“ANG tagal naman matapos kumain ng mga iyon,” reklamo niya habang nakabusangot.
She glances at the open window on her room, her room is small unlike Vard. But it is perfect for her, madaling makita ang mga gamit kahit wala naman siyang kagamit-gamit rito. It was already dark outside, the fireflies wandering around looking like pixies because of its light. Hindi na ulit siya lumabas dahil takot na siyang makausap ang mga nilalang na nakausap niya noong unang gabi niya sa Ardeun.
It was like slapping her with reality the she isn't home. She misses her Tita Love, baka nag-aalala na ito sa kanya. Iyakin pa naman iyon, that's why she rarely tells what she fells kasi alam niyang maapektuhan ang Tita niya. They've been together almost her life, mas matagal pa kaysa sa magulang niya. Back then, she would do things to provoke her parents to come home, she had tried alcohol, cutting classes just to let them notice her. Pero ang laging umuuwi ay ang Tita niya, she would come home whenever something happens to her, she stopped doing stupid things when she saw how her Tita was affected by her rebelliouness. She already lost her parents when she was five, and lost her Yaya on her pre-teen years. She isn't going to lose her Tita Love.
“Psst!”
Luminga-linga siya, “Ayan na naman tayo, eh. Nagmumultuhan na naman tayo.”
“Pagpasensyahan mo na ako, noong nakaraan Binibini. Kung natakot man kita, hindi intensyon iyon at ang intensyon na mahulog ka mula sa kama mo.”
“Alam mo, naririnig kita pero hindi kita nakikita. Kung seryoso ka man sa paghingi mo ng paumanhin, kailangan mo 'kong harapin ng personal so I can forgive you.”
As if on cue, a beautiful pixie appeared. It was just as big as her hand, she smiled at her.
“Alam mo, naninibago pa rin ako sa tuwing nakakakita ako ng mga kakaibang nilalang,” she commented.
“Maari na ba akong makipagkilala sa 'yo, Binibini?”
She smiled at her and nodded, “Ako nga pala si Missy Reah, ngunit mas mabuting tawagin mo akong Missy.”
The pixie swirled on the air, "Mayroon na 'kong kaibigan tao!"
"Ano ba ang pangalan mo?" natutuwang tanong niya at inilahad ang kamay niya. The pixie landed on her palm.
"Ako si Santina, nagmula ako sa pangkat ng nga dambana na nagmula sa kagubatan na nasa likod nitong mansyon."
"You're so pretty!" she exclaimed, totoong napakaganda nito. "Bakit wala ka bang tao na kaibigan?"
"Bawal na bawal kaming makihalubilo sa mga tao, maari kaming makita nila ngunit bawal kaming mahawakan. Para mapanatili raw ang balanse ng tao at ibang nilalang "
"Eh, tao ako? Bakit sa akin pwede ka?" she asked.
"Eh, 'di ba nga nakisalo ka sa mga sagradong nilalang noong isang araw? Ni isa sa 'ming mga dambana na lumapit sa 'yo ay hindi ka nakatulog? Isa pa ang sabi ni Pinunong Paco ay isa kang espesyal na tao."
"Espesyal? Isa lang akong normal na tao. Ni walang alam sa mga bagay-bagay," she said and sighed.
Ni wala ngang nakakakilala sa kanya rito, yung alam ng gusto at ayaw niya. Hindi siya sanay makisalamuha at makakilala ng mga tao, she had her own world with the people she knew. She prefers, familiarity rather than unfamiliar feelings and people.
"Espesyal ka, paniwalaan mo."
"Ako lang ba nakakarinig sa mga sinasabi mo?" nagdududa niyang tanong.
"Oo, kaya nga ikaw ang kauna-unahang kaibigan kong tao. Nakakapagod rin makipagsalamuha sa mga kagaya kong dambana," the little pixie wrinkled her nose which earned a laugh from her.
"Bakit? Mabuti ngayon may mga taong kilala ka at kilala mo," katwiran niya pa.
"Hindi rin, may iba rin kasi na masasma ang ugali. Pwede nga lang magpalit ng kaharian ng mga dambana ginawa ko na. Kung hindi lang isang kasalanan ang pagtalikod sa aming kaharian."
She chuckled. "Oh, may mga plastik rin pa lang mga dambana?"
"Plastik?"
"Paano ko ba 'to sasabihin?" huminto siya saglit upang makapag-isip. "Hmm, tama! Ang mga plastik yung mga taong hindi totoo sa harap mo. Yung ang bait kapag kaharap mo, tapos kapag nakatalikod ka na sisiraan ka." Pagpapaliwanag niya pa rito.
Ngumiwi ito, "Eh. Hindi kami tao pero maraming ganoon sa amin. May mababait naman pero may mga dambana na gaya rin ng sinabi mo. Ang nakakainis pa mabait kapag nasa harap ng konseho o ng reyna at hari namin!"
"Naku! Mahirap nga iyan, but you know what. Basta alam mo sa sarili mong hindi ka plastik, wala kang kailangan ipag-alala."
Umalis ito sa palad niya at nagpaikot-ikot sa hangin. Natatawa nga niya itong tignan, parang gusto niya ring maging dambana. Iyong tipong kaya mong lumipad, saan man ang iyong pupuntahan.
A soft knock ruined their moment, Santina flew out immediately.
"Sino 'yan?" she asked.
"Si Aleira 'to, hindi ka pa ba mag-aayos ng pagkain ng iyong Maharlika?"
Her face turned sour, "Hindi ko siya Maharlika, aber! Susunod na 'ko, magbibihis muna ako ng damit."
"Sige," Aleira answered. Hindi na siya nakarinig pa ng boses sa labas ng kuwarto niya.
Sumulyap siya kay Santina na nasa binata, kumaway siya rito bilang paalam at agad naman itong naglaho. She went to the closet on her room, iisa lang naman ang damit roon, kundi kulay asul, puti naman ang kasunod. She had to wear the blue one, after changing her clothes she went outside her room.
Nagpalinga-linga pa siya, mukhang nasa ibaba na ang mga tao. She went downstairs, and saw the maharlika's sitting on the sofa comfortably. Napailing siya sa mga ito, kumaway ang kambal at hindi ito pinansin. She went directly to the kitchen to help them out, si Aleira ay nag-aayos ng mga pinggan. Si Berni naman ay nag-aayos ng mga maiinom. Samantalang si Ceilo ay inaayos ang mga pagkain.
"Pasensya na kayo, kung hindi ako tumulong ngayon. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko," she reasoned out as she enters the kitchen which is true.
Ang bigat ng katawan niya, ang mga buto-buto niya ay masakit. Kahit sandali lang silang naglaban ni Vard, it strained her muscle more than she expected.
"Halika, tulungan mo na lang kaming mag-ayos. Isa pa, ang kusinero talaga sa amin ay si Cielo." Anyaya pa ni Berni sa kanya.
She glanced at Cielo who's staring at her too. She smiled at him apologetically. Lumapit siya kay Berni at tumulong mag-ayos.
"Mabuti at sanay kayo sa ganito," komento niya pa.
"Mahirap kami, kaya dapat sanay kami sa ganito." Biglang saad ni Ceilo at inilagay ang mga ulam.
Ngumiwi siya.
"Sanay kami sa ganito, dahil ganito rin kami sa aming mga tahanan. Ang pinagkaiba lang ay ibang tao ang pinagsisilbihan namin," dagdag ni Aleira.
Kung mayroon lang din siya ay tutulong siya. Ang kaso, sa mundong 'to ni isang kusing ay wala siya. Mabuti na lang talaga ay may pagkain rito at nabubuhay siya. Hindi niya pa nga nahahagilap si Ginang Victorina, kailangan niya itong makausap dahil gulong-gulo na siya sa lahat. Sa tuwing aalis siya ay may iuutos sa kanya ang bakulaw niyang amo.
"Ako na lang ang tatawag sa kanila," pagpipresinta niya pa.
She even left without getting any response from them. Nagtungo siya kung saan naroon ang mga maharlika. They were playing cards.
She cleared her throat to get their attention. Nang makuha niya ay saka siya nagsalita.
"Kakain na raw," she uttered.
Everyone went to the dining and sat on their respective seats. Siya naman ay tumabi sa amo niya, para mapagsilbihan ito. She did right away, nilagyan na niya ng pagkain at nang hindi na siya nito pansinin at utusan. They spent the night in their own ways, she chose to sleep early.
"MAGANDANG UMAGA sa inyong lahat," bati ni Ginang Victorina nang makapasok ito sa silid-aralan.
Nakahinga siya nang maluwag, finally she saw her! Simula ng huli nilang pagkikita ay hindi niya ito nakausap pa. They were already in their classroom.
"Bueno. Ngayong araw na 'to, i-aanunsyo kong ito na ang huling klase tungkol sa mga leksyon. Sa susunod niyo ng pasok, kailangan niyong mag-ensayo. Dahil sa susunod na linggo ay niyo na malalaman kung ano ang itinakda sa inyo. Matapos noon, ay mag-uumpisa na kayong sumbak sa misyon ay kung anu-ano pa. Ang mga taong hindi pa rin biniyayaan ng kapangyarihan sa loob ng isang buwan ay maaring hindi na biyayaan kailan man. Kaya gawin niyong karapatdapat ang inyong nga sarili."
Tahimik naman ang lahat at nakikinig nang maayos sa guro. Even her is listening attentively. Sumulyap sa kanyang gawi si Ginang Victorina at inayos ang suot nitong salamin.
"Iparamdam at ipakita niyo sa diyos at diyosa na kayo ay mga mortal na karapatdapat handugan ng napakagandang regalo, mag-ensayo kayong mabuti."
Ginang Victorina, excused herself after that. She had to move fast as she could, upang maabutan niya ang ginang. Sa ikalawang pasilyo ay natagpuan niya ang ginang, mukhang naghihintay rin ito sa kanya.
"Mabuti at sumunod ka agad," ani nito at ikinumpas ang hawak nitong kahoy.
Sa isang iglap ay bumukas ang pinto at pumasok sila roon. It was like any other room, mayroong mga upuan at mesa. Ikinumpas ulit ng ginang ang hawak nitong maliot na kahoy.
"Kailangan walang makarinig sa atin, kundi pareho natin itong ikapapahamak," aniya pa nito.
"May paraan na po ba, para makauwi ako sa amin?" she asked—pleading is the right term.
"Ikanalulungkot ko mang sabihin, pero hindi pa. Dahil hindi ko matukoy kung saan ka nagmula," she uttered.
She sighed in return. "Nagmula ako sa normal na mundo, walang mahika kagaya ng sa inyo. Kaya siguro hindi niyo mahanap, dahil sa mundong ito hindi iyon mahahanap sa mapa."
Natahimik ang Ginang sa kanyang tinuran, ngunit nang makabawi ay agad itong nagsalita.
"Kung ang lugar na tinutukoy mo ay wala rito. Mas lalo pa kaming matatagalan sa pagpapauwi sa iyo. Kung ibang deminsyon man iyon, ay hindi naman masisigarado na iyon ang mabubuksan naming portal."
"I need to go home, this isn't my home. Naghihintay na sa akin ang aking tiyahin," she almost cried.
"Wala akong ibang magagawa kundi ang gabayan ka rito sa Ardeun. Hanggang ngayon ay hindi pa namin alam kung paano ka maibabalik sa iyong mundo, isa pa kailangan rin namin na malaman ang iyong kaugnayan sa tubig ng karunungan at sa Prinsipe. Maaring umabot pa iyon ng maraming taon."
Maraming taon?
Ilang araw pa siyang naninirahan rito ay ubos na ang enerhiya at pasensya niya. Paano pa kaya kapag umabot ng ilang taon?
O hindi kaya, panghabang-buhay?