Kabanata Siete

1426 Words
"SAAN ka nagpunta?" bungad ni Aleira sa kanya. Ngumiti siya rito ng tipid, "Diyan lang nagikot-ikot. Medyo sumama kasi pakiramdam ko kanina." Bumalandra sa mukha nito ang pag-aalala. "Baka nais mong magtungo sa pagamotan?" Umiling siya bago tumugon, "Huwag na. Baka mamaya ay mawala na 'to. Siguro gutom lang ako." But the truth is, she isn't feeling because of hunger. It is because reality had sink it, there's big chance she can't go home. Paano na lang ang tiyahin niya? Mag-aalala ito, iyakin pa naman iyon. Ang pag-uusap nila ni ginang Victorina ay naging masinsinan. Dahil na rin sa sinabi niyang maari siyang nagmula sa ibang dimensyon. "Bakit mugto ang mata mo? May masama bang nangyari?" Aleira asked. She wanted to cry in front of her, but she reprimanded herself and smile. "Wala naman, may naalala lang ako. Huwag na nating pag-usapan, nagugutom na 'ko. Uuwi ba tayo para kumain o dito tayo kakain?" Tumango ito, "May kainan naman rito, may mga pagkaing inihanda para sa mga estudyante rito. Sadyang sanay lang ang mga maharlika na para lang sa kanila ang mga niluluto." "Wala akong gana magluto ngayon, bahala na siya kung kakain siya rito o magluluto siya mag-isa." Tukoy niya sa amo niyang sira ang ulo. "Huwag kang mag-alala. Ang mga maharlika ay naroon sa espesyal na lugar para sa kanila. Kung minsan ay doon sila kumakain ng tanghalian." "Mabuti naman kung ganun. Tara na," anyaya niya rito at nag-umpisang maglakad. They went to a cafeteria garden, every corned has beautiful flowers. The butterflies are scattered every where, kakaunti lamang ang tao roon. They immediately saw Berni and Cielo at the corner of the garden. But before she can approached them, Aleira pulled her away. They need to fall in line to take their lunch. When she saw the menu, her face turned sour. She missed the food in her world. She misses, bacon and hotdog. The usual menu, in Ardeun are meat and vegetables. When they had their trays full of food, they went to their spot. She placed her food tray and sat across Berni who was already eating. While Cielo who didn't eat yet. "Oh, Missy. Saan ka ba nagsusuot, kanina?" bungad ni Berni sa kanya. Natawa siya sa tono nito, it was the same tone her Tita Love uses whenever she went somewhere. "Lumanghap lang nang sariwang hangin sa tabi-tabi," she answered. "Buti nagtira ka ng hangin sa 'min," Berni said which made her chuckled. Sinulyapan niya si Ceilo na tahimik pa rin at hindi ginagalaw ang pagkain. "Pagpasensyahan mo na si Ceilo, Missy. Ganyan iyan kapag, tinatakasan ng bait." Pagbibiro ulit ni Berni, Cielo smiled at her, ngumiti lang siya pabalik. "Nagagandahan talaga ako sa pangalan mo, Missy." Aleira commented, "Missy lang ang pangalan mo? Wala na ba iyang karugtong? Dito kasi sa Ardeun, mas mahaba mas maganda." "Hmm. Missy Reah Ble, ang buong pangalan ko." Just like her name, she had been miserable for a long time. The whole her parents left, made changed her and her beliefs. That home isn't called home just because that is where you and your family lives. Home, is a place where you feel comfort regardless of any place. Home, is where your heart belongs. Her only home was ber Tita Love, and now she had been missing her home. "Ang mga maharlika, maganda at mahahaba ang mga pangalan ni—" Bago pa matapos ni Berni ang sasabihin nito ay may mga dahon na nahulog sa harap nila. Luminga-linga sila at hindi lang sila ang nahulugan ng mga dahon. As everyone took the leaf, some girls yelped in glee. Her curiosity took over, so she picked the leaf in front of her. Her eyes widen in disbelief, beautiful cursive letters appeared. She gasped, she even blinked her eyes. "Mga mag-aaral ng Ardeun, magkakaroon ng isang pagdiriwang bago matapos ang linggong ito. Dahil sa mga susunod na linggo ay dadaan kayo sa mga pagsubok. Ang pagdiriwang ay gaganapin sa sabado ng gabi. Magkakaroon tayo ng mga panauhin." And the leaf vanished into thin air. Missy glanced at Aleira, mukha itong balisa. Marahan niya itong siniko, "May problema ba?" Malungkot itong ngumiti sa kanya, "Kasi sa sabado ay uuwi dapat ako sa amin. Dadalawin ko sana sina Itay ay Inay sa bayan, magtatatlong linggo na akong hindi nakadalaw sa kanila." "Eh, 'di dumalaw ka," she said. "Hindi rin siya makakadalaw, kahit mismo ikaw ay hindi makakaalis. Magiging abala tayong apat, kailangan lahat ng gusto ng mga maharlika ay magawa natin bago natin isunod ang ating mga sarili," Berni said. "Isa pa may mga bisita. Panigurado, ang Reyna at Hari iyon," dagdag pa ni Aleira. "Kaya ni isa sa atin ay hindi pweding magkamali. Maari tayong mapatangga bilang tagapagsilbi," Berni uttered. "Ano ba kayo, huwag kayong mag-isip ng masama. Normal naman ang magkamali lalo na kung hindi naman natin ginusto na magkamali. Saka, kung iisipin niyo pa laging hindi pwedi ay mas magkakamali kayo. Kasi, alam niyo sa universe, kung ano ang kinakatakutan mong mang yari ay mas magkakatotoo. Gawin niyo, kasi kaya niyo at masaya kayo, nang sa gayon, si universe ay magbibigay ng positibong epekto!" pagpapagaan niya pa sa usapan nilang tatlo, dahil si Ceilo ay tila may sariling mundo minsan. "Maganda ang iyong sinabi, Missy. Ngunit ano ba iyong universe?" halos magkabaluktot-baluktot na wika ni Aleira. "Ang mundo ang tinutukoy ko, maari rin na ibigay ng mga diyos at diyosa," she explained. "Alam mo, Missy. Napakaganda ng iyong mga pangungusap, kahit minsan ay paiba-iba ang takbo ng utak mo. Sa loob ng ilang araw, napansin ko na ang bilis magbago ng iyong timpla," komento pa ni Berni. She smiled, "Normal naman iyon ano! Ang hindi normal iyong palaging nag-susungit, kagigil ha!" Nagkatinginan si Aleira at Berni sabay na natawa, "Ganoon talaga ang Prinsipe, masyadong masungit. Palaging gustong nasa tuktok." Aleira said, almost whispering. "Bakit?" "Sa pagkakaalam ko ay palagi siyang ikinukompara sa nakatatandang kapatid niya. Kaya dito sa paaralan ay bumabawi siya sa lahat ng aspeto," dagdag pa ni Aleira. "Itigil niyo ang pag-uusap sa mga maharlika, kapag andito kayo sa labas. Dahil baka may makarinig at ikapahamak niyo pa," paalala ni Ceilo, matapos ang ilang minutong katahimikan ay himalang nagsalita ito. Ngunit tumayo ito sa kinauupuan nito, "mauna na 'ko sa inyo." "Teka, saan ka pupunta?" Berni asked and tried to stopped Cielo. But Cielo just shook his head and left. Sumunod rin rito si Berni na ikinataka niya lalo. Berni just looked at them with his apologetic smile. Lahat ng bagay sa Ardeun ay tungkol sa maharlika, paano naman ang ibang tao? Hindi niya mapigilang mapailing, dahil sa Ardeun ang kagaya nila Berni, Aleira, at Ceilo ay walang kakayahan upang piliin ang sarili. Dahil kailangan nilang iangat at ilagay sa pedestal ang mga maharlika. Ang kalayaan nila bilang tao kapalit ang pag-unlad sa mundong ito. Hindi niya lubos maisip na ang kalayaan niya ay unti-unting mawawala. Kakayanin niya ba ang manatili sa mundong ito? "Pagpasensyahan mo na ang dalawang iyon, matalik kasing magkaibigan ang dalawa. Magkasangga sila parati, kaya nga walang oras ang dalawa na makipagkilala sa mga babae. Kahit nga tagapagsilbi lamang ang dalawang iyan ay maraming humahanga sa kanila, sana ganyan rin sa 'kin para naman magkaroon ako ng maraming kaibigan." She shook her head. "Ano ka ba, Aleira. May mga taong gusto kang maging kaibigan hindi lang nila alam kung paano ka kakausapin. Huwag kang mag-isip ng kung ano!" "Hindi naman sa ganoon, Missy. Pero totoo naman kasing walang lumalapit sa 'kin kundi ikaw at sina Ceilo at berni lamang. Wala ring gustong makipagkaibigan sa 'ki—" “Bakit?” “Dahil ang antas ko ay mababa. Hindi kagaya ng mga estudyante rito,” mahinang saad nito. “Eh, ano naman ngayon? Ang pagkakaibigan ay hindi bumabase sa antas ng pamumuhay. Kung tunay ang intensyon ng mga iyon kaiibiganin ka pa rin nila.” “Kung ganoon lamang kadali, Missy. Ang mga bagay sa paaralang ito ay umiikot sa antas at yaman sa pamumuhay. Sinuwerte lamang tayo kaya tayo napadpad rito. Kung ganyan sana mag-isip ang iba, madali sana ang mga buhay nating tagapagsilbi.” The sad reality of life, it made her heart swell in sadness. Hindi niya naranasan maghirap dahil lahat ng gusto niya ay ibinibigay sa kanya ng kanyang mga magulang. Maliban lamang sa pagmamahal at oras, ngunit hindi ibig sabihin noon ay masaya siya sa buhay. There are certain things in life that one can’t have. Pero kayang makamtan kapag pinaghihirapan at sa tingin niya, Aleira will have her way someday.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD