7: Hit

1102 Words
"SIR, Marco!" Sinalubong ng yakap ang pinsan niyang si Marco Polo ng isang matandang babae pagkababa nila ng kotse nang mapatapat na 'yon sa DB Building na pag- aari ng pamilya nila. Tamad magdala ng sariling sasakyan at tamad umuwi sa sariling unit si Marco Polo sa tuwing kinabukasan naman ay kailangan ng presensya nito sa opisina. Kaya magkasabay sila ngayon nito. Unlike Alejandro, chill lang magtrabaho ang CCEO ng kompanya. Well, workaholic naman talaga ang CEO. Kaya nga siya naging CEO, to begin with. "Aling Belen, kanina pa po ba kayo?" "Naku ay wala naman sa akin ang paghihintay, Anak. Iaabot ko lang naman 'to sa'yo." Kinuha naman ni Marco Polo ang inabot sa kaniya ng matandang babae na mga prutas na nakalagay sa basket. "Kayo po talaga, nag- abala pa po kayo. Pero salamat po rito ah," magiliw niyang pasasalamat kay Aling Belen. Awtomatiko naman na tumaas ang makakapal na kilay ni Alejandro sa kasalukuyan na nasasaksihan na eksena. Nakayapos sa pinsan niya ang matandang babae na tinawag nito sa pangalan na Aling Belen, gayon din ang pinsan niya rito. Ah, wala namang bago ro'n, tulad ni Elice ay maawain din si Marco Polo at magiliw sa tao. Lalo sa mga taong hindi nila ka-level ng estado sa buhay. At wala na ring bago sa pagtaas ng mga kilay niya sa tuwing nasasaksihan niya ang ganoong eksena. Na ngayo'y nagsalubong na. Dahil napahinto siya sa paglalakad at pagbalewala sa mga ito nang marinig niya ang binanggit na pangalan ni Aling Belen... "Yana? Yana Fojas? Siya ba ang pinag- uusapan niyo?" "Yeah, Jan--" "Oo, si Yana ay ang anak ko na binigyan mo ng memo noong nakaraang araw," putol ni Aling Belen sa sasabihin ni Marco Polo sana. Nakapameywang pa ito na hinarap si Alejandro at tila nanunumbat ang tono na turan nito sa CEO. The CEO smirked in a develish manner. "Come again?" "Wait, Jan, hayaan mo na sa'kin 'to, please," pakiusap ni Marco Polo kay Alejandro. "Besides, nasa bungad pa tayo at nakakaabala na sa mga taong nagdaraan." Totoo 'yon. Pero kailan ba siya nagkaroon ng pakialam? Matagal na panahon nang inaral ni Alejandro na mawalan ng pakialam sa mga bagay- bagay. Totally. Dahil ang pagkakaroon ng pakialam, kahit katiting lang, ay pagpapakita lang na apektado ka sa paligid. At 'yon ang huling bagay na hahayaang mangyari ulit ni Alejandro. "Hayaan?" Tumikhim si Alejandro bago magpatuloy sa sinasabi. "Mawalang- galang na ho, kung kayo po ay nakakaunawa ng memo sa isang kompanya, siguro naman po ay malinaw niyong nabasa ang nakasaad sa memo ni Yana. Hindi niyo po ba alam, na pabor pa nga sa kaniya na memo lang ang binigay ko at hindi ko pa siya tinanggal sa trabaho." "O, e, 'di salamat! Damuho ka! Napakawalang puso mo talaga. Tama ang lahat, bangungot ka sa sarili mong kompanya!" "Thank you for reminding me," sarakastikong sabi ng CEO. "Jan--" Itinaas ni Alejandro ang kamay niya nang matanawa niya sa peripheral vision niya na akmang lalapit sa kanila ang tatlong bodyguards nila ni Marco Polo na siyang na- assign na makasama nila kanina sa kotse. Kahit pukulin pa siya ng kung ano- anong negatibong salita ay hindi pa rin niya gugustuhin na makita ng kaniyang dalawang mga mata ang pagkaladkad ng mga bodyguards kay Aling Belen. So, mabait ka pala? Fvck, he cursed under his breath. Kaagad niyang pinalis ang mapangbuskang tinig na 'yon na nasa dulong bahagi ng isip niya. Saka niya hinarap si Marco Polo. "Five days suspension lang naman ang binigay ko sa kaniya---" "Limang araw lang? Hah, ibang klase ka rin talaga, 'no?! 'Yang limang araw na walang kita ay para nang buwan ang kahulugan sa mga mahihirap. Palibhasa ay ni hindi mo naranasan na magkumahog sa pagbabayad ng ilaw, tubig at bahay," galit na litanya ni Aling Belen sa CEO. The CEO gritted his teeth. Si Marco Polo naman ay pilit na inaawat si Aling Belen dahil mukhang umakyat na ang dugo sa ulo nito ang galit kay Alejandro. Hindi na rin maganda ang mga salitang binubulyaw nito sa kaniya. Kaya hindi mapigilan ni Alejandro na ikuyom ang sariling mga kamao nang mariin upang sa gayon ay kumalma siya at hindi niya masabayan si Aling Belen. Okay lang magalit ang lahat. Okay lang na sila na lang. Ang hindi okay ay ang magalit ang isang Alejandro Sandoval. 'Yong totoong galit na at hindi mo na makikita ang signature smug na facial expression nito. Bagkus ay nagdidilim na ang hindi maitatangging g'wapong mukha. 'Yong ganito na napapatiim na siya ng bagang. Aware rin naman ang CEO sa pag- uugali niyang 'yon. Aware siyang lalo na 'yon ang ugali niya na sinasabi ng lahat na walang puso-- 'pag nagalit na siya. At aware rin siya na alam ng pinsan niyang si Marco Polo na may nasaling sa kaibuturan niya ang mga binitawan na salita ni Aling Belen. Mas lalong alam ng CCEO na walang makakaawat sa kaniya 'pag nagalit na siya. "Palibhasa ay lumaki kang mayaman. Hambog ka!" "Calm down, Aling Belen--" Awat na ni Marco Polo sa bewang si Aling Belen sa mga sandaling 'yon. Si Aling Belen na galit nang pinukol ng basket si Alejandro. Galit nang sinusugod ang CEO. Sa kabila ng lahat ay dama ni Alejandro ang komosyon sa likuran niya. Ang pagkakagulo ng mga empleyado niya. Ang pagtulong ng mga ito sa pag- awat kay Aling Belen. Ngunit hindi 'yon nakatulong dahil tila mas lalo lang nagsiklab ang galit ni Aling Belen sa kaniya at sinampal siya. Sampal na nagpatulig sa CEO. Sampal na kung nalalaman lang ni Aling Belen ay wala pang nakakagawa sa kaniya. Sampal na tila nagpahinto sa pag- inog ng oras sa parteng 'yon ng mundo. Dahil katahimikan na ang kasunod matapos ng mga singhap na pinawalan ng lahat ng taong naroon. Muli lang iniangat ni Alejandro ang kamay niya sa mga bodyguards. Saka niya sinapo ang nasaktang pisngi at hinarap si Aling Belen, na sa mga sandaling 'yon ay natigagal na rin sa nakikitang reaksyon ng CEO. "D--Dude..." Of course, hayun na si Marco Polo sa tabi ng pinsan kaagad. Handa na kaagad na si Alejandro naman ang awatin. Na para namang magagawa niyang saktan ang isang matandang babae. "Tapos na po ba kayo? Kung tapos na po kayo ay maaari na siguro kayong umuwi." Tumalikod na si Alejandro pagkasabi niya niyon. "Jan, teka," Si Marco Polo na akmang hahabulin ang pinsan. Ngunit napatda lang ang takbo niya pasunod dito dahil kaagad naman na lumingon si Alejandro. "May nakalimutan pa pala 'kong sabihin... kung aalis na po kayo ay pakitangay na rin ang anak niyo, Aling Belen."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD