Kabanata Nueve

2061 Words
“BOSS, pweding tama na 'to? Pagod na 'ko sa paghahanap ng libro! Halos limampung libro na ang nakalap natin, baka pwede bukas na 'yung iba?” she pleaded. They been inside the library for hours. And her eyes are already tired reading books table of contents and pages. Isa pa ay gutom na gutom na siya. Halos magwala na ang mga alaga niya sa tiyan dahil sa sobrang gutom. Vard, on the other hand was too busy in reading the books she had collected. Ito kasi ang taga basa sa tuwing napipili niya ang libro. “Shh!” saway pa nito sa kanya. She sighed, gutom na gutom na talaga siya. She can't even think straight! Hindi na nila pinag-usapan ang nakita nila kanina. They both respect Berni and Ceilo's privacy. She knew, same s*x relationship is a taboo in Ardeun but she was surprise that Vard, didn't care about what they saw. Kung ibang tao siguro, baka ipinagkalat o isinumpa na ang sitwasyon nung dalawa. On the other hand, she suddenly felt sad on how Ceilo sees her. Berni was kind to her, hindi niya iyon kinakitaan ng malisya o masamang intensyon kaya sinusuklian niya rin ito ng kabutihan. Berni, just like Aleira helps her when she is struggling with her attitude. Sa araw na pigtas ang pasensya niya kay Vard ay isa 'to sa nagpapaalala na pagpasensyahan niya ang amo niya. She just want to be familiar with anyone, she just want a sense of comfortability because this isn't her home. “Boss, hindi pa ba tayo pinagsarhan ng pinto?” she curiously asked. Dahil ilang oras na sila sa silid aklat, ang silid aklatan na ito ay halos kasing laki ng bahay na tinutuluyan nila. Nasa pinaka sulok sila ng silid aklatan, habang ang amo niya ang nagbabasa ng aklat. “Boss nagugutom na talaga ako. Hindi pa ba tayo pweding mag break time?” Vard glared at her, she pouted. “Tulungan mo 'kong dalhin to sa silid ko. Hihiramin natin ang mga aklat na 'to. Para makakain ka na, nahiya naman ako sa 'yo.” She rolled her eyes, “Aba dapat lang, halos limang oras na tayo rito Boss. Kung hindi ka nakakaramdam ng gutom, ibahin mo 'ko.” Tumayo siya at tinulungan magligpit ang amo niya. She took a lot of book, she compiled it and take it to her arms. Halos sumayad na ang nguso niya dahil sa bigat ng mga libro. Habang ang amo naman niya ay bitbit ang ibang libro, naglakad sila patungo sa counter kung saan naroon ang namamahala sa silid aklat. Nagliligpit na ito ng mga gamit. "Magandang gabi po," bati niya sa matandang babae. Tumango lang ang babae at bumalik sa pagliligpit na ikinataas ng kilay niya. Her eyes widen in disbelief as she saw two pixies in a jar. Her heart sunk. "Kailan kaya tayo papakawalan ng babaeng 'to," the other pixie said. "Sabi ko kasi sa 'yo, huwag tayong pumunta rito. Dalawang araw na tayong nakakulong rito," saad naman ng isa. She cleared her throat to get the old woman's attention. "Balak 'ho sana naming hiramin ang mga aklat na 'to." The old woman raised her brows but immediately her reaction was replaced with a smile. "Kamahalan!" Lumapit si Vard at inilapag ang mga librong hawak sa mesa na nasa harap nila. So she did what he did, but she had another agenda. She must free the pixies. "Hihiramin ko sana ang lahat ng mga librong ito, Ginang Maizel." Vard formaly said. Dahan dahan siyang lumapit sa mesa kung saan naroon ang garapon na naglalaman ng mga dambana. "Tulong! Sana pakawalan mo kami," ani ng isang dambana. "Ano ka ba, hindi niya tayo maririnig!" sabat nang isa. Nang makapwesto siya ay sinagi niya ang garapon dahilan para mahulog ito sa sahig na marmol at mabasag. The old woman gasped and glared at her with anger and disgust. "Paumanhin po. Hindi ko po sinasadyang masagi ang garapon," hinging paumanhin niya. She glanced at the broke glass on the ground, the pixies were freed. Lumipad ito inikutan siya sa ulo. "Salamat Binibini! Naway pagpalain ka ng mga diyos at diyosa," they both said as they fled away. "Bakit hindi ka ba nag-iingat. Nakawala tuloy sila!" the angry woman spat at her. Agad rin na palitan iyon ng pekeng ngiti nang mapansin na tinitignan siya ng prinsipe. "Paumanhin sa nagawa niya," Vard interfered. The woman just smiled and sighed, "Anong maitutulong ko kamahalan?" "Hihiramin sana namin lahat ng mga aklat na 'to," Vard said. The woman glanced at her for a while and glared. Sinuklian niya iyon ng matamis na ngiti. Inilapag ng ginang sa mesa ang isang dahon, Vard pricked his hand with the needle given by the old woman. He let his blood dropped on the leaf. The old woman handed him a jar filled with water. Vard, dipped his finger in the jar. "Tapos na 'ho, Kamahalan." She said. Kinuha ni Vard ang mga libro na nakalapag, ganoon rin ang ginawa niya. Vard asked for a trolley, as if on cue nauna siyang maglakad. Baka pagtulakin na naman siya ng amo niyang may saltik. She went outside the library and waited for Vard to come out. Minutes lager Vard came, pushing a trolley. "Bakit mo iyon ginawa?" tanong nito habang tulak-tulak ang trolley. "Kawawa kaya ang mga dambana! Hindi naman dapat sila ikinukulong. Pakiramdam ko ay naririnig ko silang humihingi ng tulong, kaya ko nagawang itulak ang garapon. Dapat talaga magkaroon kayo ng batas rito ano! Dapat may equity, to the people or creatures in need dapat tulungan." "Sino ka ba talaga?" he stopped pushing the trolley for a while. He stared at her, tinititigan nito nang mabuti ang mukha niya. "Duh! Missy nga," she said while flipping her hair. SUMALUBONG sa kanila ang masamang tingin ni Prinsesa Daiana sa kanya. The other Maharlika's are sitting on the sofa enjoying the moment. But as they stepped in, napatigil ang mga ito sa ginagawa nila. "Bakit ang daming libro naman niyan Vard?" Daiana asked sweetly, showing her sweet smile at him. She couldn't help but roll her eyes in annoyance. She excused herself and went to the kitchen, gutom na siya at kailangan niyang ipaghanda ang amo niya. She took meat, she misses eating adobo. She was done arranging the ingredients when a voice interrupted her. "Sa tingin mo hindi ko nakikita ang trato mo sa Prinsipe?" It was Princess Daiana. "Wala naman po akong ginagawa Kamahalan," she answered in a polite way. "Akala mo hindi namin na papansin ang trato mo sa Prinsipe?" she spat. Hanggang dito sa Ardeun may mga pabebe girls pa rin pala. Mga kamalditahang hindi matahimik. Ipagtirik niya kaya ito ng kandila? Baka sakaling magbago ang ihip ng hangin nito at bumait naman ng kaunti. "Naku! Wala naman akong ginagawang masama, kung palagay niyo may ginagawa akong mali. Sabihin niyo," saad niya sa maamong boses. "Umayos ka, alamin mo kung saan ang lugar mo. Kundi may kalalagyan ka," puno ng sarkasamo na saad ng prinsesa saka tumalikod. She make face as the princess left the kitchen. "Bugahan ko kaya siya ng apoy? Buhusan ng holy water?" she said to herself. Matapos niyang magluto ay ipinaghanda niya ng pagkain ang prinsipe. Mula sa pinggan, ulam, kanin at maiinom. Ipinagtabi niya rin ang sarili dahil sa silid siya kakain. May plano rin siyang gagawin ngayong gabi. She headed to the prince room, she knocked three times and when no one answered she went inside. She saw Vard reading seriously on his bed. Ngumiwi siya rito nang makita siya nito. "Kakain na Boss," yaya niya rito. "Mamaya na," he answered. "Kakain ka ba o kakain ka?" pagbabanta niya rito. "Sino ba ang amo rito?" he said and placed the book on the bed. "Amo kita pero oras na para kumain. Hindi naman siguro kailangan pang subuan pa kita para kumain ka? Saka para wala ka ng iutos. Dahil matutulog ako ng maaga." "Wala naman," sagot pa nito saka tumayo mula sa pagkakahiga. "So? Pwede na 'kong umalis?" she asked while her thumb was pointing the door. "Saglit, isara mo muna ang pinto." Na alarma siya sa tinuran ng binata. All absurd thoughts came rushing to her mind. Hindi kaya papatayin siya ng prinsipe dahil sa kamalditahan niya? O baka galit ito sa kanya dahil sa pag sipa niya sa kayamanan nito? "Isara mo ang pinto," pag-uulit pa nito. She was too scared yet she closed the door slowly. "Hindi mo naman siguro ako papatayin 'di ba?" she blabbed. Kumunot ang noo ng prinsipe sa tinuran niya. "Bakit naman kita papatayin?" "Kasi galit ka sa 'kin?" nagdadalawang isip niyang tanong. "Kaya kong pumatay. Kaya rin kitang ipapatay kung nanaisin ko, pero bakit mo maiisip na papatayin kita?" ang boses nito ay nag-iba. Naging seryoso rin ang mukha ng binata. "Kasi nga sinipa ko iyang diyamante mo!" she yelped. "Papatayin lamang kita kapag may nagawa kang mali o labag sa batas ng kaharian ng Ardeun. O, isa kang kalaban at may balak kang patayin o pagbagsakin ang Ardeun." Sa akusasyon nito ay nanlaki ang mata niya sa gulat. Hindi niya nga kayang pumatay ng hayop, gumawa pa kaya ng krimen? Mukha ba siyang may masamang balak? “Sa ganda kong ‘to?! Aber!” she thought and grimaced at what he said. "Hoy masama ang mambintang!" pagsaway niya rito. Mukha ba siyang may kakayahan na pabagsakin ang Ardeun? Mukha ba siyang may kakayahan pumatay? She knew how to protect herself but she isn't capable of killing anyone! She knew how life is precious. Naglakad ito papalapit sa kanya, panay naman ang atras niya hanggang lumapat ang kanyang likod sa pintuan. Vard, walked closely towards her. Slowly, closing the distance between them. She closed her eyes, praying hard. He held her face, "Ang diyalekto mo ay kakaiba. Ang iyong pag-uugali ay kakaiba. Baka isa kang kalaban? Kasabwat mo siguro si Ginang Victorina." "Ano ka ba! Normal na ang pag-uugali ng bawat isa ay kakaiba. Kagaya ng sa 'yo!" she answered, still closing her eyes. "Tinignan mo 'ko sa mata," utos nito sa kanya. "No!" she answered. "Imulat mo ang mata mo," seryosong saad nito. In annoyance she opened her eyes, she saw Vard looking at her intently. With his eyes piercing through her soul. Idinilat niya ang mata niya, "Ayan dilat na dilat na! Kahit tusukin mo man ang mga mata ko, hindi nga ako masamang tao." "Mula ngayon sa araw na 'to, saan man ako magpunta ay naroon ka. Saan ka man magpunta ay dapat naroon ako." "Wow ha! It isn't enough already that I am stuck with you in my whole duration in Ardeun. What do you want? Even in my sleep you're there?!" she blabbed in anger. Hindi tatalab sa kanya ang pagiging magandang lalaki nito. Gutom na siya at kanina pa ito maraming arte. Baka gawin niyang totoo ang paratang nito! Kumunot ang noo nito, "Anong ang sinasabi mo? Ayan ka na naman sa diyalekto mo! Inuutos kong itigil mo na ang pagsasalita ng diyalektong o kung ano man ang salitang iyan." "God! You're unbelievable!" she spat in annoyance. "Missy!" his voice roared in the four corner of the room. "Ba't ka ba kasi malapit? Pwedi mo naman akong kausapin ng may dist—" "Vard? Andiyan ka ba?" it was a female voice. Nang makahuma ay itinulak niya si Vard paatras. Umayos naman ng tayo ang binata at siya naman ay binuksan ang pinto. It was Princess Daiana, her mouth gaped in surprise when she saw her. She didn't say anything, she just left. Dumiretso siya sa kwarto niya. Nang maisara ang pinto ay hinahabol niya ang hininga niya. She touched her chest, halos magwala ang utak niya kanina. Even her heart went wild. Vard scared her. "Tama natakot lang ako. He was being rude. He is stupid. He is ugly," she said to herself. Makakain pa kaya siya o? Aalalahanin na lamang niya ang nangyari kanina. He just declared that he'll be always with her. Always? Hanggang kailan ba siya rito sa Ardeun? Hanggang kailan ba siya makukulong sa mundong hindi niya naman tahanan? Ang mundong kailan man ay hindi siya nararapat? Ano nga ba ang sagot sa katanungan niya? Will she ever change her fate here? Or will it affect her life forever?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD