PROLOGUE

528 Words
---------- "You can't marry her, Dylan!" walang pag- alinglangan kong sabi kay Dylan nang kami nalang dalawa ang magkaharap. Nasa loob kami ng opisina nya. Lakas loob akong sinundan s'ya dito. Kailangan ko s'yang makausap. Kailangan n'yang malaman ang tungkol sa kalagayan ko. Napatingin s'ya sa akin. "Who give you the right to come here?" aniya, sa galit na tono. Right? He is the one who give me the right to come here, sabi nya what is his is mine, pero bawal na ako ngayon. "Asawa mo ako, Dylan." "Shut up! You're not my f*cking wife. Tinatapos ko na ang kontrata natin." aniya na nagdulot ng sobrang sugat sa puso ko. "You can leave. Get out from my life." Hindi ko napigilan ng pagtulo ng luha ko. Sobra akong nasaktan sa mga sinasabi n'ya. Bigla nalang n'ya akong itinapon na ganito nalang na parang walang akong halaga sa kanya kahit maliit na porsyento lang. Ginawa ko ang halos lahat para mapasaya ko lang s'ya. Naramdaman ko naman na naging masaya s'ya pero bakit bigla nalang naging ganito. Bakit bigla nalang nagbago ang pakikitungo n'ya sa akin? Bakit biglang gusto na n'ya akong umalis sa buhay n'ya? "Dylan, buntis ako." Nasambit ko. Gusto kong malaman n'ya ang kalagayan ko. Ayaw kong malayo sa kanya. Gusto kong piliin n'ya ako kaysa babaeng sinasabi n'yang pakakasalan n'ya. Tanga na siguro ako pero nasasaktan ako sa sinasabi n'yang kailangan ko nang umalis sa buhay n'ya. Sobra akong nasaktan na parang pinipiga ang puso ko ng paulit- ulit. Dahil katangahan man-- pero mahal ko sya. Natutunan ko syang mahalin sa kabila ng katotohanan kung anong klaseng tao sya. "What? What did you say?" "Buntis ako, Dylan. Please take me. Kailangan kita. Kailangan ka namin ng anak mo." "Get rid of that baby!" "A-- Ano?" nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Hindi ako makapaniwala sa sinabi n'ya. "I said get rid of that baby!" "Pero Dylan, anak mo ito. Dugo at laman mo ito. Paano mo nagawang sabihin yan sa akin." tuluyan nang napatulo ang luha ko. "I don't have a heart, remember? And I don't want my life to be bother with a child." aniya, wala akong nakitang kahit anong emosyon sa mga mata n'ya. Nanghina ako sa narinig ko. Napaupo ako sa sahig dahil sa nawalan na ako ng lakas na tumayo. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko habang nakatingin ako sa kanya. Umaasa ako na makakita ako ng kahit kunting awa sa mga mata n'ya pero wala-- wala akong nakita. Matinding pagkasuklam ang nakikita ko sa mga mata n'ya. "Listen to me, Vienna. Power is more important to me. Ang pagpapakasal ko kay Khara ay mas magpapalakas pa ng kapangyarihan ko, hindi ko hahayaan na may sisira dito, kahit na ang sinasabi mong anak ko. I won't let you and that child in your womb to ruin everything that I worked of. So, get rid with that baby o I will be the one to get rid of it for you." -- -- -- (This is just the Prologue, to attract readers, ilang chapters pa bago ang scene na ito.) ------ ------ Salamat sa mga magiging future readers ko. Godbless!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD