15: Triggered

1292 Words
"ARE YOU HAPPY?" Natigilan si Treazandra sa pagsusuklay sa harap ng salamin sa kaniyang tokador. Saka niya hinarap ang kaibigan na si Calla na nakaupo sa kama niya at inaayos do'n ang napili niyang isusuot na white dress sa tulong nito. "What's with that question, Calla? Of course I am. Baby namin 'to ni Alejandro. Alam mo naman how much I adore him. And really, I can say now that I love him." Bumuntonghininga si Calla bago siya tugunin. "Okay, sabi mo 'yan e." Calla even shrugged her shoulders. "Hay, nagseselos ka lang yata kay Alejandro," biro ni Trea sa kaibigan. Tipid na ngumiti lang sa kaniya si Calla. "I am your bestfriend. If there's one person that will be happy to your happiness, that is me. You know that. At kasali na ro'n ang kabaligtaran niyon, Trea. Kapag nasaktan ka, mas ako ang masasaktan. And honestly, kahit hindi mo itanong sa'kin, may takot akong nararamdaman today for you." Kung pagbabasehan ang ekspresyon ng mukha ni Calla, nasasalamin nga ang worryness do'n. At aaminin ni Treazandra na ang selfish niya today dahil sobrang saya niya ngayon para bigyan ng pansin ang nararamdaman ng kaibigan niya. "I'm sorry, Calla." "No, I'm okay. Huwag mong ipagkamali ang nararamdaman kong 'to na kakulangan mo. It's just, I have this feeling na lilitaw any moment ang asawa ni Alejandro at sasaktan ka. Emotionally." There. Nasabi na rin nito sa wakas ang saloobin. Ngayon ang araw na inimbita siya ni Alejandro sa Tagaytay. Dahil nga buntis na siya, hindi na rin naman lihim kay Treazandra na magpo-propose na ang CEO sa kaniya today. Hindi surprise. Kaya rin siguro ganoo'n ang nararamdaman ni Calla. Hindi nga kasi lihim ang mangyayaring 'to. In fact, nag-announced pa nga ang mga Sandoval sa social media platforms nila at nagpahayag ng kasiyahan sa nalalapit na pagiging tatay ni Alejandro. The people around them even congratulate the CEO and her. Ang mga tao ay nagpapakita rin ng kasabikan para sa baby nila ni Alejandro. Hindi na nga alam ni Treazandra kung saan niya pa ilulugar ang ibang kasiyahan. Lalo na nang mabanggit ni Alejandro na sa pagtagal na lang ang church wedding. Magpapakasal daw muna sila sa Las Vegas after this day. Ganoon ka- eager 'to na mapakasalan siya, sino ba ang hindi sasaya? Alejandro is the man of her dreams. At mas lalo lang niyang napatunayan sa sarili 'yon nang makasama niya 'to na tila sila magkarelasyon. Adult thing. Hindi man naranasan ni Treazandra na maligawan ng isang Alejandro Sandoval, mabilis man ang pangyayari sa pagitan nila ni Alejandro, mahalaga pa ba 'yon? May mas importante pa ba sa ito na sila, pagkatapos ng pormal na engagement ay lilipad gamit ang private plane ng Sandoval pa- Las Vegas at doon magpapakasal. Ito na sila, magkaka-baby na. Bubuo na sila ng pamilya. "I understand," 'yon lang ang naitugon niya kay Calla. Inamin naman kasi ni Alejandro sa kaniya na nagkaroon na nga 'to ng asawa. At siniguro naman nito sa kaniya na nag-file na 'to ng annulment. Ang grounds naman daw ay effective. Pirma na lang ni Angel ang hinihintay nila. Na sana ay ibigay na nito at siguro ay sa ganoon na paraan, makakampante na si Calla. Nang nasa Baguio sila ay napakaraming nangyari sa kanila ni Alejandro. Inamin niya rito na buntis siya, inamin nito nang araw rin na 'yon na may asawa 'to. Napulot ni Alejandro ang ID ni Angel no'n sa entrance ng DB Residences. Natapakan ni Alejandro na tila inadya ng tadhana na ipaalala rito na may asawa na 'to kung kailan sinabi ni Treazandra sa CEO na magkakaanak na sila. Hindi makakalimutan ni Treazandra kung paano niya minura sa isip ang tadhana nang araw na 'yon. Because seriously, sa haba ng panahon na nananahimik siya at nagkasya na pagmasdan si Alejandro sa malayo, bakit noon pa nito inadya na muling ipakita kay Alejandro na nag-e-exist pa ang isang babaeng dapat ay pinanatili na lang nito sa alaala ng CEO. Hinding-hindi makakalimutan ni Treazandra ang naging reaksyon ni Alejandro nang pulutin nito ang ID at pagmasdan. Nang magulat 'to na si Angel Montreal ang nasa ID na 'yon. Klaro pa kay Treazandra kahit ilang araw nang nakalipas 'yon. Hindi na lang niya nakuwento kay Calla. Hindi niya na kinuwento sa kaibigan kung paanong interogasyon ang ginawa ni Alejandro sa guards na nasa entrance ng building kung nasaan na ang nagma-may-ari ng ID. Hindi na rin niya kinuwento kay Calla kung paanong dali-daling umakyat si Alejandro sa floor ng HR Staff at pumanaog din agad nang hindi maabutan do'n si Angel, at hindi pa ro'n natapos 'yon. Tumakbo pa si Alejandro sa labas ng gusali, nagbakasali na abutan pa na paalis si Angel. "Hay, sorry at ang nega ko, Trey. Kung kailan napakasaya para sa'yo ang araw na 'to. O, siya, ayusan na kita ng buhok, puwede na 'yan. Para makapag- make up na tayo--" Hinuli niya ang kamay ng kaibigan. "Thank you. For everything." Natigilan naman si Calla. Pero nakabawi rin at pabirong sinabunutan siya. "Nag-drama ka pa! Naku, hindi naman akma sa atmosphere!" They laughed together. "Seryoso nga. Salamat. Alam ko naman na kahit saan ako makarating at dalhin ng pagmamahal ko kay Alejandro ay nariyan ka lang." "Hmn, hindi ko sure. Well, basta wala pa akong jowa." "Aba! May sinisinta ka na at hindi mo sinasabi sa'kin!" "'Yong g'wapulis. Nagulat nga ako na Sandoval din pala." "Seryoso?" "Pero dedma. Marami namang Sandoval sa mundo. Imposible na related 'yon kay Alejandro at pulis nga. Alam mo naman 'pag Sandoval, businessman. Bakit magpu-pulis naman ang ganoon kayaman." "OKAY KA LANG, SIS?" Makailang ulit na 'yon na text ni Theo sa kaniya at nagsisimula na naman siyang makulitan dito. Kaya hindi na niya 'yon nireply-an at hinagis niya ang phone niya sa kama. Pinagpatuloy na lang ni Angel ang pag-aayos sa sarili sa harap ng salamin. Nang tumunog na naman ang cellphone niya ay pinagmasdan lang niya 'yon. Kung puwede nga lang na i-off niya 'yon ay gagawin niya. Ngunit hindi maaari. Mahalaga sa kaniya ang aparato. Lalo na ngayon na malalayo siya sa Baguio ng ilang oras. O baka isang araw pa. Hindi pa niya sigurado. Nakasalalay ang itatagal niya sa pupuntahan sa kung ano ang mangyayari sa lalakarin niya ngayon. Naiinis nga siya kay Theo at sa tingin niya ay nagdadrama lang 'to kaya hindi siya raw masasamahan. Masyado niya na 'tong kilala kaya hindi siya maloloko nito. Ayaw lang ni Theo na tumuloy siya sa pakay niyang lugar ngayon. Nakapag- decide na siya. Pupunta siya sa Tagaytay kung saan magaganap ang engagement nina Alejandro at Treazandra ngayong araw na 'to. Dahil ang kapal ng mukha ni Alejandro na padalhan siya ng annulment papers. Ang kapal ng mukha nito na hindi man lang humingi ng paliwanag sa kaniya gayong alam naman pala nito kung saan siya pupuntahan. Ang kapal ng mukha nito na mambuntis na lang bigla pagkatapos ng ilang taon na kung sino-sino ang kinalantari. Oo, nanggigigil siya. Na kung hindi niya mapipigilan ang sarili ay baka sampalin niya rin mamaya ang CEO. Gano'n siya ka- triggered simula pa nang malaman niya na nakabuntis 'to. Ang kapal ng mukha nito na ipamukha sa kaniya na tapos na sila. Na pinalitan na siya nito sa pagkakataon na 'yon. "You can't do this to me, Alejandro," bulong ni Angel sa sarili habang nagkakabit na siya ng hikaw. Nang makuntento siya itsura niya ay napangiti si Angel sa sariling repleksyon. Matagal na panahon na rin nang huli siyang mag-ayos nang gano'n. Nang huli niyang isuot ang mga alahas niya na ginagamit lang niya no'ng active pa siya sa mga okasyon na tulad ng pupuntahan niya ngayon. Pero parang may kulang pa... Ang singsing niya, nila ni Alejandro Zircon Sandoval.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD