3: Treazandra Fitzgerald

2110 Words
"THANKS again Trea, for choosing our donuts." "Gladly." Nakangiting nakipagkamay si Trea sa CCEO ng The Don's Boys Donuts na si Marco Polo Sandoval. Well, t'was really nice to working with this man. Hindi siya nahirapan. Besides, Marco Polo won't be titled as 'Golden Head Of Don's Boys' kung hindi naman ito 'gagaan katrabaho. "Nice idea. Nice try, I must say. And I'm really glad to finally meet you, a famous entrepreneur like you. At siya nga pala, I'm sorry again at wala rito si Alejandro ngayon." Napakamot pa sa sarili niyang batok ang CCEO. "Same feels, MP. And oh, wala 'yon. Baka busy lang talaga ang CEO. No biggie, really." S'yempre, kunwari no biggie. Kahit palihim siyang nanghihinayang na hindi niya nakilala sa personal si Alejandro Sandoval. Because Trea only wants in this partnership is to meet in person her long time crush-- none other than, the CEO of the Don's Boys, Alejandro Zircon Sandoval. Ang misteryoso kasi ng CEO at napakailap. So, one day, she decided to ring a call the DB Company, nakipag- negotiate siya sa mga ito. Kahit na malabo ang idea na naisip niya. Perfume ang negosyo niya, pagkain ang sa mga ito. Naloloka na siya no'ng una sabi ng best friend niya. But turned out, Marco Polo Sandoval considered her idea and proposal. Newest perfume for men na inspired sa donuts ng mga ito ang inilabas niya. Hiniram niya maging ang mga pangalan ng Donuts Boys. The DB Donut flavors is named after the Don's Boys. Which is, Berry-Polo, Choco-Lucho, Dark Choco-Lucas and her fave among the rest, of course, Caramel-Jandro. Sabi nila, para daw kasing caramel si Alejandro Sandoval. Medyo mapait na sweet. Ang trivia na 'yon na nabasa niya sa business magazine ay lalong nagpatindi lang kay Trea na mas makilala si Alejandro sa personal. Anyway, nakakagulat naman na ang luho niya na maituturing-- for her friends-- ay nag- click. Isang 10ml roller perfume rin kasi kada purchased ng two dozens DB Donuts ang pina- promo niya today. Pero sadly, sa ilang buwan na discussions, terms, meetings and all, at hanggang ngayon na pumirma na ang Treazscents sa contract partnership with the Don's Boys, walang Alejandro Sandoval na lumitaw. Busy yata ito sobra. Or, talaga nga yata na 'yon ang kapalit ng success ng Treazscents presenting Don's Boys perfume for men. Hindi nga ba at sabi nila, you can't have it all. "Trea, 'yong pinag- usapan natin ah," si Elice na nag- iisang babae sa magpipinsan na Sandoval, kadarating lang at lumapit sa kanila ni Marco Polo. Elice Sandoval wants a perfume for Treazcents na ito na rin mismo ang modelo at nakapangalan din sa heredera. At ano pa ba ang isasagot niya, It's a yes. As a businesswoman na halos nagsimula pa nang 18 years old siya, alam niya na 'pag naging kabahagi ng Treazscents ang isang Elice Sandoval ay papatok 'yon. Another major success is waving, she can say that. But of course, tatagal din ng ilang buwan ang process dahil sa tuwing gagawa ang Treazscents ng pabango ay hinahanapan talaga ng team ang tamang fragnance na aangkop lalo kung may specific na modelo ang isang pabango na ilalabas nila. "Sure thing. Just give me a month or so," nakangiting tugon ni Trea kay Elice. "Yay! I'm eggzayted!" Treazandra just smiled at Elice. Nakakatuwa ang heredera. Napaka- cool despite of cannot be hidden richness. "Anyway, alam mo Trea, you remind me of someone. 'Di ba, MP?" "Yah, ako rin actually. Naalala ko siya sa' yo," sabi naman ni Marco Polo. "Best friend ko siya no'ng high school," Elice added. "Aw," nasabi na lang ni Trea. Pero interesado siya sa naririnig sa mag- pinsan. Sabi kasi nila, sa dami raw ng tao sa mundo, may isa na kamukha mo or kaugali mo. Fascinated si Trea pa naman sa mga story na nag-e- exist ang parallel world. "Uhm, may ganyan din kasi siyang bag. Not really the same ha, but the design, yes. Triangle." Nakangiti naman si Elice nang sabihin 'yon sa kaniya pero feeling ni Trea, hindi na nito nakikita at nakakasama ang kaibigan na kinuk'wento nito ngayon... "Ah, this bag. Actually, this is one of my favorite." Inangat pa ni Trea ang bag sa kausap. "A gift from someone special kasi. Hindi nga 'to branded e." She laughed at her own remarks. "Sabi kasi no'n parati, she can beat a love triangle." Nakangiting dagdag na sabi ni Elice pa kay Trea. "Aw, ang strong niy--" Nabangga si Trea sa kung saan-- sa solidong dibdib ng kung sino-- nasagi siya sa balikat-- kaya hindi na niya natuloy ang dapat na sasabihin. "Oopss, sorry!" Oh, my! Pamilyar kay Trea ang tinig na 'yon, 'right? Si Alejandro Zircon Sandoval... And now, Alejandro looks like embracing her-- dahil hawak siya nito sa magkabila niyang balikat! Oh. My. God. Trea, breathe! "Dude, akala namin hindi ka na darating," bati ni Marco Polo sa bagong dating na pinsan na si Alejandro. Tinanguan lang ni Alejandro si Marco Polo bilang pagbati habang inaayos nito si Trea sa pagkakatayo. "Miss, are you okay?" What if I say no? Do you-- geez, Trea, pick up yourself! "Ahm, yah, yah! I guess," naibulalas na lang ni Trea sa tanong ni Alejandro. Yes. It's Alejandro Zircon Sandoval in a flesh! At hindi alam ni Trea kung siya lang, pero parang may humahalukay sa sikmura niya simula pa kanina na magkatitigan sila ng ultimate crush niya. Yep, she really had a guts to used a crush word even if she's already 28. Dahil marshmallow siya. Melting 'pag nakikita sa magazines at newspaper si Alejandro Sandoval. Feels like mallows in the tongue-- melting. Buti nga at hindi pa talaga jelly, e, 'di lalo na! "She's Treazandra, by the way," pakilala ni Elice sa kaniya kay Alejandro. "Trea, meet the CEO of Don's Boys Company, Alejandro Sandoval aka the nightmare of DB company," nang-aasar na sabi ni Elice sa pinsan. "You--" Halata naman na mas pinili na lang ni Alejandro na huwag pansinin ang pasaring ni Elice. Saka binalingan nang tingin si Trea. Oh. My. God. This is the moment na hahawakan niya ang kamay ko at... "Pasensya ka na sa pinsan kong 'to ah, kinulang kasi sa tulog 'yan kaya ganyan." Nagtawanan ang magpipinsan. Halatang sanay na sa petty na asaran sa isa't-isa, "I guess you are... Treazandra, nice meeting you by the way," saka kaswal na turan ni Alejandro kay Trea. That deep set of eyes of Alejandro turned to Trea. She can't help to exclaimed to her mind, "Oh my, I need a breatheeer!" "Ah, ye-- yeah. S-same..." gah, nautal pa siya talaga! Halatang- halata na affected ka sa presensya niya Treazandra! Ngumiti si Alejandro. 'Yong ngiti na tipid. Isang side lang ng gilid ng labi ang gumalaw. Na kahit anong tipid ay madalang ipakita sa lahat. "Na- realize mo na ba?" "H--uh?" Nag- loading si Trea sa tanong na 'yon ni Alejandro, "W--hat?" "Na hawak mo pa until now, ang kamay ko," amused ang tono na saad ni Alejandro sa kaniya. Marco Polo and Elice laughed again. Dama ni Trea ang pag- iinit ng mga pisngi niya at sigurado siya na kung hindi lang natatakpan ng buhok niya ang mga tainga niya ay maging 'yon ay makikita ng mga kaharap na namumula! kagad niyang binitiwan ang palad ni Alejandro. Si Alejandro Zircon Sandoval na nanumbalik na sa pagiging smug ang expression ng mukha ngunit nananatiling nakatiim Gah, nakakahiya ka, Treazandraaa! "NICE one!" Excited na pinukol ni Marco Polo sa mesa ni Alejandro ang-- ano pa nga ba, business newspaper. Nasulyapan naman kaagad ng CEO na prenteng nakaupo sa likod ng swivel chair niya sa sarili niyang opisina, ang tinutukoy ng pinsan niya na 'nice'. Siya at si Trea. Nakabuklat na ang pahina ng newspaper sa kung saan sila ni Trea ang naka- featured. Kinuha ni Alejandro ng dyaryo at saglit na in- scan ng mga mata ang nakasaad do'n. Napataas ang kanan niyang kilay sa nabasa. Sabi sa article, bagay raw sila ng babae. Bukod sa pareho pa sila na business minded at nasa mundo ng business. As usual, siya at ang lovelife na naman niya ang puntirya ng mga reporters na 'to na pinagkakakitaan ang mga buhay ng mga subjects nila. Napailing na lang siya, saka niya diniretso sa trash bin ang dyaryo na 'yon. Kaya ayaw niya rin talaga na malalayo sa tabi niya sa gawing likuran ang trash bin dahil sa mga ganoong pagkakataon. Buntonghininga na binalingan niya ang pinsan na si Marco Polo. "Alam mo kung ano ang mas nice? 'Yon ay ang ihagis ang hatid mong dyaryo kung saan 'yan nararapat. Piece of trash. Kailan ka pa nahilig d'yan?" Marco Polo chuckled. Naupo ito sa kabisera ng babasagin na mesa ng CEO. "Men, naaalala mo ba?" "What?" "Na- realize mo na ba? Na hawak mo pa ang kamay ko?" Marco Polo mimicked his words also the tone, kung paano niya binitiwan ang mga salitang 'yon kay Treazandra Fitzgerald kahapon. Napailing na lang si Alejandro nang maunawaan na kalokohan na naman ang mga sasabihin ng pinsan niya. Tinitigan niya lang si Marco Polo. Because really, he didn't get his point. Kung ang sinabi niya kay Treazandra ang pinunta ng pinsan niya ro'n, well, normal naman na sabihin niya ang gano'n dahil natagalan ang babae na hawakan ang kamay niya. Big deal lang sa pinsan niya kasi ngayon lang siya naringgan nito na nagsalita nang tulad niyon. "Kidding aside, I am here because I have an idea, Alejandro Sandoval." Tinaas-baba ni Marco Polo ang mga kilay niya sa CEO nang sambitin niya 'yon. The latter, raised an eyebrow at his cousin. He crossed his arms, 'yon ang isa sa sign na handa siyang makinig sa sasabihin pa ng kausap. Depende na lang sa kausap niya kung paanong reaksyon ang matatanggap ng mga 'to from him once na hindi niya magustuhan ang mga sasabihin nila. "Hear this, you and Trea will be the next model to our newest upcoming doughnut flavor!" Alejandro flinched and crinkled his nose. Napaangat pa nga siya sa pagkakasandal sa upuan. "Are you fvcking out of your mind?" Tumawa si Marco Polo. Tawang tagumpay. Ganito ang tawa ng pinsan niya 'pag may nako- closed na deal. He's talking and laughing as the CCEO of DB right now, Alejandro is fully aware of that, pero anong pumasok sa kukote nito na mapapapayag siya na mag- model? Kahit pa ba product nila 'yon. Ni minsan nga hindi pa siya nagpa- pictorial at interview sa kahit saan na business magazine! Those articles na lumabas sa kaniya ay nakuha lang ng mga business reporters sa mga previous interviews ng mga ito sa pinsan niyang si Elice. "One time lang naman 'to, Men. Pagbibigyan lang natin ang mga tao sa request nila. Alam mo na, best selling pa rin ang romance na theme." "No, Marco Polo," Alejandro said in a flat tone. Isa sa mga aral na tono niya. "Please, para na lang kay Alessa. And for the sales of the upcoming Alesscents too. People talking about you and Trea the past few weeks, sigurado ako na maghi- hit ang idea na 'to ni MP. And besides, both companies naman ang magbe- benefits," pag- eksena ni Elice sa scene. Kadarating lang nito sa opisina niya. Alessa is the only daughter of his cousin, Elice. Alessugar is the newest flavor na ilo- launch ng DB, weeks from now. Less sugar donuts, for those people na bawal sa sugar. Tumataas kasi ang rate ng diabetic patient sa Pilipinas. Isa na sa diabetic si Don Marco Sandoval na hindi na pinagtakhan ng lahat dahil ito ang utak ng DB Donuts. The don loves sweets too much, to the point na ito na ang isa sa nagpayaman dito. One day, Alessa requested a non- sugar donuts for her lolo. Then, as usual, an idea popped up in Marco Polo's mind. Napaka- sweet ng anak ni Elice para sa isang sugarless na donuts. But the kid requesting it. Wala pa man, hit na ang pa- trivia na 'yon na inilabas ni Elice sa madla kamakailan. To be honest, marami na nga ang nag- aabang. "Yep, for Alessa at saka wala naman kayong mahabang kontrata na pipirmahan ni Trea. One time nga lang e. Ilalabas din kasi ni Trea ang Alesscents. Pagsasabayin na nga natin sa Alessugar, sakto kayo as a model, as in, Dude. The CEO's of the both companies," presenting, The Golden Head Of Don's Boys, Marco Polo Sandoval. Tch, talagang kahit sino, napapabilib sa mga ideas nito. At aaminin ni Alejandro na maging siya ay bumilib sa naiisip ng CCEO na pinsan niya sa mga sandaling 'yon. But still, it's a... "No."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD