SHE ALMOST cursed as she she sat down the grass. Akala niya mabait na ang amo niya, nunka! Pinaglinis siya sa hardin dahil nagkalat raw ang mga patay na dahon isinakto pa talaga nitong mahangin. Mukha siyang tanga sa kakapulot ng dahon, tapos may mahuhulog na naman na bago.
"Kung pwede lang kitang tulungan riyan, Missy. Kaso baka ako naman ang tamaan sa Prinsipe," pahayag ni Aleira na nakamasid sa kanya sa gilid.
"Ano ka ba. Walang kaso iyon! Saka baka may iutos sa 'yo ang amo mo," she said as she started to pick dried leaves again.
"Wala naman sigurong iuutoa iyon, kasi maganda ang gising nu'n!"
"Mukha nga," ismid niya pa at sinulyapan ang Prinsesang nakaupos sa may teresa habang nakangiting pinagmamasdan ang prinsipeng nag-eensayo sa gilid.
"Silang dalawa lang kasi nag-almusal kanina. Pinaalis niya nga ako, eh." Pagkukwento pa ni Aleira.
"Eh, 'di mabuti! Mag-improvement sa lovelife nila. Nang hindi na ako tignan ng masama niyang Prinsesang noodles na iyan," litanya niya.
"Improvement? Noodles? Ano yun?"
Natawa naman siya, "Wala. Basta maayos na sila, saka bagay sila isang prinsesa at isang prinsipe."
"Hindi rin," pagtutol pa nito.
Napataas naman siya ng kilay sa tinuran nito, "Paano mo nasabi?"
"Alam naman halos ng lahat sa paaralan na walang gusto ang Prinsipe sa kanya. Wala ring natitipuhan ang Prinsipe na babae, masyadong itong abala sa pagpapalakas sa sarili at pag-aaral."
"Bakit naman?" usisa niya pa.
"Nung araw na bago ka lumipat, ay ang araw na magkakaalamanan ang lahat kung ano ang kapangyarihan na ipinagkaloob sa kanila ng mga diyos at diyosa. Sa hindi malamang dahilan ay naudlot ang pagpupulong na iyon. Hindi ko pala naikwento sa 'yo. Na ang mga maharlika at mga taong napili nga diyos at diyosa na gantimpalaan ng kapangyarihan ay malalaman lamang kapag bumabad ka sa tubig ng karunungan.
"Tubig ng karunungan? Saan ko nga ba 'yon narinig?"
"Ang tubig ng karunungan ang silbing gabay at taga pagloob ng kapangyarihan. Dito malalaman kung anong uri ng kapangyarihan, maaring kapangyarihan mula sa elemento. Maaring, kapangyarihan, paggamot, sa mga orasyon at kung anu-ano pa. Ang iilan ay pinagkalooban ng normal na kapangyarihan, gaya ng magandang boses, pag-amo sa mga hayop at kung anu-ano pa. Hinihiling ko nga na sana mapabilang ako sa mga magiging mandirigma nang maiahon ko naman sa kahirapan sila Inay at Itay. Anong pa ang silbi ng pag-aaral ko rito sa Akademiya kung hindi ko mababago ang sitwasyon namin."
She paused for a while and smiled, "Alam mo lahat tayo may kakayahan baguhin ang tadhana. Basta matibay ang puso at isipan mo. Naniniwala ako sa 'yo Aleira kaya maniwala ka rin sa kakayahan mo."
"Salamat sa pagniniwala sa kakayahan ko, Missy. Teka, hindi ko pala na tanong sa 'yo. Masyado akong naging abala sa pagsisilbi sa maharlika."
"Hmm, ano yun?" pinagpag niya ang kamay at nag-inat. Pagod na siyang makipaglokohan sa pagpupulot ng patay na dahon.
"Hindi ba pareho kayong walang naitadhanang sandata ng Prinsipe. Paano na iyon?" naguguluhan na tanong pa ni Aleira.
Sumulyap siya saglit sa among abala sa pag-eensayo ng espada. "Hindi rin ako sigurado. Hindi naman nilinaw sa amin ni Maestro. Ang tanging sabi niya lang ay mag-eensayo raw kami."
"Imposible nga kasi iyon, ang sabi rito lahat ng tao may nakatadhanang sandata. Lahat ng estudyante rito sa Ardeun ay may nakalaan na estilo ng pakikipaglaban."
"Baka wala sa mga sandata na iyon ang para sa amin. Malay mo, kailangan pa naming hanapin."
Natataranta namang tumayo nang maayos si Aleira, "Kailangan ko na 'atang umalis. Papalapit ang Prinsipe, mamaya na lang Missy!"
Bago pa siya makatugon ay kumaripas nang takbo si Aleira. It was epic! Ang sarap sana ng tawa niya kung hindi lang papalapit ang kampon ng kadiliman sa kanya. She had to pretend picking dry leaves again to ignore his presence.
"Tigilan mo na 'yan dahil hindi ka naman nagpupulot. Nagkakalat ka lang," he was holding a sword, he tries take her attention by kicking the dried leaves she had set aside in the box.
"Sana naman na isip mo 'yan kanina," mataray niyang sabi.
"Ngayon ay mag-ensayo tayo," he announced.
"No way!" she exclaimed.
"Anong ang ibig mong sabihin?"
"Ayaw ko nga, pagod ako ano! Saka wala akong balak pagurin pa ang sarili ko," she even rolled her eyes.
"Ayaw mo? Sige, ngayon mamulot ka ng patay na dahon hanggang mamayang gabi!"
"Napaka ano mo!" reklamo niya pa, sambakol ang mukha niya nang humarap siya rito. "Bakit ba kasali ako? Eh, hindi ko naman iyan kailangan. Utusan lang ako, hindi kasali sa job description ko ang maging punching bag!"
"Anong pinagsasabi mo riyan, gumamit ka nga ng diyaliktong naiintindihan kita." Malumanay ngunit may diin na turan nito
"Opo, Boss Amo." Labas sa ilong niyang sabi.
"Boss Amo?" nalilito nitong tanong.
"Mag-eensayo ba tayo o hindi?" she asked while crossing her arms.
Vard didn't answer instead he walked away and went to the area where he had practice. There were various types of weapons, dinaig pa nito ang klase nila noong nakaraang araw. Sumunod naman siya rito, mukhang bugbog ang aabutin niya ngayon.
"Oh!" bigla itong humarap at itinapon ang espada.
"Dip s**t, ha!" she screamed at umiwas, mukha siyang tanga. "Pwede mong iabot nang maayos, gusto mo atang maputulan ako ng kamay!"
"Oh, anong kaguluhan 'to?!" napalingon silang dalawa ni Vard, it was none other than the maharlika's except the Princess who was at the terrace glaring at her.
"Duh! Inaano ko na naman siya?" she said to herself.
"Isang labanan, ang kanyang taga-pagsilbi laban sa isang maharlika!" usal ng isa sa kambal, na hindi niya mawari kung sino rito. Basta alam niya magkamukha ang mga ito.
Nasa gilid nila ang tatlong lalaki, they were throwing at them with weird stares.
"Sigurado akong mananalo ka, riyan Vard!" Ani ng isa sa kambal.
"Kaya mong talunin iyan, baka nga wala pang minuto tapos mo na iyan!" dagdag ng isa kapatid nito.
"Manahimik kayo kambal at baka pagbuhulin kayo ni Vard," the other guy said while fixing his hair.
Napantig ang tenga niya sa narinig, kahit babae siya may ibubuga siya. Hindi nga lang kasing galing ni Vard. She knew how to hold the sword. Her Aunt Love enrolled her in a lot of extra curricular activities. Katwiran nito, she need to know how to protect herself. Mukha tama ito sa naging desisyon nito, sana nga talaga sineryoso niya dati. Malay ba naman niyang matatapon siya sa mundong ito.
"Manahimik kayo riyan o kayo ang makakalaban ko, pumili kayo." Walang ganang saad ni Vard.
She picked up the sword on the ground, umayos siya ng tayo. Kung mamatay man siya sa araw na 'to, adios. Atleast nakakita siya ng dragon at pixie, nahulog siya sa higaang lumulutang.
"Ano na, Boss Amo?" she said. "Bilisan na natin, gutom na 'ko. Hindi ako nakakain dahil sa kakautos mo, aber! Hindi mo pa 'ko tinirhan sa niluto ko—gaga!"
Napatili siya nang biglang nasa harapan niya na ang amo niya at iwinasiwas na ang sandata nito. She had to scoot back, iniharang niya ang espada niya. Masyadong malakas ang Prinsipe kung ikukumpara sa kanya. Kamuntikan na siyang tumilapon, but Vard didn't indicated any rules.
She smiled innocently, malakas niyang itinulak ang espada pabalik kay Vard. Tila isang papel ang katawan niya sa gaan, parehong silang palaban ni Vard. Hindi nga nito inisip na ensayo lang, he was dead serious like he was in a real battle. They were fast like a wind, moving in rhythm. She had her all smiles but deep inside her she was trying not to faint.
He kept on attacking her, she couldn't think straight. Naiilang siya sa mata ng binata at gutom na gutom na siya. Sa pag-atras niya ay nakaapak siya ng bato, napahiga siya sa damuhan. He was about to hit her on final blow.
She kicked his thing not strong enough but just to distract him. Nabitawan nito ang espada, kamuntikan pang tumama sa kanya mabuti nalang at gumulong siya papalayo. Vard on the other hand crouched in pain, doon niya lang napagtanto kung ano ang nagawa niya.
"Oh my God!" she screamed and went to him. "Sorry! Hindi naman masydong malakas pagkasipa ko sa ano mo!"
"Anong hindi?! Mamamaluktot ba ako sa sakit kung hindi?" he said while gritting his teeth.
"Wala ka rin naman sinabi na bawal, saka I had to do it! Kung hindi ko ginawa edi shutay ako!"
Before Vard could argue, a loud clap of hands tool their attention. Saka lang nila na pagtantong may nanunuod. Lumapit ito sa kanila, habang siya ay hinimas-himas ang likod ng Prinsipe sa pag-aakalang makatutulong ito.
"Mahusay ka babae!" isa sa kambal ang nagsalita, napansin niya itong may nunal sa ilalim ng labi.
"Hindi ko naisip na gagawin mo iyon!"
"Nakakabilib ang iyong ginawa binibini. Maaari ba kitang ligawan?" ngayon, ay ang kambal na walang nunal sa mukha ang nagsalita.
Habang ang lalaki kanina na sumaway sa dalawa ay nanatili sa kinatatayuan nito kanina.
"Ano ba?! Sino ba ang kaibigan niyo rito ako o siya?" Vard said, displeased laced on his voice.
Napailing na lang siya at inakay patayo ang prinsiping namimilipit pa rin sa sakin.
"Lumayo nga muna kayo. Gusto niyo bang ang inyo na naman ang sipain ko?" pagbabanta niya pa parehong mabilis pa sa alas kuwatrong umiling ang dalawa at nagbigay daan sa kanila. Naglakad silang dalawa habang nakaalalay siya sa amo.
"Paumanhin Kamahalan, ikaw kasi, eh! Sa matatalo na 'ko, alangan naman hayaan kitang gilitan ako ng leeg? Syempre I had to find ways! Hindi ko alam na napalakas pala pagkalasipa ko sa diyamante mo," she explained.
Vard grimaced, "Anong diyamante?"
Ininguso niya ang bagay na nasa pagitan ng prinsipe, he winced. Mukhang naalala nito ang pagkasipa niya rito kanina. Bumitaw ito sa kanya at lumayo.
"Iligpit mo na nga lang ang mga gamit roon at huwag kang lalapit sa 'kin. Kailangan isang metro ang layo mo! Dahil sa ginawa mo, dalawang oras kang mamulot ng dahon!" he said and left nakanganga lang siya rito
She touched her chest, "Bakit parang kasalanan ko? Bakit ako?"