13: Cunning

1008 Words
MASAMA ang gising ni Treazandra ngayong umaga. Para siyang lalagnatin na ewan kaya kaagad siyang naghanap ng paracetamol sa lagayan ng mga gamot niya na nasa cabinet sa banyo. Hindi niya maaaring hayaan na lumala ang nararamdaman niyang 'yon dahil may lakad sila ni Alejandro today. Kaya nga rin maaga siyang gumising. 6 AM pa lang naman. 9 AM siya susunduin ng boyfriend. Yes, for her ay boyfriend niya na si Alejandro. Sabihin nang ang ilusyonada niya, maituturing naman na sila na at nakakapasok na nga siya sa DB Company nang walang aberya. Kilala na siya ro'n. Halos ang mga mata na nakasunod sa kaniya ay alam niyang iisa ang mga nasa isip, na may relasyon na sila ni Alejandro. Besides, mula nang lumabas-labas sila ng CEO ay hindi na niya nabalitaan na nakipag-date pa 'to sa iba. And that is a good sign for her because the CEO is known sa pagiging playboy. Na walang tumatagal na babae rin dito. Biro nga ni Calla sa kaniya, record-breaking na raw siya at isang buwan na halos nang siya lang ang nilalabas ng CEO na dati ay napapabalitang weekly kung magpalit ng ka-date. Aaminin ni Trea na feel na feel niya naman 'yon. Ewan ba niya, tinamaan na yatang talaga siya kay Alejandro. Walang mabigat na rason kung bakit, wala rin busina niyang naramdaman. Kahit sinasabi pa ng lahat na hindi naman loveable ang CEO. Kahit pa nga may asawa ito. Naisip nga ni Trea na siguro naman ay magiging smooth pa rin ang lahat kahit na may asawa na nga si Alejandro. May annulment naman na sa Pilipinas. Kung tungkol naman sa puso ni Alejandro na ayon sa sabi-sabi ay tanging si Angel lang ang minahal, kaya rin niya 'yon. Wala siyang ginusto na hindi naman niya kinuha at nagawa. Pagsusumikapan niya. Lahat naman 'pag ginusto ay nakukuha sa pagsisikap. Really, can you steal someone else's husband, Treazandra? Kaagad na pinalis ni Treazandra ang mapangbuskang parte ng utak niya na nagsalita sa isipan niya. Wala naman siyang nanakawin. Wala rin siyang ninakaw. Wala naman ang asawa ngayon ni Alejandro rito. Or baka nga wala nang balak na bumalik pa at kung susumahin naman niya ay malinaw na inabandona nito ang asawa. Formality na lang ang kailangan nito at ni Alejandro. Na sooner naman siguro ay ang CEO na mismo ang magpapaliwanag sa kaniya. Kapag napag-usapan na nila kung ano ba ang mayroon sa kanila. Hindi na naman na sila mga bata. Ang nangyari sa kanila ay naulit pa nga dahil pareho nilang ginusto at pareho na nilang alam kung bakit nila hinahayaan na mangyari. Napakunot ng noo si Trea, eksaktong makainom kasi siya ng paracetamol ay napuna niya ang sanitary napkins niya na every month ay nilalagay niya rin sa cabinet na naka-hang sa bathroom ng kuwarto niya. "Oh, darn!" Hindi niya napigil na maibulalas. Dahil pagkakita niya ng sanitary napkins niya ay naalala niyang hindi pa siya dinaratnan this month... "WOW! Hindi ko napuna kagabi na gagong gupit ka, ah!" Hindi pinansin ni Alejandro ang pinsan niyang si Marco Polo. Hinagis niya lang ang susi ng Ford niya rito bilang tugon. Na nasalo naman kaagad nito. "You will drop me off to DB pero ako ang driver? Ayos ka rin talaga, Men." "Inaantok pa 'ko." At pinuwesto nga kaagad ni Alejandro ang upuan ng kotse pa-slant saka magka-krus ang braso na pumikit. "Stop talking," bilin pa niya kay Marco Polo. Tumawa lang ang huli. Kailangan niya 'tong bilinan dahil hindi naman malayo ang distansya ng Alta-Sandoval Condo sa DB Company Building. Okay, aaminin niyang hindi naman siya inaantok talaga. Kaya lang ay kilala niya si Marco Polo, nasimulan na nga siya kaagad kanina sa bagong gupit niyang buhok. "Pinaghandaan mo ang araw na 'to, hindi mo ako maloloko, Alejandro Sandoval." "Shut up." Marco Polo gave him a snort of laughter."Don't me. What is your plan today, at biglang ikaw ang pupunta ng Baguio? At isasama mo pa si Trea. What is your plan with Trea, by the way? Ngayon na hindi ka na kinukulit ni Lolo about your scandal-- yikes!" "I said shut up, MP." "At bagong tabas ka pa na parang nagpapa- cute ka-- another yikes!" Annoyed, nagpakawala na lang ng hininga si Alejandro bago binalingan ang pinsan. Hindi rin naman siya kasi siya titigilan nito. Pagbibigyan na lang niya. "Dapat kong gawin 'to at isang buwan na ang nakalipas." Malakas na tawa ang pinawalan ni Marco Polo bilang tugon. "Ano ang nakakatawa?" "Ikaw. Siraulo ka ba ha, iniisip mo talaga na kukulitin ka ni Lolo na mag-asawa kaagad sa loob ng isang buwan. Tch, palpak ka talaga pagdating sa ganitong bagay." Natatawang sabi ni Marco Polo. "Paano? Alam mo naman 'yon. Biglaan na lang na isa sa mga araw na 'to, lilitaw na 'yon sa office." "Nope. I doubt it. Ni hindi nga nagpaparamdam." Oo nga 'no, ani Alejandro sa sarili. Ano na naman kaya ang laro ni Don Marco? "Hindi nagpaparamdam si Lolo sa'yo para ipaalala ang ultimatum niya sa'yo dahil alam na niya nang strict to one ka na. Kay Trea." "Ah. Ha? Bakit strict? Dapat stick to one," salubong ang kilay na halatang naguguluhan na wika ni Alejandro sa pinsan. Muling tumawa si Marco Polo. "Strict to one 'pag kay Trea. Stick to one 'pag kay Angel," Marco Polo casually said. Mas lalo lang nagsalubong ang makapal na kilay ni Alejandro. Gago talaga. Binanggit pa si Angel at nag- explain na malabo naman sa kaniya ang ibig sabihin. Binalewala na lang niya ang matalinghaga na naman na salita nito. "So, hindi pala mangungulit si Lolo?" "Yep." "So, puwede nang ikaw pala ang mag- Baguio ngayon." "No." "Sabi mo--" "Huwag kang gago, Alejandro. Umaasa na si Trea sa lakad niyo ngayon. Sigurado ako na kahit alam niyang business ang pupuntahan mo sa Baguio, the fact na isasama mo siya, looking forward na 'yon na makapamasyal kayo ro'n." Sabagay... "'Yan, tumatawag na," pukaw ni Marco Polo sa cellphone ni Alejandro na nasa dashboard at kasalukuyan na nga na nagri-ring at si Treazandra ang caller.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD