ILANG araw na silang nag-eensayo, at ilang araw ng bugbog ang katawan niya. Ilang araw na rin siyang parang tangang iniiwasan ang amo niya. Hindi rin naman gumawa ng kabulastugan sa kanya, ramdam rin ata nitong ayaw niya itong kausapin. Not because she is mad at him, but because she feel sorry for him. At tuwang-tuwa naman ang Prinsesa sa pag-iwas niya sa Prinsipe, ito naman ang panay dikit sa binata. Kahit pa hindi siya nito kibuin, masaya na ito sa tuwing magkatabi sila sa salas o kaya sa teresa.
The other Maharlika's are busy too, they were all focusing on improving their selves. Kahit siya mismo ay inihahanda ang sarili, dahil paulit-ulit niyang napapanaginipan ang kamatayan niya. She had been sleepless for days, dahil sa panaginip niyang iyon. Paano kung mamamatay talaga siya dahil sa katangahan niya? Gabi-gabi niya ring iniisip ang tiyan niya, paano kung mamatay siya at hindi na niya ito muling makita pa? Labis na pangungulila ang nararamdaman niya para rito. Miss na miss na niya ang tawa nito at ang mga mahigpit na yakap nito, kung dati ay naalibadbaran siya sa yakap nito, kung sana maibabalik pa ang panahon. Yayakapin niya ito nang napakahigpit. Dahil hindi niya alam kung makakabalik pa ba siya sa mundo niya o kamatayan ang aabutin niya rito.
Ngayong araw ay linggo, ang araw ng pahinga nila. Pero ang pagiging alalay niya ay walang pahinga, she had to wake up early to prepare foods and even his bath. Kung dati siya ang pinagsisilbihan ng yaya niya, ngayon ay siya na ang nagsisilbi. Wala naman problema iyon dahil marunong naman siya sa mga gawaing bagay, ang wala lang siya ang mahabang pasensya pero nang mapadpad sa Ardeun ay hindi na siya madaling mainis. Nagkaroon siya ng pasensya sa lahat ng bagay.
"Missy maglinis ka nga ng buong bahay," utos ng kaisa-isang babaeng Maharlika sa bahay. Walang iba kundi si Prinsesa Daiana.
Halos umusok na ang ilong niya sa inis, ngunit pasimple na lang siyang umirap habang nakayuko. Tumango siya rito.
"Opo," maiksing sagot niya.
"Mabuti naman at nilalayuan mo na ang Prinsipe. Mabuti ang naging desisyon mo, trabaho lang ang dapat mong atupagin at hindi ang pang-aakit sa Prinsipe."
"Hindi ko naman 'ho inaakit dahil hindi naman ako kaaakit-akit, at wala akong gusto sa amo ko. Sinisigurado ko ring maayos ang pagtatrabaho ko, Kamahalan."
Hindi niya mapigilang mainsulto sa tinuran nito. Bakit ganoon na lamang kadumi ang iniisip nito sa kanya, mukha ba siyang haliparot? Mukha ba siyang marunong magmahal? Eh, buong buhay niya ay mha kaibigan at ang tiyahin lang naman kasama niya. Nagkakaroon siya nang-atraksyon sa lalaki ngunit hanggang doon lamang. She never entertained any men, as a promise to her Aunt that she'll graduate first before having a boyfriend. Sadyang matigas rin ang puso niya pagdating sa mga lalaki.
Iniwan niya ang Prinsesa at nagtungo sa teresa baka isa pang maling parating nito masakpak niya na. Wala na siyang narinig na salita mula rito nang tumalikod siya. Mukhang ito ang kailangan ng pampagising dahil walastik kung mag-isip. It has always been her spot, the only spot she feel safe and calm. She just love seeing the beautiful scenery.
"Bakit hindi mo 'ko ginising?"
She jolted in surprise when she heard his voice. It was the Prince, halatang kagigising lang nito, magulo ang buhok nito at kusot-kusot ang damit na pantulog. Ngunit, hindi nagbago ang mukha nito. He even looked handsome with his morning look, samantalang siya tuwing umaga mukhang sinabunutan dahil sa sobrang gulo ng buhok niya.
"Paumanhin, akala ko ay nanaisin niyong magpahinga ng matagal."
Umiling ito, "Masyadong mahaba ang aking tulog. Paki dalhan na lang ako ng pagkain sa 'king silid."
Bago pa siya makasagot ay tumalikod na ito sa kanya. Naiwan siyang nakanganga. Gusto niya pa sanang umangal, dahil nakakapagod mag-akyat panaog sa hagdan. But who is she to complain? Wala siyang nagawa kundi bumaba at ipaghanda ang kamahalan ng pagkain. Para siyang bubuyog na bulong nang bulong. Parang tangang kinakausap ang sarili, ipinaghanda niya ito tinapay, karne, itlog at kape. Dahil kapag hindi ito nakainom ng kape, dinaig pa nito ang babaeng may regla.
After arranging the things she needed, maingat siyang naglakad paakyat ng hagdan. Isama mo pa ang bestidang suot niya, she had to be careful or else baka magpagulong-gulong siya sa hagdan.
When she reached his room.
"Boss Kamahalan," she uttered.
Naasiwa siyang tawagin itong Prinsipe kaya kung anu-ano ang tinatawag niya rito.
The door still didn't open, hirap na hirap na siya sa bitbit niya.
"Kamahalan!" pigil sigaw niyang usal.
Ngunit hindi pa rin bumukas ang pinto. Kating-kati na ang paa niyang sipain ang pinto, but she reprimanded herself.
"Prinsipe!"
She was about to curse but the Prince opened the door, he was half naked. He was only wearing his pants, her eyes widen in disbelief. Kamuntikan pa niyang mabitawan ang hawak na tray.
"Ano tutunganga ka na lang ba diyan?" walang ganang saad nito.
Napalunok siya sa dahil sa hiya, she entered the room with her cheeks burning red. Gusto niyang bulyawan ito dahil hindi ito nakasuot ng pang-itaas.
"Ilapag mo iyan sa lamisita," turo pa nito sa maliit na mesa na nasa may binata.
Naglakad siya papalapit roon at maingat na inilapag ang tray, inayos niya pa ang pagkakalagay ng mga pagkain sa mesa.
"Ngayon ay kailangan kitang makausap."
Nanigas ang katawan niya sa narinig, ano pa ba ang dapat nilang pag-usupan? Halos mamawis na ang ilong at ang kili-kili niya sa kaba. She was praying silently to God, that he would not kill her. Baka galit ito sa pagbulya niya rito. Gusto niyang humarap pero mas nanaig ang kaba at takot niya kaya nanatili siya sa ganoong posisyon. She was facing the window, she could see how calm the weather is. Samantalang ang puso naman niya ang naghaharumintado sa kaba at takot.
"Kabastusan naman kung kakausapin kita at hindi ka haharap sa 'kin." Dagdag pa ng binata.
She bit her lower lip to calm herself, "Pwede naman sigurong nakatalikod 'di ba? Usap lang naman sinabi mo. Hindi mo sinabing mag-usap ng mahkaharap."
"Kahit kailan talaga, wala 'kong makukuhang matinong sagot sa 'yo. Bueno, alam kong iniiwasan mo 'ko. Ngunit masyado na akong nag-aksaya ng oras, kailangan kong malaman ano ang pinag-usapan niyo ng tusong tubig ng karunungan."
She sighed in relief, "Ang sabi niya hindi nga niya makita kung ano ang ibibigay sa 'yo dahil hinaharangan ang mahika niya. Ang tanging saad niya lang ay may misyon ka sa buhay mo."
"Anong misyon?"
"Hindi ko nga alam kasi, iyon lang ang sabi saka ito naglaho bigla!"
"Wala bang sinabi na malapit na ba akong magkaroon ng kapangyarihan?"
She rolled her eyes, alam naman niyang hindi siya nito nakikita. Kaya kampante siya sa pag-ikot ng mga mata niya.
"Wala nga, ang kulit ha!"
"Kailangan ko ng magkaroon ng kapangyarihan bago tayo sumabak sa misyon. At lalong-lalo na bago ang kaarawan ng aking ama. Dahil lahat ng aking angkan ay naroon, lahat ng mga maharlika ay dadalo. Kundi mapapahiya ako at ang aking angkan!" he said, masyadong itong nagpapanic samantalang siya kinakalma ang sarili.
"Hindi ko nga alam, kung ano man ang ibibigay sa 'yo maghintay ka. Malay mo ay masyadong maganda ang ibigay sa 'yo," she said still facing the window.
"Ang mundo ng Ardeun ay umiikot sa mahika. Kaya hindi maaring ako ang kauna-unahang pumalpak sa aming angkan, walang silid para roon!"
Nakaramdam siya ng awa sa binata. Alam niyang masyadong mahirap hanapin ang lugar nito sa Ardeun kung ito ang kauna-unahang hindi magkaroon ng kapangyarihan. Noong bata siya, hindi niya maintindihan kung bakit wala parati ang mga magulang niya. Noong, una pilit niyang kinukumbinsi ang mga ito na umuwi. Kahit ilang balde ng luha ang niya ay hindi kailan man umuwi ang mga ito. She was too young to be heart broken, her schoolmates always came to school with their parents. She had no one, she tried to please anyone. She is only a child who longs for affection and love, but they didn't gave her. All she had was pain. Mahirap ipagsiksikan ang sarili mo sa ibang na alam mo namang hindi para sa 'yo.
Patunay ang mga magulang niya, kung kailan ito nagdesisyon na dalawin siya ay naaksidente ang mga ito.
Hindi niya mapigilang mapaharap rito, "Wala tayong magagawa sa nakalaan sa 'yo. Ngunit paniwalaan mo ang sarili mo, dahil walang ibang gagawa noon kundi ikaw. May mga bagay na hindi para sa 'yo pero may nakalaan namang para sa 'yo. Hindi man iyon ang gusto mo, pero iyon ang ibinigbigay sa 'yo ng tadhana. Huwag kang mag-isip ng negatibo. Maniwala ka sa kakayahan mo."
She said and excused herself. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa kaba. She had been thinking of the Prince lately, and what does the destiny wants from them.
SHE was sitting in the bench. She tries to stop herself from overthinking, but she can't. Her mind swirls and kills her peace. She tries to fit in, but she can't. People always makes her feel that she is the ugly duckling. She couldn't help but stare at the sky sadly.
"Mukhang malalim ang iyong iniisip," a man suddenly spoke out of nowhere.
"Malalim sa sobrang lalim nakakalunod," she smiled sadly.
"Huwag kang magpakalunod, kundi damhin mo ang bawat hapas ng alon. Kumawag ka at umusad, Anak."
Anak.
Kailan niya ba huling narinig ang salitang iyan? Hindi na niya halos matandaan. Hindi na niya matandaan kung ano ang pakiramdam ng tawagin bilang anak.
"Malakas kang bata, Missy. Lumaki kang malakas habang wala kami."
She doesn't know why her tears fell like heavy rain. Was it her Dad? Or a stranger. But she was too scared to look at his face, hindi na niya matandaan ang istura ng ama. Hindi niya kayang tignan, dahil baka pagtumingin siya ay maaalala niya lahat ng sakit at pait na dulot ng mga ito.
"Anak, sana mapatawag mo kami. Hindi mo man kami nakasama lumaki, hindi man namin nakita kung gaano ka kaganda at katalino. Pero masaya kami sa iyong narating. Mahal na mahal kita Anak."
"Papa!" she screamed as she wakes up.
She never had a memory with them. She only have dreams of them. When she dreams about them, she's happy and sad. Because those dreams she wished were true. She never heard them say sorry for abandoning her, they never said they were proud if her. All she can do is to dream about the things that never happened.
She dreamt of always being home.
But where does her heart really belong?
Her heart was broken, and her parents were the one who broke her heart. They left a big hole no one could ever fill