“BAKIT nagkakagulo ang mga tao ngayon?” nalilitong tanong niya habang pinagmamasdan ang mga kamag-aral na kany-kanya ang pag-uusap.
“Ganyan talaga sa tuwing may pagdiriwang na gaganapin rito, kanya-kanya ng mga paraan para may kapareha sa pagdiriwang.” Aleira explained while smiling.
“Oh, it's like a date? Ikaw ba, sino ang magiging kapareha mo sa gabing iyon?” she asked, teasing Aleira with her goofy smile.
“Wala, ano ka ba. Sa umagang iyon ay magiging abala tayo sa pagsunod ng mga utos ng Maharlika.”
“That isn't fair. Dapat magkaroon ka rin ng kapareha,” she suggested.
Aleira smiled. “Hindi rin, wala naman nag-aaya sa 'kin. Sa ilang taon kong pag-aaral rito ay wala naman nag-aya sa 'kin. Baka siguro dahil hindi kami mayaman.”
“Eh, tanga pala ang mga tao rito. Ano ngayon kung hindi ka Maharlika? Hindi ka mayaman? Maganda ka, mabait, masipag, mapagmahal sa pamilya. Nobody can't take that away from you, ikaw si Aleira hindi dahil hindi ka Maharlika ay wala kang karapatan maging masaya. Sa tingin mo, kapag hindi sila Maharlika, eh ano sila?”
“Alam mo, napapagaan mo lagi ang nararamdaman ko. Sana noon pa ay nakilala na kita, Missy.”
Dito sa mundo ng Ardeun natuto siyang makisama. Hindi kasi siya ganoon, kung sino lang ang mga taong matagal na niyang kilala ay iyon lang ang mananatili sa buhay niya. She will not entertain new people, she had enough with her life. Ayaw na niyang dagdagan pa ang mga iinisip niya. If she'll give them access to her life, then they'll have the access to break her too. But in Ardeun, everyone is new to her. Anyone can help her or break her, she's open to all of the possibilities.
“Alam mo, si Prinsesa Daiana ang may pinakamaraming nag-aaya sa kanya. Kaliwa't kanan ang mga imbitasyon sa kanya. Noong na karaang taon nga, punong-puno ang silid niya ng mga regalo. Pero wala naman siyang pinili ni isa sa mga nagyaya. Hinihintay niya sigurong yayayain siya ng Prinsipe. Ang kaso, wala naman iyong plano. Mabibilang lang sa daliri ang interkasyon niya sa mga kababaehan. Kahit mismo sa Prinsesa ay hindi siya nakikipag-usap, pwera sa 'yo kapag
inuutusan ka niya.”
“Utos ba 'yun? Eh, pagpapahirap naman ginagawa niya,” halos umikot ang mga mata niya sa inis.
Humagikgik si Aleira, “Ikaw nga lang ang nakakausap sa kanya. Kami nila Berni ay ni minsan hindi namin iyan nakausap. Nagtaka nga kami himala at pumayag na magkaroon siya ng taga-pagsilbi.”
They were sitting in bench in the field. Watching others doing there business. Ang mga Maharlika ay wala namang inutos sa kanila. Kaya they had a little free time for their selves.
“Baka bakla siya,” Missy commented.
Aleira glanced at her, “Bakla? Ano yun?”
She raised her brows, “Bakla. Mga taong gusto o mahal ang kapareha nila ng kasarian, lalaki pero lalaki rin ang gusto. Tibo o tomboy, gusto ang mga kapwa babae. Imposible naman na walang bakla rito, lahat naman ay may kakayahan na mamili ng kasarian.”
“Bakla? Wala naman ganyan rito, dito ay ang lalaki ay para sa babae. Kasi lahat rito ay inaanyayahan na magkaroon ng sariling pamilya,” Aleira said.
Napailing siya, “Imposible na walang ganyan rito.”
“Kakaiba naman ang lugar niyo, maari pa lang magmahal ng kaparehang kasarian? Hindi ba abnormal iyon? Kasi ang normal, babae at lalaki?”
“Normal iyon, sadyang bago lang sa pandinig at pananaw niyo. Sa pagmamahal naman walang pinipiling kasarian,” pagpaliwanag niya pa.
Siguro nga sa pananaw niya, lahat ng bagay sa Ardeun ay kakaiba dahil hindi ganoon ang depinisyon ng normal sa mundo niya. Sa Ardeun naman ay may mga bagay na hindi normal, pero normal sa mundo niya. Siguro, may mga bagay na normal naman talaga pero hindi lang natin tanggap dahil iba ang kinagisnan natin.
“Nagmahal ka na ba?” Aleira asked which made her surprise.
“Ano bang klase ng pagmamahal ang tinutukoy mo? May pagmamahal sa kaibigan, sa pamilya at siyempre sa tinatangi mo—”
“Missy!”
“Ay gag— Kamahalan!”
She stood up, it was Vard. Magkasalubong na naman ang kilay nito. Kahit mismo si Aleira ay napatayo sa gulat at yumuko ito agad nang magkasalubong ang mata nila ng Prinsipe. Nakatayo ito, ilang metro lang ang layo sa kinauupuan nila.
“Kanina pa kita hinahanap!”
“Kalma lang, galit na naman kayo!” she exclaimed.
“Halika rito at samahan mo 'ko. Dahil kailangan ko ng mauutusan,” he uttered with annoyance visible on his face.
Bumaling siya kay Aleira, “Aleira mauuna na muna kami. Magkikita na lang tayo mamaya na lang tayo magkuwentuhan. May asungot kasi.”
She tapped Aleira's shoulder lightly before she faced her Master. Aburido na naman ang pagmumukha nito, ano pa bang bago?
“Saan na naman tayo pupunta?” ani niya habang papalapit rito.
“Samahan mo 'kong maghanap sa silid-aklatan,” he said and as held her wrist and drag her out the field
“Teka naman Boss! Magdadapa ako, uy!” reklamo niya pa pero tila bingi ang amo niya at kinaladkad pa rin siya nito.
“Bilisan mo dahil limitado lang ang oras paggamit sa silid-aklatan!”
He was holding her wrist, it was uncomfortable for her. No one held her that close except for her two friends and her Tita Love. Sa kakanuod niya ng mga K-drama noon, gusto niuyang maranasan ang holding hands. Pero sadyang malas siya, pagkaladkad lang ang naranasan niya ngayon.
“Kaya ko namang maglakad 'di mo 'ko kailangan hilahin, Kamahalan!” she said.
He let go of her wrist, and walked in fast pace. Hingal na hingal tuloy siya sa kakasunod sa amo niya. Hindi niya alam ang pasikot-sikot sa paaralan. Halos madapa siya sa bawat hakbang niya. Pumasok sila sa isang bahay, naunang pumasok ang amo niya. Sumunod naman siya rito, she saw him at the history section.
“Ano ba kasi ang hinahanap mo?” pabulong niyang saad habang nakasunof sa amo niya.
“Shh!”
“Aray!” sigaw niya nang humarap bigla si Vard, tumama ang noo niya sa dibdib nito.
“Huwag kang maingay baka mapalabas tayo rito,” Vard said and turned his back at her. “Kailangan ko makakalap ng impormasyon ukol sa unang tao na nagkaroon ng kapangyarihan.”
“Bakit ba? Eh, ang tagal na noon, saka history books aren't that reliable.”
“Magsalita ka nga sa lenggwaheng naiintindihan ko!”
“Ano ka ba, english iyon ano! Saka ang hirap-hirap magtagalog. Filipino ba lahi niyo rito?” she crinkled her nose.
“English?” he stopped walking again, humarap ulit ito sa kanya.
“Duh! English, is the most universal language. Saka, may nga salita sa tagalog na nahaluan ng english. Ilang araw na 'kong hirap na hirap sa pagtatagalog! Ilang ang araw na 'kong hirap kayong kausapin.”
“Hindi tagalog ang lenggawahe namin kundi glóssa sofías o kilala rin na arehun.”
“Whatever, bilisan na natin ang paghahanap ng mga sinasabi mong libro. Ano ba ang pangalan nun? Nang matapos na tayo.”
“Hanapin mo nga ang librong nagtutukoy sa unang mga tao rito,” he said and walked pass the bookshelves.
Siya naman ay tumingin-tingin sa libro. Tinitignan niya ang iilan sa mga ito, nang magsawa at walang mahanap na libro patungkol sa sinaunang tao. Nang inangat niya ang tingin she saw Vard walking towards her. They're in the middle of the book shelves, bigla siya nitong hinila pagtago sa sumunod na bookshelf at hinila paupo.
“Ba—” before she could finish her words he cover her mouth with his hand. Pinandilatan niya ito.
“Cielo, kausapin mo naman ako!”
It was Berni! Gustuhin man niyang tumayo at sumilip man lang sa pagitan ng mga libro ay hinawakan siyang mabuti ni Vard. Halos hindi na siya makahinga sa pagtakip sa ilong at bibig niya. She was trying to breath, she tried to moved his hands but he was strong. Sa inis niya ay kinagat niya ang palad nito, he moved his hand away.
“Ano ba ang problema mo?!” he mouthed. Sa tingin pa lang ng binata ay gusto na siyang gilkitan ng leeg nito.
She didn't answered because she was catching her breath. Habang siya ay hingal na hingal, si Vard naman ay nakatingin sa kanya ng masama.
“Cielo, kausapin mo naman ako. Ilang araw mo na akong iniiwasan!” she could hear Berni's pleading voice.
“Umalis ka na, Berni. Pabayaan mo na 'ko.” It was Cielo.
“Ano ba ang problema mo? Ilang araw mo na akong hindi pinapansin at kinakausap.” Boses ulit ni Berni.
“Pwede ba? Huwag kang mag-ingay baka may makarinig at makakita sa 'tin,” it was Ceilo again.
“Paano ako matatahimik sa inaakto mo, Cielo. Hindi kita maintindihan!”
“Hindi rin kita maintindihan, Berni! Dumating lang si Missy nasa kanya na lahat ng atensyon mo, bukambibig mo puro Missy. Mabait si Missy, maganda si Missy!”
“Bakit ako?” she mouthed. “Wala naman akong ginawa,” she thought.
She looked at Vard, who was quite. Pareho silang nakaupo, dikit na dikit ang katawan. Kung may makakakita sa kanila, mas pag-iisipan sila ng masama.
“Kung anu-ano ang iniisip mo, natural bagong salta siya. Bagong kaibigan,” paliwanag pa ni Berni.
“Itigil na natin 'to Berni. Alam naman nating walang patutunguhan ang pagmamahalan natin, siguro ay mas mabuting si Missy ang piliin mo.” Bakas sa boses ni Ceilo ang lungkot.
At habang siya ay gulat na gulat sa narinig, she knew there's something going on the two. She noticed how, Ceilo's eyes flickered with jealousy everytime she talks with Berni.
“Mahal kita, Cielo. Paniwalaan mo naman iyon,” pagmamakaawa pa ni Berni.
“Alam naman nating hindi tayo pwede, pareho tayo ng kasarian. Hindi tayo matatanggap ng ibang tao, baka isinumpa tayo kaya tayo nagkaganito!” Cielo insisted.
“The sto diaolo Ceilo! Pinakilala kita sa inay 'ko, kahit na noong una ay ayaw sa relasyon natin. Ganyan ba ka babaw ang tingin mo sa pagmamahal ko sa 'yo? Hindi pa ba sapat na minahal kita kahit alam kong bawal ang pag-iibigan na meron tayo?! Ganoon na lamang ba ako kadaling bitawan?”
“Berni!” Ceilo said.
At nakarinig sila nang mga yapak paalis.
Nang ilang minuto ang nakaraan ay wala na silang naramdaman at narinig na mga galaw. Saka niya tinulak si Vard palayo. Isang dangkal na lang ang layo ng mukha nila at kanina pa siya naasiwa sa mukha ng prinsipe.
“Ano ba! Bakit mo 'ko tinulak?!” he said almost whispering.
“Naalibadbaran kasi ako sa mukha mo,” she answered. “Sige na, kailangan na natin hanapin ang hinahanap mo at nagugutom na 'ko.”
Kung saan niya kinukuha ang lakas na sagutin ang prinsipe, hindi niya rin alam. Pero totoong naaalibadbaran siya sa pagmumukha nito.