10: Failed

1022 Words
"NAKU, KAWAWA ang lola mo. Natanggal na talaga sa trabaho." "As in?" "Oo 'no, sampalin mo ba naman si Sir Jan." "Mabuti na nga lang at hindi na dinemanda ni Sir Jan ang nanay niya." "Iyon na nga. Nanay niya pa lang ang nakagawa niyon kay Sir Alejandro take note, dito pa mismo sa DB Company naganap, imagine!" "Sa true! Tapos ito namang si Ms. Treazandra, patawa rin. Kung makahiling na ibalik sa trabaho si Yana, akala naman niya pagbibigyan siya ni Sir." Nagbungisngisan ang mga nag-uusap. "Kaloka nga. Feeling niya si Ms. Angel siya." "Yes! Naloka ako sa baon na confidence. Sabagay ang ganda niya. Latina beauty, sexy pa, baka lang naman. Try lang. Kaya gora." "Pero mas mas nakakaloka si Sir Alejandro at hindi nagpatinag sa gandang nakahain! Bato yata ang puso niya." "Diamond kamo at yayamanin si Sir Alejandro para sa salitang bato." Muling naghagikgikan sila na may intense na hampasan na sa isa't-isa this time. "Kinabahan nga ako kanina, akala ko talaga papayag. Sa playboy ba naman ni Sir. Ang intense lang talaga." "Pero grabe, ano kayang pumasok sa kukote ni Ms. Trea at ganoon na lang ang bitbit na lakas ng loob?" "Naku, si Sir Jan pa ba naman..." "Oy, narinig ko nga ang tsismis na 'yan. So, totoo pala na hindi binata si Sir Jan?" "Hindi lang 'yan ang tsismis ngayon. Super late ka na. Dahil nga hindi pinagbigyan ni Sir si Ms. Trea na ibalik sa trabaho si Yana, pinag- uusapan na talaga na wala pang babae na nagpatibok muli sa puso ni Sir at si Ms. Angel lang naman kasi ang nagpapakalma sa init ng ulo niya noon pa. Na hindi nga nagawa ni Ms. Trea." "Pero shipper nila 'ko. Bagay kaya sila!" "Buti pa kayo nakilala niyo si Ms. Angel." "Mabait 'yon." "SOBRA," sabat ni Elice sa mga employees ng DB na nag- uusap. "Ms. Elice!" Kanina pa niya naririnig ang mga ito. Ang mga napag- usapan ng mga ito, dahil kanina pa kasi siya nasa loob ng isa sa mga cubicle sa restroom na 'yon sa loob ng DB Company. "Madam..." "Alam niyo kayo talaga... hala, sige na at tama na 'yan. Mainit ang ulo ni Alejandro ngayon kaya kapag nalaman niya 'to, na nagkukumpulan kayo rito at pinag- uusapan niyo siya, siguradong alam niyo na kung ano ang kasunod na mangyayari." Magka- krus ang mga braso na saad ni Elice sa mahinahon na tono sa mga empleyado. Napabuntonghininga na lang siya na minasdan ang pagtutulakan ng mga 'to palabas ng restroom. Hindi rin mahirap hulaan na nagkakangitian pa sila sa isa't- isa. Oh, well, hindi niya masisisi ang mga 'to sa pagpipiyesta sa buhay ng pinsan niyang si Alejandro dahil napaka- interesante naman talaga niyon kahit boring ang CEO. Nailing na natawa si Elice sa naisip. Sa buhay, kasali ang mga taong tulad ng mga empleyado nila kanina na ginagawang past time ang pag- usapan ang buhay ng iba dahil hindi rin naman maitatanggi na nakakatanggal 'yon ng antok. Na isa 'yon sa mga normal na bagay na ginagawa na ng lahat dahil nakakalibang na parang bingo. Napabuga na lang si Elice ng hangin at naghugas ng kamay bago siya nag- retouch sa harap ng salamin. Hindi maiwasan ni Elice na isipin ang mga nangyari kanina tuloy. Nang payagan niyang makiusap si Trea kay Alejandro ay isa lang naman goal niya, 'yon ay ang mapabago ang isip ng CEO sa naging desisyon dahil walang sino sa kanila ni Marco Polo ang makakagawa na niyon sa init ng ulo ni Alejandro, gayong nagsalita na rin 'to na ayaw nang makarinig ng pakiusap. Na hindi naman na nila pinagtakhan kaya nga niya pinapunta kaagad si Trea nang tawagan siya ng huli. Si Trea lang din naman ang napabalita na nakaka- date ni Alejandro na babae lately. Magugulat nga siya sana na halos tatlong linggo na rin na walang ibang dine- date ang pinsan na CEO, si Treazandra Fitzgerald lang-- na ngayon pa lang nangyari dahil kung magpalit ng ka- date si Alejandro ay halos weekly yata -- Kung hindi lang marami silang napuna kay Trea na pagkakahawig sa mga likes at dislikes ni Angel. But sadly, hindi nagawa ni Treazandra na mapabago ang isip ng CEO. Hindi rin nito napakalma ang kumukulong dugo ni Alejandro na tiyak ni Elice na maraming empleyado ang madadamay kaya niya sana inaagapan. Walang ibang intensyon si Elice sa ginawa kung hindi iyon lang. Na kung malalaman naman ng kaibigan niyang si Angel ay nakasisiguro siya na mauunawaan nito. Well, kung may contact pa sana siya kay Angel ay siya mismo ang magsasabi rito na ang ganda naman nito at sa nangyari ay napagtanto niya na si Angel pa rin ang wagi kung sakali. Nasaan na kaya si Angel? Ano na kaya ang balita sa kaniya? Nabanggit niya naman kay Alejandro na sana ay hanapin na lang nito ang high school friend niyang si Angel nang manduhan ang CEO ng kanilang lolo na kailangan na nitong mag- asawa. Aksidente rin kasi noon na nalaman ni Elice na lihim na nagpakasal pala ang dalawa. Ah, bahala ang pinsan niya sa mga pinaggagawa nito sa buhay niya. Alalay lang naman ang tanging maibibigay nila rito ni Marco Polo at ito pa rin ang magdedesisyon kung paano nitong malulusutan ang utos ni Don Marco Sandoval Sr. Na naalala ni Elice bigla na nalalapit na pala. One week na lang! Kung si Treazandra man ang masuwerteng pakasalan ng CEO ay sana man lang hindi ito mahirapan sa papasukin na sitwasyon. Sa nakikita niya kasi ay matindi ang nararamdaman ni Trea sa pinsan niya. Nasabi nga rin nito sa pagkape- kape nila na matagal nang crush si Alejandro. But at least, nag- mellow naman si Alejandro. Nang dumating si Trea ay pinilit naman nitong pakisamahan. Na kausapin kahit saglit. Sa ibang pagkakataon, sa ibang babae-- ay hindi 'yon mangyayari. So, kung magre- rate si Elice ngayon sa chance ni Treazandra, 70% ang babae. Hay, Elice, aware ka ba na isa ka pa rin talaga sa mga tsismosa sa mga pinagsasasabi mo ngayon? Iiling-iling na lang na natawa ang heredera sa pagkausap sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD