HEARTLESS MAFIA 1

2004 Words
--------- ***Vienna's POV*** - “Ms. Lopez, I’m sorry to tell you that your brother already did a lot of offense in our school. Hindi na kita mapagbibigyan, ilang beses ko nang binigyan ng huling pagkakataon ang kapatid mo. Sinabi ko na sayo sa huling pag- uusap natin na sa susunod na makagawa pa ng pagkakamali ang kapatid mo sa paaralan na ito, talagang tuluyan na syang ma kick out dito.” Ang sabi sa akin ng school principal ng paaralan kung saan nag- aaral ang kapatid ko. Kaya mas lalo akong namumublema ngayon sa kapatid ko. Hindi ko na alam kung saan paaralan ko pa siya ipapasok para matanggap lang siya na pasok sa budget ko. Ito lang ang private school na afford ko. At kaya lang natanggap ang kapatid ko dito dahil sa nakikiusap pa ako sa may- ari ng paaralan para tanggapin lang niya ang kapatid ko sa paaralan ito. Dahil sa record ng kapatid ko kaya nagdadalawang isip talaga ang mga paaralan na tanggapin ito. Ayaw naman mag- aral ng kapatid ko sa isang public school. “Mrs. Cortez, kahit isang pagkakataon pa. Ipinangako ko sayo na hindi na gagawa ng pagkakamali ang kapatid ko. Nakikiusap ako. Isang pagkakataon pa talaga Mrs. Cortez.” Nangungusap ang mga mata ko sa matandang principal, umaasa ako na pagbibigyan pa nya ako sa huling pagkakataon. “I’m sorry Ms. Lopez, pero hindi na talaga kita mapagbibigyan. Malaking perwisyo na sa paaralan na ito ang kapatid mo. So effective from this day, he is banned from this school.” Hindi lang isa, dalawa at tatlong beses nakagawa ng offense ang kapatid ko sa school na ito. Maraming beses na at ang huli ay ang pagpasok nito na lasing at muntikan pang mabugbog nito ang gwardiya ng school. Nag- init na talaga ang bawat sulok ng mga mata ko. Gusto ko nang maiyak. Wala akong nagawa kundi ang magpaalam sa principal at tanggapin ang desisyon nito. Paglabas ko sa principal office, dumiretso ako sa banyo. Nasa loob na ako ng isa sa mga cubicle dito sa banyo. Hindi ko na napigilan ang saril ko at tuluyang napatulo ang luha ko. Wala naman akong ibang pangarap kundi ang magkaroon ng magandang kinabukasan ang kapatid ko. Kaya nga double ang trabaho ko para lang maibigay ko ang pangangailangan ng kapatid ko. Nagtatrabaho ako sa isang tutorial center sa umaga habang waitress naman sa isang club sa gabi. Halos wala na nga akong tulog dahil para lang sa paghahanapbuhay para sa aming dalawa ng kapatid ko. Ang kita ko sa umaga ay para sa pang- araw- araw namin ng kapatid ko. Ang kita ko naman sa gabi ay para lang sa pangangailangan at pag- aaral ng kapatid ko. Kaya masyado akong nasaktan sa nangyayari ngayon, hindi ko mapigilan ang mapatanong sa kung saan ako nagkulang. Sa kung saan ako nagkamali. Ginawa ko naman ang lahat pero bakit parang kulang pa rin. Ako nga pala si Vienna, 23 years old, graduate ako ng BEEd (Bachelor of Science in Elementary Education) sa isa sa mga state university ng Manila. Dahil sa isang ched scholar ako kaya nakapagtapos ako sa pag- aaral kahit pa nagta- trabaho din ako para sa amin ng kapatid ko. Nagtatrabaho ako sa umaga at nag- aaral ako sa gabi, at tatlong taon ko itong ginagawa mula nang sabay na namatay ang mga magulang naming dahil sa isang aksidente, hanggang sa naka- graduate ako isang taon na ang nakakalipas. Sa ngayon, kasalukuyan akong nag self- review kung may vacant time ako dahil plano kong kumuha ng board exam. May kapatid ako, si Benjie, 16 years old and he has a juvenile problem. Nagsimula ito nung namatay ang mga magulang namin, my brother was affected too much by our parents’ death at nalulong ito sa barkada, na siyang naging dahilan para sabihin isang problema sa lipunan ang kapatid ko. Sa loob ng halos apat na taon, dalawang beses na dinakip ang kapatid ko at ikinulong ng DSWD. Pero hindi pa rin ito nagtanda at lagi pa rin itong bumabalik sa bisyo nito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mabait naman na kapatid si Benjie at ramdam ko naman ang pagmamahal nito pero kahit anong sabihin ko, hindi ito sumusunod sa akin. Nagpapatuloy ito sa bisyo nito. Sandaling titigil pero babalik muli. At ito ang pinu- problema ko. Paano magkaroon ng magandang kinabukasan ang kapatid ko kung lagi siyang ganito? Hindi ko na alam ang gagawin ko, may pagkakataon na gusto ko nang sumuko, dahil pakiramdam ko, hindi na talaga magbabago ang kapatid ko. Pero sa tuwing maiisip ko ang mga magulang ko at ang pinangarap na magandang buhay ng mga ito para sa amin, ay hindi ko basta pabayaan nalang si Benjie, responsibilidad ko ito at isa pa, mahal na mahal ko ito. Si Benjie nalang ang natitira sa akin. Pinunasan ko muna ang luha ko bago ako lumabas mula sa cubicle at tuluyan na akong lumabas mula sa banyo, kailangan ko nang umuwi para makapagpahinga pa ako. 8 pm- 2 am (Tue- Sun) ang trabaho ko sa club, habang 10 am- 4 pm (Mon- Sat) naman ang trabaho ko sa tutorial center. Ang ilang vacant kong oras ay ginagamit ko para sa pagrereview ko. Nakarating na ako sa lobby ng building ng paaralan kung saan ko iniwan si Benjie pero hindi ko nakita ito. Iniwan ko lang sandal dito si Benjie para kausapin sandali ang school principal nito. Saan na naman ito nagsusuok? Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang kapatid ko. Ilang beses ko pang dinayal ang numero nito bago sinagot nito ang tawag ko. “Benjie, nasaan ka na naman?”agad kong tanong dito, pagalit ang boses ko. Galit talaga ako. “Ate, relaks.” Ani ng nasa kabilang linya. “Kasama ko lang ang mga kabarkada ko.” Sobrang maingay ang lugar kung nasaan ang kapatid ko ngayon. “Benjie naman, alam mo bang na kick out ka na sa school mo? Please naman, wag ka naman gumawa ng iba pang pagkakamali. Baka sa susunod kung saan na kita kukunin, baka sa presinto na kita susundin.” Frustrated kong sabi. “Don’t worry ate, kaya ko ang sarili ko.” Ani ng nasa kabilang linya na hindi man lamang ito nalungkot dahil napaalis ito sa paaralan kung saan ito nag- aaral. At saka, natatakot ako pag sasabihin nito na akin na kaya nito ang sarili nito dahil may gagawin na namang kababalaghan ito. Kaya ngayon, nangangaba at natatakot na naman ako para sa kapatid ko. “O sige ate, tinatawag na ako ng mga kaibigan ko.” Agad na tinapos nito ang tawag ko. Sinubukan ko muli na tawagan ito pero hindi ko na ito makontak. Wala akong nagawa kundi ibalik sa loob ng bag ko ang cellphone ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa kapatid ko. Pinaghinaan ako ng loob kaya nanghihina na rin ang katawan ko. Napaupo ako sa isang upuan na nakita ko bago pa ako tuluyang matumba. Kasalanan ko ba kung bakit nagkaganito ang kapatid ko? Hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko minsan, baka dahil sa pagtatrabaho ko, nagkulang ang pagmamahal at atensyon na ibinigay ko sa kapatid ko kaya ito nagkaganito. - "Ano ka ba Vienna, itigil mo na nga yan paninisi mo sa sarili mo. Hindi mo kasalanan kung ang baliktad na landas ang pinili ng kapatid mo. Ginawa mo ang lahat para sa kanya at hindi lang nya na- appreciate ito. Malaki na ang kapatid mo at marunong na siyang gumawa ng sarili niyang desisyon. Siya ang nag- desisyon sa buhay na pinili niya. Kung ano man ang nangyari sa kanya, yan ay sarili niyang kagagawan at hindi sayo.” Ani sa akin ng kaibigan ko na si Rose, kasamahan ko ito dito sa club, isa itong dancer. At masasabi na rin prostitute. Pero mabait si Rose sa akin at mas masasabihan ko pa ito sa mga problema ko kaysa sa mga kasamahan ko sa tutorial center na pinagtatrabahuan ko. “But he is just 16 years old, responsibilidad ko pa rin siya at pakiramdam ko, hindi ko nagampanan masyado ang obligasyon ko sa kanya at isa na dito ay ang e- guide sya sa tamang daan. Ewan ko kung saan ako nagkamali.” “Ano ngayon kung 16 years old pa lang ang kapatid mo, ang kapitbahay nga namin, 13 years old pa lang pero nabuntis na. And take note, isang mabait na bata pa iyon, mabuting estudyante, walang mag- aakala na mabuntis agad. Pulis ang ama at isang guro naman ang ina. Sinasabi ko ito sayo hindi para e- tsismis ang kapitbahay ko, kundi para sabihin sayo na kahit hihigpitan mo pa ang kapatid mo, kung gusto niya ang landas na tinahak nya ngayon, hindi mo pa rin sya mapipigilan. You can guide him pero desisyon nya kung susundin ka niya. C’mon, magtrabaho na tayo, malapit na akong isasalang sa stage, itigil mo na ang paninisi mo sa sarili mo.” Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Kailangan ko nang magtrabaho baka mapagalitan pa ako. Kahit medyo mabait pa ang boss namin, pero pag magkamali kami at hindi namin nagawang maayos ang trabaho, ay talagang pagagalitan kami nito. High class ang club na pinagtrabahuan ko, hindi basta’t- basta ang mga customer namin dito. Kaya hindi din basta’t- basta ang mga nagtatrabaho dito, kahit nga ako na waitress lang, pasok pa rin ako dapat sa standard. Dahil sa may dugo ako na ibang lahi na hindi ko alam kung ano kaya matangkad talaga ako at mestiza. Anak lang naman ako ng ama ko sa ibang babae at iniwan daw ako sa ama ko pagkatapos akong ipanganak ng ina ko. Half- brother ko lang si Benjie. Hindi lang iisang beses na may mag- offer sa akin para maging modelo pero wala talaga akong lakas ng loob para tanggapin ang ganitong trabaho, natatakot ako lagi na baka maloko lang ako at ito pa ikapahamak ko. May nag- offer na rin sa akin na gawin akong trainee para maging pambato sa mga beauty contest, pero hindi ko talaga line ito. I am not confident enough. Ang pangarap ko lang ay ang maging guro. At tutuparin ko ang pangarap na ito. “Vienna, pinapatawag ka ni boss?” sabi sa akin ng isang waiter, kababalik ko lang sa may dining. Kagagaling ko lang maghatid ng inorder na alak ng isang grupo. Muntikan pa akong mabastos kanina. Mabuti nalang at mabilis na lumapit sa akin ang isa sa bouncer ng club at tinulungan akin. “Ha? Bakit?” Kinakabahan ako. May nagawa ba akong kasalanan? Hindi ko maalala na nakagawa ako ng kasalanan. “Ewan ko.” Wala akong nagawa kundi ang puntahan ang boss namin sa opisina nito. “Boss, pinapatawag nyo daw ako. May nagawa po ba akong kasalanan?” "No.” tumayo ito mula sa executive chair nito. "In fact, you are doing your job very well. Pinapatawag lang kita dahil gusto ko na ikaw ang magdala ng isang mahalagang alak na ito sa isa sa mga VIP natin ngayong gabi na ito.” Nakita ko ang alak na nasa mesa nito. “Ang alak na ito ay nagkakahalaga ng ilang million Vienna,”--- napalunok ako. Ang mahal naman yata. “Handle it with care. Be extremely cautious! And one more thing, this VIP is not only a very important person but also incredibly dangerous. When you enter the VIP room, make every effort to avoid looking directly at him, especially into his eyes. He has a strong aversion to being stared at and could become violent if you so much as glance at him. He might kill you just for making eye contact. So, remember, do everything in your power to avoid looking at him." Kinilabutan ako sa sinabi ni boss. Ang lakas din ng kabang naramdaman ko. Sino ang VIP na ito na sa salita pa lang ni boss ay parang aatakihin na ako sa sakit sa puso kung meron ako nito dahil sa sobrang takot?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD