Kabanata Bente Cinco

1842 Words
25 IT WAS ALREADY DARK but they haven't done any task. Kanina pa sila palakad-lakad Sobrang lawak pala ng gubat ba ito. Hindi nila matukoy-tukoy kung saan hahagilapin ang dambuhalang ahas at ang haring leon. They have been walking for hours but still couldn't find a giant snake. Sawang-sawa na siya sa pagmumukha ng mga kasamahan niya. Her feet is already aching. They were sitting on the ground. Para silang nagkacamping lang but they were actually down for a mission. "Bukas ay kailangan nating bilisan dahil kaunting panahon lang ang meron tayo. Sa ngayon ay kailangan muna nating magpahinga," Prince Vard said. Hindi pa naman siya dinadalaw ng antok, kaya she'll probably roam a little for a while. Ang apat na lalaki ay pumuwesto na sa kanilang mahihigaan. Mga pinagkumpul-kumpol na dahon ng saging. Ganoon rin ang Prinsesa. Samantalang siya ay dilat na dilat pa ang mga mata. Kahit anong gustuhin niya ay hindi siya dinadalaw ng antok. She waited for them to fell asleep. Maingat siyang tumayo at kinuha ang espada niya, nais niyang palamigin ang kanyang isipan. Bitbit ang sandata niya ay maingat siyang naglakad, bawat punong dinadaanan niya ay minamarkahan niya. Bitbit niya rin ang garapon na naglalaman ng apoy. Hanggang sa makarating siya sa isang sapa, ito ang kanina niya pa naririnig na daloy ng tubig. She removed her clothes and went into the water, malinaw na malinaw ang tubig ang repleksyon ng buwan ay kaakit-akit tignan. Ibinabad niya ang katawan sa tubig, hindi na siya lumayo sa pwesto kung nasaan ang sandata ang mga damit niya. Natuto na siya sa nangyari, ang kapahamakan ay parang kabute bigla na lang sumusulpot. She was enjoying the fresh water and the beautiful moonlight. Pakiramdam niya ay napapawi ang pagod niya at ang lungkot. She had been scared of sleeping, she's too scared to dream of things. "Lord, I don't know what do you really want from me. But please, guide me in every aspects of this journey. Huwag mo sanang pahintulutang may mangyari sa mga taong nakapalibot sa 'kin. I may don't personally know them, but I don't want anyone to die right in front of me." Taimtim niyang dasal. What happened to the Prince was traimatizing. Kaya simula nang makabalik sila ay wala siyang kinausap ni isa, tanging tango at iling lang ang ginagawa niya. Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan niya ang nangayari. How the Prince pinned to the tree, how blood scattered on the ground. It was too much to digest. She just want to get out from this forest without getting killed. She wants to get out without seeing anyone die. Nangmahimasmasan na siya ay nagpasiya siyang umahon na. Matagal-tagal rin ang ibinabad niya sa tubig. Isinuot niya ang damit niya at kinuha ang sandata niya sa lupa. Kinuha niya rin ang garapon na may apoy. Maingat siyang naglakad labalik. After a few minutes, nakarating siya sa pinagpapahingahan nila. But what made her shock is that Prince Vard isn't there. Nagpalinga-liga siya upang hanapin ito ngunit wala pa rin ang Prinsipe, baka nag-umpisa na itong maghanap. She decided to take her bag to change her undergarments. Nagtago siya sa likod ng puno at hinubad ang suot niyang damit. She removed her wet undergarments and her slightly wet dress. Siguro naman ay walang makakakita sa kanya at makakapansin sa postura niya. Malaki naman ang punong nasa harap niya. She took her another undergarment and wore it. She was about to wear her dress. "Andiyan ka lang pala," a baritone voice spoke. Sa taranta ay nauntog siya sa puno. For Pete's sake! She was only wearing her undergarments, paano pa kaya kung hubo't hubad siyang naratnan. "s**t!" she cursed when she saw it was Prince Vard who was dumbfounded. His ears turned read when he realized she was only wearing her undergarments. Agad namang tumalikod ang Prinsipe. "Bilisan mong magbihis!" Nataranta naman siya kaya agad niyang isinuot ang bestida niya. Medyo masakit pa rin ang ulo niya, mukhang magkakabukol ata siya ngayong gabi. Huwag naman sana siyang magmukhang Flower horn. She made sure she was already dressed. "Bakit ka ba kasi bigla-biglang sumsulpot!" inis na inis niyang saad. Marahang humarap sa kanya ang Prinsipe. When he saw she was wearing a dress, tila nabunutan ito ng tinik sa lalamunan. Mamula-mula pa rin ang mukha nito. "Saan ka ba nagtungo? Hinanap kita dahil bigla kang nawala. Paano kung maulit ang nangyari kanina?" sunod na sunod na tanong ng Prinsipe. "Hephep! Naligo lang ako sa sapa. Kaya wala kang dapat ika bahala, dahil buo tayong uuwi lahat." "Sa susunod magpaalam ka!" Nakapamewang siya sa tinuran ng binata. "Natutulog kayo, alangan namang gisingin ko kayong lahat para magpaalam?" "Kahit na. Paano kung napahamak ka! Paano—" She raised her right hand, "Kalma Boss. Nandito ako at buong-buo sa harapan mo, walang galos o kung anuman. Kaya huwag mo na 'kong pagalitan!" "Pinagsasabihan lang kita dahil napakatigas ng bungo mo," he sighed and glance to their team mates direction. "Kahit isa sa kanila mawala hahanapin ko, dahil kagrupo ko kayo. Kaya utang na loob huwag kang pasaway, Babae!" "Che!" "Magpaalam ka sa susunod!" "Oo na po, Kamahalan." She even bowed down her head for courtesy. Umiling-iling lang sa kanya ang binata bago tumalikod. Siya naman ay sumunod, kinuha ang mga gamit niya. Nakaramdam siya ng antok dahil sa pagligo niya. She suddenly felt refreshed and sleepy and went to her area. She touched the necklaced on her neck and prayed silently again. NAGISING SIYA nang maramdamang may nakamasid sa kanya. Gusto man niyang imulat ang mata pero pinakikiramdaman niya muna, she rolled to left side and touched the swored beside her. Kunyare gumalaw lang siya. But she's actually getting ready. Nakarinig siya ng kaluskos, she was calm at first but when heard big steps and soft growl. Idinilat niya ang mga mata niya. At napasinghap sa nakita. She saw big blue eyes. She gripped her sword tightly. But as she stood up, the blue eyes were gone. Mabilis itong tumakbo kaya nagising ang iba niya pang mga kasamahan. "Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Trevian habang kinukusot pa ang mga singkit na mata. "I think I just saw —ibig kung sabihin may nakita akong malaking kulay asul na mga mata!" "Anong ibig mong sabihin?" Sa gulat ay napalunok siya, It was Prince Vard and he was already beside her. Napanganga na lang siya sa gulat. "May nangyari ba?" pag-ulit nito. Umiling siya. Bago makasagot ay sumabat na ang impakta. "Wala naman pala. Masyado kang papansin, Babae!" matabang na saad ni Prinsesa Daiana. Imbes na patulan ay tinitigsn niya ang Prinsipe. "Sigurado ako, hindi tao ang nagpapamasid sa atin kanina. Mukha itong lobo." "Sigurado ka bang lobo ang nakita mo?" Trevian asked. She shook her head. "Hindi ko alam kung lobo ba iyon o leon. Pero nakita ko ang asul na mga mata na nakamasid sa 'tin. Nang magkasalubong ang aming mata, bigla itong kumaripas ng takbo." "Kung lobo, iyon. Ay kailangan nating umalis ngayon din," suhestiyon ni Kremor. "Bakit? Baka mapatay tayo?" naguguluhan niyang tanong. "Minsan gamitin mo rin ang utak mo. Hindi iyong pagmumukha lang," biglang pasaring naman ng Prinsesa. Hindi na niya pinansin pa ang komento nito. "Kailangan nating umalis agad kung hindi isa sa inyong dalawa ay magiging kasapi ng mga lobo," kalmadong saad ng Prinsipe saka ay tinignan siya. "Kailangan niyong makipagpalit ng damit sa lalaki at itapon ang iba niyo pang damit." Hindi na siya nakahuma pa. Silang dalawa ng Prinsesa ay pinagsuot ng damit ng lalaki. Suot niya ang damit ng Prinsipe, ganoon rin si Prinsesa Daiana. Ang mga damit nila ay sinunog at ang tanging itinira lang ay mga mahahalagang bagay gaya ng gamot. Kahit siya may lito ay sumunod siya sa utos ng apat na kalalakihan. Matapos nilang sunugin ang mga damit nila ay agad silang naglakad papaalis sa kung saan sila natulog. Prince Vard made sure she and Princess Daiana are in the middle. Habang sa likuran nila ay si Trevian at Kremor. Katabi niya si Mizchell na tila antok na antok pa. Gusto man niyang magreklamo pero ang mga kasamahan niya ay tahimik lang. Lahat ng nadaanan nila ay nag-iwan sila ng marka bilang palatandaan. Antok na antok na siya, halos matumba na siya sa sobrang antok. Binaybay nila ang kagubatan at ang tanging ilaw ay ang apoy na mula sa garapon. Ito ang naging gabay nila, bumibigat na ang talukap ng kanyang nga mata. She was really close to fainting. "Mag-ingat ka naman" bulaslas ni Trevian ng kamuntikan na siyang madapa dahil sa antok. Kinusot-kusot niya pa ang mata. "Sorry. Inaantok na 'ko," bulong nito. Kahit nga masakit ang paa niya na tumama sa bato ay mas matimbang pa rin ang antok niya. Isang oras lang 'ata ang tulog niya kanina. She couldn't keep it up like them, mas mahaba ang tulog ng mga ito kumpara sa kanya. Humikab pa siya. "Maari ba muna tayong magpahinga, Kamahalan?" magalang na tanong ni Trevian na ikinalaki ng mga mata niya. "Paumamhin ngunit hindi, kailangan na rin nating kumilos. Dahil ni isa sa mga nasa listahan ay wala pa tayong nakuha." "Ano ang dapat nating makuha?" Trevian asked. "Ang luha ng bulag na ahas. Itim na buhok ng puting leon at ang mahiwagang bulaklak," he said while looking at the map he was holding. "Meron ba no'n?" mahina niyang tanong sa sarili. "Oo, ang luha ng ahas ay makapangyarihan. Iyon ay isa sa pinaka mabisang gamot, na maaring makapagpagaling sa kung sino man." Trevian said and glanced at her, his lips curved in a small smile. "Saan ba mahahanap iyon?" "Sa kuweba, pero mailap ang mga ahas. Ang puting leon ay nasa tuktok ng isa sa mga bundok na narito." The Prince handed her the map. Sinubukan niyang intindihin ang nga nakasulat ngunit hindi niya maintindihan. Hindi rin siya magaling sa pagtingin sa mapa at kompas. "Paano natin mahahanap ang tatlong bagay na iyon sa loob ng tatlong araw?!" Sa laki ng kagubatan, paano nila mahahanap lahat? Makakaligtas ba sila at mapagtatagumpayan lahat ng pagsubok. O uuwi sila ng luhaan? INUMAGA na sila sa paglalakad, lagkit na lagkit na siya sa suot niya. Halos maduling na rin siya sa gutom, they stopped in a small cave. Akala nga nila, ito na ang sagot sa hinahanap nila, but it was too small that it can only be used as a temporary shelter for them. The boys three boys went out, ang naiwan lang ay ang Prinsesa Daiana at si Mizchell. She was actullay getting bored with their situation. "Paypayan mo nga ako," utos ng mahaderang Prinsesa. Ngunit nagtulog-tulogan siya, she acted like she didn't hear her. Hindi niya ito obligasyon ngayon, their mission is to test their fighting skills and survival skills. Paano na lang kung walang mag-aalaga rito, eh 'di namatay ito sa init at gutom. Princess Daiana must learn independence, hindi iyong kaunting kibot iaasa sa iba. Paano kung ito ang magiging reyna ng Ardeun, eh 'di wala itong sariling paninindigan. She must nurture herself, hindi ibang tao ang tutulong para umunlad ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD