5: Sunflower

2044 Words
The Don's Boys Restaurant... AS USUAL, fine dining resto always had this intimidating atmosphere for Trea. Sa labas pa lamang ng Don's Boys Restaurant ay nagsusumigaw na ang rangya niyon. Sigurado na ang sino man na gugustuhin na kumain do'n ay mabubutas ang bulsa. Lihim na lang na natawa si Trea sa naisip. To be honest, Madalang siyang mapunta sa mga ganoong lugar. Matagal na rin nang huli siyang mapunta do'n dahil malayo siya sa Pasay, kung sa'n located ang isa sa mga Don's Boys Resto. Last time na punta niya sa DB Resto ay no'ng pa na napilit siya ni Calla na makipag- blind date at dito siya dinala niyon. At least naman, dahil minsan lang na mapapayag si Trea na makipag- date. Ewan niya nga ba at walang dating ang ibang lalaki sa kaniya. Or baka lang hindi katulad ang mga ito ng interes na inalagaan niya para kay Alejandro Zircon Sandoval. Ang CEO na kasama na niya ngayong gabi. Hindi niya mapaniwalaan na nagbunga ang kabaliwan niya. Ka- date na niya ngayon ang kaniyang ultimate crush. "'Hope this won't intimidate you," Ang sinabi na 'yon ni Alejandro ang nagpahinto sa mga iniisip niya. Alam niyang tinutukoy ni Alejandro ay ang special treatment ng mga tao roon sa kanila at ang romantic atmosphere ng restaurant. Ngumiti lang si Trea bilang tugon sa CEO, at umiling nang makaupo na sila na magkaharap na pandalawahan na mesa at kumakain. "I'm not. And I bet, hindi mo rin alam na ganito ang daratnan natin dito tonight," Tumaas lang ang gilid ng mga labi ni Alejandro sa sinabi ni Trea na 'yon. "Ah, yah. Sorry for that. Hindi ako ang nag- ayos sa lahat. I'm not into this, si Marco Polo lang talaga ang mahilig sa mga ganitong bagay. That CCEO's romantic side still surprise me." He chuckled. "Kung hindi ba naman, akala ko kung sa'n nagpa- reserved at ang yabang. Dito rin pala." Natawa na lang si Trea. Balewala naman sa kaniya 'yon. Que ang pinsan nito pa ang nagsaayos ng lahat, ang importante naman ay espesyal pa rin sa kaniya ang gabi na 'to dahil si Alejandro ang kasama niya, nothing else. Late na napuna ni Trea ang flower na nasa mesa. Napangiti siya bago kinuha 'yon at saka inamoy. She like flowers, especially, "Itong Sunflower, hindi rin ba sa'yo galing?" Birong- tanong ni Trea sa CEO. Fishing info. Baka lang naman na galing na kay Alejandro 'yon at hindi na kay MP... Napatitig sa kaniya si Alejandro. Tila natigagal pa nga na tinitigan siya. Lumunok muna si Alejandro. "Uhm, y--yep, I mean--" "Ah, si MP ulit ang nakaisip." nakangiting sansala ni Trea sa sinasabi ng CEO. Hirap na hirap si Alejandro na sabihin 'yon, halata naman. Gentleman naman pala. "Y--es, and I guess ang rude ko naman kung sasabihin ko 'yon in your face, ngayon na mukhang fond ka sa flowers." Trea chuckled. "That's nothing, Alejandro. Yes din. Mahilig ako sa mga bulaklak. Especially the Sunflowers." Nakangiti pang sinamyo muli ni Trea ang tangan na bulaklak. "I see..." "Are-- you okay, Alejandro?" Tanong ni Trea nang mapuna niyang parang mas lalo pang natigagal ang CEO. "Ah, ye--yeah, of course. It's just... I hate to see flowers, actually. I also hate buying flowers for a woman, Trea. Yep. That's it." Oh. Hindi alam ni Trea ang irereact. Kung sinabi ba 'yon ni Alejandro para may mapag- usapan lang sila or kasi lang, para masabi niya na kahit paano ay pinakikisamahan siya nito nang maayos ay hindi niya alam. Ngayon kasi na kasama niya ang CEO, napuna niya na masyadong pormal ito at seryoso. Hindi nga ba at nabanggit na niya na nabibili ang ngiti nito. Iyon ang personality ni Alejandro Sandoval na mas nakadaragdag lang sa appeal nito. Pero nasaksihan niya naman na kung pa'no magbiro 'to nang unang araw na magkakilala sila in person. Kaya masasabi niyang hindi totoo na cold si Alejandro Sandoval 'gaya ng rumors na kumakalat patungkol dito. Though, the mysteriousness of this man is still there. Misteryo na nais malaman ni Trea kung kakayanin ba niya na alamin. Na nagpapa- challenge sa kaniya na arukin. Kung aabot ba sila sa gano'ng level, why not? Hopeful siya, sobra. "But, I think, I can, well, you can say that maybe, exempted ka... maybe on our next date?" Nagulat man at natuwa si Trea sa sinabing 'yon ni Alejandro, hindi niya pinahalata. Matamis lang niyang nginitian ang CEO. Kahit hindi naman 'to gumaganti ng ngiti. Tanging pagngisi lang ang ipinapakita sa kaniya. Signature smile na ni Alejandro Sandoval ang pagtaas ng labi nito pakanan, puna niya. Walang maliit na bagay ang hindi niya napupuna rito buhat no'ng makasama niya. Ang mga article na nabasa niya online at newspaper about him ay tanda niya pa halos lahat. Pinagkukumpara niya ang mga nabasa ro'n sa ngayon, na personal na niyang nakilala si Alejandro. Oo na, dakila na siya. Dakilang stalker. Masisisi ba naman siya? Ang tulad ni Alejandro Sandoval ang papangarapin ng kahit sinong babae, with or without tuxedo. With or without his company and achievements. You heard that, Trea. Next date. For real. Shocks! He finds you a prospect girlfriend, guuuurl. You burn! "Thanks, Alejandro, but you don't have to, kung hindi ka naman pala palabigay ng flowers talaga." "I don't know, or hindi ako talaga nasanay lang..." Trea chuckled. "Okay lang. Anyway, thanks pa rin dito. Say my thanks to MP pala." Nagkatawanan sila. "Because I really love this flower. Sunflower have a deep love meaning kasi, you know..." Natigilan na naman si Alejandro. This time, napadiretso pa siya sa pagkakaupo, pasalamat na lang siya at hindi 'yon napupuna ni Trea na busy na sa paghaplos at manaka- nakang pag-amoy sa bulaklak na hawak. Napatiim- bagang siya. Okay, hindi niya alam kung pinaglalaruan ba siya ni Kupido. Na naman. Hindi naman kasi niya hiniling dito na bigyan siya ng isang babae... Na halos kapareho sa kilos at mga bagay na gusto, Nang babaeng pinakasalan niya. Na minsan niyang inakala na pang habambuhay na... {Glimpse from the past...} "Alejandro!" Kulang sabihin na nagulat si Angel. Ang sabi ng boyfriend niyang si Alejandro, pupunta lang sila sa Manila City Hall dahil may aasikasuhin 'to. Pinag- dress pa siya na ito mismo ang bumili at nagdala kanina sa bahay. hindi raw kasi p'wede na simpleng pants at shirts ang isuot niya. Dapat daw formal attire at haharap sila sa mayor. Wala naman pagdududa sa kaniya ang sinabing 'yon ng nobyo at mayaman ang mga Sandoval, normal nang nakakatagpo ang mga 'to ng mga ganoong klaseng tao. Kung kaibigan nito ang mayor o kakilala, hindi na siya magtataka. Hayun at humarap nga sila sa mayor pagdating nila ro'n. Pero dahil 'yon sa ikakasal pala sila ng alkalde! "Mahal kita, Mrs. Angel Montreal- Sandoval." Pinag-umpog ni Alejandro ang mga noo nila at tungki ng kanilang ilong nang sabihin nito 'yon sa kaniya. "Mahal din kita, mahal na mahal," madamdamin na tugon ni Angel sa nobyo-- asawa na nga pala. Matapos siya nitong halikan ay niyakap na niya si Alejandro para lang umiyak sa pagitan ng leeg at balikat nito. Alejandro let out a giggle. "Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng pinagdaanan natin, sa araw ng kasal pa talaga natin ka iiyak," aniya kay Angel. Haplos niya ang likod ng... asawa. "Tears of happiness kaya 'to." Nakalabing sagot ni Angel kay Alejandro. Bumitaw na siya sa leeg nito at pinupunasan na niya ang makukulit niyang luha. "My Angel, listen." Muling haplos ni Alejandro sa mga pisngi niya at pinagtapat ang kanilang mga paningin. "Panimula lang 'to, para ipaalam lang sa'yo na wala na 'kong plano na iwan ka." Totoo 'yon. Hindi man sila magsasama sa iisang bubong ni Angel bilang mag- asawa pagkatapos ng kasal nila, pinakasalan naman niya 'to dahil ito lang ang nag- iisang babae na minahal niya ng todo. At ang nag- iisang babae na nagpaliwanag sa madilim niyang mundo. "Nakakainis ka kasi! Sana sinabi mo na lang." "Why? Ano'ng nguso 'yan, Mrs. Sandoval?" "Kasi naman, hindi man lang ako nakapagdala ng Sunflowers!" Napahalakhak na lang si Alejandro. Amused talaga siya sa fascination ng girlfriend sa flowers. Nayakap niya nang mahigpit si Angel. "Hmm, Sunflowers. Why?" "Because, Mr. Sandoval, Sunflowers have a deep love meaning kasi..."Pinisil ni Angel ang ilong ng asawa. "Pero... mas favorite nga pala kita..." 'Yon lang ang sinabi ni Angel pero tila pumalakpak na ang tainga ni Alejandro. Naglamlam na ang kaniyang paningin, gayon din si Angel. At saka sila nagsalo sa isang maalab na halik... "OUCH!" Ang pagkapaso sa isinubo ni Trea sa kaniya na pagkain ang nagpabalik kay Alejandro mula sa sandaling paglalakbay ng diwa. "I--m sorry, Alejandro!" Tarantang tinabihan naman siya agad ni Trea. Sinilip pa ang labi niya sa malapitan. "Hindi ko sinasadya..." "O--kay lang." Kinuha ni Alejandro ang kamay ni Trea na nasa labi niya para awatin 'yon. Ngunit sa ginawa niyang 'yon ay nagkatitigan lang sila. At aaminin ni Alejandro na ngayon na nakatitig siya sa mga mata ni Trea at malinaw niyang nakikita ang physical attributes nito ay hindi maiwasan na sumagi rin sa isip niya ang salita ni Don Marco Sandoval. "I want you to have a wife! Ayoko nang malalaman na nakikipag- date ka kung kani- kanino, Alejandro, or else, I will disown you!" Kung ano man ang gustong mangyari ng matandang Sandoval sa banta nitong 'yon, isa lang ang mahalaga kay Alejandro, 'yon ay ang tuparin 'yon. Dahil alam niyang nasagad na niya ang pasensya ng lolo niya. He needed a wife. As soon as possible. Kung ayaw niyang muli siyang itakwil ng lolo niya. Hindi sa takot siya na itakwil nito at mawalan ng yaman, dahil dati na siyang itinakwil nito at naka- survive naman siya. Ngunit alam ni Alejandro na iba ang noon sa ngayon. Dahil ngayon, hindi na niya nakikinita ang sarili na muling makaka- survive. Ngayon na wala na sa tabi niya ang isang taong sumalba sa kaniya sa t'wing nilalamon siya noon ng dilim... Ah, hayun na naman siya sa pag- iisip kay Angel. Samantalang napakadali naman na mag- asawa at magpa- annulled basta may pera ka, ba't pa niya pahihirapan ang sarili? And Treazandra Fitzgerald's not bad for a wife... Fil- Irish ang babae kaya mestisa. Matalino, prim and proper kumilos. Alright, just like... his Angel. Bonus na nga lang yata ang mga hilig at bagay na pagkakapareho nila ni Angel. Well, sigurado nga siya na kung nauna niyang nakilala si Treazandra kaysa sa babaeng pinakasalan niya, mamahalin din niya ang businesswoman. Pagmamahal lang naman ang kulang. Napag- aaralan naman 'yon. Maybe? Love? Naririnig mo ba ang sarili mo, Alejandro Sandoval? Because yeah, fvck to that mushy word. He's already 30, at hindi na 'yon bagay sa kaniya. Kailangan niya rin na ipaalala sa sarili na minsan na siyang nakaramdam ng masidhing pagmamahal pero ano nang nangyari? Nasaan na ang babaeng minahal niya nang lubos? Tch, talking about love. Pagmamahal na wala namang buting naidulot sa kaniya. Tumikhim si Alejandro nang mapalis ang mga naglaro sa isip niya. Saka niya sinubukan na hawakan ang pisngi ni Treazandra. Nang wala naman siyang nakita na pagtutol, marahan na niyang nahaplos ang pisngi nito. Nahuli pa niya ang paglamlam ng mga mata ng dalaga habang matiim na nakatitig sa kaniya. "Uhm, Treazandra, na-- nasabi ko na ba sa'yo na ang ganda mo tonight?" Iyon naman ang 'pamatay' ni Alejandro Sandoval na salita sa mga nakaka- date. Sinubukan lang niya kay Trea. At sa tingin niya ay umubra naman. Dahil mas lumamlam ang titig ni Treazandra sa mga mata niya, bago 'yon bumaba sa labi niya. "Nasabi ko na rin ba sa'yo, Alejandro?" Kilay lang ang gumalaw kay Alejandro, asking for more words from Trea, without asking. "Na matagal na kitang gusto." "Ah--" Ang salita na pawawalan pa sana ni Alejandro ay nabitin na. Dahil pagkasabi ni Treazandra na matagal na siya nitong gusto, siniil na siya nito ng halik. Halik na buong-puso niyang tinanggap at ginantihan sa paraan na alam niya. Sa paraan na alam niyang kinababaliwan ng mga babae sa kaniya. Kung tatanungin siya ngayon kung bakit niya tinugon ang halik ni Treazandra at giniya na 'to sa kandungan niya... dahil 'yon sa masyadong maganda at mabango si Treazandra Fitzgerald para tanggihan ng isang Alejandro Sandoval.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD