"KAILANGAN nating mahanap lahat ng nasa listahan. Ang unang makahanap sa mga bagay na iyon ay ang siyang tatanghaling panalo. Handa ba kayong manalo?" ani ng isa sa kagrupo nila, kung hindi siya nagkakamali Trevian ang pangalan nito.
The Prince didn't say anything but his eyes was filled with fire and passion. Ganoon rin ang iba niya pang nga kasamahan, habang siya ay bitbit ang gamot na ibinigay sa kanila kanina. Lahat sila ay may bitbit na mga sandata, kanina ay naisip niyang piliin ang pana but her reflexes isn't that great, so she chose sword same as the Prince. Habang ang Prinsesa ay pinili ang pana.
Lahat ng grupo ay nakatayo sa labas nang napakalaking gate. Nakakalula ang taas ng gate, it was towering them. They were waiting for the go signal of their Maestro to enter inside the Dásos vías. Hindi niya alam ang ibig sabihin noon, she stayed silent the whole duration. Ni isang salita ay wala siyang binigkas, tango at iling lang ang ginagawa niya.
"Makinig kayong lahat!" it was Maestro Azscar. "Ngayon ay bubuksan ang pinto sa Dásos vías. Ang paalala ko sa inyo, pumasok kayo ng buhay lumabas kayo ng buhay. Kahit anong mangyari, huwag kayong mamamatay. Pagbilang ko ng tatlo, pumasok na kayo sa loob. Isa, dalawa," itinaas nito ang kamay nito hawak ang wand. "Tatlo!" Biglang bumulusok ang apoy mula sa dulo ng patpat.
Sa pagbulusok ng apoy paitaas, ay bumulas ang malaking pinto. Bumungad sa kanila ang naglalakihang puno at nagliliparang mga ibon. Naglakad sila papasok, when everyone was inside the gate suddenly slammed. Lahat ay nagulat at napasinghap. Pero ilang segundo lamang ang lumipas, lahat ay nagseryoso at agad kumilos upang umpisahan ang misyon.
"Ano tutunganga ka na lang riyan?" pasaring ng Prinsesa.
Hindi na siya sumagot pa bagkus ay tinignan niya ang mga kagrupong seryoso rin ang ekspresyon.
"Handa na ba kayo?" Prince Vard asked as he take the map inside his pocket.
"Opo!" sagot ng lahat maliban sa kanya.
"Hindi tayo nakakain ng tanghalian dahil bumyahe tayo. Ang kailangan natin gawin ay kumain muna, kailangan nating manghuli ng isda, maghanap ng prutas ay kung ano pa. Dahil ang pagkain ay siyang magbibigay sa 'tin ng lakas. Matapos iyon ay umpisahan nating hanapin ang lungga ng mga ahas, kailangan nating makakuha ng luha nito. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Tumango lahat ulit, pero ang tanging nasa isip niya lang ay ang kumain. Kanina pa talaga kumakalam ang sikmura niya, so without hesitations. She raised her right arm.
"Maari bang magsuhestiyon?" Tinignan lang siya ng mga ito, ni walang mga reaksyon. "Kailangan nating maghiwahiwalay sa paghanap ng makakain para mas mabilis at magkita lang tayo sa isang tagpuan?"
"Maari iyon!" Trevian second demotion, tinaas pa nito ang kaliwang kamay.
Prince Vard glanced at her, hindi naman nagtagal iyon at bumalik ang tingin nito sa mapang hawak niya.
"Kailangan natin pumunta sa isan ilog at simula doon ay maghiwahiwalay tayo. Makalipas ang tatlumpong minuto ay bumalik kayo sa ilog."
LAHAT ay naging abala sa paglalakad. Nasa unahan ang Prinsipe at Prinsesa, silang dalawa ang lider ng grupo. Samantalang siya at ang tatlong lalaki ay tahimik na nakasunod sa mga ito. Binabaybay nila ang kagubat, lahat ng grupo ay naghiwahiwalay na hindi na nga siya nakapagpaalam kay Aleira dahil ang grupo nito ay umalis na agad.
Trevian faked a cough, she raised her brow and looked at him through her peripheral vision. Nang makita nitong hindi siya natinag ay umubo pa ulit ito na ikinatawa nang dalawa pa nilang kasamahan. Tinignan niya ito, hilaw na ngumiti ang lalaki habang nakakamot sa ulo nito.
"Nais ko lang sana makipagkilala bilang kagrupo mo?" halos mautal-utal pa nitong tanong.
She nodded, "Missy."
Nakahinga nang maluwag ang binata. "Ako si Trevian at ang dalawa pa nating kasama ay si Mizchell at si Kremor."
Ngumiti ang dalawang lalaki sa kanya. Nginitian niya naman ang dalawa tanda ng paggalang.
"Siguro naman pwede tayong magtulungan dahil magkagrupo tayo?" Trevian asked.
"Malamang sa malamang," matabang niyang saad dahil gutom na gutom na siya.
"Pasensyahan mo Binibining Missy si Trevian ngayon lang kasi iyan nakausap ng babae," pagbibiro pa ni Mizchell.
"Ayos lang naman na makipag-usap dahil nasa iisa tayong grupo. Sadyang wala lang talaga ako sa mood makipagchikahan," she said dryly while touching her belly. Gutom na gutom na talaga siya.
"Mood? Chikahan?" magkasabay na tanong ng tatlo na ikinangiti niya.
Simula nang makarating siya sa Ardeun ay ni isa ay walang lumapit sa kanya upang makipagkaibigan sa kanya. It was a actually right for her, the people she only knew were her team the Muchassie and none other than, the Maharlika's who brings the worst in her.
"Paumanhin sa 'king nasabi, sadyang gutom na gutom na talaga ako!" as she finished her sentence her tummy growled in hunger.
That earned a laugh from them, kaya natawa na rin siya. The four of them are getting along as they start their mission samantalang ang magkapareha ay abala sa pagtingin sa mapa. She felt relieved because Princess Daiana wouldn't torment her, masyado itong abala sa pag-solo sa
Prinsipe. Which is a good point for her dahil hindi siya mauutusan ng amo niya dahil andyan ang
Prinsesa para gawin ang lahat.
Habang nagtatawanan sila ay biglang humarap ang Prinsipe, hindi halos maipinta ang mukha nito. Aburido na naman ito sa kanya.
"Hindi niyo ba bibilisan ang paglalakad?!" bakas sa boses ng Prinsipe ang iritasyon kaya silang apat ay agad na kumaripas ng takbo papalapit sa dalawang Maharlika.
Nang makalapit sa dalawa ay agad siyang tinignan nang masama ng Prinsipe. He was really glaring at her, he handed her the map.
"Teka aanhin ko 'to?" nalilitong tanong niya.
Nagpalinga-linga siya sa dalawang Maharlikang parehong nakabusangot.
"Bagay nga silang dalawa parehong galit palagi!" she thought.
"Ikaw ang magbasa ng mapa, ikaw ang mauuna." Prince Vard said, kulang nalang ay kurutin siya nito sa inis.
Halatang inis na inis ito sa kanya, nakaigting ang panga nito.
"Eh? Hindi ako marunong tumingin sa mapa, Boss! Okay sana kung Waze o Google map iyan na pweding izoom in," pangangatwiran niya pa.
"Ako na lang po ang titingin sa mapa," Trevian said while raising his right hand.
She sighed in relief, baka kung siya ang pinatingin ay baka sinunog na niya ang mapa sa inis. She isn't good with directions pa naman, kaya her Aunt love is always to the rescue for her kapag nagkandaligaw-ligaw siya. Binigyan siya nito ng kwentas na may tracker. But she left it in the falls with her clothes. Siguro ay nahanap na iyon ng Tiyahin niya.
Hanggang sa makarating sila sa isang ilog ay nakapagitna siya kay Trevian at Prinsipe Vard. Kahit gustuhin man niyang mapag-isa ay wala siyang magagawa, they were a team. And a team should be with each other, no one must be left alone. That's what she learnt with her two best friends
"Sa wakas!" she said to herself, maghahanap na sila ng makakain.
"Kailangan nating maghiwa-hiwalay," Trevian said.
"Pwede kami na lang ni Mizchell?" Kremor asked.
Prince Vard shook his head, "Kailangan nating magbunutan para malaman kung sino ang magkakasama."
"Paano tayo magbubunutan, eh wala naman tayong dahon at tinta rito, Kamahalan." Mizchell said.
"Hindi ba pwedeng tayo na lang ang magkasama, Vard?" ani ng Prinsesa sa mahinhin na boses.
"Mag maiba taya na lang tayo, nang matapos na tayo!" she suggested, God her tummy is growling, screaming for foods.
"Maiba taya?" akmang magtataray na ang Prinsesa sa kanya pero itinaas niya ang kaliwang kamay.
"Hep! Para mas madali, ipagpatung-patong natin ang ating kamay. Isa kamay lang ha," she even demonstrated it. She placed her hand and signaled them to do the same. "Matapos niya, pagbilang ko ng tatlo. Kailangan niyong mamili kung mananatiling ganoon ang posisyon ng mga kamay niyo o ititihaya niyo. Naintindihan niyo na?"
Tumango lahat maliban sa Prinsesang masama pa rin ang timpla sa kanya.
"Isa, dalawa," she paused for a second and breathe. "Tatlo, maiba taya!"
Si Mizchell at Kremor ay parehong nanatili ang posisyon ng mga kamay nila. Samantalang silang apat ay parehong nakatihaya ang palad.
"Kayo ang magkapareha," turo niya sa dalawa. Inalis ng dalawa ang kanilang mga kamay, umulit na naman silang apat. "Isa, dalawa, tatlo, maiba taya!" she screamed and let her palm face the ground.
"Hindi!" tutol ng Prinsesa nang mapansin na ang magkapareha ay silang dalawa ni Trevian.
At kamalas-malasang sila na naman ng Prinsipe ang magkasama. She wants to suggest to retry the game again, pero nanaig na talaga ang gutom niya.
"Ayos na iyon, kailangan na nating maghiwawalay upang maghanap ng pagkain. Kayong dalawa, Daiana ay maiiwan rito sa ilog upang mamana ng mga isda." Bumaling ito kay Prinsess Daiana at Trevian. "Dahil pareho kayong pinili ang pana ay maiiwan kayo rito. Samantalang kami ay magtutungo silangan at kayong dalawa ay sa kanluran. Mayroon lamang tayong tatlumpong minuto para maghanap ng makakain at ang tatlumpong minutong sunod ay magpahinga matapos kumain. Kailangan nating lahat ng lakas, dahil uumpisahan na nating gawin ang misyon!"
She wanted to object about them being together. But what matters the most is that she's angry as heck and her body is screaming for food. Nag-inarte pa kasi siya kaninang umaga. Naghiwahiwalay silang lahat, kasama niya ang amo niyang seryosong-seryoso ang mukha. They walked and walked to find some fruits. Lahat ng nadadaanan nila ay kinamarkahan nila ng ekis at numero para hindi sila maligaw pabalik.
While they were walking she saw a mango tree, hitik na hitik ang mga bunga nito.
"Teka lang!"
Huminto ang Prinsipe at lumingon sa kanya. Inginuso niya ang puno ng mangaa may di kalayuan sa tinatayuan nila.
"Bakit ba?" bakas sa mukha nito ang iritasyon.
Nginuso niya ulit ito.
"Gusto mo ng halik?!"
Her eyes widen in shock, her jaw almost reached the ground.
"Siraulo!"
"Ano ba kasi ang ininguso-nguso mo riyan, ha?! Kanina ka pa hindi nagsasalita paano ko malalalaman ang tinutukoy mo."
Namumula ang magkabilang pisngi niya sa inis. "Bakit ka ba nagagalit?!"
Napahilamos sa mukha ang Prinsipe. "Hindi ako, galit. Ang nais ko lang magsalita ka nang maayos kasi hindi ako manghuhula. Kung may problema magsabi ka!"
"Sinabi ko bang hulaan mo mga sinasabi ko?"
Prince Vard sighed in defeat, "Ano ba ang sinasabi mo?" tanong niya sa malumanay ng tono.
"May manggang hinog," she said and pointed out the tree, nine o'clock from their position.
Hindi na nagsalita ang Prinsipe at minarkahan ang punong nasa harap nila. Pagkatapos ay naglakad ito papunta sa puno ng mangga na tinutukoy niya. Sumunod naman siya sa binata, they stopped in front of the tree. May kataasan ito kaya hindi nila alam kung ano ang gagawin. Gutom na gutom na talaga siya, her stomach grumbled in hunger again. This time, it was too loud that the Prince looked at her.
She rolled her eyes. "Gutom na gutom na ko kaya bilisan na natin."
The Prince bowed on the tree while his hand touched its trunk. "Mahal na puno, nais naming kumuha ng iyong bunga. Sana kami ay iyong pahintulutan na kumuha at gumawa ng paraan para makaakyat."
The wind blown, making the dried leaves fell on the ground.
Yumuko ulit ang Prinsipe saglit at nag-umpisang umuukit sa katawan ng puno. Iyon ang nagsilbing daan para makaakyat ang Prinsipe sa puno. Habang siya naman ay nag-umpisang batuhin ang mga bunga upang mahulog. May iilang nahulog at agad niya iyong kinuha. She throw rock multiple times until she had a lot of fruits, habang ang Prinsipe ay nangunguha sa ibabaw. Siya naman ay prenteng nakaupo sa lupa at nag-umpisang kumain. She devoured the ripe mangoes, it was so sweet and addicting. Kaya halos maubos niya ang sampung manggang nakuha niya.
A loud bam ruined her mukbang. Nang lumingon siya, she saw a wild boar. Mas malaki pa ito sa kanya, matulin itong tumakbo at binabangga ang mga puno. But the wild boar roared when it saw her. Sa gulat ay nanigas siya sa takot. Matulin itong tumakbo patungo sa direksyon niya, ang tanging nagawa niya lang ay kumurap sa takot. Her life flashed before her eyes. She was now waiting for her death.
Handa na siyang mamatay, napapikit na lamang siya nang mariin. But a strong arm lifted her in just swift moves. Her heart was beating erratically. It was Prince Vard, he was holding her like was the most precious thing.
"Ayos ka lang ba?" he asked while looking at her.
She nodded, words can't escape her.
Tumama ang baboy ramo sa puno nang napakalakas. Tumunog nang napakalakas ang puno, the tree almost cracked. Kung sa kanya tumama ang napakalaking baboy ramo ay paniguradong ang katawan niya ay lasug-lasog.
Her hands where shaking in fear.
But the wild boar was still alive, lumingon ito sa direksyon nila. The wild boar stomped it feet to the ground, the next thing they knew. It was already running towards their direction.
The Prince pushed her away, she fell to the ground.
"Kamahalan!"
she screamed at the top of her lungs. Ang baboy ramo ay matulin na tumakbo sa direction ng Prinsipe. The Prince pushed her to save her. Her tears fell seeing the Prince getting killed right before her eyes.
Tumama nang malakas ang Prinsipe sa puno.
She couldn't help but screamed his name. "Vard!"
Halos mawalan siya ng ulirat nang makitang ang dugo ay tumulo mula sa sahig. Never in her life, she saw something like this. She may act tough but in times of this situation, she couldn't help herself sane. Tears streaming down her face.
"No! You can't die on me. Hindi ka maaaring mamatay!" halos gumapang na siya sa sobrang panghihina sa nakita.
The Prince smile at her, "Hindi ako mamatay kaya huwag mo 'kong iyakan na para bang ito na ang huling araw ko."
Then he pushed the wild boar with all his might. She breathed heavily as she saw the wild boar fighting for it's life.
"Hindi ka nasaktan," masinok-sinok niyang usal habang nanginginig ang kanyang mga labi at kamay.
It wasn’t him but it was the wild boar. Nasaksak niya ito ng Prinsipe, halos mawalan siya ng lakas. Napahiga siyasa lupa, hindi niya kinaya ang nasaksiha.
The Prince rushed towards her, he held her softly.
"Nasaktan ka ba?"
Umiling siya. "Tinakot mo 'ko!"
She bursted in tears, the Prince held her to his arms. Sa inis ay hinampas-hampas niyabang dibdib ng binata.
"Akala ko mamatay ka na, putang ina!"
The Prince laughed at her, "Buhay pa 'ko. Huwag kang mag-aalala."
"Kung mamamatay ka huwag sa harap ko!" she cried her heart out.
Death, scares her. Not for herself, but for the people around her. She can't stand seeing anyone die and she can't do anything. Her Yaya died, in her sleep due to cardiac arrest. She blamed herself, if she wasn't sick that day and let her Yaya go home. Baka buhay pa ito, her Yaya died taking care of her. It was the most darkest part of her life.
Seeing someone you knew lifeless was traumatizing. It took her four months to get over that incident, alam niyang sa sarili niya sinisisi siya ng mga anak ng Yaya niya. Her Yaya's life evolved around her because her Yaya thinks she needs her the most.
Kung sino pa ang taong mahalaga sa kanya ito pa ang kinuha. Ito pa ang nawala.
She may hate the Prince at times, but she cares for him. He's just a lonely soul like her.
BUMALIK sila sa puwesto nila. Habang siya ay nahihiya pa rin sa ginawa niyang pag-iyak. Bitbit niya ang mga prutas, habang ang Prinsipe ay hila-hila ang malaking baboy ramo. Mukhang marami-rami silang makakain hanggang hapunan. Nang makarating sila sa tagpuan ay may huli ring isda sila Trevian, samantalang si Mizchell ay may dalang mga buko.
Kumaway-kaway pa si Mizchell nang makita sila. Tumayo naman si Trevian mula sa pagkakaupo at nagtungo sa kanila, lumapit ito sa Prinsipe at tumulong na hilahin ang dambuhalang baboy ramo.
"Mukhang magkakaroon ng isang malaking hapunan ngayong gabi. Magaling ka talaga Vard!" pagbati pa ni Prinsesa Daiana na tuwang-tuwa. Kulang na lang mapunit ang labi sa sobrang ngiti.
Ang mga lalaki ay nagtulong-tulong upang lutuin ang baboy ramo. Habang siya ay hindi pa rin makalimutan ang nangyari sa kanila. They almost died, she felt really emotional. She had decided to arrange things, kaysa magmukmok. Dahil ang Prinsesa ay walang ibang ginawa kundi pagmasdan ang Prinsiping walang pang-itaas. Kahit sila Trevian, at wala ring pang-itaas.
Siya naman ay inaayos ang mga prutas na dala at ang mga isdang inihaw na nahuli nila Trevian. Halos ilang oras pa lamang ang lumipas na narito sila kagubatan ay ikamamatay na niya. Paano pa kaya ang tatlong araw? Kailangan na rin nilang mag-umpisang hagilapin ang mga bagay na hinihingi sa kanila.