"MAGANDANG UMAGA sa inyong lahat, ngayong araw na ito ang umpisa niyo sa pagsasanay. Ang iilan sa inyo ay alam kung mahusay na dahil kinalakhan na ang pag-eensayo samantalang ang iba ay bago pa sa ganitong bagay. Magkakaroon kayo ng pagsasanay sa tulong ko at sa iba pang guro. Ito ang huling kabanata niyo bilang mag-aaral ng Ardeun, dahil haharapin niyo na ang inyong kapalaran at ang totoong mundo sa labas ng paaralang ito."
Ani ng guro nila. Wala siyang halos maintindihan sa sinasabi nito, ang tanging nasa isip niya lang ay ang walang humpay na katanungan at problema sa buhay niya ngayon. Matapos niyang makausap si Ginang Victorina ay mas lalong gumulo ang lahat, dahil kahit ni isa sa mga tanong niya ay wala itong masagot. Mismo ito ay nangangapa sa sitwasyon niya.
"Hindi lang ang inyong lakas ang ating sasanayin, pati ang inyong isipa ay ating sasanayin rin. Dito makikita kung sino ang inuuna ang emosyon at ang utak. Makikita kung sino ang tunay na namumuno pagdating sa ganitong mga sitwasyon. Ngunit bago iyan, ay may nais akong ipakilala sa inyong lahat."
A man came, walking towards them. His aura was screaming authority and calmness. Everyone gasped, women giggles when he waved his hand and smile at them. Some boys fan-boy over him, the people who aren't happy or has no reaction was the Maharlika's and her. She just shrugged her shoulder. Nahagip ng mata niya ang Prinsipe, he wasn't smiling and his reaction turned sour. Nang magkasalubong ang kanilang mata ay agad siyang napaiwas. Iniiwasan niya pa rin ang binata, she still does her work. Prepare for his meal, his bath and clothes. But when she finishes her tasks, agad siyang umaalis. She never talked with anyone, kahit mismo ang team Muchassie ay iniiwasan niya rin.
Everything is too much for her, parang sirang plaka na paulit-ulit niyang naririnig ang binitawang salita ng kakambal ng tubig ng karunungan.
Nang makalapit na ang lalaki sa puwesto nila ay tumabi ito sa guro nila. Yumuko pa nga ang guro nila upang magbigay galang sa lalaki. Kahit mismo ang iilan na naroon ay nagbigay galang rin. The man smiled, showing his perfect set of teeth and his dimple. His gray eyes screams for familiarity.
"Magandang umaga sa inyo mga magagandang nilalang! Kaya ako naparito ay upang panoorin ang inyong pag-eensayo at upang dalawin ang aking nag-iisang kapatid," ani nito at bumaling kay Prinsipe Vard.
Namilog naman ang mga mata niya sa gulat, doon niya lang napagtanto na magkahawig pala ang dalawa. Kaya pala pamilyar ang mga bata, dahil parehong kulay abo ang mga mata ng dalawa. Mas lalong ikinagulat niya ay bumaling ang lalaki sa kanya at ngumiti, ang initial reaction niya ay tumaas agad ang kilay niya. She saw him grinned, saka lang niya napagtantong kamalditahan na naman ang pinairal niya. Ang kamalditahan niya talaga ang magpapahamak sa kanya.
Matapos ang kung anong diskusyon ay pinapila silang lahat na naayon sa sandatang napili nila. Samantalang siya at ang Prinsipe ay nakatayo sa isang sulok. They were the isolated one, lahat sa kanila ay grupo-grupo. However, Princess Daiana isn't happy with them being together. Halos saksakin na siya nito sa titig, kamuntikan na niya rin itong tignan ng masama. But she just smiled at her evilly.
Ang magkaparehang napili na sandata ay si Berni at si Ceilo, ang tadhana nga naman ang gumagawa para sa kanilang dalawa. They were destined to choose archery, habang si Aleira naman ay napili ang espada. Their master grouped the students according to their chosen weapon. Ipinaglaban-laban nito ang mga studyante upang makita kung hanggang saan at kung ano ang alam nila. But for her and Prince Vard, they were ordered to try every weapon.
Their first stop was Archery, hindi kagaya ng pana na natutunan niya noon. Iba ang kagamitan rito sa Ardeun, ibang-iba sa nakasanayan niya.
"Ngayon ay kailangan ko kayong dalawa na patamaan ang mansanas na nasa may kalayuan," ani ng guro. Tukoy nito sa mansanas na ilang metro ang layo sa kanila.
Her hands were already trembling, she's panicking that what if she'll fail and disappoint everyone? Even the Gods and Goddesses who choose her, baka mapagtanto nila na mali sila ng taong ipinadala. Paano kung pagkakamali lamang ang pagkakahila sa kanya papunta sa mundong ito. Paano kung wala talaga siyang maitulong sa Ardeun? Ang alam lang naman niya ay protektahan ang sarili sa kung anuman. She wasn't trained to help and to save people, she was molded to become a tough woman.
"Pagbilang ko ng tatlo ay bumitaw kayo. Uno, dos," usal ng guro ay bumuntong hininga bago ipagpatuloy ang sasabihin. "Tres!"
Ang hudyat na iyon ay agad na pinaubaya niya sa kamay niya ang pagbitaw sa palaso. She closed her eyes tightly, too afraid to open and see herself fail.
"Mahusay kayong dalawa!"
It was the phrase that made her open her eyes widely, tinamaan niya ang mansanas ngunit daplis lamang. Bumaling siya sa mansanas na pinatamaan ng Prinsipe. It was perfectly stuck on the middle of the apple, it was bulls eye! Kamuntikan na siyang mapabaling sa binata at ngumiti, he was too good to be true. Kaya nagtataka siyang bakit ito natatakot na hindi magkaroon ng kapangyarihan? Eh sanay na sanay ito sa mga sandata, napakahusay nito sa lahat ng aspeto.
The next thing they tried was dart and dagger, they were ordered to hit an apple again. Tinitigan niya nang mabuti ang mansanas, kahit sana naman sa ngayon ay matamaan niya ang mansanas gamit ang punyal. They were ordered to let go at the count of three. And the same again, they both hit the apple but again the Prince hit the bulls eye. Samantalang siya ay natamaan niya pero hindi sa gitna mismo ng mansanas.
Masyado siyang mabagal at mahina kumpara sa prinsipe. She may had know how to use weapons, but she wasn't trained for the use of violence but for leisure time only.
Sa Ardeun ang layunin ay pakikipaglaban para mabuhay. Sandata patungo sa kapayapaan, samantalang siya ay dahil inutusan lang siya ng kaniyang tiyahin. Anong laban naman ng kanya? Her goal was just to have fun, unlike them. Their goal is to become one of the strongest people in Ardeun.
Ano nga ba talaga ang silbi niya sa mundong 'to? Ang mapahiya? Mapahamak?
"INIIWASAN mo ba kami?" Aleira asked.
Napalundag tuloy siya sa gulat, she had been staring at the sky blankly. She is too preoccupied that she didn't notice that Aleira already approached her. She smiled at Aleira who's looking at her with a tired smile.
"Hindi naman, masyado lang akong maraming iniisip." She tapped the chair beside her, umupo naman si Aleira at tumabi sa kanya.
"Bakit hindi ka sumasabay sa 'min at palagi kang nakakulong sa silid mo?"
"Masyado lang talaga akong maraming iniisip, tulad ng gusto kong umuwi sa 'min pero hindi pwede."
She just need someone to tell her thoughts right now. Masyado ng marami ang iniisip niya, baka sumabog na lang siya nang hindi na mamalayan.
"Maaari ka naman sigurong lumiban sa pagsasanay ng ilaw araw para bisitahin ang iyong tahanan," suhestiyon pa nito.
Umiling siya, kung sana ganoon lang din ka dali ay matagal na niyang ginawa. Halos isang buwan na siya rito, she had been dealing a lot with the crazy maharlika's. Dealing with the wrath of the Princess and the other students who thinks she's after the Prince.
"Kung sana pwede kaso hindi. Hindi ko alam kung makakauwi pa 'ko. Kung sana lang talaga maaari akong umuwi kahit saglit man lang kaso hindi pwede. May tungkulin ako sa Prinsipe kahit naman paminsan-minsan lang kami nagkakasundo."
"Pagpasensyahan mo na, ganyan talaga ang Prinsipe. Mabuti nga't nakakatagal ka sa kanya. Samantalang kami titigan man lang kami ay takot na kami, masyado kasi itong masungit at laging galit. Akala ko nga magkakagulo kanina dahil andoon ang nakatatandang kapatid nito," ani pa nito saka bumuntong hininga.
"Kapatid niya iyon? Bakit masyadong mabait tignan? Parang 'di makabasag pinggan, eh!"
"Mabait naman talaga ang unang Prinsipe, hindi kagaya ni Prinsipe Vard. Masyadong itong masungit at ayaw makipaghalubilo sa kung sino. Hindi kagaya ni Prinsipe Artheun na maraming nakakakilala at nagkakagusto dahil sa sobrang bait at maamong mukha nito!"
"Mabait talaga? Baka may tinatago naman iyang kasamaan. Maitim ang budhi ng mga magulang nito, baka siya rin."
Napahalakhak si Aleira sa tinuran niya. Totoo naman, masama ang ugali ng reyna at hari, masama rin ang ugali ni Prinsipe Vard. Kaya hindi malabong pamilya nga sila, minsan talaga napapaisip na lang siya baka ang misyin niya rito at pagbuhul-buholin ang pamilyang iyon nang matauhan naman na dapat sila mismo ay ihemplo sa mga nasasakupan nila.
"Akala ko talaga sasagutin mo ang reyna at hari. Alam mo bang kabadi kami nila Ceili at Berni, akala namin mapupugutan ka nang ulo dahil alam naman namin kung ano ang likaw ng dila mo!"
Eksaherada! Maldita naman talaga siya pero iba na kapag hari at reyna. Baka talaga mapakain siya sa leon at buwaya ng wala sa oras. Eh, mas lalo siyang hindi makakabalik sa tunay niyang mundo.
"Hindi naman ako ganoon, pero kamuntikan ng maputol ang pisi ng pasensya ko noong nakaraang araw. It was just too much to hear. Tandaan mo Aleira, tayong mga babae na hindi lumaki sa mayayamang pamilya ay hindi sayang. Ang mga taong ganoon mag-isip ay walang pinagkaiba sa mga taong hindi edukado," she knew Aleira was affected with the royal couple words.
Ang mga salita minsan ay mas masakit pa sa kung anong sandata. Ang mga sugat na gawa mula sa sandata ay naghihilom pero ang mga sugat na nagmula sa salita ay hindi basta-bastang naghihilom. Iyon ay tumatatak sa isipan at puso niya, kahit mismo sa kaluluwa. Words are too powerful, it can make anyone bleed to death. Hurt, without being touched, get kill without bleeding.
"Hindi ko maiwasang maisip minsan, kasalanan ba nating magmula sa mababang uri ng tao? Pinangarap ba natin na ganito ang sitwasyon natin?" Aleira asked sadly.
"Hindi natin kasalanan. Wala tayong magagawa dahil ito ang ibinigay sa 'tin ng nasa taas. Pero kaya natin itong baguhin. Maniwala ka, magbabago ang buhay mo! Maganda ka, matalino at masipag. Paniguradong magbabago ang iyong kapalaran."
SHE SNEAKED OUT of her room. She went to the Forrest at the back of their house. She just wants to see Santina. Baka isa ito sa makapagbigay linaw sa kanya. At baka makita niya ulit ang mga sagradong nilalang, maybe they can help her. Maybe they can guide her. She walked stealthily, making sure not to create any sound to attract anyone.
Mukha siyang akyat-bahay, ingay na ingay siya sa paglalakad. Gustuhin man niyang takbuhin ang hagdan, but she don't want to take risk. Nang makababa siya ay kulang na lang mapasigaw siya sa tuwa. She went at the back door and opened the door, she sighed when she saw fireflies and darkness. She closed the door as she went out. Naglakad siya nang naglakad hanggang sa makarating sa parteng maraming puno. The light she only have was the fireflies floating around the air.
"Santina?" tawag niya rito.
Ngunit wala siyang narinig kundi mga huni lang ng mga hayop. Pero hindi pa rin siya sumuko. Tinawag niya ulit ang pangalan nito.
"Santina? Andyan ka ba? Kailangan sana kitang makausap," parang tanga niyang usal. Kung may makakakita sa kanya, iisipin nilang may sira siya sa ulo. "Santina! I need your help."
Napaupo na lang siya sa damuhan, kailangan niya lang makausap ito. Baka sakaling makatulong ito sa sitwasyon niya.
"Binibini!"
"Sa wakas!"
Umikot-ikot pa ito sa harapan niya. Matagal na rin nang huli niya itong nakita.
"Paumanhin! Masyado kang akong naging abala, anong maipaglilingkod ko sa 'yo binibini?"
"Maari mo ba akong tulungan? Kailangan kong makausap ang mga sagradong hayop."
"Bakit naman?"
"Importante, may lilinawin kang ako sa kanila."
"Naku! Hindi mo sila mahahagilap ngayon dahil hindi pa ito ang unang araw ng buwan. Nagtitipon-tipon ang mga hayop sa tuwing unang araw ng buwan bilang pasasalamat sa mga Diyos at Diyosa."
"Kailangan ko kasi ang tulong nila. Baka sakaling sila ang maging susi sa 'king problema."
"Naku, paumanhin ngunit hindi kita matutulungan sa paghahanap sa kanila. Dahil iyon ang nakasanayan rito, tuwing unang araw lamang ng buwan nagsasalo-salo ang nga mahiwagang nilalang."
"Wala ba talagang ibang paraan para makausap ko sila?"
Umiling ito. "Paumanhin, Binibini. Ngunit wala talaga, at hindi kita masasamahan upang hanapin sila dahil masyado kaming abala ng mga dambana ngayong buwan. Dahil mag-uumpisa ng mamukadkad ang mga bulaklak sa buwan na ito. Nais man kitang tulungan ngunit, wala pa akong oras. Tumakas nga lang ako dahil nais kong makalanghap ng sariwang hangin at makaiwas saglit sa mga gawain."
Natawa siya sa tinuran nito, "Pasaway ka talaga, ano? Oh, kailangan na kitang iwan nang makapagpahinga ka saglit. Sa susunod nating pagkikita, Santina!"
Mukha wala rin siya mapagtatanungan iba.
Like the universe telling her to wait and let things happen.