4: It's A Date

2148 Words
"THANKS, Uncle Jan!" Tuwang-tuwa na niyakap ni Alessa ang tiyuhin na si Alejandro. "Thanks lang? Where's my kiss?" Agad naman na hinalikan ni Alessa ang tiyuhin sa pisngi. Masaya lang na pinagmamasdan ni Trea kung paanong maglambingan ang mag- tiyuhin na sina Alejandro at Alessa. Ngunit hindi niya napaghandaan ang pagngiti nang malapad ni Alejandro sa pamangkin--kanina sa photoshoot, ni hindi naman ito ngumiti ng gano'n! Matagal nang napuna ni Trea na nabibili ang ngiti ng isang Alejandro Zircon Sandoval. Isa nga 'yon sa karakter nito na nakadagdag lang sa pagka- curious niya sa young CEO. Sabagay ay magtataka pa ba siya, sabi ni Marco Polo sa kaniya before the pictorial that day ay dahil daw kay Alessa kaya napapayag nila ang CEO sa photoshoot na 'yon. Even the kid said earlier that she has a unique charmed that her uncle can't say no longer. Thanks to Alessa! Dahil hindi lang nakatrabaho ni Trea ang ultimate crush, nahawakan at nayakap niya pa kahit na for pictorial lang 'yon, kahit pa saglit lang. Not to mention na ang dati na sa litrato at sa malayo niya lang pinapantasya at minamasdan ay nakakausap na niya ngayon. Kakatapos lang nila sa photoshoot. As expected, the success of DB Company, also a huge success for Treazscents presenting Alesscent, na si El Alessandra Sandoval- Dela Martin ang modelo. Napakagandang bata nito. Na hindi na pinagtakhan ni Trea at maganda at g'wapo ang pinagmulan ni Alessa. Speaking of, ang tatay nito na si Atty. Alessandro 'Alas' Dela Martin ay papalapit na sa kanila. A supportive father. Hindi iniwan ang anak during the shoot. Si Elice daw kasi ay busy sa isang charity na pinuntahan. Isa 'yon sa katangian ng heredera na hinahanggan ni Trea rito, ang pagiging hands on sa mga charity na tinutulungan nito. Na sinusuportahan naman ng abogadong asawa ni Elice, kaya ang mag- ama lang ang magkasama ngayon. "Thanks again, Ms. Fitzgerald, for choosing my daughther as one of your ambassador." Pormal na ngiti ang hain ni Atty. Alesandro kay Trea nang makalapit na 'to sa kanila, na sinuklian niya lang din ng tipid na ngiti. Tinanggap niya rin ang pakikipagkamay ng abogado. "Thank you too, Attorney Alas, nice metting you and to work with your cute daughter," ganting pasasalamat niya't hinaplos ang buhok ni Alessa. "O, pa'no? Mauna na kami ni Alessa sa inyo. Dude." Tinapik nito sa balikat si Alejandro at tumango sa isa't-isa. Trea smiled before nodding to the lawyer too. "Bye Tita Trey!" Magiliw na sabi ni Alessa kay Trea, waving her hand. Nang maglakad ang mag- ama patalikod ay nakangiti lang na sinundan ng tingin ni Treazandra ang mga ito. Kaya nakita niya nang hilahin ni Alessa ang palad ng ama na nakahawak sa maliit na palad nito, hindi pa man sila nakakalayo na mag- ama mula sa kinatatayuan nila ni Alejandro. "Oh, wait, Papa!" Dinig niyang turan ni Alessa sa ama. Tila may nakalimutan 'to. Hinila ni Alessa sa palad ang ama pabalik sa puwesto kung sa'n nakatayo sina Alejandro at Trea. Nagkatinginan tuloy na nangiti na lang sa isa't-isa sina Alejandro, Trea at Alessandro sa ginawa ng bata. Matiyaga nilang hinintay na tatlo ang sasabihin ni Alessa. "I forgot something. May sasabihin nga po pala 'ko sa'yo, Ate Trey," ani Alessa. "What is it?" Nakangiting tanong naman ni Trea sa bata. Lumapit si Alessa kay Trea at Alejandro. Pagkatapos ay hinawakan sila nito sa mga kamay nila bago magsalita ulit. "Uncle MP told me, bago raw po ako umalis sabihin ko sa'yo Tita Trey, na aayain ka raw po ni Uncle Jan na mag- dinner date later. Sigurado raw po kasi na mahihiya si Uncle Jan, kaya ako na ang magsabi raw po!" Sinambit ni Alessa ang huli niyang sinabi sa mabilis na paraan at saka humahagikgik na tumakbo na 'to sa ama-- yes, matapos sabihin 'yon at paglapitin ang mga palad nila ni Alejandro! Narinig pa ni Trea ang malakas na tawa ni Atty. Alas, bago niya maalala na magkahawak nga pala sila ng kamay ni Alejandro. Pinaglapit nga pala ni Alessa ang mga palad nila! Awkward na inalis niya ang pagkakahawak sa kamay ni Alejandro bigla. "Bye! And this is for real. 'Love, love, Uncle Jan!" Tatawa- tawa na inakay na muli ni Atty. Alas Dela Martin ang anak. "Folks, mauna na kami, for real na raw e." Nakangiti na lang din na kinawayan ni Trea ang mag- ama. Natawa sila kapwa ni Alejandro nang nakanguso pa na nag- flying kiss si Alessa sa kanilang dalawa bago maglaho na sa vision nila ang mag- ama. Nang maiwan sila ni Alejandro ro'n ay awkward na nginitian na lang din ni Trea si Alejandro. Lumunok muna si Trea ng tuyong laway bago siya nagtanong sa ultimate crush niya. "So... totoo ba ang sinabi ni Alessa?" Oo na, ang kapal na ng mukha niya para magtanong sa CEO nang ganoon. Pero kasi naisip lang niya na kung hindi siya magtatanong at hahayaan na lang niya si Alejandro sa ugali nito na kung hindi mo kakausapin ay hindi ka rin kakausapin, walang mangyayari sa kanila-- er, rephrase: walang mangyayari sa pagsinta niya sa binatang CEO. Ngayon nga na nakakausap niya na si Alejandro ay pinagtatakhan na ni Trea kung bakit nabansagan 'to na playboy gayong heto at kahit mahinhin siya ay tanga na lang ang hindi makakahula na malaki ang interes niya sa binata. Ang pagkakaunawa ni Trea sa playboy ay sinusunggaban ang lahat ng babae na lalapit sa kanila 'right? And seriously, Trea hardly see that kind of behaviour to Alejandro. "Ahm, yeah. Sorry for that at naunahan ako ni Alessa na magsabi sa'yo. The CCEO of DB is so pushy. He even texted me earlier na nagpa- reserved na nga raw siya at aayain na nga lang daw kita. Pasensya ka na talaga," confident na sabi ni Alejandro kay Trea. "Ah, naku, si MP talaga..." ay hulog ng langit! "Pero okay lang naman sa'kin kung busy ka at---" "No!" Mabilis na awat ni Trea sa sinasabi ni Alejandro. Siya pa ba ang aayaw? Ilan bang babae ang nabibigyan ng chance na maka- date ang mga crush nila? Ang gaga na niya 'pag umayaw siya ngayon nang dahil lang nahihiya siya! For goodness sake, she's already 28! Hindi na siya teenager para mahiya sa isang date na normal naman 'pag gusto mong mas makilala ang isang tao. "No?" "I mean, yes!" Geez, Trea, you make yourself funny! Nakakahiya! She heard Alejandro chuckled. "Ah," sabi lang nito. Amusement was written all over his face. At hayun na naman ang signature smirked nito bago siya... talikuran? "Sh--ould I give my number to you?" Lakas loob na tanong niya sa CEO. Hindi naman kasi nito kinukuha ang number niya! Pa'no sila magkakaro'n ng kontak? Pa'no siya masusundo, later night? Good thing na huminto naman 'to sa paglalakad at nilingon siya. "No need. I have my own means to have it." Trea felt her cheeks flushed. Nakakahiya talaga siya minsan! Pero nasa itsura naman ni Alejandro na balewala rito ang pag- awat niya sa paglalakad nito para lang tanungin. Kaya napangiti na lang siya sa CEO. Ngiti na mas lumapad nang dukutin ng CEO ang sariling phone sa bulsa at ipakita 'yon sa kaniya. She thanked her eyes silently at malinaw pa 'yon. Dahil malinaw niyang nakita ang personal number niya na naka- saved na pala sa phone ng CEO! "Er, breather needed ka naman, Trea!" "So, bye for now. May dapat lang akong sagutin na tawag. See you later, Trea," paalam ng CEO sa kaniya, na kinaya naman na tanguan ni Treazandra. Kinindatan na lang ni Alejandro si Trea na natigagal na at tinanguan lang ang sinabi niya. She even bit her thumb na napuna niyang mannerism ng dalaga. Kinakagat ni Trea ang thumb finger niya saka marahan na hahaplusin ang leeg. Alejandro gritted her teeth nang makatalikod na siya nang tuluyan at nakakasiguro na siyang wala na siya sa paningin ni Treazandra. That mannerism. Pati ang paraan ng pamumula ng mukha ni Treazandra sa mga nasabi nito sa kaniya nang hindi sinasadya... parang.. 'yung kakilala niya. From the past-- from his past. "Damn it!" Napatiim- bagang si Alejandro sa naisip. Kung ayaw niya na masira ang araw niya, hindi niya na itutuloy ang pag- iisip sa taong 'yon. Past is in the past, anyway. "RED or black? Strapless or backless?" "Treazandra, kung makikita mo lang ang sarili mo ngayon, matatawa ka. Hindi ka magkanda- ugaga sa pagpili ng isusuot mo. As if you don't know the drill." Sabi ng bestie niya na si Calla. Napabuntonghininga si Trea na nginatngat ang thumb finger niya saka niyakap ang hawak niyang mga dress. Busy si Calla sa pagkutkot ng kuko nito sa paa no'ng sulyapan niya. Busy at iniistorbo niya dahil lang sa hindi niya malaman kung ano ba ang nararapat na isuot niya sa dinner date nila ni Alejandro later. She and her bestie quite different. Sabi ng iba, papasa na ang kaibigan niya na nagtatrabaho sa bar kung manamit 'to at tattoo. Papasa rin na squammy ang kilos daw ni Calla. Lalo at mahilig na ngumuya pa ng bubble gum at makapal mag- make up ito. Well, gano'n naman ang mga tao. Huhusgahan ka sa panlabas na nakikita at pinapakita mo sa mga ito. Ang nakakainis lang, ang parents niya ay isa sa mga 'gano'n' na tao na tinutukoy niya. Maraming beses na siyang pinalayo ng mga 'to kay Calla sa takot ng mga ito na baka magulat na lang daw sila na tinadtad na rin niya ang katawan niya ng tattooes. For her, ang OA lang ng mga tao. OA rin mas lalo na, ang parents niya at nasa likod naman ang tatoo ni Calla na kung hindi lang revealing ang isinusuot ng kaibigan niya ay wala namang makakakita. Though, sabi ni Calla sa kaniya last time ay plano nito na magpa- tattoo sa arm one of this days. Nagkibit- balikat lang siya nang sabihin 'yon ni Calla sa kaniya. Because seriously, katawan naman ni Calla 'yon. Your body, your choice. At hindi naniniwala si Trea na 'pag ganoon ang kaibigan mo, magiging ganoon ka rin. Na dahil ganito si Calla, papa- tattoo na rin siya. Tattooo is a form of art. Nagpapa-tattoo ang mga tao dahil may rason. Became someone shadow is also a choice. For her, she and Calla can flocks together even if her skin is tattooless, simple as that. Ang mga tao lang naman ang mahilig mag-complicate sa mga bagay-bagay. Sa pag- uusap nga nila ni Calla ay ito ang naging shadow niya. Naging business minded din ang kaibigan because of her, vocal ito sa pagsasabi niyon sa kaniya. Though, naniniwala si Trea na kaya sila magkasundo talaga noon pang una silang magkakilala sa isang family events dahil 'yon sa pareho sila halos ng hilig at perspective sa buhay. Nakapagpatayo ng sariling business na beauty products at cosmetics si Calla. Iisa halos ang linya nila. Hindi naman niya itatanggi na siraulo rin ang kaibigan. Pero lahat naman ng tao, may bad side. Kahit siya. So, sino siya para tignan ang maliit na flaw nito compare sa friendship nila. Isa pa, we can't please everyone. That's the fact. If people don't like you, tanungin mo ang sarili mo kung ba't binibigyan mo sila ng halaga, dapat ba na isali mo ang pag ayaw nila sa'yo, sa priority list mo sa buhay? Simple as that. No complications. Ligtas pa ang peace of mind mo. "Hay, sige na. You win," Sumusukong sabi na lang ni Trea sa kaibigan. The drill her bestie's talking about is, bago mo pagdesisyunan ang isusuot mo, unahin mo muna na ayusin ang make up at buhok mo. Magiging napakadali na lang ng isusuot pagkatapos no'n. Well, on point naman 'yon. Tried and tested na rin ni Trea. Masyado lang siyang excited talaga sa isusuot dahil kay Alejandro Sandoval. Who wouldn't be? Ultimate crushie niya ang CEO! "Nice." Kaagad na binitawan ni Calla ang nail file at nail cutter nang sabihin ni Trea na panalo na 'to. Trea rolled her eyes. Weakness ng kaibigan niya ang mukha niya na perpektong pinipintahan ni Calla palagi ng nude look. Ang mukha niya na hindi naman niya pinipintahan ng kung ano kaya sa tuwing pumapayag siya na make- up-an siya ni Calla ay tuwang- tuwa ang huli. Papa-make- up siya sa best friend niya at 'yon ay dahil sa dinner date nila ni Alejandro Zircon Sandoval. Ganoon ito ka- espesyal sa kaniya na papayagan niyang pakialaman ni Calla ang mukha niya na marami ang nagsasabi na ang sekreto niya'y ang kawalan ng make up. Tanging powder at lipstick lang talaga siya everyday kasi. Kaya nga ayon kay Calla ay the best din sa mukha niya ang nude make up, makinig daw siya sa expert. Whatever. Isa lang ang mahalaga kay Trea ngayon kaya niya papayagan ang kaartehan ni Calla. "See you later my CEO crush..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD