MALAKAS ang ihip ng hangin, malakas rin ang buhos ng ulan. They had to stay in the small cave, kailangan muna nilang patilain ang ulan saka sila ulit maghahanap ng kweba. Habang nasa loob sila ay kumakain sila ng mga prutas. Kahit na malamig sa labas ay ang apoy naman ang nagsisilbing pamatay nila sa lamig. Sa ganitong panahon gusto niyang uminom ng kape. Tapos humilata, but things are different.
Habang tumatagal ay napapalapit siya sa binatang si Trevian. Likas kasi itong masayahin at sa tuwing bumubusangot siya't natatahimik ay kinakausap siya nito at pinapatawa. Habang ang lahat ay tahimik, dahil na rin siguro sa presensya ng dalawang maharlika. They couldn't keep up, kahit na gustong dumaldal ni Mizchell ay 'di nito magawa. Paulit-ulit itong nag-uumpisa ng kwento, kapag napapansing nitong nanunuod ang Prinsipe at Prinsesa ay natatahimik ito.
Hindi mapakali si Mizchell gusto nga niyang matawa, si Kremor naman ay prenteng nakasandal. Hindi na nakatiia si Mizchell at lumipat na sa pwesto nilang dalawa ni Trevian. Tumabi ito kay Trevian at ngumisi sa kanya.
"Kumusta?" tanong nito na may malaking ngiti sa labi.
Ngumiti siya rito. "Tingin mo?"
Both Trevian and Mizchell chuckled. Hindi naman talaga maganda ang sitwasyon nila, paubos na ang araw ngunit ni isa ay wala pa silang nakuha.
"Ito naman! Pwedi bang makipag-usap?" he said almost whispering.
"Hindi pa ba pag-uusap ginagawa natin?"
Tumango-tango ito, "Oo nga naman. Sabi ko nga."
"Sa tingin niyo magagawa natin ang misyon?" Trevian asked as he bites at his apple.
She squinted her nose. "Huwag nga kayong mag-isip ng nega."
"Nega?" they both said in unison.
"Nega, negative!"
"Kakaibang salita, ngayon ko lamang iyan narinig sa tanang buhay ko." Trevian said while nodding.
"Kakaiba 'ata ang iyong salita, Binibini." Komento naman ni Mizchell.
"Kakaiba kasi ngayon niyo lang narinig. Kakaiba naman kasi lahat kapag bago sa paningin at pandinig," she said as she glanced at the Prince and Princess who was both silent.
"Ano ba ang ibig sabihin no'n?" Mizchell said as he raised his right brow.
"Ang ibig sabihin noon at negatibo. Kaya huwag kayong mag-isip ng negatibo. Malay niyo, makompleto natin ngayong araw. Pero kapag hindi natin nakompleto, ipapakain kita sa leon."
Namilog ang mata ng binata, "Teka ba't ako?!"
"Ikaw lang lang. Kasi makulit, lahi mo!"
"Grabe naman 'to, bakit ako? Maraming iiyak na babae kapag nawala ako. Saka ako lang ang magdadala ng apeliyido ng pamilya namin—"
"Masyadong kang madaldal Mizchell. Nakakarindi, dinaig mo pa ang manok putak nang putak!" Trevian commented which made her laughed.
"Kanina pa 'ko bagot na bagot, ayaw ko namang matulog. Anong gusto niyong gawin ko? Makipagdaldalan sa mga Maharlika?" pabulong pang saad ni Mizchell.
"Bakit? Bawal ba silang kausapin?" she asked.
Umiling ito, "Hindi naman sa ganoon pero naaasiwa ako makipag-usap sa kanila—"
"Maari mo naman silang kausapin dahil sasagot naman sila. Hindi naman sila pipi o bingi, tao rin naman sila. Iba nga lang ang estado," kibit balikat niyang saad.
Tumingin sa kanya si Trevian. "Hindi ka ba naiilang kausapin sila? Mataas ang antas nila sa buhay—"
"Tapos ako mababang uri?"
Mas mabilis pa sa alas kuwatro itong umiling. "Hindi naman ganoon ang ibig kung sabihin."
"Pero iyon ang pinupunto mo," napakamot pa sa ulo ang binata dahil sa tinuran niya.
"Huwag kang maniwala sa kanya, totoo ang sinabi niya! Gusto niya lang makapuntos sa sa 'yo," pabiro namang ani ni Mizchell upang mabawasan ang tensyon.
Alam naman niyang hindi masama ang intensyon nito. Sadyang minsan, napaka maldita niya lang talaga.
"Alam ko namang wala kang masamang ibig sabihin. Kaya ikalma mo iyang puso mo, malay niyo maging kaibigan niyo pa ang isa sa mga Maharlika. Kaya huwag kayong snob, pansinin niyo at kaibiganin— Putang ina!"
Napasigaw silang lahat sa gulat nang bigla umuga ang lupa habang patuloy pa rin ang malakas na buhos ng ulan at ihip ng hangin. Trevian and Mizchell, protected her. They held her arm, in case of anything will happen.
"Kumalma kayo, mawawala rin iyan." The Prince tried to console them.
Ngunit palakas nang palakas ang pag-uga ng lupa. Tumayo ang Prinsipe, ngunit napaupo pa rin ito dahil sa lakas pa rin ng pag-uga. May mga bitak-bitak ng nahuhulog kaya kinakabahan na siya sa nangyayari.
"Mukha kailangan nating lumabas kundi baka hindi na tayo makalabas!" naaalarma niyang saad.
They all decided to take their things as they tried to crawl to get out. Biglang bumigay ang harap ng kuweba. Kremor almost died whe he tried to escaper first, nahulog ang mga malalaking bato sa harapan nila. Ang bukana ng kuweba ay sirado na. At ang pag-uga ay unti-unting nawala.
The Princess began crying and panicking, kahit siya man ay gustong maiyak sa sitwasyon. Paano sila makakalabas sa kuwebang ito? Kung ang bukana nito ay natatakpan ng malalaking mga bato.
"Huwag kang umiyak, Daiana. Dahil ang pag-iyak mo ay walang magagawa," the Prince said and pat Princess Daiana's head.
Hindi sumagot ang Prinsesa ngunit yumakap ito bigla sa Prinsipe. Ang pisngi naman niya ay namula sa nakita. Iniwas niya pa ang tingin niya, ngunit sa pag-iwas niyang iyon ay ang mata nilang dalawa ni Trevian ay nagkasalubong. Nagpanggap siyang wala siyang nakita, hindi lang talaga siya sanay sa ganoong tagpo.
"Puwede naman kasing umiyak lang walang yakapan, sana nagsabi! Nakakagulat, ha!" ani niya sa isipan.
"Paumanhin ngunit kailangan nating makalabas dito, Kamahalan." Walang kabuhat-buhay na saad ni Kremor habang hawak-hawak ang brasong namumula.
Humiwalay naman agad ang Prinsipe sa Prinsesa, Princess Daiana's eyes misted in tears. Habang siya ag nanginginig na sa kaba, tila nagbabalik siya sa panahong nakilala niya ang kakambal ng tubig ng karunungan. His voice kept echoing on her mind, hindi niya mapigilang mapahawak sa ulo. Nakaramdam siya ng kirot nang maaalala ang pangyayaring iyon.
"Kunin niyo ang mga gamit niyo, sa tingin ko ay hindi lamang ito maliit na kuweba." The Prince said and took bis sword with him.
Sumunod naman ang Prinsesa sa kanya. They all did, kinuha nila ang kanilang mga gamit. Naunang lumakad ang Prinsipe hawak ang espada at ang garapon na naglalaman ng apoy.
Kung kanina ay nasa may bukana lang sila ngayon ay binaybay nila ang loob, pakipot nang pakipot ang daan kaya they have to walk one by one kundi magkakabungguan sila. Ngunit nahinto sila dahil pader na lang ang meron sa loob, wala ng lagusan.
"Bumalik na lang tayo at ipagtulakan na lang natin ang mga bato sa may bukana," the Prince ordered.
Luminga-linga siya at eksaktong may butas na kasya ang tao sa may bandang kaliwa niya. Ngunit may kataasan iyon, mahihirapan pa rin silang abutin iyon.
"Teka, may butas roon!" aniya niya jay Trevian habang itinuturo ang butas sa may ibabaw nila.
Tumingala lahat dahil sa sinabi niya, matapos ay nagkatinginan sila ng Prinsipe.
"Kailangan nating pasukin iyan, bakandaan iyan palabas sa kung saan. Handa ba kayong lahat?"
"Paano kung hindi Vard?" sabat naman ng Prinsesa na ngayon ay kalmado na.
"Isa muna sa atin ang aakyat riyan kapag nasiguradong may madadaanan pa ay babalik rito. Kapag wala ay kailangan nating piliting makadaan sa may bukana."
"Ikaw ba ang pupunta kamahalan?" Trevian asked.
The Prince Vard nodded, "Ako ang unang papasok. Kapag nasigurado ko babalik ako rito—"
"Paano kung mapahamak ka Vard?" nag-aalalang tanong naman ng Prinsesa at hinawakan ang Prinsipe sa braso nito.
"Magiging maayos ako, huwag kayong mag-alala. Ang kailangan lang natin gawin ay gumawa ng daan para makaakyat riyan sa taas," nasa may ten feet o higit rin ang taas ng kung saan nakalagay ang butas.
Nagpatong-patong ang apat na kalalakihan, upang maiangat si Prinsipe Vard. Nasa pinakababa si Trevian, sumunod naman si Kremor at ang pangatlo ay Mizchell. Habang umaakyat ang Prinsipe, sa pagitan ng mga ito, the Prince successfully went up the hole. Sumunod rin si Mizchell na nakaakyat sa butas.
"Sa tingin ko ay makakaakyat tayong lahat rito," boses iyon ng Prinsipe na nag-echo. "May daanan rito" he said as his voiced echoed.
"Ang Prinsesa ang dapat na maunang umakyat," suhestyon niya.
"Teka may lubid ako rito, dala-dala ko pala 'to." Mizchell said. Ibinaba nito ang isang lubid na may kahabaan.
Bumaling siya sa Prinsesa. "Itali mo sa katawan mo ang lubid."
"Bilisan niyo!" the Prince voiced echoed again.
Bumigaw na si Trevian at napaupo na lang ito. Kremor on the other hand landed perfectly. Dinaluhan niya agad ang binata. She checked him if he had any bruises or whatsoever.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong. Trevian was sweating like s**t. Butil-butil ang pawis nito.
"Masyadong mabigat si Kremor. Namanhid na ang katawan ko," he said as he stretched his arms.
"Ang hina-hina mo naman!" pabirong komento ni Mizchell.
"Sana mahulog ka," asar rin ni Trevian.
"Kaya mo pa ba?" she asked.
"Kaya ko pa. Mauuna kayong aakyat ng Prinsesa. Ayos lang ba iyon kamahalan?" ani nito habang bumaling sa Prinsesa nakunot ang noo.
"Bilisan niyo na nga!" Princess Daiana said, her forehead creased.
"Kumapit kang mabuti, Kamahalan dahil hihilahin kita pataas. Kahit ang sarap mong ihulog—"
"Mizchell!" saway ni Trevian na ikinatawa ni Kremor.
"Kayo naman hindi ba pweding magbiro? Hindi ba kamahalan?" ani nito habang hinihila ang
Prinsesa paakyat. "Ambigat mo pala Kamahalan, kumakain ka ba ng bato?"
Hindi na niya mapigilang mapangiti sa komento ni Mizchell. Alam naman niyang nagbibiro lang ito, pero ang Prinsess ay hindi mahilig sa mga biro. Hindi niya makita kung ano ang reaksyon ng Prinsesa dahil nakatalikod ito sa kanila. Ilang hila pa ay nakaakyat na ang Prinsesa. But what shookt them was she slapped Mizchell right after she went up.
"Hindi ako mabigat!" galit nitong saad.
She wanted to laugh hysterically.
"Ikaw kasi, eh!" ani niya habang pinagmamasdan ang lalaking nakanganga pa rin sa gulat.
Sunod siyang pinaakyat ni Mizchell, hindi na ito nagkomento sa timbang niya. Tinawanan niya lang ang namumulang mukha ng binata. The whole was enough for two people to move. When she was up there, Princess Daina was sitting quitely. She couldn't see the Prince. Hanggang sa silang lahat ay nasa maliit na lagusan, nagsisiksikan. Minutes later, the Prince came back. He was sweating bullets, hindi niya mawari kung ano ang reaction nito.
He was about to open his mouth.
"Ano ba! Kremor ha amoy na amoy ko na ang bulok mong hininga!" it was Mizchell again. The atmosphere was filled with laughter again, napahalakhak siya sa komento nito.
"Mga dugyot," komento naman ng Prinsesa.
Akmang sasagot pa sana si Mizchell na nakabusangot pero tinakpan na ni Kremor ang bibig nito.
"May daanan rito, hindi ko nga lang alam kung may hangganan ba ang mga lagusan rito." Biglang saad ng Prinsipe, "maaari kayong lumabas na rito sa butas."
Biglang tumalon ang Prinsipe pababa. Sumunod naman siya rito, she crawled like a toddler playing in the playground. Hanggang sa marating niya ang dulo, she gasped when she saw what was their. May mga bungo ng tao at hayop na nakakalat. Nanginginig siya sa nakita, she tried to calm herself but a force pushed her down kamuntikan na siyang magpagulong-gulong. The Prince held her safely in his arms.
"Thank you," she said and avoided his gaze. Kahit pa manginig na siya sa takot sa nakita.
"Minumura mo ba 'ko?"
"Siraulo! Ibaba mo nga ako," nagpupumiglas siya sa hawak nito.
Maingat siya nitong ibinaba. At pinagpagan nita ang sarili She could feel an intense stare at her, she knew it was the Princess. She pretended not to notice. Instead she looked around.
She saw another hole, naglakad siya patungo roon. But she tripped and fell down, she screamed as she close her eyes tightly as her whole life flashbacks. Tumama ang katawan niya sa bato, sa sobrang sakit na pamura siya.
"Missy!" she heard them scream.
"Putang ina!" pain invaded her system, sobrang sakit nang pagkabagsak niya. Iminulat niya ang mata niya, "s**t!"
Dali-dali siyang umatras sa takot. It was a skull! She was shaking in fear, that her knees wobbled. Bumigay na ang tuhod niya at napa-upo na lang siya.
"Missy, ayos ka lang ba diyan?" it was the Prince voice.
But she couldn't say anything, she was too scared to say anything. Her tears were streaming down her face. Hindi na niya sinubukan pang luminga-linga: Una, dahil sa takot na makakita na naman siya ng kung ano. Pangalawa, sobrang dilim halos wala itong makita.
Isang malakas na natunog na nagmula sa butas kung saan siya nahulog ang nagpasigaw sa kanya.
"Ako 'to, huwag kang matakot!"
She felt someone was walking towards her. She could hear the foots steps. She jolted when she felt someone held her hand.
"Boss?" sinisinok niya pang tanong. It was the familiar warmth she always feel whenever she's with the Prince.
"Ako 'to. Hindi ka ba nasaktan?"
Umiiling siya at pinahid ang kanyang mga luha.
"Ayos lang ba kayo diyan?" a voice echoed.
"Oo! Bumaba na kayo rito, dalhin niyo ang ilaw."
She held his hand, not wanting to let go. Whenever he is near, she felt safe. The only thing she want right now is to be safe.