9: Angel Montreal

1874 Words
"KANINA mo pa hawak 'yang cp mo. Hmn, article na naman tungkol kay Alejandro 'yang pinagkaka- abalahan mo r'yan, 'no? Naku, Sis! Hindi ko pa pala nachi- chismis sa'yo... mukhang napapadalas ang paglabas ng dalawang CEO, nabalitaan ko lang. Maingay ang madla sa loveteam nila. Bagay na bagay raw. I couldn't agree more naman. Sa totoo lang, ang genes nina Alejandro at Treazandra ay kaabang- abang." Kung nakamamatay ang masamang tingin, sigurado siyang kanina pa bumulagta si Theo sa kinatatayuan niya, sa klase ng tingin na ibinibigay ni Angel sa kaibigan. Kung makapagdaldal kasi 'to, parang hindi siya ang kausap. Parang hindi nito alam ang k'wento nila ni Alejandro Sandoval. Parang hindi ito naging saksi sa pag- iibigan nila ng CEO. Parang hindi ito ang kaibigan niya na pinagsabihan ng mga sikreto. "Alam mo, kumuha ka na lang sana ng kutsilyo at sinaksak mo ako, Theo." Theo, on the other hand, just rolled his eyes to her. No effect ang drama niya rito talaga. "Good idea! But maybe later. Ginagamit pa ni Aling Pilar ang knife e," sarkastikong sagot pa ni Theo sa kaniya. Ang tinutukoy nito ay ang kasama nilang kasambahay roon sa flower shop. Ang branch niya ng flower shop niya na 'yon na matatagpuan sa Baguio City. Ang siya rin na pinalakihan niya para maging bahay na rin niya. Kasama niya roon ang kaibigan na si Theo at ang kasambahay nila na si Aling Pilar. Ulila na siya sa magulang. Wala rin siyang ka- close na kamag-anak para makasama niya sa buhay. Alone ang peg niya talaga without Theo. Buti na lang at napagta- t'yagaan siya ng best friend. Kahit madalas siyang pahirap dito. They are sisters by heart. "Sis, huwag kang umarte sa'kin ng ganyan na parang sila pa ang mali. Na parang ako pa ang mali," Umarte pa si Theo na sinapo ang dibdib at kunwari ay nasasaktan. Angel rolled her eyes. "Oo na, ako na ang mali. Tse!" "True. Ikaw ang mali at may kasalanan ng lahat. Dapat mong ipaalala palagi 'yan sa sarili mo. Na kaya ka nasasaktan ngayon ay dahil d'yan sa kaartehan at ka- nega- han mo sa katawan. At dahil 'yan ang pinili mo. Pinili mong magpalamon sa kalungkutan kaya 'yan, pagdusahan mo talaga 'yan." "Shut up." Minsan talaga ay may mga kaibigan tayo na ang sarap pakainin ng sili. "Well, ganyan talaga. Truth hurts. "Tse! May pag- truth hurts ka pa r'yan. Tulad ba 'yan nang naramdaman mo no'ng inamin mo na may malisya ka sa relasyon niyo ni Lanz? Well then, the truth is really hurt you, my friend. Sobra akong nakikiramay sa mapait na nararamdaman mo," ganting- asar niya sa kaibigan. Binelatan niya pa si Theo. S'yempre, gaganti siya! Kamakailan lang kasi ay inamin nito ang nararamdaman sa kaibigan na si Lanz. Kaya mas bagay rito ang 'Truth hurts' na sinasabi nito, aba! "Gaga! Tatlong buwan na 'yon na nakalipas, pinapaalala mo pa! Hmp! Ewan ko ba sa nanay mo kung bakit pinangalanan kang Angel, sa totoo lang." Pabirong hinampas siya ni Theo ng dyaryo na hawak-hawak nito kanina pa na umentra 'to sa pananahimik niya sa likod ng kaha. "Pinangalanan nila 'kong Angel dahil mukha akong anghel. Simple as that." "Sus, walang kapaguran mo talagang sinasagot 'yan, Angela Montreal. Kahit alam mo naman na nagmumukha ka lang anghel dahil mukhang demonyo ang mga kinakaibigan mo. Char!" Natawa lang si Angel. Pero ang tawa niya na 'yon ay saglit lang nang napuna niya agad kung ano ang dyaryo na galing kay Theo. Business newspaper. "Siya nga pala, binigay ko ang dyaryo na 'yan sa'yo para basahin mo. Wala 'yan sa mga articles online at late na 'yan lalabas online, for sure. Exclusive e. Ayoko naman na mahuli ka sa balita. Nagsalita kasi r'yan, for the first time ang minamahal mong si Alejandro," dire-diretsong litanya ni Theo na hindi na halos maintindihan ni Angel. Dahil natuon na ang buong atensyon niya sa dyaryong hawak. Kung saan naka- print do'n gamit ang bold na font ang title ng isa sa mga naka- featured sa dyaryo-- The Don's Boys CEO, Alejandro Zircon Sandoval, finally said yes to an exclusive interview with us! Wow lang, hindi maiwasan ni Angel na mag- sarkastiko sa isip nang mabasa niya 'yon. Paano ay noong nakaraan lang ay napapayag ang CEO na mag- photoshoot with Treazandra Fitzgerald, ngayon naman ay interview! She can't believe this! At talagang napairap siya sa nabasang titulo ng interview rito. Lalo na nang mabasa niya rin na tatlong tanong lang ang sinagot ng CEO, ang pinayagan nito. VIP eh? First come, first served pa yata ang naging proseso niyon at baguhan ang manunulat na pumayanam sa CEO ayon sa about the writer na naka- featured din sa dyaryo. Well, ngayon na na- interview nito for the first time ang CEO, pupusta si Angel na tutunog na ang pangalan nito sa industrisya. Good job, she must say. Lalo pa at napuna niyang walang sugarcoat ang klase ng mga tanong na pinukol nito sa CEO. Diretsahan at mukhang sinulit ang pagkakataon na malabo nang masundan nga naman. At sa tatlong tanong na pinukol nito sa CEO, isa lang ang nakapukaw sa atensyon niya... "What is the biggest downfall of Alejandro Zircon Sandoval? And how did he get through that?" "To be honest, I don't want to answer the question that will ruin my private life and my day, of course. Pero sasagutin ko na lang ang ikalawa mong tanong bilang respeto sa'yo. Well, nalagpasan ko 'yon sa tulong ng isang tao. Isang tao na ang buong akala ko ay magiging constant na sa buhay ko. At alam kong may haka- haka about that person sa circle na kinabibilangan natin. And I guess, yeah, It's about time to confirm those rumors that, that it's true. But past is all in the past now, you know. Isa rin talaga 'yan sa ayaw na ayaw kong mababanggit na muli." Nalamukos ni Angel ang dyaryo, pagkabasa niya no'n. Kung sana lang, gano'n kadali ang hinihiling ng lahat na paliwanag. Kung sana lang, gano'n kadali na magpaliwanag sa taong tulad ni Alejandro Sandoval. Dahil ang dami nang binago ng pag- alis niya sa buhay nito. Ang dami na ring nagbago kay Alejandro. Ang daming nabago sa perspectives at katayuan nito sa buhay. At naging mas matagumpay pa si Alejandro at halos nakakabulag na ang katanyagan. Ang yaman. Pero alam ni Angel na sa kaibuturan niya ay proud na proud siya sa batang CEO. Na natutuwa siya na naging instrumento siya ng isang Alejandro Sandoval sa pagtanggap. Oo, siya ang tinutukoy ni Alejandro na tumulong dito sa downfall nito, wala nang iba. Vocal ang CEO sa pagsasabi niyon noon pa man. Noon pa man, na sila pa... {Glimpse from the past...} "Angela! Tumayo ka na riyan dali! Ayusin mo ang sarili mo!" Humahangos at hinila pa siya ng kaibigan na si Theo mula sa pagkakayukyok niya sa mga bulaklak na rosas na tinatanggalan niya ng tinik. Inaayon niya ang tinik niyon para mailagay na nila sa botelyang plastic. Paghahanda para sa nalalapit na araw ng mga puso. Flower shop ang negosyo na naiwan ng mommy niya sa kaniya. Ipinagpatuloy niya na mula ng mawala ito, bago pa siya makatapos ng high school. Pinagsasabay niya ang pag- aaral ng kolehiyo ngayon at ang pag- handle ng munti niyang negosyo. Sa awa naman ng Diyos at nakaka- survive naman siya kahit mag- isa na lang sa buhay. Ah, hindi nga pala siya mag- isa. She have Theo, and of course, her secret husband, Alejandro. "Ano ba, muntanga e. Nakita mo na't may ginagawa!" Reklamo niya kunwari sa kaibigan. Pero nagpahila naman siya rito. "Gaga! Nakasalubong ko ang kotse ng jowa mo paghatid ko ng order ni Mr. Lee. Lukaret ka pala e, aabutan ka no'n sa ganyan na ayos, aba, ang gano'n ka- g'wapo na hombre, madaling makapagpalit ng jowa, payag ka ba na mapalitan? Ikaw rin, bahala ka." Angel rolled her eyes. "Oo na," sabi na lang niya sa kaibigan para matigil na 'to. Hinubad niya ang suot na gloves at naghugas ng kamay. Ngunit hindi pa man siya nakakapag- ayos ng buhok at damit, natanaw na niya ang pamilyar sa kaniya na magarang itim na kotse na alam niyang kay Alejandro at sa mga bodyguards nito. "Ayan na! Naku, ayusin mo ang buhok mo, madali!" Tarantang sabi pa ni Theo. Jusko lang, ano ba naman kung ganito ang itsura niya? Nakasama na nga niya si Alejandro sa iisang bubong noon. Kahit ang itsura niya na may panis na laway, nakita na nito! Na parang hindi naman 'yon alam ni Theo. "Hi!" Ang ngiting-ngiti na si Alejandro ay nasa pinto na ng flower shop nila na 'yon na located sa Dangwa. Main branch sa tatlong sangay. "Wala akong flowers na dala at baka maumay ka na ro'n. But I have chocolates here, for you and Theo." "Wow! Thank you! Big time ka na talaga ngayon, Jan! Sa susunod kahit Jollibee lang, masaya naman na 'ko." Tinanggap agad ni Theo ang tsokolate. Natawa na lang sila ni Alejandro sa kaibigan niya. "Kumusta?" ani Alejandro nang maiwan na silang dalawa roon. Tatlong araw kasi silang hindi nagkita nito. "Heto, okay lang, as usual. Busy rin." Nakangiting tugon ni Angel. Hindi niya masalubong ng yakap si Alejandro at awkward siya. Tama nga ang kaibigan niya na si Theo. Dapat nag- ayos siya! Dahil nakakahiya ang ripped jeans, maruming sneakers na dating puti ngayon ay putik na at checkered polo shirt na suot niya, sa ayos ni Alejandro na pormal at maayos na naka- brush up ang buhok patalikod. Samangtalang ang buhok niya ay parang hindi nakatikim ng suklay mula nang sumikat ang araw! Alejandro chuckled. "Angela Mondragon, kailan ka pa nahiya sa'kin?" Iminuwestra ang mga bisig kay Angel, na agad naman na sinugod ng huli ng yakap. "Nahihiya na nga, binabanggit pa. Ang bad mo!" Alejandro burst out a hearty laugh. "My Angel, Look at your cheeks, pulang-pula!" Ani Alejandro sa kaniya, saka pinanggigilan na pinisil ang pisngi niya. "I hate you. Bigla ka na lang pumupunta ng walang pasabi. Ang pangit ko kaya today!" Naka- pout na reklamo niya rito. Malakas na tinawanan lang muli 'yon ni Alejandro. "Kailan ka naman naging pangit sa paningin ko? Angel, walang pangit sa'yo. Ang unfair nga ng mundo at lahat na yata ay nasa'yo na. Maganda, masipag, matapang, strong, matalino, at bonus pa na pogi ang boyfriend-s***h- secret husband mo!" "Awtsu, bolero!" "Nah, my Angel, the bright light of life would be dim and useless without you..." "AWTS!" Ang muling paghampas ni Theo ng dyaryo sa bumbunan niya ang nagpabalik sa diwa niya na saglit na naglakbay pala. Hindi niya malayan ang pagbalik ni Theo at nadampot na pala ang dyaryo na nasa mesa harap niya-- ganoon na ba kalayo ang nilakbay ng diwa niya? Pero... masakit 'yon ah! "Sorry, Sis. Ginigising lang kita at halata na tinawid mo na naman ang linya ng nakaraan." Nakangisi na saad ni Theo sa kaniya. "Ah, ganoon ba..." "Oum." "Ginigising mo 'ko at nakalimutan mo na lalaki ka, ganoon ba?" "Sorry na nga sabeee e!" At hayun na si Theo, tinakbuhan na siya. Dahil dinampot ni Angel ang spray na may laman na liquid fertilizer at handang iwisik niya 'yon dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD