11: Hurt

1118 Words
ANG pag- uusap ng mga empleyado ay narinig din ni Treazandra. Hanggang sa pumasok si Elice sa kumpulan ng mga ito, narinig niya. Naroon din siya kasi sa isa sa mga cubicle na naroon sa restroom. Hinintay niya lang na makaalis si Elice, saka siya lumabas na at kaagad na naghilamos. Sino ba naman ang hindi mapapahilamos sa mga narinig? Kung hindi siya maghihilamos ay hindi niya mapapakalma ang nanginginig na mga kamay. Ganoon ang reaksyon kay Treazandra sa tuwing pinipigilan niya ang sarili na magalit. Na masaktan. Kaya sa harap ng salamin ay minasdan niya ang sarili at marahan na binasa niya ang nawalan ng kulay na labi niya, saka siya lumunok. She needs to fix herself, as soon as possible. Nangako siya kay Alejandro na hihintayin niya ito ngayon na matapos sa trabaho at sabay na silang uuwi. Tutal naman ay anong oras na rin lang naman, aniya rito kanina na sinagot lang nito na siya ang bahala. Na basta 'pag nainip lang daw siya ay umuwi na siya. Napangiti si Trea sa sariling repleksyon nang maalala niya kung gaano 'yon kalambing na tinuran sa kaniya ni Alejandro. Pinsil din nito ang palad niya at hinalikan siya sa noo nang magpaalam na ito na magtatrabaho muna at sandaling magkukulong sa sariling office. Doon lang daw muna siya sa lounge area ng office nito or sa office ng mga pinsan, o sa kung saan niya gusto, pasasamahan daw siya kay Elice para hindi siya mainip. Now, kung malalaman ba ng mga employees na 'yon na ganoon ka- affectionate ang CEO nila sa kaniya kanina ay sasabihin pa ba nila ang mga salitang 'yon? Trezandra let out an exasperated sighed. Sino ba ang niloko niya na hindi siya nasaktan sa mga narinig sa paraan na nakakawala na 'yon ng respeto sa kaniyang sarili. Pero sino rin ba ang nagsabi na ang mga ganoon na salita lang ang makakapagpahinto sa kaniya sa kahibangan niya kay Alejandro. Hindi ganoon karupok ang feelings niya rito. Saka, ngayon pa ba siya titigil, kung kailan unti- unti nang napapalapit si Alejandro sa kaniya. 'Yon ba ang may asawa? O kung may asawa man talaga si Alejandro ay nasaan na ito? May magagawa ba ang bait na mayroon ito na sinasabi ng lahat kung gano'n na iniwan na nito si Alejandro? "I'm sorry, Yana..." Naalala niya ang sinadya niya ro'n. Nakakalungkot man na hindi niya nakuha ang approval ni Alejandro na pabalikin si Yana sa trabaho kahit na sinabi niya sa CEO ang rason sa mga late nito, wala naman siyang magagawa na sa bagay na 'yon at ngayon lang din niya nalaman na nasampal pala ng nanay ni Yana ang CEO sa harap ng mga empleyado nito. And that was the last straw. Kaya naiintindihan ni Treazandra kung hindi na nito pabalikin si Yana. Si Alejandro ang klase ng lalaki na ayaw na matatapakan ang ego, obviously. Na 'pag nasaling 'yon ay magtago na ang lahat ng involved na nakatapak niyon at nakasagi. "OH, TREA, You're still here pa pala." "Uhm, hi, Eli." Mukhang may naiwanan si Elice kaya bumalik 'to sa restroom. "I forgot something here. I'm being forgetful lately at panay demands si Jan sa trabaho kasi," himig-biro ang tono na sabi ni Elice kay Trea, saka ito pumasok sa cubicle na pinanggalingan nito kanina at kunin do'n ang binalikan na naiwanan. "Wait for me, sabay na tayo." "Yeah, sure!" "Naiwan ko 'tong phone ko ro'n." "Oh, my, sa ibang lugar ay huwag mo sanang kalilimutan 'yan, Elice." Elice giggled. "Naku, hindi pa naman nangyayari. Madalas na may nakakalimutan ako palagi lang dito sa DB. Siya nga pala, kanina ka pa ba rito? Parang hindi kita napuna na pumasok nang lumabas ako minutes ago. Mabilis lang kasi ako na na bumalik, 5 minutes, I guess." "Ahm, yeah, yeah. Kanina pa nga ako na naroon sa dulong cubicle. Left side." Nakangiting sagot ni Trea sa tanong ni Elice kahit may pag- alangan sa kaniya na aminin 'yon dito. "Oh, really?..." Alam ni Treazandra na nagkakalkula na si Elice. Na kung narinig niya ba ang napag- usapan kani- kanina lang ng mga employees base sa pagngiwi at pagkagat ni Elice sa sariling labi. Pinakita lang niya kay Elice ulit na okay lang siya sa pamamagitan ng isang ngiti. "Yep." Shoulder-shrugged she answered. "Ah, by the way, Trea, sabay na ba kayo ni Alejandro na uuwi kaya narito ka pa?" "Yeah, I mean, ako ang nag- insist na sabay na kami. Kailangan niyang magpahinga at umuwi ng maaga ngayon kaysa sa nakagawian niya at hindi maglalaho basta na lang ang init ng ulo niya kung gano'n na ibababad niya ang sarili sa trabaho habang nasa angry state siya." Napuna na naman ni Treazandra ang muling pagtigagal ni Elice sa kaniya. "Wh--y? May problema ba sa sinabi ko sa kaniya..." "Ah, wala. No, don't mind me nagulat lang ako na sa saglit na panahon niyong magkakilala ni Alejandro ay ganyan ka na sa kaniya." Kinumpas ni Elice sa ere ang kamay. "Ah, naku, kung ano-ano rin talaga minsan ang sinasabi ko." Nginitian nila ang isa't-isa. Saka nagpasya si Elice na mag- aya na palabas ng restroom. "So, tara na?" "Sure." Nakangiting inangkla ni Elice ang braso niya sa braso ni Treazandra. She just found herself liking this woman. Na kung alam lang nito ay madalang niyang maramdaman sa kapwa niya babae dahil ang mga babae sa paligid ni Elice Sandoval ay mas madalas na naiinggit sa kaniya kaya lang siya kinaibigan. Tanging si Angel nga lang ang naging malapit sa kaniya na same s*x. Na kung hindi pa dahil dito ay muntik nang kuwestyunin ni Elice ang gender preference niya. Joke. Alam niyang kikay siya noon pa man. 'Yon nga lang ay kikay na one of the boys nang dahil sa mga lalaking nakapalibot sa kaniya mula nang ipanganak siya sa mundong ibabaw. Siya lang ang nag- iisang babae sa generation nila sa Sandoval. After all, she won't be titled as heiress. "Oh, before I forgot, huwag mo na nga palang intindihin ang mga narinig sa mga employees kanina, Trea ah." Naramdaman ni Elice ang paninigas ng laman ni Treazandra dahil sa sinabi niya. "In this world, hindi mawawalan ng tulad nila. Tayo na ang umunawa. At sa mundong 'to, kung saan si Alejandro ay isang matayog na Sandoval, marami ka pang katulad nila na makakabangga. Kung nasaktan ka man sa narinig mo kanina, I'm telling you now, umpisa pa lang 'yon. You will experience more pain in the next few days dahil obviously, pinili na ng puso mo ang siraulong CEO ng kompanyang 'to." If I were you, for future preference, aaralin ko na kung paano ba ang kulam, ngali-ngaling idagdag pa ni Elice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD