17: You Can't Marry Anyone

1475 Words
IBANG KLASE rin talaga ang Tagaytay. Ang simoy ng hangin dito ay malaki rin ang pagkakaiba sa Baguio. Siguro dahil ang lugar naman na 'to ay sikat para sa magsing-irog. Nakakahatak ang idea na 'yon sa lugar dahil sinasabi man ng ilan na overrated ang love, marami pa ring baliw sa ideya na tumatalakay ro'n. Anyway, mabuti na lang ay sanay naman na si Angel sa ganitong panahon. Actually, kailangan niya nga ang ganitong panahon kaya siya nag-stay sa Baguio for good, nang mag-decide siyang ilayo ang sarili sa dating buhay sa Dangwa. Sa dating buhay na kapiling si Alejandro Sandoval. Sweet and calm scenery... Hindi akalain ni Angel na na-miss niya rin talaga ang Tagaytay ngayon na narito siya at pinagmamasdan ang kapaligiran sa palibot ng Alta Hotel na siyang pakay niyang puntahan do'n. "MADAM, invited po ba kayo sa--" Natigilan ang mga civilian guards ng Alta Hotel nang itaas ni Angel ang suot niyang cocktail hat na tumatabon sa kaniyang mukha. "Madam Angel!" Nang agad siyang makilala ng mga ito ay nagdiretso na siya sa receptionist ng hotel. "M--adam Angel!" As she expected, nagulat din sa kaniya ang nakabantay ro'n. Good. Isa lang ang ibig sabihin niyon-- she can enter the function room of the hotel without hassle, kung saan nagaganap ang isang okasyon na siyang sinadya niya roon. And besides, nasa kaniya pa naman ang exclusive card na binigay sa kaniya noon ni Alejandro. Para lang daw 'yon sa mga malalapit sa mga Sandoval. Ayon sa sabi-sabi nga sa business world, ang exclusive card na 'yon ay binibigay lang ng mga Sandoval sa mga taong mahalaga sa mga 'to, as in to the point of that person who have it can intrude the Sandoval Properties anytime, anywhere. Hindi naman sinubukan noon ni Angel na gamitin. Although, nakarating naman sa kaniya ang mga balita tungkol sa exclusive card na 'yon na nauukitan ng letter S na gold. Kung itatapat mo pa nga 'yon sa liwanag ng araw o buwan ay sigurado siyang kikinang ang nakatagong mga letra sa loob ng letrang S na 'yon na bumubuo sa kabuuan ng apelyidong Sandoval. Discreet din ang mga Sandoval pagdating sa exclusive card na mahigpit nang hawak ni Angel ngayon sa palad niya, discreet na ipakita sa publiko sa hindi malaman ng mga tao ang rason. Minsan sinagot lang ni Don Marco Sandoval ng pabiro sa isa sa mga interview rito ng isang sikat na magazines na nag-featured sa mga bilyonaryo ng bansa na exclusive nga raw kaya secret ang itsura. Pero ang katotohanan sa likod niyon ay totoo raw. Dahil nga mga negosyante, mga abalang tao at hindi mo maiistorbo, pero ang taong pinagbigyan ng exclusive card ay maaari silang maistorbo sa kahit ano pa man ang ginagawa nila, kasehodang nasa gitna sila ng meeting na mas magpapayaman o magpapabagsak sa kanila--na of course ay malabong mangyari. Sa madaling-sabi, ang exclusive card na hawak niya ngayon ay posesyon ng pamilya na may relevant and meaning sa mga Sandoval. Biro nga ni Theo noon sa kaniya, mag- cruise raw sila gamit ang card na 'yon. Try lang daw nila kung totoo. Sinagot lang niya ang kaibigan na paano kung hindi pala? E, 'di, umasa lang siya? Lalo pa at sa paglipas ng taon na malayo siya kay Alejandro ay maraming babae ang napaugnay rito na nag-claim na binigyan din nito ng card na 'yon. Talking about exclusive, which is dapat ay iisa lang ang kopya. Kung totoo man ang mga balita o hindi, wala rin naman siyang pakialam. Malinaw na masyado lang bini-big deal ng mga tao ang isang maliit na card na may maganda at eleganteng disenyo dahil sa usapan tungkol do'n at sa rason na mayaman ang pamilyang nagma-may-ari niyon. S'yempre pa ay makakapag-cruise ka, makakapag-stay sa hotels, makakakain sa mamahalin na resto, and all na pag-aari ng Sandovals because of this freaking exclusive card-- na kasalukuyan nang sina- swipe ni Angel sa function room ng Alta Hotel. And wow, bumukas nga 'yon. Walang aberya na bumukas habang may mga mata na nakaabang nang sina-swipe niya 'yon, bukod sa mga mata niya. Nilingon niya at nginitian ang mga civilian guards ng hotel. Nang balak pa siyang i-guide ng isa sa mga 'yon ay inawat niya 'to. Tila naunawaan naman siya ng mga 'yon at hinayaan na lang siya sa gusto niyang mangyari. Well, si Angel Montreal siya. Alam pa rin ng mga ito kung paano niya kinakayang i-handle noon ang temper ng isang Alejandro Sandoval. Kung hindi pa nga kalabisan na sabihin ngayon ay para pa ngang natutuwa ang mga 'to na makita siya. Nakarating naman din sa kaniya ang balita tungkol sa pagbabago ni Alejandro sa nakalipas na taon. Dangan lang at hindi siya maaaring magpakita na lang basta rito pagkatapos niyang mag- desisyon na iwan ito nang walang paliwanag siyang binigay. Pero hindi na ngayon. Nagbago na ang isip niya dahil sinagad na ni Alejandro ang pasensya niya. Eksaktong makapasok si Angel sa function room ay bumungad sa kaniya ang palakpakan ng mga taong naroon. Mukhang hindi pa siya late. On time pa nga siya. In fact, maghahalikan pa lang sina Alejandro at Treazandra... MATAPOS ang palakpakan ng lahat sa announcement of engagement ng dalawang tao na may pangalan sa mundo ng negosyo, maluha- luhang niyakap sa tuwa ni Treazandra Fitzgerald ang kasintahan na si Alejandro Sandoval. Ngunit bago pa maglapat ang mga labi ng magkasintahan, may isang palakpak na tila sadyang pumigil sa kanila... Palakpak na galing sa isang tao. Natuon ang atensyon ng lahat sa bagong dating. Ang mga reporters ay nagkagulo pagkakita rito. Why not? Napakagandang balita ang mailalagay nila sa business newspaper, bukas na bukas. Magbibigay ng break sa mga baguhan na manunulat ang balitang ito. Nakikinita na ni Angel ang magiging titulo: Ang pagbabalik ng estranged wife ng CEO. "Nakakaiyak! I'm so touched despite of the obvious clichéness," bungad na sabi ni Angel matapos pumalakpak. She is wearing black attire, from head to toe. Complete with a cocktail hat, gloves, and an authentic black pearls set of jewelries. Na hindi angkop sa angking pangalan niya. At sinadya niya ang bagay na 'yon. Dahil tinuturing niyang lamay ang pinuntahan niya ngayon at hindi masayang pagtitipon ng lahat na naroon para sa nalalapit na malaking kasalan ng dalawang tao na may pangalan sa business world. Because she is Angela Montreal- Sandoval--- the estranged wife of Alejandro Zircon Sandoval. "Alejandro Zircon Sandoval, wala kang pagbabago. Isa ka pa rin sa mga lalaking unromantic na nakilala ko. Walang unique na idea. I bet, isa ang bagay na 'to sa mga hindi mo pinag- isipan na mabuti. Napakagasgas! Na kung hindi lang kita kilala, iisipin ko na kinopya mo ang ganitong kalokohan sa proposal ni Derek Ramsey kay Ellen Adarna. Oh, wait, why not? May pagkakatulad kayo ng aktor. Lahat ng babaeng na- involved, the one niya raw," mahabang litanya ni Angel bago siya lumapit sa magkasintahan na nakatayo sa maliit na entablado sa harapan, at tumabi siya sa mga ito. "Kaya lang, binata ang aktor. Ikaw, hindi," sadyang diniinan niya ang pagkakasabi ng huling salita. Upang mag- sink in sa lahat kung sino siya sa buhay ni Alejandro. Napangisi pa si Angel nang masilayan niya ang pagbitaw ni Treazandra Fitzgerald sa braso ng asawa niya. "What do you want?!" Mariin na tanong ni Alejandro sa kaniya sa tono na may talim at sinadya na siya lang ang makakarinig. "Nakakatakot ka naman..." kunwa'y nahihintatakutan na tugon ni Angel sa asawa. Angel even gasped for effect. Sadyang binitin niya sinasabi at lumapit siya kay Alejandro. Marahan na pinagsalikop ang mga braso niya sa batok nito bago siya nagpatuloy sa pagsasalita, "Para sa kanila. Pero para sa'kin, sa isang bagay ka lang nakakatakot. And you know what I mean, Alejandro," pilyang bulong niya sa kaliwang tainga ng asawa. Dama niya ang pagtiim ng mga bagang ni Alejandro. Kaagad na kinalas ni Angel ang pagkakapulupot ng braso niya sa batok ng asawa. Habang hindi siya nag-aalis ng tingin dito. Nasulyapan ni Angel sa peripheral vision niya ang patalilis na pag- alis ni Treazandra sa eksena, bago pa niya mailabas mula sa bag niya ang isang papel. Papel ng petisyon ni Alejandro, na ipinadala nito sa kaniya upang mapawalang- bisa ang kasal nila. Itinaas niya 'yon sa ere at nakangising pinakita sa lahat ng taong saksi sa eksena na 'yon, ang unti-unting pagsindi niya sa papel. Well, prepared siya-- with lighter. Tahimik lang silang lahat na pinagmasdan ang unti-unting pagkasunog ng papel na 'yon. Gano'n umentra sa isang masayang eksena. Hindi na kailangan na mag-effort pa na pasabugin ang buong hotel dahil isang tao lang naman ang nanakit sa kaniya. At 'yon ay ang katabi niya ngayon sa entabladong 'yon. Marahas na nilingon niya si Alejandro at tinumbasan niya ang talim ng titig nito sa kaniya. "You can't marry anyone, as long as mahal pa kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD