Kabanata Bente Tres

1530 Words
"SA ARAW na ito, ay nais ko kayong igrupo. Sa bawat grupo ay may limang tao at magkakaroon kayo ng misyon. Hindi dito sa paaralan kundi sa isang lugar na mahahasa at masusubukan ang inyong kakayahan. Mananatili kayo roon ng tatlong araw, kailangan niyong makompleto ang misyon. Ang unang makakakompleto ay magkakaroon ng gantimpala. At sila ang unang sasabak sa totong misyon." Halos lahat ay natahimik, tila nag-iisip kung ano nga ba ang nag-aabang sa kanilang lahat. Lahat ng mga estudyante ay nakahilara, hindi naman masyadong mainit. Kalmado lang ang init, at ang ihip ng hangin ay presko. They were all focused at what Maestro Rezon uttered. He waved his hand and suddenly leaves fell down in their hand. "Ang hawak niyong mga dahon ay may mga bilang na nakalagay. At ang mga kapareha niyong bilang ay ang magiging kagrupo niyo. Ngayon kung sino ang nakabunot sa uno, dos, tres at sunod-sunod pa ay pumila kayo sa naayon niyong bilang. Kailangan niyong magusap-usap dahil mag dalawang oras lang kayo upang maghanda. Hindi kayo maaaring magdala ng mga pagkain at kung anu-ano pa. Ang tanging dadalhin niyo lang ay ang mga sandata niyo. "Magbibigay kami ng iilang mga gamot ngunit kailangan niyo lamang gamitin kapag kailangan na kailangan talaga. Limitado lang ang ibibigay namin sa inyo. Sa pagdating ninyo roon ay saka pa namin ibibigay ang misyon niyo. Makinig mabuti, tatlong araw lang ang itagagal ng inyong misyon. Kaya dapat sa tatlong araw na iyon ay magawa niyo lahat, maaari kayong mapahamak kaya mag-ingat ay alerto. Ang natutunan niyo sa ating pisikal na ensayo ay maaari niyong gawin. Hanapin niyo na ang kagrupo niyo." Lahat ay nagsikilusan habang siya ay ni hindi pa niya tinitignan kung anong numero ng sa kanya. Takot na takot siyang makasama ang grupo ng pabebe girls at ng Prinsesa. Dahil wala itong ibang ginawa kundi pagbintangan siyang maharot. Everyone went to their group habang siya ay hindi pa gumagalaw. She saw Aleira grouped with one of the twins, hanggang ngayon hindi pa rin niya ma-distinguish ang dalawa. Habang sina Berni at Ceilo magkahiwalay, hindi niya alam kung saan ang uno o dos, mukha siyang tanga nakatayo sa gitna. Waiting for everyone to find their respective groups. She tried to peek on the leaf she had, isang mata niya ang nakapikit habang ang isa ay nakabukas. She bit her lower lip to calm her senses, and when she looked at the leaf she saw tres written on it. "Sana naman sa magandang grupo ako mapunta, Lord. Pagpahingahin niyo po 'ko sa stress, baka naman!" she prayed silently. Nagpalinga-linga siya upang tignan kung nakapuwesto na ba lahat, siya lang ang tanging natitira sa gitna. She went to Aleira's group to ask. She poked Aleira's arm lightly. Saka lang siya nito napansin, ang kaninang nakabusangot ay napalitan ito ng napakalaking ngisi. "Kagrupo kita?" she excitedly asked. Para itong batang nabigyan ng candy. Napakamot siya sa ulo niya. "Hindi ko pa alam, magtatanong sana ako kung ano ang grupo mo?" Aleira pouted, "Kami ang unang pangkat. Ano ba nakalagay sa 'y—" "Binibining Missy!" biglang singit ng isa sa kambal. Tinaasan niya lang ito ng kilay. "Salubong na naman ang iyong kilay, Binibini. Maari bang ngiti ang iyong igawad sa 'kin at hindi ang iyong kilay na mapagmataas?" She almost rolled her eyes. "Paumanhin Kamahalan, ngunit kusang tumataas ang aking kilay. Maaari ko ba munang kausapin si Aleira ng kami lang dalawa?" Namula ang magkabilang pisngi ng binata sa tinuran niya. Agad itong tumango at tumalikod sa kanila. Hindi naman sa ayaw niya rito, o kung anuman sa katunayan ang kambal ang mas nakikihalubilo sa kanilang mga tagapagsilbi. Hindi kagaya noong isa at ng Prinsesa na walang ibang ginawa kundi ang mang-inis at manglait. "Pagpasensyahan mo na si Prinsipe Alveon dahil masyadong makulit pero mabait iyon!" "Ano ka ba, hindi naman ako galit. Naaasiwa lang ako sa kanila dahil sa estado nila," pangangatwiran niya. Naisin man niyang pantay na tignan ang mga ito, ngunit ang mga tao sa paligid niya ay parating galit sa kanya dahil sa ugnayan niya sa mga Maharlika. "Teka nga! Asa'n ba ang pangkat tres?" She even looked at the leaf she was holding to make sure it was really number three written in it. "Magkasunod-sunod na naman ata lahat," nagpalinga-linga ito. "Mukhang patuloy pa rin ang pagiging tagapagsilbi mo." "Ha?" nalilitong tanong niya. Sinundan niya ang tingin nito. "s**t!" Gusto niyang magmumura, dahil sa lahat ng kagrupo niya ang Prinsesa at Prinsipe. Mukhang itinadhana siyang maging manunuod ng tambalan nang dalawa. She grimaced when saw Princess Daiana staring at Prince Vard lovingly, habang ang Prinsipe ay nakabusangot. Mukhang bagot na bagot na ito sa mga nangyayari. Tinapik siya nang marahan ni Aleira. "Mukhang nakatadhana mong makasama ang Prinsipe." Nanlaki ang butas niya sa ilong nang dahil sa inis. "Pahamak na tadhanang iyan! Akala ko naman makakapagpahinga ako sa kanya at sa pang-aaway ng Prinsesa." Tumawa si Aleira sa itinuran niya, "Nakikiayon ang tadhana!" She rolled her eyes. "Nakikiayon o nagbibigay parusa?" "Heh! Puntahan mo na ang mga kagrupo mo," Aleira said while pushing her. Para siyang batong itinutulak upang takpan ang kweba. Kahit anong pilit niya mangbigatan ang sarili ay mabilis siyang naitulak ng kaibigan niya. "Dahan-dahan naman!" reklamo niya pa na ikinatawa ng dalaga. "Dahan-dahan, eh ang bagal mo! Ayaw mo 'atang pumunta kagrupo mo," pang-aakusa pa nito habang itinutulak pa rin siya. "Hep!" she said while raising her right arm. Parang nanunumpa kay kamatayan. "Bakit ba?" tumigil si Aleira sa pagtulak sa kanya. "Huwag mo na 'kong itulak, maglalkad ako ng maayos. Bumalik ka na sa mga kagrupo mo," ani niya habang umikot siya paharap sa kaibigan. "Hindi nga?" "Oo nga ang kulit ng lahi mo, ha!" Aleira sighed as she nodded, itinulak niya ang kaibigan ng marahan para pabalikin sa mga kagrupo nito. Nang naglakad na ang kaibigan ay siya naman ang pumihit paharap sa mga kagrupo niya na ilang metro ang layo sa kanya. Naglakad siya papalit sa mga ito, ni hindi mn lang siya ngumit o kung ano man. "Dito ba ang pangkat ikatlo?" walang kabuhay-buhay niyang tanong sa lalaking singkit ang mata. Namula agad ang tenga nito at mabilis na tumango. Ni hindi man lang ito nagsalita, o ipinakilala ang sarili nito sa kanya. He just turned his back at her and let himself be one with their group mates. Habang ang Prinsesa naman ay nakabusangot na ang mukha. Kung kanina ay abot langit ang ngiti nito ngayon ay kulang na lang sumayad sa lupa ang nguso nito. Prince Vard on the other hand did not care for her presence. Sila ay anim sa grupo, dalawang babae at apat na lalaki. Ang tanging pamilyar lang naman sa kanya ay ang Prinsipe, ang iba ay hindi niya kilala ang mga pangalan ng mga ito. "Dahil niyo ang sandatang sa tingin niyo ay sanay kayong gamitin," Prince Vard uttered. "Pero Vard, hindi ako masyadong maaalam sa paggamit ng sandata," Princess Daiana said while pouting. She almost rolled her eyes but she end up squinting her nose in disgust. "Kaya nga dahil mo lang ang sa tingin mo mas sanay kang gamitin," Prince Vard calmly said. She snorted and tries to reprimand her self from choking to death while stopping herself from laughing so hard. Masyado kasing pabebe girl as if naman the Prince is into her. Mas maniniwala pa siyang lalaki ang gusto ng Prinsipe dahil masyado itong mailap sa mga babae, maliban sa kanya na utusan nito. "Kamahalan, sa tingin ko ay mga damit, sandata at gamot lang ang ating kailangan dalhin." The man with long hair tries to converse in a polite way without disrespecting the Prince social status. Tumango-tango pa ang Prinsipe bago tumugon, "Walang pwedeng mandaya. Hindi maaring magdala o gumamit ng salamangka, kundi tayo ay matatanggal sa larong 'to. Panigurado, titignan nila kung ano ang mayroon tayo. Kaya ang kakayahan niyo ang paniwalaan niyo." "Opo, Kamahalan!" sabay-sabay na sagot ng tatlong lalako habang siya at ang Prinsesa Daiana ay tahimik na nakamasid sa kanila. "Ihanda niyo ang mga sarili niyo, dahil ito ang kauna-unahang misyon natin. Kailangan nating manalo, walang puwang ang pagkatalo!" The guy with longhair seems nice, with his cute smile. Para itong school heartthrob dahil na rin sa maamo nitong mukha, the two left seems average person but they do really look handsome. Ngunit wala pa rin makakatalo sa presensya ng Prinsipe. He stands out even without trying, tipong mapapalingon lahat kahit umubo lang ito. All of them decided to part ways to prepare things, samantalang siya she need to prepare for two people. Sa kanya at sa Prinsipe, they only have an hour and a half left to prepare things. Then they'll be facing a three day mission to test their ability and faith to oneself. Naniniwala naman siyang kaya niya, she don't want to attract negative energy so she thinks of positive things. Pero ano nga ba ang naghihintay sa kanila tatlong araw na misyon? Handa ba siyang makakita ulit ng nga kakaibang bagay? At handa ba siya na maaari niyang ikapahamak ang pagsusulit na ito? Sana nga matagumpayan nila at mahanap na niya ang mga katanungan sa puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD