Contain Mature Scene!
-
Blurb
"You only have 365 days to make me fall inlove with you, failed to do so will cost your life.
-
Nang namatay ang mga magulang nila, ipinangako ni Vienna sa mga ito na aalagaan nya ang nakababatang kapatid na si Benjie. Pangarap nya na magkaroon ng magandang kinabukasan ang kapatid pero paano nya magagawa ito kung may juvenile problem ito. Ginawa nya ang halos lahat para maituwid lang ang landas nito pero sadyang hindi ito nagbabago. Hanggang sa nakagawa ito ng malaking kasalanan sa isang mapanganib na tao, ang kasalanan na maging dahilan para mabago ang tahimik na buhay ni Vienna.
-
Para mailigtas ang kapatid nya mula sa kamay ng isang malupit at tinagurian walang puso na Mafia boss, kailangan pumerma ni Vienna ng isang kontrata na magkukulong sa kanya sa impyerno kasama ang walang puso na Mafia boss na si Dylan Saavedra.
-
May isang kondisyon ito sa kanya, kailangan nya itong mapaibig sa kanya at meron syang 365 days para gawin ito. Failure to do so will cost her life. Pero paano nga ba nya mapaibig ang isang malupit na Mafia boss kung sadyang sobrang kapal ng yelo na nakabalot sa mapanakit nitong puso? Anong buhay ang naghihintay sa kanya sa piling ni Dylan Saavedra?
-
Ano ang malaking sekreto sa pagkatao ni Dylan na may malaking kinalaman sa kanya? Ano ba ang mas matimbang, pusong nagmamahal o ang pusong mapaghiganti?
-
-
sweetnanenz@2024