga yung jacket ko. Paano ko ngayon 'yan makukuha sa kaniya?"
Tumango-tango na lamang si Emma. Ako naman ay napapaisip.
Kailangan kong malaman ang kalagayan ni mama. Pero hindi ko malalaman iyon kung nando'n si Vander nakabantay. Ano ba kasing nakita ni Vander sa 'kin? Bakit gustong-gusto niya ako? Kailangan pa niyang gipitin ang pamilya ko para lang magpakasal ako sa kaniya. Kahit anong gawin niya, hindi ako magpapakasal sa katulad niyang babaero.
Nasa malalim ako ng pag-iisip ng bigla na naman magsalita si Emma. "Bakit ba ayaw mong magpakasal? Takot ka ba sa hotin?" biglang humagikhik si Emma. Ako naman ay naging blanko ang isip sa sinabi niya.
"Anong hotin?" kumunot ang noo ko habang ito ay tumatawa na parang hindi na matatapos.
"Kung sa mahihirap t*t*. Kung sa mayayaman cock." sagot niya na patuloy pa rin ang paghagikhik nito sa aking harapan.
Nagkasalubong bigla ang aking mga kilay sa sinabi niya.
Inayos ko na lang ang mga gamit ko, wala na rin naman akong gagawin. Dito na muna ako titira pansamantala. Naalala ko na naman ang lalaki kanina. Kahit pala mag-disguise ako, meron pa rin palang gustong magpakasal sa 'kin. Habulin yata ako ng mga babaerong lalaki.
Halata naman na babaero ang lalaking 'yon. Noong una, nakita ko rin siyang may kalampungan na babae, hanggang ba naman sa pangalawa namin na pagkikita, meron pa rin. Take note, palaging sa kotse.
Napangiwi ako sa naalala kong scene. Ayaw ko ng maalala pa 'yon.
Third Person's POV
"Parating na ang anak ni Don Feister!" sigaw ng mga maid sa mansyon ng Feister.
Matagal ng hindi nakabisita si Elijah sa kanilang mansyon. Hindi kasi sila magkasundo ng daddy niya. At ngayong wala na ito ay umuwi siya dito para dito na ulit tumira.
Kahit hindi pa niya makukuha ng tuluyan ang mga negosyo at mga naiwang ari-arian ng daddy niya, balang araw ay makukuha niya rin ito. Dahil nakahanap na siya ng babaeng pakakasalan niya. Yun nga lang, pagkatapos niya sabihing pakasalan siya ay bigla itong tumakbo.
Ang kapal ng mukha niyang takbuhan ako. Wala pang nakakatanggi sa akin, kun 'di siya pa lang.
Inamoy niya ang jacket nito. Kaagad rin naman niya ito tinapon sa tabi, dahil sa tapang ng pabango nito.
"Jacket, naiiwan? Kung naiiwan pa yung sarili nya baka naiwan na rin ng babaeng 'yun."
Binuhay niya ang makina at pinaharurot ang kaniyang kotse.
Gusto niya itong hanapin dahil nakakasigurado naman siyang hindi siya magkakagusto sa babaeng 'yon dahil sa hitsura nito. Mukhang walang suklay dahil sa kulot nitong buhok, maitim at may retainer. Hindi pasado sa kaniyang standards. Malayong-malayo sa mga babaeng gusto niya. Kahit nga siguro ang halikan ito sa pisngi ay hindi niya magagawa.
"Good morning, senyorito, Elijah!" bati sa kaniya ng mga nakatalaga sa mansyon.
Mga naiwan na lamang dito ay ang talagang pinagkakatiwalaan ng kaniyang ama.
Maraming nagbago sa mansyon.
Hindi man lang siya gumanti ng bati sa mga ito.
Pero bago siya tuluyang umakyat, lumingon pa siya sa mga ito. "I want a salad and bring me some wine to my room!" bilin niya sa mga ito bago tuluyang tinahak ang kaniyang sariling kwarto.
Hanggang pala ngayon nasa kwarto niya pa rin ang picture ng babaeng minahal niya ng sobra. Sa kanilang kasal ay nalaman niyang may lalaki ito. Sa araw mismo ng kanilang kasal ay may nakapagsumbong sa kaniya na mayroong ibang lalaki ang babaeng pakakasalan niya. In short, niloko lang siya ni Jasmin.
Labis siyang nasaktan sa araw na 'yon. Iniwan siya ni Jasmin dahil pinagpalit siya sa lalaking may sariling mga negosyo.
Wala pa kasi siyang maipagmamalaki noon, umaasa pa lang siya sa dad niya sa mga oras na 'yon. Pero ngayon, mapapasakaniya na ang lahat ng ito kapag nagawa niya ang nakasaad sa last will and testament ng daddy niya.
Ayaw niya ng maalala pa ang EX niya. Pinindot niya ang bell button sa tabi niya para tawagin ang isa nilang katulong. Kaagad rin naman itong umakyat at pumasok sa silid niya.
"Senyorito, meron po ba kayong iuutos sa akin?"
"I want you to remove that big frame on the wall." turo niya sa malaking frame na nasa dingding. Frame yun ng EX niya.
"I don't want to see that woman's face in my room!" Kaagad naman tumalima ang kaniyang maid at kumuha ng mapapatungan.
"Ano pang ginagawa niyan sa room ko?" tanong niya dito.
"Eh, senyorito, matagal na po kasing hindi namin ito pinapasok ang room niyo. Iyon po kasi kabilin-bilinan ng papa niyo. Huwag daw namin galawin ang mga gamit niyo." sagot nito.
"Itapon niyo na 'yan!" utos niya dito bago tuluyang pumasok sa banyo.
LIMANG ARAW na lang, tuluyan niya ng hindi makukuha ang mana kapag hindi pa siya nagpakasal.
Habang nakaupo at nakatanaw sa malawak nilang swimming pool. Tinawagan niya si Vander. Kailangan niya ang tulong nito.
Wala rin kasing nagawa ang inutusan niyang private investigator, hindi raw nito mahanap ang babaeng pinapahanap niya.
"Yes, dude!" sagot nito sa kabilang linya.
"I need you. I need your covered media."
"Why?"
"I need a woman to marry. Will you help me? Gamitin mo yung sakop mong media. Ipa-announce mo sa kanila na lahat ng babaeng interesado at mapipili kong pakasalan ay may ten milyon na makukuha mula sa 'kin."
Biglang tumawa si Vander sa kabilang linya.
"Fvck! Dude! Are you that desperate now? Napaka-guwapo mong nilalang para gumamit pa ng media para lang humanap ng babaeng pakakasalan mo.” Patuloy pa rin siya nitong tinatawanan.
"What? What's funny, huh?" kumunot ang kaniyang noo.
"Dahil sa dami mong babae, bakit hindi na lang iyon ang pakasalan mo. Ang laki ng problema mo. Mas gusto mo pa magpakasal sa babaeng hindi mo kilala." patuloy na tawa ni Vander.
"Eh, bakit ikaw? Ang laki rin naman ng problema mo. Tinakasan ka lang naman ng bride mo?" ganti na asar niya dito. Biglang natahimik si Vander sa kabilang linya.
"Kung ayaw mo 'kong tulungan. Si Kysler na lang. I'm sure he can help me about this. Ayaw kong magpatulong sa taong rejected." Kaagad niyang ibinaba ang kaniyang phone. Siguradong naasar si Vander sa sinabi niya.
Tinawagan niya si Kysler pagkatapos. Isang sabi niya lang dito. Napa-oo na kaagad. Nagbago kasi ang kumag na 'yon dahil sa asawa niya. Masaya na nga pala ang kumag na 'yon sa feeling ni Ivy.