14: Almost

2215 Words
MULING HUMUGOT ng hininga si Angel nang malapit na siya sa entrance ng DB Residences. OA man pakinggan, natatanaw niya pa lang ang pamilyar na istraktura niyon ay para na siyang naduduwal. Paano naman kasi ay kung ano ang disenyo niyon around Metro, Manila, ganoon din do'n sa Baguio. At para siyang tanga para sisihin ang structure niyon, e, ganoon naman ang mga property talaga ng mga mayayaman. Noong bagong salta niya pa lang sa Baguio para mag-stay ro'n for good, tila siya minumulto ng yaman ng mga Sandoval kada makikita niya talaga ang mga gusali na alam niyang pag-aari ng mga ito. Ipinagpapasalamat na lang niya na dati ay madalas na pinapasyal siya ni Alejandro sa mga gusali na pag-aari ng mga Sandoval around Metro Manila, Tagaytay at Laguna at hindi rito sa Baguio. Sabi noon ni Alejandro, ang tatlong lugar na 'yon lang daw ang naka-assign dito no'n na pamahalaan at puntahan paminsanan 'pag kailangan. Kaya kilala siya ng mga employees do'n. Dito naman sa papasukin niya ngayon ay hindi. Kung bakit kasi sa dami ng pagkakataon, ngayon pa nag-LBM si Theo. Siya tuloy ang magdadala ng bulaklak do'n ngayon. Weekly ay nagdedeliver sila ng flowers sa HR Staff do'n. Wala naman kasi siyang delivery boy rin. Kung may okasyon lang nagsisitulong sa pag-delivers ang mga katulong niya sa pagtatanim at pagpitas ng mga bulaklak at hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil nakakalula ang mga gusali na tulad ng DB Residences. 'Yong tipong bago pasukin, sakal ka na. May ganoong effect sa mga ordinaryong tao talaga. "Sa HR po." "Sige, paiwan na lang ng ID po, any ID." Nakahanda naman na si Angel. Hindi na niya kailangan na ibaba ang hawak niyang roses na nakabasket at baka masira lang 'yon. Ang mahirap sa ikaw ang nag-aalaga ng sarili mong bulaklak, kung ikaw rin ang matotoka na mag-deliver, iingatan mo 'yon na parang anak na hindi mo hahayaan na ipadapo sa iba. "Here po, pakuha na lang." Muwestra niya sa guard. Kaagad naman nitong nakita ang ID na nakaipit sa kamay niya kanina pang bumaba siya sa kotse niya. "Ma'm, naka-ready na ah," biro sa kaniya ng guard. Nginitian lang 'to ni Angel. "Puwede na po?" "Yes po, left side ang ating elevator paakyat sa HR Department." "Thanks." Saka dumiretso na si Angel sa elevator na tinuro ng guard sa kaniya. Nang makapasok siya sa elevator ay nararamdaman niyang nagba-vibrate ang cellphone niya na nasa bulsa ng suot niyang pantalon. Binalewala lang niya 'yon at may tangan siyang bulaklak na iniingatan niya kahit halos tumakip na 'yon sa mukha niya. Sigurado naman siyang si Theo lang ang nagtetext sa kaniya. Naka-off naman kasi ang data niya. Besides, personal phone niya ang hindi niya inaalis sa bulsa sa tuwing nasa labas siya ng flower shop. Ang contacts niya sa personal phone niya ay si Theo lang, si Aling Pilar at si Harvey lang. Na mga relevant at constant na tao sa buhay niya ngayon. "ARE YOU HUNGRY?" "Are you done?" "Sinasagot mo naman ako ng tanong din e." Treazandra giggled. "Oh, sorry. Past 4 PM pa lang naman. We can eat later through drive thru naman, Jan." "Okay," tipid na tugon ni Alejandro sa kaniya. Tumayo na si Treazandra nang magpaalam na si Alejandro sa mga employess nito ro'n. Umangkla siya sa mga braso ni Alejandro na naging normal na niyang ginagawa sa tuwing magkasama sila nito. Habang nagpapaalam si Alejandro sa mga employees nito ro'n ay hindi mapigilan ni Trea na mapangiti. Sa tuwing nasa trabaho si Alejandro at nasasaksihan niya kung paano 'to magtrabaho at makipag-usap sa mga employees nito ay hindi niya mapigilan na humanga rito pa lalo. Ang g'wapo lang talaga nito lalo 'pag naroon at nakikipag-usap sa pormal na paraan sa mga empleyado nito. Well, Alejandro is always formal naman. But still, iba pa rin 'pag nakikita niya kung ano ito sa tuwing kasama siya sa oras nito ng trabaho. Mas madali niyang makinita ang future niya with him. "Keso!" Napangiti ng lihim si Trea nang marinig niya sa isip niya si Calla. Ganoon siya tuksuhin ng kaibigan niyang 'yon 'pag tungkol kay Alejandro na ang topic nila. "So, si MP pala dapat ang pupunta rito?" Tanong ni Trea nang naglalakad na sila ni Alejandro at medyo nakalayo na sila sa mga employees. "Yep. Nag-insist lang ako na ako na lang para mapasyal sana kita kahit sandali rito, kaya lang natagalan naman ang meeting with the investors and architects." "That's okay." 'Yong nalaman ni Trea na nag-insist ang CEO na ito ang magpunta at makipag-meeting do'n para sana ay ipasyal siya, wagi na siya. Kahit hindi natuloy, at least he considered to be with her. "Hindi ka ba nainip?" "Hindi naman. Ang dami rin kasing business newspapers do'n." "Oh, c'mon." Nakataas ang kilay na sambit ni Alejandro at tumingin sa kaniya. Napabungisngis na lang si Trea. "Na-enjoy ko nga na magbasa ng articles about you." "Dang," simpleng tugon ni Alejandro. Kulang pa sa emosyon, pero ewan ba ni Treazandra kung bakit ang lakas ng dating niyon sa kaniya. "Ano ka ba, walang nakakahiya sa mga nabasa ko." "Hindi ako nahihiya. But those are shitty news, really." "Hmn." "Huwag na nating pag-usapan 'yan." Simpleng salita, pero puno ng authority. Napangiti na lang si Trea. Though, hindi niya mapigilan na ma- amused sa nakikitang mga personality ng CEO. Naa-amused din siya sa kung paanong sa sandaling panahon na pagkakakilala nila, alam na niya kaagad kung paanong pakitunguhan ang mga ugaling 'yon nito. "Wait lang pala. Can I go to the restroom for a while?" Naalala ni Trea na kanina nga pala na iwan siya ni Alejandro ay bumili siya saglit ng PT. Dahil gusto niyang ipakita kay Alejandro ang result niyon bago sila maghiwalay nito ngayon. "Of course, sure. I'll wait for you here." "ANO BA AT tawag ka ng tawag? Alam mong may bitbit akong bulaklak," bungad ni Angel sa tawag ni Theo. Sabi na nga ba niya at ito lang ang nagte-text kanina. Hindi pa nakuntento at at tumawag. Kaya nang mailapag na niya't ma- deliver ang roses ay agad niyang sinagot ang tawag nito. "Sis, naalala ko nga pala na sa Don's Boys Residences ang delivery na 'yan." "Oh, so?" Inipit ni Angel ang phone niya sa pagitan ng balikat at tainga niya saka siya naghugas ng kamay sa sink ng banyo ro'n. "Kaya heto na at pa-gora na 'ko." "No need. Pauwi na 'ko, nag-banyo lang ako saglit--" "Wait mo na 'ko, okay? Nasa byahe na 'ko kanina pa. I'm almost there." Bumuntonghininga na lang si Angel. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa nahi-hint niyang panic at urgency sa tono ni Theo. "O, siya, sige," aniya na lang dito. Kung nasa byahe naman na 'to ay saglit lang na makakarating do'n at sigurado naman siya na naka-motor 'to. Na siyang ginagamit nito sa pagde-deliver 'pag kailangan. Talagang pinag-aralan ni Theo ang pagmaneho nito para makatipid sila kahit paano sa small business nila together. Kasama na niya sa buhay si Theo simula nang nag-out 'to at hindi tinanggap ng tatay nitong police officer. Given naman. Pero palaging sinasabi ni Angel sa kaibigan na ang pamilya nito ang nawalan sa hindi pagtanggap sa pagkatao niya. Usad na lang talaga, that's life. Sa buhay, kung walang makakaintindi sa'yo, huwag mong hayaan na pati ikaw ay hindi intindihin ang sarili mo. Gano'n lang 'yon kasimple. HOLDING HER BREATH, tinignan ni Treazandra kung ano ang mangyayari sa PT Strip na hawak niya. Ito na yata ang pinakamahabang segundo sa buong buhay niya. Ito na yata ang pinakamahaba niyang paghihintay sa isang resulta na alam naman niyang kaagad na makukuha niya ang sagot. Matiim niyang pinagmasdan kung paanong ang maliit at kapirasong strip na 'yon ay nagkakalinya. Dalawang pulang linya. "NASAAN ka na ba, banda?" Nakagat ni Angel ang lower lip niya sa binungad na tanong sa kaniya ni Theo. "Na--sa banyo pa rin." "Ha? Kanina ka pa r'yan ah. Ako ang may LBM pero ikaw ang tumambay sa banyo? Nakidayo ka pa ng banyo, in fairness sa'yo, Sis." No, ang bilis mo lang talagang makarating, nais sana niyang isagot pero mas pinili ni Angel na bumuga na lang ng hangin. "Palabas na 'ko, wait lang." "Hindi na, mag-park lang ako at pupuntahan kita. Nand'yan ka pa naman sa floor ng HR nila 'di ba?" "O-Oo." Bilisan mo na lang, Friend... "WHAT TOOK you so long?" "Here." Nakangiting minuwestra ni Treazandra ang nakakuyom niyang palad kung saan naroon ang PT strip kay Alejandro. Halata man ang pagtataka sa ekspresyon ng mukha ni Alejandro ay iniangat din naman nito ang kamay. "That. I'm almost two weeks pregnant, my CEO lover." Pigil-hininga na hinintay ni Treazandra kung paanong magbabago ang ekspresyon ni Alejandro... "YUCK, ang baduy ng My CEO lover!" Bulalas ni Theo sa isip niya nang marinig niya ang sinabi ni Treazandra. Kung lilingon lang sina Alejandro at Treazandra ay makikita ng mga ito na lukot ang kaniyang mukha na inirapan niya ang dalawa. Saktong pagbukas ng elevator, pagkanan ni Theo ay ang dalawa ang naroon. Kaya nga rin siya nagmamadali. Nadaanan niya sa IG ang IG post ni Elice, stolen na litrato nina Alejandro at Treazandra, with the caption kung saan papunta ang dalawa. Kaya naloka ang bangs niya at ang destination ng mga 'to ay ang destinasyon din ni Angel. Na dapat nga ay siya ang pupunta. Kaya siya nagmadaling puntahan si Angel do'n. Hindi na bale na siya ang makita ni Alejandro na may doubt naman siya kung makikilala siya at noong active pa ang relationship nina Alejandro at Angel ay hindi pa naman siya nag-a-out, huwag lang ang kaibigan niya. Saka, mapapatay siya ni Angel 'pag nagkataon na magkita ito ro'n at si Alejandro. Dahil nga siya dapat ang naroon para mag-deliver at hindi ito. Nagulat siya sa dinatnan pagbukas ng elevator. Pero mas nagulat siya at tatay na ang asawa ni Angel. Sinulyapan pa ni Theo ang PT strip na hawak at tinititigan ni Alejandro habang nilalagpasan niya ang mga 'to, malinaw niyang nakita ro'n ang dalawang pulang linya na nakakamanghang isipin kung paanong mundo na ang kahulugan sa lahat. Naghihintay na masayang mundo dahil magkaka-baby ka nang babago sa'yo, sa lifestyle mo nang bongga. Mundo ng kalungkutan naman para sa isang pusong paniguradong mawawasak sa malalaman. So, hindi na gumamit ng protection ang playboy na CEO ngayon. At ano nga ba ang sabi ni Angel sa kaniya, usad. Mukhang kailangan ng kaibigan niya na laklakin 'yon ngayon, minu-minuto, oras-oras, hanggang sa ma-digest ni Angel ang katotohanan na sasampal sa kaniya nang hindi matatapos ang araw na 'to. "YOU... ARE?" Nakangiting tumango si Treazandra. "Yep." Saka niya nilambitinan ang leeg ni Alejandro na napatda na yata at hindi na kumilos. "Aren't you happy?" "Ha, ahm, of--course, I am..." Pumikit si Treazandra sa pagitan ng balikat ni Alejandro at dinama pang lalo ang paglambitin niya sa CEO nang maramdaman niya ang palad nito na humaplos sa likod niya. Ah, ang saya niya ngayon. Sobrang saya sa puntong ang limang katulong ng parents niya sa bahay ay mabibilhan niya ng LV bag plus her bestfriend, Calla. Tumikhim si Alejandro. "Th--This calls for some... champagne! Yeah, right?" "Uh-huh." Nakangiting tugon ni Trea lang. Mas chill naman ang champagne sa LV, puwede na. "DADAAN AKO. Ano ba'ng problema mo?" Iritang tanong ni Angel kay Theo. Paglabas niya ng banyo ay saktong naroon na 'to. Pero nang akmang lalabas na siya sa banyo ay hinarang-harangan naman siya sa hindi niya malaman na dahilan. 'Kairita. Buti na lang din at wala ng tao na puwedeng lumabas mula ro'n at wala rin naman pumapasok na tila inadya sa kalokohan ni Theo. "Ay, lalabas ka na ba? Baka kasi naje-jebs ka pa." Angel rolled her eyeballs. "Altheo Altamirano, huwag mong hintayin na mabuwisit ako sa'yo. Nauubos ang oras natin sa kalokohan mo." "Ang bantot talaga ng pangalan na 'yan!" Angel rolled her eyes again. Nililibang na lang siya ng kaibigan, dama niya. "Tell me kung ano 'yan, malalaman ko rin naman 'yan. Don't you dare to lie," banta niya kaagad dito. Huminga si Theo sa ilong niya na isa sa mannerism nito. "Ang CEO nandito." "What?" "Oo nga. Kaya nga kita pinuntahan, Sis." "Nariyan mismo?" Turo ni Angel sa pinanggalingan ni Theo na hallway. Nang tumango ang huli ay si Angel pa mismo ang puminid ng sarili niya sa wall ng banyo patalikod sa hallway kung saan nakita ni Theo si Alejandro. "Silipin mo kung nand'yan pa. Huwag kang tumanga lang at anong oras na!" Utos niya kay Theo. Kailangan na rin nilang umuwi at hinahapo siya 'pag napapagod. "Wala na. Nakasakay na ng elevator." Noon lang napagtanto ni Angel na napigil niya pala ang hininga niya. "Good." "May kasama siya." "Huh?" "Kasama niya 'yong babaeng sexy at maganda." "Hay, naku, tara na, tse. Panay ka na naman ganyan." Hindi nagpahila si Theo nang hilahin niya ang palad nito. "Sis, true nga. Promise." "O, e, anong gagawin natin? As if naman mapipipigilan natin na maglandi 'yon. Aso nga mahirap awatin sa paglalandi, tao pa kaya." "Pero ang aso naman ay hindi nangangailangan na umulam ng usad, Sis." "Ano ba kasi 'yan?" Napipikon nang tanong ni Angel sa kaibigan. "Buntis ang ate mo, Treazandra, Sis. May matris siya. Ikaw ba, nasaan ang matris mo kasi?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD