6: Rumored Wife

2015 Words
DINALA sila ng halik na 'yon sa isang k'warto kung saan sila lang dalawa ang makakasaksi ng mga susunod na maaaring mangyari sa pagitan nila. Palibhasa, pareho na silang nakainom ni Alejandro, kaya napunta sila sa sitwasyon na 'to ngayon. But Trea's fully aware that you can't blame the alcohol during anytime na lang na makakainom ang isang tao at sa ganitong eksena ang kababagsakan niyon palagi. Ang bawat actions natin, que sober tayo or not, alam natin. At alam natin kung ano ang magiging resulta niyon pagkatapos. Kaya fully aware rin si Trea na handa niyang ibigay ang sarili niya ngayong gabi kay Alejandro Sandoval. Huwag mo na nga lang siyang tanungin kung bakit, dahil pagdating sa CEO ay wala siyang malaliman na rason. Ah, oo, dahil lang matagal na niya 'tong gusto. Dahil interesado siya rito. Mababaw man na dahilan para sa iba ay walang pakialam si Treazandra. Besides, wala nang ayawan 'to dahil malinaw na nadadarang na siya sa may pagmamadaling kilos ni Alejandro. Naroon ang gigil na paraan nito sa pagsamba sa kaniya nang buksan nito ang pinto at kaagad siyang isandal at ipihit sa malamig na sementong dingding ng kaniyang condo unit. Kumuyampit naman siya sa batok ni Alejandro. At unti-unting nagpakarga sa CEO habang magkahinang ang kanilang mga labi. Now, tell me, kung may taong makakaawat pa ba sa dalawang tao na halatang pareho nang kinakain ng apoy ng pagnanasa. Kung mayroon, hayaan mong palakpakan natin 'yon. Pero siya, si Treazandra, ay walang ka- plastikan na mas pipiliin niyang magpakasaya sa mga bisig ni Alejandro dahil hindi siya ipokrita. Hindi man niya inaasahan ang nangyayari sa mga oras na ito sa kanila ng CEO, alam naman niya na buong sistema niya ay hinding- hindi umaayaw sa napipintong mangyari sa kanila ngayong gabi... "Jan? Why?" Tanong ni Trea sa biglaan na pagtigil ni Alejandro sa pagsimsim sa kaniyang leeg. Nang hindi sumagot ang CEO at matiim lang na pinaglandas ang tingin sa kabuuan niya ay iginiya ni Treazandra ang sarili pababa sa pagkakapulupot ng mga hita niya kay Alejandro. At siya na mismo ang nagpatuloy nang nasimulan na nila na mukhang wala nang plano ang CEO na ituloy. KUNG tatanungin si Alejandro ngayon kung nagdadalawang- isip ba siya na angkinin si Treazandra ngayong gabi ay oo ang isasagot niya nang walang pagdadalawang- isip. Dahil nang tumutugon si Treazandra kanina sa mga haplos niya at halik ay hindi na naman maiwasan na masagi sa isip niya ang nakaraan nila ni Angel. Gago si Kupido talaga. Ang sarap ipalulon sa kaniya ang pana niya. At gago rin siya na hinahayaan niyang alalahanin ang babaeng alam niyang may kakayahan na pakuluin ang dugo niya kung kailan nasa mainit silang eksena ni Treazandra Fitzgerald. Hindi na nga niya dapat gawin 'yon, mas lalong hindi tama na ipagkumpara niya ang dalawa. Dahil kung may makakapagsabi man kung gaano kasakit ang pakiramdam na maikumpara ay nangunguna na siya. Palihim na lang na bumuntonghininga si Alejandro sa isip at pilit pinalis ang mga kung ano-anong naglalaro roon. Hindi maiiwasan na isipin pero matagal na niyang inaral kung papaanong huwag nang maapektuhan do'n. Ang Alejandro Sandoval na nakikita at nakikilala ng mga tao sa paligid niya ngayon ay malaki na ang pagkakaiba sa noon. At mananatili siyang ganoon. Dahil 'yon ang nararapat. Ah, bakit ba niya nakalimutan na mayroon palang hindi maaaring magbago sa kaniya. 'Yon ay ang pagiging dominante niya pagdating sa... kama. At sa dami ng mga babaeng nagdaan na sa kaniya pagdating sa bagay na 'yon ay alam niyang hindi uubra ang rough side sa bagay na 'yon kay Treazandra. Dahil malakas ang pakiramdam niyang virgin pa ang babae. Inawat niya ang mga palad ni Treazandra na naglalandas na sa butones ng suot niyang polo shirt. Nagtatanong ang hugis almond na mga mata ng dalaga sa kaniya. "I wanna know if you're really sure about this, Trea..." Matamis na ngumiti si Treazandra kay Alejandro. Seriously? Ito ba ang cold na sinasabi nila? Dahil kung ito pala ay ewan na lang ni Treazandra, paano pa kung si Alejandro na mismo ang nag- initiate sa halik nila? Walang cold at heartless na lalaki ang tatanungin ka kung sure ka ba sa bagay na gagawin niyo, knowing na pareho naman na kayong adult at alam niyo na ang mga ginagawa niyo. Idagdag pa ang naririnig niyang balita tungkol kay Alejandro sa aspetong sekswal. Kung cold at heartless ito at ganoon ang reputasyon sa s*x, hindi siya nito tatanungin nang gano'n at magiging makasarili na lang sana 'to, right? Wala siyang ma- hint na coldness sa CEO bukod sa hindi talaga 'to palangiti. Hindi nga maiwasan ni Treazandra na i- goal 'yon sa sarili. Ang pangitiin si Alejandro Sandoval nang madalas, isa sa mga araw na 'to. "Hundred percent. Don't worry, Jan Sandoval, narinig ko ang mga balita tungkol sa'yo pagdating dito at..." Hayun na naman ang seductive na signature smirked ng CEO. Sa salitang barbaric-- makalaglag panty na ngisi. Kaya wala na, sabihin nang marupok si Treazandra, hinding- hindi niya maawat at hindi na niya naawat talaga ang sarili-- dahil muling hinalikan niya ang nakakahalina na labi na 'yon ng CEO... "B--UMIGAY kaaaaa?!" "Calla! Ano ba, ang ingay mo! Marinig ka ng mga katulong!" Natatawang saway ni Trea sa best friend. Pabirong kinurot niya pa 'to sa braso. "Okay, bigyan mo muna ako ng ilang segundo, Trea." Calla paused, "Well, ahm, daks ba?" Napahagikgik si Treazandra sa tanong ng kaibigan. "Ano nga? Mahalaga ang tinatanong ko, believe me!" "Loka kang tunay!" Natatawang sinubuan na lang ni Trea ng fries na merienda nila ang bibig ni Calla. "At saka... secret! Sa'kin na lang 'yon no!" Biro pa niya sa kaibigan. "May pag- secret ka pa," ani Calla sa pagitan ng pagnguya. "Well, halata naman na na- enjoy mo, base sa glow mo today, my friend. At sa kislap ng iyong mga mata. Finally ay hindi ka na virgin!" Nag- init ang mga pisngi ni Treazandra sa pambubuska ni Calla. "Nagulat nga ako sa sarili ko." Kagat- labi niyang pag- amin sa kaibigan. "An--g wild ko, grabe, nakakahiya!" Humagikgik si Calla sa sinabi niya. "Normal 'yon. Normal na lumabas ang kung ano ka 'pag dama mo na right person ang pagbibigyan mo ng sarili mo. So, huwag kang magulat, gaga!" "Calla, kapag naaalala ko kasi... parang... ang agressive ko talaga." Sapo ni Treazandra ang mga pisngi na patuloy na nag-iinit. "Sheesh!" Halakhak lang ang tugon ni Calla sa kaniya. "That's normal, believe me. Pero wait, so, ano na pala? E, 'di, kayo na ni Jan Sandoval?" Natigilan si Trea. Pero pagkuwa'y tipid lang na ngumiti sa kaibigan. "Hindi pa naman namin opisyal na napag- usapan. Pero.. parang? Kasi after no'ng mangyari sa'min, extra sweet na siya sa'kin. But I think naman sweet siya talaga. Alam mo ba na ang dami ko palang chika sa'yo about him!" Hindi sumagot si Calla. Nanatili itong nakatitig lang kay Treazandra. "Bestie, nahi- hint ko naman na excited ka 'no, pero sorry at hindi ka nagtatagumpay ngayon na itago sa'kin ang disappointment mo sa nangyari." Ganoon siya kakilala ni Calla. Hindi sila magiging matalik na magkaibigan kung hindi. "N--Nag- sorry kasi siya, after." Pabulong at nakayuko niyang pag- amin dito. "Ew, turn off!" Calla rolled her eyeballs while saying that. "Nag- sorry naman dahil nga hindi niya alam na V pa 'ko!" Okay, hindi naman niya sinasadya na magtunog defensive. Nakagat na lang ni Treazandra ang lower lip niya. "Uh-huh," sarkastikong tugon ni Calla. "E, sa 'yon ang nangyari e," ani Trea. Yumuko na lang siya at pinagdiskitahan ang mayo at ketchup ng fries na nasa plato sa harap niya. "He said sorry. Sa car naman, at least." Kibit-balikat pa niya sa kaibigan. "Hay naku, Treazandra Fitzgerald." Inaawat ni Calla ang kamay niya upang hawakan 'yon at pisilin. Tipid na ngumiti si Trea sa kaibigan. Makahulugan sila na nagtitigan, saka niya hinintay ang mga sasabihin pa nito sa kaniya. "Alam kong alam mo naman na happy ako sobra, for you. Dahil putsa, si Alejandro Zircon Sandoval 'yon, Friend! Jackpot! Gold!" "Sira!" Natatawang sabi ni Treazandra. Calla giggled. "Kidding aside, kahit gold sana ang kuya mo, Alejandro, makakatikim 'yon sa'kin 'pag sinaktan ka niya, Trey." "Possible ba na hindi?" "Huh?" "Imposible na hindi niya 'ko masaktan, Calla. Ngayon pa lang, hinahanda ko na ang sarili ko sa bagay na 'yon. Sabi nga nila, kung gusto mo na makaranas ng pagmamahal, dapat handa ka na masaktan." Ewan nga ba ni Trea kung bakit gano'n siya ka- advance pagdating kay Alejandro. At kung bakit malakas ang kutob niya na imposibleng hindi siya masaktan ng isang Alejandro Sandoval. Basta, her gut told her so. Una, siya ang nag- initiate ng kiss. Pangalawa, siya ang nag- initiate ng s*x. Pangatlo, sa dami ng naging babae ng CEO, isa lang siya sa napabilang do'n at aware siya sa bagay na 'yon. Ginusto niya man na rito bumigay at wala siyang pinagsisisihan sa bagay na 'yon, pero ang totohanan na pagmamahalan sa pagitan nila ay iba nang usapan, alam niya. 'Gaya nang alam na alam niyang may kaakibat na sakit 'yon. "O siya, enough na nga. Let's celebrate na nga lang! Dahil sa wakas, tapos na ang mga araw na sobra kang eager na makilala ang gold na CEO plus--- nalawayan at natikman mo na siya. Iba ka, Friend!" "Baliw ka talaga." Iiling- iling na turan niya kay Calla. Nagsasalin na ng juice ang kaibigan niya sa mga baso nila. At nang masalinan ay inumang sa kaniya ang isa, kinuha naman niya 'yon at siya na mismo ang nag- angat ng baso niya sa ere. "Kampay!" "Yas! Kampay dahil nakuha mo... na naman, ang isa sa mga gusto mo, Friend!" Nagkatawanan na pinagpingki nila ang mga baso nila na ang laman ay strawberry juice. Basically, isa rin si Trea sa mga babaeng mayaman na kinukuha kung ano ang magustuhan. At hindi exemption do'n ang sino-- ang CEO. Ito pa nga ang naging sentro ng lahat. Na ang sabi pa niya sa sarili, kung hindi niya 'to makukuha, give up na rin niya ang pagkuha sa mga bagay na gusto. But, she is so lucky. Dahil hindi lang niya nakuha si Alejandro, umayon pa ang lahat sa nais niya. Actually ay wala na ngang paglagyan ang kasiyahan niya ngayon. Na para ngang tama si Calla... mahal na nga yata niya ang CEO. Na 'yong na- invest niyang kilig sa haba ng panahon niyang hinangaan niya 'to, napunta na yata sa love. Ah, masyado pa namang maaga para isipin ang love sa pagitan nila. Nagsisimula pa lang sila ni Alejandro kahit na may nangyari na sa kanila. Sabi nga ni Calla, normal na nagyayari ang bagay na 'yon sa mga adult. Kaya dapat lang na i-normal niya nga. Nangyari na at hindi naman niya pinagsisisihan, sabi pa nga ni Calla, hindi naman bibigay ang isang babae kung hindi rin nito ginustong bumigay. Simple as that. "Maalala ko, ngayon nga pala na malapit na kayo sa isa't-isa ni Alejandro, Trea, alamin mo kung totoo na may asawa 'yung tao. 'Di ba, may rumors about do'n sa kaniya?" Natigilan si Trea. Oo nga pala. Ba't sa dami ng alam at kabisado niya kay Alejandro Sandoval, 'yon pa ang nakalimutan niya? Kung nagkataon na totoo 'yon, puso pa pala ng CEO ang dapat niyang makuha, dahil sabi sa rumors, ang babaeng 'yon lang ang minahal ng CEO nang lubos. Ang sineryoso at pinakasalan. At makakalimutan ba naman niya ang catchy na title ng issue na 'yon tungkol sa rumored wife ng CEO-- The Story Behind Of DB Company's Angel. Argh! Nakakainis naman si Calla, kill joy masyado! Sinira ang saya na nararamdaman niya. "Don't look at me like that. Naalala ko lang naman." Nakalabas ang mga ngipin na sabi ni Calla sa kaniya. Treazandra rolled her eyeballs. "Panira ka naman e!" Matinis na halakhak ng kaibigan ang pumuno sa bahay niya pagkatapos. Napa- facepalm na lang si Treazandra. Nararamdaman niya na kung poproblemahin niya ang tungkol sa issue na 'yon about sa CEO ng DB Company ay tatalon na siya ngang talaga sa salitang... love. Er, s**t.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD