bc

My Angel (Tagalog)

book_age16+
876
FOLLOW
2.9K
READ
love-triangle
arrogant
CEO
drama
sweet
bxg
realistic earth
disappearance
like
intro-logo
Blurb

He is Alejandro Zircon Sandoval, a walking nightmare to his own company.

Filthy rich.

CEO.

Playboy.

Heartless.

Oh, don't get him wrong, minsan na siyang nagmahal nang tunay-- to his wife.

Estranged wife...

Angela Montreal is a scheming b***h who came into his life when he’s dealing with his own demons. But then, she leave him merciless.

Pero bigla na lang bumalik ito. Claiming her title and her rights as his wife.

Bumalik ito para ipamukha na naman sa kaniya na ito lang ang natatanging anghel na nagpapaliwanag sa mundo niya, sa tuwing nilalamon siya ng kadiliman...

©July 2021/ Luna Margaret

• • •

DISCLAIMER: This is work of fiction. Any resemblance to names, places, events, is purely coincidental.

Photo credits to Ms.Rizza Norcio.

No part of this story may reproduced in/or by any means without the consent of the author.

©All rights reserved | Luna Margaret

• • •

Daily update: November 1, 2021

Date ended: December 31, 2021

chap-preview
Free preview
Prologue:
Tagaytay City... HULING tapak niya sa Tagaytay ay maraming taon na ang nakalilipas. Huling tapak niya sa mismong Alta Hotel na ngayon ay nilalakaran niya. The hotel owner is one of her high school friend, very best one, Elice Alta-Sandoval. That b***h is seriously rich. Kumusta na kaya ito? Kasama niya sa kalokohan simula n'ong nag- aaral pa lamang sila. Huling balita niya ay nakabalik na 'to ng Pilipinas. Well, sa socmed account post nga ni Elice niya nalaman ang tungkol sa pinarito niya sa hotel na pag- aari nito. Hindi pa rin nagbabago ang bruha, pala- flaunt pa rin sa mga socmed. Unlike Elice, flexing private matter is not her cup of tea. Long time ago, dinetached niya ang sarili. Kasama ang mga socmed sa inalis niya sa buhay niya. Dahil sa rason na hanggang ngayon ay siya lang ang nakakaalam. "Sis, maloloka ako sa'yo! Nasaan ka?" Ang tawag na 'yon sa phone niya ng gay friend niyang si Theo ang nagpahinto sa paglalakad niya. She rolled her eyes, kahit pa hindi 'yon nakikita ng kaibigan. "Tagaytay. Nasabi ko na sa'yo 'di ba? Na pupunta ako rito kahit ano'ng mangyari." "Oh my, Sis! Pupuntahan kita, mag- grab na lang--" "Uuwi rin naman ako, Sis. I don't need a chaperone." 'Yon lang at pinatayan na niya ito ng phone. Napakakulit talaga ng kaibigan niya na 'yon. Ginagawa siyang sanggol na hindi kaya ang sarili. Best spot talaga ang Tagaytay para sa mga couple. Puna niya, sa hindi halos mabilang na couple na natatanaw niyang nasa labas ng Alta Hotel na mga nakatunghay sa Taal. Malinaw kasi na nakikita ang Taal Volcano sa spot ng Alta Hotel. Sweet and calm scenery ... Walang hindi magyayapusan din sa lamig ng simoy ng hangin do'n. Tunay na para sa magsing-irog ang Tagaytay. Well, iyon ay kung hindi lang niya alam na-- ah, wala naman na siyang pakialam d'on. Wala siyang mapapala kung pakikialaman niya ang buhay ng iba. Buhay nga niya, hindi niya maayos-ayos, problemahin niya pa ba kung ilang kabit sa mga babae na may kasamang kapareha ang nasa Tagaytay ngayon? Isa lang sa mga 'to ang pinunta niya roon ... "M--ADAM Angel!" Gulat na bulalas sa kaniya ng receptionist ng Alta Hotel. Good. Kilala pa pala siya ng mga tauhan ng Alta Hotel. Meaning, hindi siya mahihirapan na makapasok sa function room niyon, kung saan kasalukuyan na nagaganap ang sadya niya r'on. At dahil ang bagal kumilos ng receptionist, diretso na lang siya na naglakad papasok. Tutal naman, hawak pa niya ang card na exclusive lang sa mga Sandoval. She can enter the function room without hassle. "ALEJANDRO, sigurado ka ba na alam niya 'to?" Alejandro breathed heavily. Pang- anim na beses na yata na naitanong 'yon ng pinsan na si Elice sa kaniya. "Yes. Pinadala ko na sa kaniya ang annulment papers." "Exactly. Kakapadala mo pa lang at ni hindi pa kayo nagkakaharap. Then here you are, announcing today your engagement to another girl while technically, you're still married." Hindi na lang pinansin ni Alejandro ang pagkapraning ng pinsan. Nasasabi lang naman nito 'yon dahil malapit na kaibigan nito ang involved. Kung nagkataon naman na hindi, wala naman 'tong pakialam sa mga desisyon niya. Kailangan niya ng asawa, as soon as possible. Hindi niya sana magiging problema 'yon kung kakayanin na makisama ng babaeng--- nah, hindi na niya 'to dapat iniisip. Ang pag- iisip sa babaeng 'yon ay isang kahinaan para sa isang Alejandro Sandoval. Tumayo na si Alejandro sa kinauupuan. Natanaw na niya kasi ang papalapit na girlfriend na si Treazandra Fitzgerald. MATAPOS ang palakpakan ng lahat sa announcement of engagement ng dalawang tao na may pangalan sa mundo ng negosyo, maluha- luhang niyakap sa tuwa ni Treazandra Fitzgerald ang kasintahan na si Alejandro Sandoval. Ngunit bago pa maglapat ang mga labi ng magkasintahan, ay may isang palakpak na tila sadyang pumigil sa kanila ... Palakpak na galing sa isang tao ... Natuon ang atensyon ng lahat sa bagong dating. Ang mga reporters na dumalo sa pagtitipon na 'yon ay nagkagulo pagkakita rito. Why not? Napakagandang balita ang mailalagay nila sa business newspaper, bukas na bukas. Magbibigay ng break sa mga baguhan na manunulat ang balitang ito... Ang pagbabalik ng estranged wife ng CEO. "Nakakaiyak! I'm so touched despite of the obvious clichéness," ani nito, matapos pumalakpak. The woman is wearing black attire, from head to toe. Complete with a cocktail hat, gloves, and an authentic black pearls set of jewelries. Na hindi angkop sa angking pangalan nito-- Angel. Parang lamay lang ang pinuntahan nito at hindi masayang pagtitipon ng lahat na naroon para sa nalalapit na malaking kasalan ng dalawang tao na may pangalan sa business world. Angela Montreal- Sandoval--- the estranged wife of Alejandro Zircon Sandoval. "Alejandro Zircon Sandoval, wala kang pagbabago. Isa ka pa rin sa mga lalaking unromantic na nakilala ko. Walang unique na idea. I bet, isa ang bagay na 'to sa mga hindi mo pinag- isipan na mabuti. Napakagasgas! Na kung hindi lang kita kilala, iisipin ko na kinopya mo ang ganitong kalokohan sa proposal ng isang silat na pareha. Oh, wait, why not? May pagkakatulad kayo ng aktor. Lahat ng babaeng na- involved, the one niya raw," mahabang litanya ni Angel bago siya lumapit sa magkasintahan na nakatayo sa maliit na entablado sa harapan, at tumabi siya sa mga ito. "Kaya lang, binata ang aktor. Ikaw, hindi," may diin ang huling salita na sabi niya kay Alejandro. Napangisi pa si Angel nang masilayan niya ang pagbitaw ni Treazandra Fitzgerald sa braso ng asawa niya. "What do you want?!" Mariin na tanong ni Alejandro sa kaniya sa tono na may talim at sinadya na siya lang ang makakarinig. "Nakakatakot ka naman..." kunwa'y nahihintatakutan na tugon ni Angel sa asawa. Sadyang binitin ang sasabihin, lumapit siya kay Alejandro at marahan na pinagsalikop ang mga braso niya sa batok nito bago pinagpatuloy ang sinasabi, "Para sa kanila. Pero para sa'kin, sa isang bagay ka lang nakakatakot," pilyang bulong niya sa kaliwang tainga ng asawa. Bago niya marahas na kinalas ang mga braso niya rito. Nasulyapan niya pa ang patalilis na pag- alis ni Treazandra sa eksena, bago pa niya mailabas mula sa bag niya ang isang papel... Papel ng petisyon ni Alejandro, na ipinadala nito sa kaniya upang mapawalang- bisa ang kasal nila. Itinaas niya 'yon sa ere at nakangising pinakita sa lahat ng taong saksi sa eksena na 'yon, ang unti-unting pagsindi niya sa papel. Well, prepared siya-- with lighter. Tahimik lang silang lahat na pinagmasdan ang unti-unting pagkasunog ng papel na 'yon... Gano'n umentra sa isang masayang eksena. Hindi kailangan na pasabugin ang buong hotel dahil isang tao lang naman ang nanakit sa kaniya. At 'yon ay ang katabi niya ngayon sa entabladong 'yon. Nilingon niya si Alejandro at tinumbasan ang talim ng titig nito. "You can't marry anyone, as long as mahal pa kita."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
118.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
166.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
73.0K
bc

His Obsession

read
80.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
23.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook