16: CEO Mind

1453 Words
"NAKAKAGULAT na ganoon ka pala kabilis talaga, Alejandro Sandoval. Years ago, ginulat mo rin kami na lihim ka palang nagpakasal. And this, for only almost two months dating with another woman, pakakasalan mo na siya dahil nabuntis mo na pala. Wow, ang bilis mo rin talaga sa babae, Men!" The crowd burst into laughter. Lihim naman na nagtangis ang bagang ni Alejandro sa sinabing 'yon ng bagong dating-- Hunter Acosta. Hindi kayang itago talaga ng lalaking 'to ang inggit sa kaniya. Dahil magmula noon hanggang ngayon na pareho na silang tinitingala sa kani-kanilang posisyon sa sarili nilang kompanya ay hindi pa rin siya mapataob nito sa lahat ng aspeto 'gaya nang sinumpa nitong gagawin sa kaniya maraming taon na ang nakalilipas. Oh, alam na alam at dama ni Alejandro ang nararamdaman ni Hunter sa kaniya, kung nalalaman lang sana nito. Kaya alam niya rin nga ang technic na gagawin niya sa mga taong tulad nito na sa mahabang existence sa mundo ay nananatiling kinakain ng inggit sa katawan. Gusto niya sanang sabihin kay Hunter Acosta matagal na, na nasa iisa silang bangka, nagbago lang ang isip niya dahil 'di hamak na magarang yate naman ang maihahalintulad sa kaniya, samantalang barko na pang-komersiyo ang para rito. Technically, marami pa 'tong kakainin na bigas kumpara sa kaniya. Dahil ang isang Alejandro Sandoval, hindi na kailangan ng barkong pang-komersyo. Kaya na niyang mag-chill sa isang magarang yate habang ang tulad ni Acosta ay nagkukumahog para magkaroon ng investors. See the difference? Milya na ang layo ng kaniyang kompanya sa kompanya nito pero tila hindi pa rin nagsi-sink in dito 'yon. Pilit pa rin siyang hinahabol habang lihim na kinamumuhian ang kaniyang tagumpay. And yeah, ang mga taong tulad nito ay mahilig makialam sa personal na buhay ng mga taong kinaiinggitan. Hindi na mawawala ang mga tulad nito sa mundo. Natuto na si Alejandro na pakisamahan ang mga ganitong klaseng tao na wala rin namang pagkakaiba sa mga linta sa paligid. Handang sumipsip dahil alam na may masisisipsip sa'yo. "Argh! My bad, hindi ko dapat sinasabi 'to sa kumpulan ng mga tao. I'm sorry, Jan Sandoval. And thank you for inviting me here." Naglahad ng palad si Hunter sa kaniya, na siyang tinanggap naman ni Alejandro. At mariin niya 'yong pinisil habang nakapaskil sa kaniyang labi ang ngiti na isang side lang ng pisngi ang nakaangat. "Thank you too for having you here with us, Mr. Acosta. But I'm afraid, that is Alejandro for you." Dinig ni Alejandro ang tawa ni Marco Polo na nasa tabi niya. Tawang sa ilong bumuga ng hangin. Tawang nakakauyam kung hindi mo kilala ang CCEO. "Oh, c'mon!" Tatawa-tawang bumitaw sa hawak ni Alejandro si Hunter. "Para namang wala tayong pinagsamahan niyan. We're business partners, they call you Jan, even your employees, so, what's wrong with that?" "Of course, I'm just kidding," kaswal na tugon ni Alejandro. Saka siya namulsa. "Pft!" Hindi napigilan ni Marco Polo na mag-ingay na naman. Tinaasan ng kilay ni Alejandro si Marco Polo, na nag-peace sign lang sa CEO. "Mauna na kami sa inyo. I must say, enjoy the rest of the night," pormal na paalam ni Alejandro pagkuwan sa mga taong naroon, maging kay Hunter Acosta. Saka siya naglakad na patalikod sa mga 'to. "You nailed it, Dude!" "Marco Polo, umayos ka. Act like a CCEO for once. Lalo na 'pag nasa paligid ang Acosta na 'yan." Pero ano ba naman ang bago? S'yempre ay mas lalo pang tumawa ang gago niyang pinsan sa pananaway niya. "I'm wondering, don't you see yourself to that douchebag?" "Sort of." "Woah, at least naman ay aminado ka." Alejandro shrugged his shoulder as a reply. "Walang rason para magkaila." Because people that will look and see him every hour and minute, as more than that douchebag word. Aware lang talaga siya sa bagay na 'yon. "Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy na nag-i-invest sa atin ang mga 'yan at tayo sa kanila. We can get rid of them easily to our company." Kaya ka naging CCEO lang e, gusto sanang sabihin ni Alejandro sa pinsan. Pero minabuti na lang niya na huwag isatinig. Ang ganoong salita ay asin lang sa hindi nakikitang sugat na nakapagitna sa kanilang magpinsan. "Hindi puwede. Not yet, at least." Dahil sisiguraduhin pa muna ni Alejandro na kukunin niya ang kompanyang pinamamahalaan ni Hunter Acosta bago siya nito maunahan. Hindi ba at sabi niya nga ay medyo pareho sila ni Hunter Acosta? Kaya nahuhulaan niya kung ano ang mga plano nito, kung paano 'to mag-isip kung negosyo rin lang ang pag-uusapan. Ang pag-ungkat sa personal na buhay lang niya nito ang hindi niya maunawaan na personalidad ng tulad nitong nais na galangin nang katulad ng pagrespeto na nakukuha niya sa mga tao, pero kulang naman 'to sa tamang gawa. What a phatetic crap. BUMUGA ng hangin si Elice matapos niya mag-post sa IG ng status niya today tungkol sa araw ng proposal ng pinsan niyang si Alejandro sa girlfriend nito na si Trezandra. Okay, aaminin niyang naka-ilang post na rin siya tungkol do'n. Sa my day niya sa lahat ng social media accounts niya, sa Twitter, even sa t****k. Dahil umaasa siyang makarating kay Angel ang magaganap. Dahil pagkatapos ng engagement nina Alejandro at Trea ngayon, didiretso na ang mga ito sa rooftop ng mismong hotel na 'yon at naghihintay na sa mga 'to ang private plane ng Sandoval na maghahatid nga sa dalawa sa Las Vegas para ro'n nga magpakasal at do'n lang naman maaaring magpakasal kaagad nang walang arte na kung ano-ano. Alejandro is really good at setting things immediately whenever he wanted it. And of course, it's because for his own benefits. Elice fully understand the rush, nakakagulat man ay parang umaayon talaga ang lahat kay Alejandro. Buntis na kaagad si Treazandra kaya nararapat lang na magpakasal na ang dalawa. But of course, hindi maglalaho ang doubt niya na kinailangan lang ni Alejandro si Treazandra dahil sa utos ng lolo nila. Na ewan niya kung bakit may baby na na-involved, wala rin naman siyang pakialam sa mga desisyon ni Alejandro, anyway. Pero mukhang nakalimutan na nitong hindi nag-response si Angel sa pinadala nitong petition for annulment of marriage contract. Inilibot ni Elice ang paningin sa paligid. Nang makita niyang ang lahat ng taong naroon ay mukhang nasisiyahan naman kahit sa pagkain na hain ng Alta Hotel, satisfied at nakangiti siyang napabuga ng hangin. "Alejandro, sigurado ka bang alam niya 'to?" Muling tanong ni Elice kay Alejandro nang matanaw niya 'to at tabihan. Alejandro breathed heavily. Pang-anim na beses na yata 'yong naitanong ng pinsan niyang si Elice sa kaniya. "Yes, pinadala ko na rin sa kaniya ang annulment papers. Sa address na kapareho sa recent National ID niya na napulot ko sa DB Residences." "Exactly. Kakapadala mo pa lang at ni hindi pa kayo nagkakaharap. Then here you are, announcing today your engagement to another girl when technically, you're still married." Well, alam naman ni Elice na maraming beses na niyang natanong at nasabi 'yon dito sa loob lang ng isang araw, pero wala lang. Gusto niya lang na ulit-ulitin kay Alejandro para nakahanda ito sakali man na lumitaw si Angel mamaya. Dahil masyado niyang kilala si Angel para hayaan nito na mangyari ang kahibangan na 'yon. Unless hindi na nito mahal si Alejandro. "Hi!" Bati ni Treazandra sa kanila na kadarating lang. Trea wearing an off-shoulder white maxi dress na nababagay sa tindig at taas nito. Binagayan din nito ang suot ng buhok na messy curly hair bun-look. Tila binagay rin ni Treazandra ang ayos niya ngayon sa suot ni Alejandro na charcoal long sleeves, pants and shoes. Ah, Treazandra really pretty and sexy. And Elice can really say that this girl is really nice too. Hayun nga at malawak siya nginitian ni Trea at nakipagbeso sa kaniya. "Oh, mauna na 'ko at I'll check the kitchen muna. Have a super great night, couple! See you around," ani Elice kay Alejandro at Treazandra bago niya iwan ang mga 'to. Natanaw niya pa sina Alejandro at Treazandra na paakyat sa mini stage na sinet-up ng mga tao niya sa Alta Hotel bago siya tuluyan na tumalikod para kumuha ng wine. ELICE tapped her fingers at the wine she's holding right now. Isang lagok lang, ayaw na niya. She doubted big time kung mapapakalma siya ngayon ng wine na 'yon. Lalo kasing nabuhay ang mga ugat niya sa nabasa niyang bagong mensahe sa kaniyang IG kani-kanina lang... Hi, Eli! See you later! -A In fact, hindi pa naglalaho ang ngiti sa mga labi ni Elice hanggang ngayon mula nang mabasa niya 'yon. Simple at maiksi na mensahe lang pero ang daming kaakibat na niyon, she just knew. "I miss you, A. See you later..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD