8: Heartless

1789 Words
"AYOKONG makakarinig nang pakiusap," maagap na saad ni Alejandro kay Marco Polo nang sumakay na silang dalawa sa private elevator na laan lang para sa kanilang mga Sandoval sa loob ng kompanya ng pamilya nila. "Pero kasi, Men---" "MP, tinapos na ni Aling Belen ang pakiusapan na 'yan kanina. Alam kong alam mo 'yan." Bumuntonghininga na lang si Marco Polo, tanda ng pagsuko sa topic nila ni Alejandro. "Alright, I will drop it." "Good," tipid na tugon ni Alejandro sa pinsan. Ang tingin niya ay nasa umiilaw na numero at arrow sa loob ng elevator. Doon lang siya dapat tumingin. Hindi niya kasi gustong maramdaman na naman ang alam niyang mararamdaman niya kapag napatingin siya sa basket ng prutas na tangan ni Marco Polo. Paninibugho. Natatanging emosyon na natitira sa sistema. Kung bakit sa lahat pa ng tao ay kay Marco Polo niya pa 'yon mas nararanasan at nararamdaman. Na hindi niya makontrol sa sarili pagdating sa kasama niya ngayon sa maliit na espasyo na 'yon ng elevator. Wala sa sarili na napahawak si Alejandro sa neck tie niya at pagkuwa'y niluwagan 'yon. "For now," pagpapatuloy ni Marco Polo. Pinili na lang ni Alejandro na balewalain ang tinuran ng pinsan. Wala siyang balak na magpatangay na naman sa kapritso ng mga pinsan niya pagdating sa mga empleyado nila. Hindi ngayon. Yana Fojas deserves that memo. That five days suspension. At hindi niya babawiin ang sinabi niya kanina sa nanay nito na isang malaking pabor pa nga 'yon sa anak nito. Oo nga at may posisyon sa kompanya niya si Yana, maaasahan at may angking husay sa puwesto nito sa trabaho, bonus pa na dedicated. Pero walang red tape pagdating sa company rules. Hindi niya ito- tolerate ang madalas na pagiging late ni Yana. Simple lang, 'yon ay dahil ang mga HR dapat ang ehemplo ng mga mababang empleyado pagdating sa trabaho. Isa pa, baguhan lang si Yana sa DB Company. Kung hindi nagkakamali si Alejandro ay almost 2 months pa lang 'to na nagtatrabaho ro'n. Sa taglay na dedikasyon sa trabaho at husay, pupusta pa nga siya na bukas makalawa ay mapo- promote 'to. Kaya wala talaga siyang balak na tanggalin 'to sa trabaho. Sana. See? Paano naman naging mali ang suspension na binigay niya? Kung hahayaan niya na gano'n ay unfair naman sa iba, hindi ba? Ah, bakit nga ba niya kinakausap ang sarili niya't kinukumbinsi sa isang bagay na dati naman ay balewala lang sa kaniya. Hindi dapat siya makonsensya sa ginawa, kahit kaunti. Dahil wala siya sa posisyon niya ngayon kung paiiralin niya ang konsensya at hindi babalansehin ang monitoring ng mga employees niya. "Are you okay?" Tanong ni Marco Polo nang nakapikit na sinandal ni Alejandro ang sarili patingala sa malamig na wall ng elevator habang nananatili 'tong nakahawak sa niluwagan na neck tie. "Y--Yeah, I guess." Dapat. Dahil hinding- hindi niya aaminin kahit sa sarili ang biglaan na pagkakasakal na naramdaman niya ngayon. Hindi naman siya claustrophobic. At bakit ba parang napakatagal naman nilang marating ang floor na pakay nila, damn it. Marco Polo let out a breathe. "Dude, you are not okay." "Who told you?" Nakapikit niyang tugon sa pinsan. "Look, alam ko naman na may na- hit sa'yo ang sinabi ni Aling Belen." Ah, bukod nga pala kay Elice na sakit ng ulo niya ay heto pa nga pala ang isang 'to. Ang mas malala pa, may mga bagay na sila lang dalawa ni Marco Polo ang nagkakausap tungkol sa mga 'yon. Boys talk. Normal na hindi kasali si Elice. Normal na mas sila ni Marco Polo ang nagkakaaminan sa mas maraming bagay. Mapa- personal o trabaho man. "Yeah," pag- amin naman ng CEO kaagad. Walang puwang ang pagtanggi at pagkakaila sa mga pinsan niya na kilalang- kilala siya mula bungo hanggang talampakan. Sa mundong kinalakihan nila't ginagalawan ay wala silang maituturing na tunay na kaibigan, ang isa't-isa lang. Lumaki rin sila sa pangaral ni Don Marco na ang pagtitiwala ay hindi binibigay sa kung sino lang. Na kung hindi nila makakagamayan na makipagsabayan sa mga mayayaman na handa silang sakmalin patalikod ano mang oras, mas makakabuti na lang para sa kanila na walang maging kaibigan sa circle nila. Mas mainam na mga sarili na lang nila ang kaibiganin nila. Mas maigi na sila- sila na lang na magpipinsan. "Stop thinking about it, Dude." Tinapik ni Marco Polo ang balikat ni Alejandro. Alejandro knew na ang gesture na 'yon ng pinsan niya ay panimula para na naman sa isang matalinghaga na kasabihan nito, "You know, no one can hit their target with their eyes closed." "Uh-huh," tipid na tugon lang ni Alejandro sa pinsan. Sabi na nga ba niya at hihiritan na siya ng CCEO. Kung sana lang ay madali para sa kaniya ang sinasabi ng pinsan. Dahil totoo man ang kahulugan ng sinabi ni Marco Polo at wala namang alam si Aling Belen tungkol sa kaniya, sa pagkatao niya talaga, nabuksan naman niyon ang hindi nakikitang sugat kay Alejandro na kay tagal na niyang inakalang hilom na. Ting! Ang pagtunog ng elevator ang pumutol sa paglalaro ng isip niya. Hindi na nagulat si Alejandro na tumatakbong si Elice ang kaagad na bumungad sa kanila ni Marco Polo pagkabukas ng pinto ng elevator. "Ano ang nangyari sa inyo ro'n?" Agad na tanong ni Elice sa kanila. Obviously, gumamit si Elice ng ibang elevator para masalubong sila. Naramdaman niya ang pagsulyap ni Marco Polo sa kaniya habang palabas sila ng elevator, ngunit pinasya na lang ni Alejandro na huwag nang pansinin ang mga pinsan. Namulsa siya, saka naglakad na palabas ng elevator. "Don't make me repeat myself. I dismissed Yana Fojas effective today," aniya sa mga pinsan nang walang lingon na nilagpasan niya ang mga ito. "'NAY, HINDI NIYO po kasi dapat na ginawa 'yon." Sapo ni Yana ang sariling noo habang kausap sa cellphone ang kaniya ina. "Hindi kayo dapat na nagpunta sa DB Company. Mas lalo ho akong mawawalan ng trabaho niyan e. Sinabi ko na nga po sa inyo na limang araw lang naman 'yon. Nagawan na nga po ng paraan ni Sir MP na maging tatlo lang e. 'Nay? 'Nay?" Napahilamos na lang si Yana sa sariling mukha. Nawala na sa linya ang nanay niya. Binabaan siya ng telepono. Buntonghininga na lang niyang binulsa ang cellphone niya. Lulugo-lugo na lang na hinango ni Yana ang mga damit na nilalabhan niya na kasalukuyang nasa washing machine. "DB Company?" "Ay-- Ms. Trea, nariyan na po pala kayo. Heto po, matatapos na rin naman na 'ko na maglaba." On call labandera at housekeeper siya ni Treazandra Fitzgerald sa condo unit nito sa Makati. Ni- refer siya ng isang kakilala kay Ms. Treazandra Fitzgerald no'ng panahon na naghahanap siya ng kahit anong trabaho para lang makapagtapos ng pag- aaral. Hindi nga lang niya hinintuan na pagsilbihan si Ms. Trea dahil bukod sa mataas 'tong magpasahod at mabait, hindi siya puwedeng mawalan ng trabaho at raket ngayon. "Ahm, that's okay. Alam ko naman na tatapusin mo 'yan." Nakangiting tugon ni Treazandra kay Yana. "Ikaw pa ba, napakasipag mo kaya." "Naku, salamat po." "Narinig ko na binanggit mo ang DB Company, tama?" "E, opo." "Ah, naalala ko na nabanggit mo sa'kin two months ago na may work ka na..." "Opo, Ms. Trea, sa DB Company nga po ako natanggap." "Well, that's good. Napaka-choosy ng CEO nila ro'n." "Kaya ba napili ka niya? Naks!" Panunukso ni Calla kay Trea na sumulpot din bigla sa laundry area ng unit niya. "Kilala niyo po si Sir Alejandro, Ms. Trea?" Excited na bulalas ni Yana. "Sort of..." "Wait lang, so, nagtatrabaho ka sa DB, Yana?" "Opo. E, na- memo- han..." Kinuwento ni Yana kay Treazandra at Calla sa mabilis na paraan ang nangyari. "s**t, e, ang higpit daw ni Alejandro, ah!" "Oo nga po, Ms. Calla. Hindi na nga ako magtataka na tanggal na 'ko sa trabaho ngayon. Sayang nga po at unang trabaho ko 'yon, pumalpak pa. Napupuyat din po kasi ako at may trabaho sa gabi kaya ako na- late." Nasa tono ni Yana na "Awts. Bakit kasi ang sipag mo?" "Calla, breadwinner si Yana." "Opo, at kailangan ko talaga ang trabaho na triple dahil nagda- dialysis po ang tatay ko." "ALEJANDRO, hindi natin puwedeng tanggalin si Yana. Baka nakakalimutan mo kung paano mo siya ginisa para lang makuha niya ang posisyon niya sa HR, two months ago!" Tch, bakit nga ba nakalimutan ni Alejandro na kung may taong hindi niya nasisindak ay si Elice 'yon. Hayun nga at hinahabol na siya nito at pilit na sinasabayan kahit nasisiguro ng CEO na killer shoes na naman ang suot ng pinsan. Elice Sandoval motto in life is dressed to kill and dressed to impress. At hindi makukumpleto ang idiom na 'yon kung wala ang kaniyang pananamit at kung hindi nito 'yon babagayan ng pagkataas na sapatos, na kasalukuyan nang namamayani sa hallway ang tunog ng takong niyon. "Jan! Teka nga!" Naabutan ni Elice si Alejandro at kaagad niyang hinarangan ang dinaraanan ng CEO. Kailangang gawin ni Elice 'yon at kanina pa hindi namamansin ang pinsan niyang pinaglihi yata sa tuod. Patunay ang emotionless na facial expression nito kahit pa hinarang na niya. "Elice," mahinahon na banta ni Alejandro. "No! Listen, alam kong mainit ang ulo mo dahil sa nangyari. Alam ko rin na alam mong hindi mo ako madadaan sa tantrums mo, Alejandro." Alejandro let out a heavy breathe. Ngunit nanatiling diretso lang ang tingin na parang wala si Elice sa harap niya nang mga sandaling 'yon. "Alejandro, wala rito si Angel para pakalmahin ka, I know." Awtomatiko ang pagkunot ng noo ni Alejandro sa sinabi ni Elice. Sinalubong ang tingin ng huli. "What the hell are you saying?" "Wala rito si Angel. Si Angel na tanging nagpapakalma sa galit mo." At inulit pa talaga! Ngayon lang ulit nabanggit ni Elice sa kaniya si Angel. Mukhang pinapaalala nito sa pamamagitan niyon ang mga ugali ng CEO-- noon. No'ng nasa buhay niya pa si Angel. "Look, Eli, can you please mind your own business, kahit ngayon lang." Sa inis ni Alejandro ay ngumisi lang ang pinsan niyang si Elice bilang tugon. "Your business is mind too. Hello? Nasa earth ka pa ba, Alejandro?" "Yeah right. Sabi mo e." "Wala si Angel dito ngayon, pero narito naman si Trea." Kunot- noong sinundan ni Alejandro ng tingin ang tinitignan ni Elice sa likuran niya. "Hi, Jan!" Yes, si Treazandra nga ang humahangos at may nakapaskil na malawak na ngiti sa labi, na bagong dating. Mula sa paglingon kay Treazandra ay binalik niya ang tingin niya kay Elice. "You let her in, kahit alam mong may may trabaho ako at--" "I let her in here dahil baka tulad ni Angel ay mapakalma ka niya, Alejandro. Come on, you can't be this heartless..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD