12: Cheesy

1019 Words
"SO, SINASABI mo sa akin ngayon na ipaglalaban mo ang pag-ibig na 'yan, Treazandra Fitzgerald? Ipu-push mo 'yan kahit na nalaman mo na ngayon na may asawa na nga ang CEO na ewan ko ba naman sa'yo, panlabas na anyo lang naman niyon ang maganda. Wallet lang niyon ang kaakit-akit. Okay, yummy rin pala ang abs ni Alejandro na minsang nakita ko sa IG ni Elice, after that, wala na. Ano pa ba ang nagustuhan mo ro'n? Ni hindi nga nagkaroon ng puso 'yon para kay Yana!" Mahabang litanya ni Calla kay Treazandra. The latter just stared at her friend before she heaved a sigh. Naroon sila sa isang coffee shop nang umagang 'yon dahil tinubos niya ang kaibigan mula sa pagkakakulong nito ng ilang oras sa isang presinto sa QC, malapit sa St. Peter Parish Church. Kung hindi ba naman lukaret ang kaibigan niya, tumakas sa kasal at nagpaaresto sa pulis. Hindi gustong pag- usapan ni Calla ang tungkol do'n kaya heto, ang sentimyento ni Trea ang pinag-uusapan na naman nila. "Yana is already fine. Nag- text siya sa akin kahapon na nakahanap na raw siya kaagad ng bagong trabaho. Masikap din kasi talaga siya kaya agad na nakahanap ng mapapasukan na bago. Nagsabi nga na hindi na muna makakapag- part time job sa'kin. Full time raw kasi siya sa bago niyang work. I'm happy for her at sabi niya ay malaki pa ang sahod niya ngayon sa sinasahod niya sa DB Company." "But that is not the point here, Treazandra Fitzgerald." "I know. Wait nga--" "No, ako muna, wait nga, narito ka sa harap ko at nagkukuwento ka sa akin tungkol sa inabot mo sa DB Company last time, na narinig mong may asawa na nga si Alejandro at Angel ang pangalan. But then, here you are, itutuloy mo pa rin ang pakikipag- getting to know sa CEO na 'yon?!" Hindi makapaniwalang pag- isa-isa ni Call kay Trea ng topic nila ngayon. "Kasal yata siya. Pero may annulment naman--" "Huy! Trea, naririnig mo ba ang sarili mo? Dito sa Pilipinas, hangga't hindi pa naaaprubahan ang annulment, masama ang tingin ng society sa isang babae na papatol sa isang lalaki na may asawa!" "Whatever. At kailan naman ako nagkaroon ng pakialam sa sasabihin ng iba, Calla. You know me." "Ah, nagsisimula ka na. Jina- justify mo na ngayon ang kalokohan na 'yan." "Hindi naman sa gano'n..." "Trea, listen, gusto kong ipaalala sa'yo na crush mo lang si Alejandro Sandoval. Na isa sa mga kapritso na ninais mong makita sa personal at makatrabaho. Weeks after ng una niyong trabaho together ay nasundan kaagad ng isa pa, then nag- date kayo na nauwi sa s*x. Keyword: s*x. Na dapat ay alam mo ang pagkakaiba sa act na 'yon na with love." Malakas ang loob ni Calla na magsalita sa kaniya nang ganoon dahil ang coffee shop na tinatambayan nila ay may kaniya-kaniya namang room for meetings, date, na isa sa nagustuhan nila ng kaibigan niya sa place kaya napapapadalas talaga sila rito 'pag may time sila na magkape together. Bukod sa masarap din ang pastries nila ro'n at nagse- serve rin sila ng Don's Boys Classic Doughnuts na siyang paborito ni Calla. "s*x is normal sa adult na tulad natin. Lagi ko namang sinasabi sa'yo na late ka na nga e. Pero normal din na kalimutan 'yon kaagad at hindi ituring na passes para makuha ang lalaking gusto mo to the extend na gugustuhin mo na yata na ikaw na ang maging asawa." Iiling- iling na saad ni Calla habang hinihigop na ang sariling kape na nasa tasa. "And oh, normal din na masaktan ka sa nalaman mo. Ego lang ang nasaktan sa'yo, wala nang iba. Huwag mong hayaan na sakupin ka ng iba pang feelings. Don't entertain thoughts din na tulad niyang gusto mong iparating sa'kin. Because seriously, I won't believe you 'pag sinabi mo sa akin ngayon na mahal mo na si Sandoval." "Why not?" Exaggerated ang pagmulagat ng mga mata ni Calla. Umarte pa na akala mo ay talagang napaso 'to sa kapeng iniinom, iced coffee naman 'yon. Hindi tuloy maiwasan ni Treazandra na mapairap. "Ano ang alam mo sa love, Treazandra? Ni hindi ka pa nga nagka- boyfriend!" "E, sabi naman nila this is love. 'Yong hindi mo nga alam kung bakit. 'Yong basta na lang." "Oh, no..." OA na naman na sambit ni Calla. Nas- stress siya kay Treazandra ngayon, to be honest. Dahil imbes na ma- turn off ito sa nalaman na may asawa na nga ang dine- date na CEO, mukhang ngayon pa nito dinedeklarang mahal na nito 'yon. "Kailangan ba mahabang pagsasama muna bago mo malaman na mahal mo na? Hindi na 'ko pinapatulog ng isipin na nalaman kong may asawa siya. Hindi ba at love na nga 'to?" "I think so." "Why are you looking at me like that?" Bumuntonghininga muna si Calla bago sagutin ang tanong ni Trea. "I'm thinking of supporting you na lang. Well, maybe, at least." "Ta-Talaga?" "E, nasaktan ka na sa narinig mo. Baka nga love mo na." "Malambing. Gentleman" Nalukot ang mukha ni Calla sa sinabi ni Trea. "Promise." Nagkibit-balikat lang si Calla. Habang nag- scan na siya ng cellphone. Dahil sa totoo lang, para sa kaniya ay hindi naman seryoso si Treazandra. May pag-uugali rin kasi ang kaibigan niya na mapilit ay mapilit. Pero naroon pa rin ang kaguluhan sa isip niya dahil ginagamitan siya ni Trea ng tono na para 'tong nakalutang sa alapaap. Hindi siya naniniwala na malambing at gentleman si Alejandro Zircon Sandoval, alright. May nararamdaman siyang kakaiba kung gano'n pala 'to kay Trea. "Hindi mo na naman babawiin ang sinabi mo na susuportahan mo 'ko, 'di ba?" Pabiro ang tono na tanong ni Treazandra sa kaibigan. "I need you on this." "Hay, Treazandra, gusto ko sanang sabihin na maloloka ako sa'yo pero nauna ka nang maloka yata." "In love nga e." Napatanga na lang si Calla sa kaibigan. Dahil ngayon lang din 'to nagsalita ng gano'n. Ah, love really makes the person crazy and cheesy. Parang mas keso pa nga sa kinakain niyang mainit-init pang cheese bread right now. "Ew."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD