Kabanata Uno
Abril 1, 2020
HINDI Magpigilang mapabusangot si Missy. Gusto niyang maiyak pero kahit anong gawin niya'y pagod na ang kanyang mga mata. It's been two weeks since she lost her parents, hindi dahil namatayan siya ng magulang ang rason para maiyak siya. Sanay naman kasi siyang walang magulang. All her life her parents were always away. Noong una ay naintindihan niya kung bakit ito malayo sa kanya but as she grows old unti-unting sinasampal sa kanya ang reyalidad. Her parents being away is not for her sake but for both of them. They can't stand each other that's why they parted ways and she was left alone. Uuwi dapat ng Pilipinas ang kanyang mga magulang, maybe to tell her the truth pero kamalas-malasang naaksidente ang mga ito. The plane crashed and just like that she lost her parents for real.
Now here she is sulking in the middle of the forest wanting to cry her heart out dahil sa desisyon ng Tita niya.
"What the heck! Why the hell we would live her in the forest, Love?!" hindi mapigilang sigaw ng dalaga.
Love that's her Aunt's name, mas gusto kasi nito na tawagin ito sa pangalan. Masyado pa raw itong bata para tawaging Tita.
"Shut your mouth, Sweetie. We're in the middle of the forest for my work, Okay? We'll be staying here for a month,” her Aunt giggled.
"H'wag kang mag-alala bago magpasukan nasa syudad na tayo."
"You knew I can't stand being in a forest, mas gusto ko sa maingay." Kalmado niyang saad.
"Don't worry, Sweetie. One month is just a short period of time, ma-i-enjoy mo rin naman ang kalikasan,” her Aunt smiled at her, she sighed and pulled her luggage bag.
"Bilisan mo na nga, open the Goddamn cabin of yours. I wanted to relax already."
Sleep is the right word, gusto na niyang matulog. Pagod siya sa byahe, noon akala niya lang ay sa isang baryo lang sila pupunta. Hindi niya inaakalang sa mismong gubat, walang ka tao-tao. Iisipin niya palang na mananatili sila ng ilang linggo ay kinikilabutan na siya. She trust her Tita, alam niyang safe siya kapag kasama ito. Ang kaso lang hindi talaga siya nature lover.
Pumasok sila sa loob ng titirahan nila, she groaned in frustration. Masyadong maalikabok at magulo. Kailangan pa niyang maglinis. Sanay naman siyang maglinis kahit pa lumaki siyang Yaya Nena niya lang ang kasama, tinuruan siya nito sa lahat ng bagay.
Somehow, Nanay Nena filled the missing piece. Nakasama niya ito ng labing apat na taon, naging malapit rin siya sa mga anak nito. Ang kaso ay pumanaw ito at ang pamilya nito ay lumipat ng lugar. She's alone again but her Tita Love stayed beside her again, kung noon ay sandali niya lang ito nakakasama dahil sa trabaho nito. When her Yaya died her Tita decided to stay in the Philippines and work here. She was thankful for that, napupunan nito ang pagkukulang ng mga magulang niya. Deep inside her there's still something missing she couldn't pinpoint it, alam niya lang ay may kulang. Hindi niya mapagtanto kung ano. Dahil sa sanay na siyang may kulang sa kanyang pagkatao ay hindi na niya ito iniinda, kung anuman ang meron siya ay kuntento na siya.
She was damn tired from cleaning, instead of relaxing in the room she went cleaning the entire cabin with her Aunt. Nang matapos sila sa paglilinis saka lang siya nakaramdam ng gutom, her Aunt cooked something for them. Nasa likod siya ng titirhan nila nakaupo sa ilalim ng puno. She just stared at the sky blankly. Ayaw na ayaw niyang iwanan ang Tita niya kung tutuusin ang maari siyang manatili sa syudad at gugulin ang bakasyon niya sa paglalakwatsa. She can party and drink all night but she chooses to stay with her Aunt. Spending her vacation in the middle of the forest probably helping her aunt with her research kung sipagin siya.
"Ang lalim 'ata ng iniisip mo, Sweety. Are you thinking about your parents?" her Aunt said and sat beside her placing a food tray in the ground.
She groaned, "Pwede ba, Love. Alam mong malabo 'yan mangyari, mas namimiss ko pa si Yaya Nena kaysa sa kanila."
Inabutan siya nito ng sandwich, she gladly took it. Gutom na gutom na ang mga alaga niya sa tiyan.
"Love, there's nothing wrong admitting that you missed your parents," malumanay na saad ng tiyahin.
She rolled her eyes, "Can we stop talking about them? They were my parents until I was five. After that they were just strangers who pays for my living expenses. Mas naging magulang pa kita, alam mo yan."
Ayaw na ayaw niya ang pag-usapan ang mga magulang niya, every time her Aunt tries to open the topic about her parents namumuo ang galit sa dibdib niya.
Tumayo siya at pinagpagan ang sarili, "I'll just roam around."
Her aunt sighed, "Be back before three, okay? Follow the ribbons in the tree. Baka makasalubong ka ng ahas o kung ano riyan, kaya mag-ingat ka. Huwag kang lalayo. If you stop seeing ribbons on the trees, drag your ass back here. Hindi mo kabisado ang lugar na 'to. Don't go missing, baka mabaliw ako."
"Baliw ka na, wala ka ng mas ibabaliw pa!" she joked and waved her hand as she walked.
Alam niya na siya ang rason kung bakit hindi pa ito nag-aasawa. She always tells her Aunt to get married and have family. Pero siya ang mas inaalala nito, palagi siyang una sa lahat. Kahit pa noong high school siya at napabarkada na takaw sa gulo, kahit gaano pa kalaking project ang ginagawa nito at iniiwan nito para sa kanya. Kahit may hindi sila pinagkakasunduan ay parati siya nitong inaalala at inuuna. That's why she loves her Aunt more than anything. Kahit pa ang pagsama sa gubat ay gagawin niya just to repay the unconditional love her Aunt gave her.
She was busy counting the trees with ribbons on it, hindi niya namalayang nakarating siya sa isang talon. The sound of the water crashing,
excites her. Her eyes beamed with happiness as she took off her clothes and left her undies. She dived into the water and shivered as the cold water fondled her skin.
Nang buksan niya ang mata sa ilalim ay napamura siya. She moved her hands and feet as fast as she could. Ngunit ay hindi siya makaangat, tila'y may humihila sa kanya papailalim. The harder she tries to swim to the surface the harder it pulls her downward.
Panic invaded her system.
Isang malaking itim na butas ay hinihigop siya papalapit. She cursed and beg all the Gods and Goddesses to save her. She can't die. Dying at a young age is never in her list!
“Lord, please hear me! Save me please!”
She prayed and begged, hoping someone could hear her prayers as darkness took her consciousness.
MISSY coughed and screamed when she felt someone was tugging her. Marahas siyang bumagsak sa lupa at napasigaw. She thanked God for saving her. Allelujah! She heard gasps and heavy breathing!
She opened her eyes. Her jaw dropped.
"Tang ina!” she cursed.
She saw a lot of people wearing freaking clothes and cloaks! Like they were doing rituals and she was the sacrifice!
"Who are you?!” she screamed and covered herself with her hands.
"Sino ka?"
The man standing in front of her asked with his brows furrowed in confusion.
"Hindi ba dapat ako ang matanong niyan? Saan niyo ko dinala?"
Galit na galit na saad niya at iginala ang mga mata. Panic consumed her, wala siya sa talon. She could only see a lake and a lot of people throwing her with weird stares.
"Binibini, sino ka at anong ginagawa mo rito sa tubig ng karunungan? Alam mo bang hindi ito isang paliguan? isa itong sagradong lugar!" An old woman glared at her.
Triple s**t, pinaglalaruan ata siya ng mga ito.
"Will you quit playing dumb? Hindi na ako natutuwa sa ginawa niyo! I could sue everyone of you for kidnapping me."
She shivered as the wind touches her skin, she was only wearing her bra and panty! She cursed, ang lalaking nasa harap niya ay basta nalang hinagis ang suot nitong itim na tela. She covered herself with the cloaked.
"Hindi namin maintindihan ang iyong sinasabi, kami ang dapat magtanong sa ‘yo dahil bigla ka nalang sumulpot sa kalagitnaan ng aming ritwal."
The old woman who glared at her said, maamo na ang mukha nito at tila kalmado na.
Siya naman itong ayaw kumalma, takot na takot na siya. She was surrounded by weird people, who can't even understand English.
"At paano ka iniluwa ng tubig ng karunungan, isa ka bang dyosa?"
"What the f**k?!" she uttered. "Anong dyosa ba ang pinagsasabi niyo? I know, I look like greek goddess pero literal na dyosa ‘ata ang tinutukoy niyo. Nakahithit ba kayo? You know drugs are bad, nakakawala ng katinuan yan."
"O isa kang kalaban," the man who threw the cloaked uttered, seryoso ang mukha nito.
"s**t!” she cursed.
Bigla siya nitong tinutukan ng espada, she wanted to scream. She wants her Aunt. As if on cue, napapalibutan siya ng apoy. She was never been scared all her life, she was stuck in a ring of fire. Paano biglang nagkaroon ng apoy ng hindi niya namamalayan?
"Hindi ako kalaban," nanginginig niyang saad.
"Paano kami makakasiguro?" anya ng matandang babae, nakasuot ito ng victorian dress. She wanted to asked if she was wearing a corset or maliit lang talaga ang bewang nito. Pero hindi iyon ang dapat niyang unahin.
She's lost and on the brink of death!
Isang malakas na tunog ang namutawi, she covered her ears and closed her eyes. Palakas nang palakas ang tunog. Palakas rin nang palakas ang hangin. She slowly opened her eyes, sigurado siyang hindi siya namamalikmata! A dragon was in front of them, a f*****g dragon. Dragons aren't real! Maybe she was dreaming.
"Ahh!" she groaned in pain when the fire touches her skin. Agad siyang napaayos ng upo. Palipat-lipat ang tingin niya sa braso niya at sa malaking dragon. Her arm were red! The dragon growled.
"What the heck?" she cluelessly mumbled.
Dragons. Aren't. Real.
But as she stare at her arm, red and in pain. Reality sinks in, she slowly loses her consciousness again.
"PAANO tayo makakasiguro na hindi natin ikapapahamak ang pagkupkop sa babaeng ito?" an unfamiliar voice spoke.
Missy didn't move; she pretended that she's still asleep. All her life she knew dragons aren't real but seeing one? A freaking big one, hindi niya maiwasang himatayin. Dragons don't exist, she just saw one. Meaning she's not in her world, hindi niya alam kung nasaan siya.
"Lumabas siya mula sa tubig ng karunungan nang bigkasin ng Prinsipe Primo, ang orasyon sa pagkakakilanlan ng mahika. Mukhang hindi siya nagmula sa ating lugar. Dahil na rin sa kanyang lenggwahe, hindi iyon nagmula rito sa atin. Maaring maging isa siyang malaking tulong."
"Maari ngunit kailangan nating mag-ingat, siya ay mapupunta muna sa pangangalaga ng Prinsipe. Kailangan nating matukoy kung anong kaugnayan ng prinsipe sa kanya. Wala namang nakasaad sa propesiya sa pangyayaring ito.".
"Isa lamang siyang normal na tao, ni wala ngang kapangyarihan. Hindi rin marunong makipaglaban, hindi tayo ang dapat mag-ingat kundi siya."
"Sa pagkakaalam ko'y may mga taong kayang manlinlang ng kapwa. Ang kailangan nating pagtuunan ng pansin ay kung paano natin mapapalabas ang kapangyarihan ng Prinsipe. Kung hindi tayo ang malalagot sa Hari at Reyna. Mayroon nalang tayong isang buwan upang maipalabas ang kapangyarihan ng Prinsipe. Ikaw na ang bahalang magsabi sa prinsipe, na ang babaeng ito ay magiging alipin hanggat hindi natin nalalaman ang kaugnayan ng babaeng ito sa Prinsipe. Aalis na ako, kailangan ko pang basahin ang mga papeles na nakatambak sa sa 'king silid."
Few minutes later, the room was filled with silence. Na pagpasyahan ni Missy na imulat ang kanyang mga mata, she saw dull decorations, she can't help but grimace. Napatulala na lang siya nang maalala ang nangyari kanina, kahit siya ag litong-lito. Kung ginagago lang ba siya ng mga tao rito. O, totoong napunta siya sa mundong kailanman ay hindi niya inaakalang nag-i-exist. Nahihilo siya sa kakaisip paano makaalis at makauwi sa kanyang Tita.
"s**t, dragons are real!" she uttered.
Dragons are real and now she's doomed. People accused her as an enemy. Hindi nga niya maintindihan at maunawaan ang mga pinagsasabi nito. Pakiramdam niya nasa isang malaking pelikula siya. Hindi kaya nasali siya sa isang prank? But heck! Everything seems surreal.
Napaayos ng upo ang dalaga ng biglang bumukas ang pinto. It was the old woman with small waist, she looks so elegant wearing a black victorian dress. Kahit pa bakas na ang ang marka ng katandaan sa kanyang mukha ay maganda pa rin ito.
"Mabuti at gising ka na," malumanay na saad ng matanda.
She laughed nervously, "Opo."
"Maari na ba kitang tanungin?" the old woman asked while fixing her glasses.
"Pwede ako muna po?" she uttered, raising her left arms nervously. "Nasaan ako?"
"Nasa Ardeun, ka. Sa paaralan ng Ardeun."
Akala niya'y nasa kastilo siya, she silently nodded. Busangot ang mukha nito at mukhang bagot na bagot na.
"Ano nga ang iyong pangalan, binibini?"
"Ako po si Missy."
"Paano ka iniluwa ng tubig ng karunungan?"
She gulped, "Hindi ko po alam. Ang alan ko lang ay naliligo ako falls."
"Falls?"
"I mean sa talon po, bigla na lang pong may maitim na bilog ang lumitaw. Ang kasunod po ay nandito na 'ko,” she said with her forehead creased.
Pagod na pagod siya kahit kakagising niya lang. Sa impormasyong nalaman niya, hindi niya matukoy kung saan siya. Hindi pamilyar sa kanya ang Ardeun.
"Paano po ba ako makakauwi sa 'min, sigurado akong hinahanap na ako ng tita ko."
Ngumiti ito, "Paumanhin ngunit hindi ko alam kung paano ka makakabalik sa iyong lugar, kung iyan man ay milya-milya ang layo
rito sa Ardeun. Ano ba ang pangalan ng iyong lugar?"
"Santa Elena, 'ho. That's where my aunt and I— ang ibig kong sabihin ay kasalukuyang nakatira, dahil po sa kanyang trabaho."
Medyo hirap niyang sagot, nababaluktot ang dila niya sa diridiretsong pagtatagalog.
Dinaig niya pa ang bumalik sa panahon ni Rizal.
"Hindi pamilyar sa akin ang lugar na iyan. Ngayon ko lamang iyan narinig. Sa ngayon, ay dito ka muna sa pangangalaga namin hangga't hindi namin nalalaman ang iyong kaugnayan sa tubig ng karunungan. Dito ka muna sa Paaralan ng Ardeun mamalagi. Magiging isa kang taga sunod ng Prinsipe. Ang pangyayaring ito ay pansamantalang magiging isang sikreto. Ang mga taong naroon nang araw nalumitaw ka ay sumailalim sa isang orasyon upang makalimutan ang pangyayaring iyon."
"Wait—" she interfered while raising her left hand, "Orasyon? as in spell? like magic? I mean, mahika?" she exclaimed. Just the thought of seeing real magic excites her.
"Orasyon, mahika, kapangyarihan, sumpa o kung anong mahiwagang nasa isip mo ay narito at totoo. Bakit ba parang hindi mo alam ang tungkol diyan? Ang mundong ating ginagalawan ay puno ng mahika at hiwaga. Ang mga taong mayroong kapangyarihan ay tinatawag na pinagpala, ang kadasang may kapangyarihan ay mga taong may dugong bughaw. Ang mga taong walang kapangyarihan ay normal na mamamayan ng mundong ito,” pagpapaliwanag pa nito.
"Nakakapanibago at hindi mo alam ang mga bagay na ito, saan ka ba talaga nagmula?"
"Hindi ako makapaniwalang totoo ang mga sinabi niyo, I've seen the dragon and it was freaking huge! My God. I felt like I was in a movie," bulaslas ng dalaga, hindi aakalaing ang mundong ito ay totoo.
"Kailangan mong makinig. Hindi namin alam kung ano ang kaugnayan mo sa tubig ng karunungan, at kung bakit ka lumabas rito. Alam naming may rason. Ikaw ay magpapanggap bilang tagasunod ng prinsipe. Lahat ng ipag-uutos niya ay susundin mo. Kailangan mong mapalapit sa kanya, dahil siya ang tumawag sa 'yo. Nang bigkasin niya ang orasyon sa pagtawag sa kapangyarihan ay lumabas ka mula sa tubig ng karunungan. Kung kaya't kailangan mong dumikit sa kanya, hanggang malaman natin ang kaugnayan niyo at kung paano ka makakabalik sa mundo niyo."
Wala namang problema sa kanya na maging tagasunod. Ang kaso, natatakot siya sa kung anong pwedeng mangyari sa napasukan niyang sitwasyon. May God guides her, hindi niya alam kung saan sya hahanap ng lakas.
"Kailangan mong magpahinga, dahil bukas na bukas ay pupunta ka sa tore ng prinsipe . H'wag kang mag-alala ang sugat na iyong natamo ay naghilom na."
Agad siyang napatingin sa braso niya at gulat na gulat siya nang makitang ni isang peklat ay wala.
"Pinahiran na iyan ng langis na nagmula sa dragon. Kailangan mo lang uminom ng dahon na binabad sa luha ng ibon upang mabalik ang iyong lakas."
"Salamat po," wika niya nang iniabot ng ginang ang isang baso.
"Ako si ginang Victorina, guro sa paaralan ng Ardeun. Lahat ng pinag-usapan natin ay magiging isang lihim. At kapag may nangyaring kung ano o natuklasan ka, sabihin mo sa 'kin,” inabot nito ang isang kwintas na kabibe. "Haplusin mo lang iyan, kapag nasa panganib ka proprotektahan ka niyan."
She smiled as if she found her ally. Sa lugar na hindi niya alam, kahit man hindi niya gustuhing mag tiwala ay kailangan niyang gawin.
"Tandaan mo, walang nakakaalam sa nangyari sa tubig ng karunungan kundi ikaw, ako at si Binibining Marika lang."
Tumango na lang siya bilang tanda ng pagsang-ayon.
"Magiging isa kang mag-aaral ng Ardeun ngunit mababang antas lamang. Dahil isa kang normal na tao lamang."
"Paano po 'yun? I mean you said people here have powe— ang ibig kung sabihin ay may kapangyarihan ang mga tao rito. Paano ako
mabubuhay sa paaralang ito?"
"Huwag kang mag-alala, isa kang estudyante dahil magiging taga pagsilbi ka ng ikalawang prinsipe. Bumangon ka na riyan at isuot mo 'to."
Inilapit nito sa kanya ang isang kahon. Binuksan naman niya ito. She saw a cute blue dress. Parang suot ng mga "commoner" sa mga librong nababasa niya na may kadalasang temang historikal.
"Iyan muna ang isuot mo, ang susuotin mo ay nakaayos na sa magiging silid mo. Bilisan mo at ihahatid kita sa prinsipe. Ako ang magpapaliwanag sa kanya."
Wala siyang nagawa kundi tumayo at bitbit ang damit papasok sa banyo at nagbihis. She saw her reflection in the mirror, she looks so pretty wearing the blue dress. Hanggang tuhod ito at hapit na hapit sa bewang niya. Her boobs were showing. Hindi naman bastos tignan She look so elegant. Inayos niya ang buhok na magulo. Isinuot niya ang kwintas na ibinigay sa kanya. Bumagay ito sa kanya. Napahawak siya sa kwintas at taimtim na nagdasal.
“Sana makauwi pa 'ko ng buhay. Kung panaginip man ito Lord ay pakihampas ako nang magising. Guide me with this weird journey. Sana naman huwag akong madedo.”
"God ano ba 'tong pinasok ko," she murmured to herself. "Handa na po, ako!" saad niya sa guro ng makalabas ng banyo.
"Aralin mo 'to," gulat naman siya ng ibinagsak ng guro ang limang malalaking libro. Muntik na siyang mabuwal sa bigat at dala na rin ng gulat.
"Eh? Ang rami naman nito!" ungot niya rito.
"Huwag kang magreklamo. Kailangan mo yang aralin lahat dahil baka wala kang maisagot sa mga katanungang maaring ibato sa 'yo. Huwag na huwag ka ring magpapahalata na wala kang kaalam-alam sa mundong 'to dahil baka ikapahamak mo."
"Seriously? Do I have to read it all? God! This is crazy!" she uttered in annoyance. "Ang bigat naman po nito," reklamo niya rito.
Napailing ang guro at ikinumpas ang kamay. Nanlaki ang mata niya nang biglang lumitaw ang isang stick sa kamay nito.
"Tang ina. Hindi nga 'ko nanaginip,” bulong niya sa sarili.
May inusal ang ginang sandali at namalayan na lang niyang lumulutang ang mga libro sa harap niya. Napalunok siya ng wala sa oras.
"Halika na. Maggagabi na kailangan ko na ring mag pahinga."
Wala siyang nagawa kundi sumunod sa ginang. Tahimik lang siyang naglalakad panay sulyap sa mga librong lumulutang.
Napalunok tuloy siya ng wala sa oras. Patuloy silang naglakad sa pasilyo hanggang makalabas sila. There were pixies floating in the air. Paulit-ulit niyang kinusot ang mga mata. Habang nilalamon na ng buwan ang araw ay siyang pagtingkad naman ng kulay ng mga pixies. They were small, magkasing laki lang ata ito ng hintuturo niya. Sinubukan niyang abutin ang isa sa mga ito upang tingnan kung gaano ka laki.
"Huwag mo silang hawakan. Ayaw na ayaw ng mga dambanang hinahawakan sila. Baka hindi ka magising ng isang linggo."
Pagak siyang natawa at ibinaba ang kamay.
"Bye, pixies,” she murmured.
Nagpatuloy sila sa paglalakad at huminto sa isang maliit na bahay. Napapalibutan ito ng puno at mga halaman. There were pixies floating in the air. Hindi niya akalain na makakakita siya ng ganitong tanawin. Ang mga halamang nakapalibot ay mistulang kumikinang. Sa bawat hakbang na ginagawa nila papalapit sa bahay ay lumiliwanag ang kanilang nilalakaran.
"Huwag kang masyadong lumapit sa mga halaman, iyan ay may mga lason. Isa iyang proteksyon para sa mga taong nakatira rito."
Agad naman siya umayos ng lakad at maingat na maingay upang hindi masagi ang mga halaman. Mukhang lahat 'ata ng bagay sa mundong ito ay nakakamatay. Hindi tuloy maiwasang siya ay kabahan at pagpawisan.
Huminto ang ginang sa pinto at marahang kinatok. Sa bawat segundo na dumadaan. Mas lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay sa pagbukas ng pinto ay mas marami pang kakaibang bagay ang mangyayari.
Ano nga ba ang kahihinatnan niya? Ang gintong pinto ba ang magbibigay daan sa kanya ng kalayaan sa tila panaginip na mga pangyayari? O ang magbibigay pahamak sa kanya?